Unduh Aplikasi
6.66% IN PAPA BEAR'S ARMS (MSV) / Chapter 1: CHAPTER ONE
IN PAPA BEAR'S ARMS (MSV) IN PAPA BEAR'S ARMS (MSV) original

IN PAPA BEAR'S ARMS (MSV)

Penulis: EX_DE_CALIBRE

© WebNovel

Bab 1: CHAPTER ONE

"Senyorita, hinihintay ka na po sa labas." imporma ng katulong na si Manilyn. Chi-chi often called her Yaya Mani.

"P-paki sabi, sandali na lang. I'll just fix my make-up." ani Chi-chi sa basag na boses.

Tumango si Yaya Mani bago tuluyang lumabas ng kwarto. Chi-chi stared at her miserable face from the mirror.

I'm getting married. Hell I am! Tila sirang plakang paulit-ulit na umuukil sa isip niya ang bagay na iyon. She couldn't believe it! Dahil sa utang ng kanyang abuelo ay mapipilitan siyang pakasalan si Hajii—ang mayabang na anak ni Don Artemio Sandejoval, mayor ng kanilang bayan. Kung tutuusin ay kaya naman niyang bayaran iyon dahil sa trust fund na iniwan ng kanyang mama, kaso ay tigas ang tanggi ng mayabang niyang Lolo. Ito daw ang umutang kaya ito ang magbabayad. At ang masama ay SIYA naman ang ginawang pambayad! Gusto lang yata nitong mawala na siya ng tuluyan sa poder nito.

Frustrated na binato niya ng lipstick ang kanyang replica sa salamin. Natigil ang kanyang pagmamaktol ng muling kumatok si Yaya Mani.

"I'm coming!" inis na bulyaw niya rito. Pagkunwa'y tila hirap na tumayo at tinungo ang pinto.

Sumilip si Chi-chi sa bintana ng kotseng kinaroroonan niya. Ten minutes na lang at mag-uumpisa na ang kanyang "kasal". Kitang-kita niya ang nakangising mukha ni Hajii na nagkataong napatingin rin sa kinaroroonan niya. Nanggigigil na isinara ni Chi-chi ang bintana. She never liked Hajii. Napakayabang nito. He always blabs about his family's wealth and power. At higit sa lahat—pangarap nitong makuha ang katawan niya! Urgh!

Hindi sa pagmamalaki, pero isa si Chynna Santillan o mas kilala sa tawag na Chi-chi sa mga pinakamagandang dalaga sa Boljoon—ang itinuturing na pinakamatandang bayan sa Cebu. Chi-chi doesn't just have the face, isa rin siya sa mga pinakamatalino sa kanilang eskwelahan. She took up Business Management and graduated as a Summa Cum Laude in St. Paul University.

Yet, she isn't perfect. Her worst traits are despicable. She's wicked; a spoiled brat in every sense of the word. Dahil ulila sa magulang, lumaki siyang salat sa pagmamahal. Ang kanyang abuelong si Don Jose Manuel ay mas mahal pa ang majhong kesa sa kanya. Nagrebelde siya sa magandang paraan—but only in terms of academics.

Dahil hindi lang miminsang naranasan niyang tumakas sa gabi upang sumama sa kanyang mga kaibigan sa gimmick at mapasama sa mga rumble. Gumastos ng pagkarami-rami para lang pasakitin ang ulo ng kanyang abuelo. Lahat ay kaaway niya. Mga teachers, katulong, kahit yung mga madaanan lang niya.

She's everybody's enemy. Kontra-bida sa mga pelikula na taga-api sa mga bida. She doesn't have friends. Pero ang pinakadelikadong gawain niya ay ang ipahiya ang lahat ng mga lalaking lumalapit sa kanya kahit pa anak ng mataas na tao sa lipunan ang mga iyon. Kadalasan ay ang kanyang abuelo ginigipit. Madaming may gustong gumanti sa kanya. Kung hindi lang siguro sila mayaman ay matagal na siyang naisalvage ng mga nakaaway niya. Nitong huli nga ay si Hajii ang napagdiskitahan niya ng tinangka nitong lumapit sa kanya.

At ang resulta ng kanyang kabaliwan? Hayun! Ipakakasal siya ng kanyang abuelo dahil ipinahiya niya si Hajii sa harap ng maraming tao—sa mismong meeting de avance pa ng ama nito! Sa galit ni Mayor Sandejoval ay ginipit nito ang kanyang abuelo, binantaang ititigil lamang ang pagdemanda ng estafa kapalit ng pagpilit nitong ipakasal siya sa anak nitong patay na patay sa kanya. Na tila ikinatuwa pa ng kanyang abuelo. Bakit nga naman hindi? Mas lalo itong yayaman! Mawawala pa siya!

Inis na tinanggal niya ang kanyang belo. Nagtatakang tingin ang ipinukol sa kanya ng kanilang family driver—si Mang Estong.

"M-mang Estong, mahal niyo ako hindi ba?" malambing na ani Chi-chi.

"Ay naku oo naman hija. Napakalaki ng utang na loob ko sa iyong amang si Senyorito Manuelito. At parang anak na rin ang turing ko sa'yo."

"Kung ganon ay hindi mo nanaising mapasakamay ako sa isang masamang tao?"

"H-ha...eh, oo naman." alinlangang sagot ni Mang Estong.

"Tulungan mo akong makatakas." Diretsong saad niya.

"P-pero senyorita."

"Please, alang-alang kay papa. Hindi ko po mahal si Hajii." pakiusap niya.

"P-pero..."

----------

"Nasan na ang bride? Mag-uumpisa na ang kasal." eksayted na tanong ni Hajii kay Don Jose Manuel. Sa wakas, mapapasaakin din ang babaeng iyon! Napangisi siya.

"Sandali lang hijo, susunduin ko na siya." anang matanda.

"W-what??! Que horror! Dos mio!" ang sigaw na iyon ni Don Jose Manuel ay umani ng komosyon sa loob ng simbahan.

"Sabi po kasi ni senyorita ay pupunta lang siya ng CR. Hindi ko po alam na wala na pala siyang balak bumalik." paliwanag ng driver.

"Inutil! Paano kang natakasan ng maldita kong apo?" mabagsik na tumama ang kamao ng Don sa mukha ni Mang Estong.

Dali-daling lumabas ang lahat.

"What happened?" hinihingal na usisa ni Hajii.

"Si...si Chi-chi. She ran away." ani Don Jose sa nanginginig na boses.

"What the hell!?!" galit na bulyaw ni Hajii. "Dammit! Halughugin niyo ang buong bayan at iharap sa akin ang babaeng iyon ngayon din!" utos nito sa kanyang mga tauhan.

"At ikaw matanda ka, malilintikan ka sa akin kapag hindi napasaakin ang apo mo! She's mine! Only mine!" tila demonyong itinulak pa ni Hajii ang napahintatakutang matanda at mabangis na sumunod sa mga body guard nito upang hanapin si Chi-chi. Hindi papayag ang binata na mapunta sa wala ang lahat ng mga paghihirap niya. Sa kanya lang si Chi-chi at wala ng iba pang maaaring umangkin rito!

-----------

Sa tulong ni Mang Estong ay nagawang makatakas ni Chi-chi sa lugar na iyon. She can't let her Lolo ruin her life just like that. Hindi niya pinangalagaan ang kanyang sarili para lamang makuha ng manyak na Hajii na iyon! No way!

Mabilis ang ginawa niyang pagtakbo. Hindi alintana ang sakit ng mga paa kahit pa magkadatumba-tumba na siya sa damuhan. She chose to go in to that forest. Ang kinatatakutang gubat sa kanilang bayan. Ayon sa kwento ng mga matatanda ay may nakatirang mga mahiwagang oso roon. Mababangis na oso. Wala pa raw nakapasok sa gubat na iyon na nakalabas ng buhay.

The hell she cares! Kesa naman mapunta siya sa kamay ni Hajii, mas pipiliin na lang niyang makain ng mahiwagang oso na iyon. Nakarinig siya ng mga yabag papalapit sa kinaroroonan niya. Mabilis ang ginawa niyang pagkukubli sa likod ng malaking puno ng acacia. She could see the desperate look on Hajii's men. Oh no! She knew Hajii would not let her go just like that. Lalo pa't sabik na sabik itong maangkin siya. Damn!

"Dammit! Mga inutil! Huwag niyong hayaang matakasan kayo ng babaeng iyon! Halughugin ninyo ang buong gubat na ito kung kinakailangan!" bulyaw ni Hajii sa mga tauhan nito.

"P-pero boss, hindi ba't isinumpa ang lugar na 'to? Ang lungga ng mga mababangis na oso?" sagot ng lalaking may balbas na may hawak na armalite.

"Tanga! Hindi totoo ang kwentong iyon! Hindi mabubuhay ang totoong oso rito sa Pilipinas! Bobo! Basta ang gusto ko ay mahanap ninyo ang mapapangasawa ko! At siguraduhin ninyong buhay! Hindi ko pa siya maaaring bitiwan hangga't hindi ko pa siya napagsasawaan!"

Muling nagsikilos ang mga tauhan nito. She shivered. Hayop talaga ang mokong na iyon! Nanginginig na nagsumiksik siya sa ilalim ng malalaking ugat ng puno. Mas lalong hindi siya dapat makita ni Hajii!

Nang makaalis ang mga tauhan ni Hajii ay minabuti niyang lumabas mula sa pinagkukubliang puno. She'd go deeper in to that forest. Kung kailangan niyang magtago sa likod ng mga mababangis na oso ay gagawin niya! Muli siyang tumakbo.

Hindi niya napigilan ang mapaluha. How can her Lolo do this to her? Paano nito nagawang ipagkanlulo siya ng dahil sa pera? Kahit naman rebelde siyang apo ay mahal na mahal pa rin niya ang abuelo. She even secretly saved all her money for him—ang perang mula sa trust fund ng kanyang yumaong mama ay hindi niya kailanman ginalaw. Nais kasi niyang ipagpatayo ng isang bagong negosyo ang abuelo. Pero ano ang ginawa nito?

Natigil ang pagdra-drama ni Chi-chi ng bigla siyang matapilok. Badtrip na inalis niya ang suot na sapatos. Ipinukpok niya iyon sa isang nakausling malaking bato hanggang sa tuluyang maputol ang takong nito. Then she hurriedly wore it again. She was about to run again when she saw Mr. Balbas, ang tauhan ni Hajii!

"Nakita ko na siya!" sigaw nito. Sunud-sunod na nagsidatingan ang mga kasamahan nito.

"Dammit!" mabilis na pumihit siya pabalik. She can't run fast. Not now that her wedding dress is more than a kilo to carry along. Lord, paki-usap, tulungan mo po ako.

"Hindi ka makakatakas sa akin my dear Chi-chi." ani Hajii sa nakakalokong tono.

"Damn you Hajii! Magpapakamatay na lang ako kesa mapunta sa'yo!" she shouted.

"Run as fast as you can, you little witch. Pero ito ang sisiguraduhin ko sa'yo, hinding hindi ka makakatakas sa akin." his demonic laugh surrounded the whole place.

Walang tigil sa pagtakbo si Chi-chi. Hindi alintana ang nagkasugat-sugat niyang mga paa. She tossed her shoes and forcefully took off her wedding dress. Di bale ng halos hubad siyang nagtatatakbo! At least, mas mabilis siyang makakakilos.

Narinig niya ang tawa ni Hajii. "Too excited for our honeymoon huh? You're making me insanely excited honey. Wait 'till I get a hold of you."

Mas lalo niyang binilisan ang pagtakbo. Kinikilabutan siya sa tuwing naririnig ang boses nito, mas lalo na ang mala-demonyong tawa nito. Nakakabingi ang bilis ng tahip ng kanyang dibdib. She's running out of breath but she can't give up. Not now.

Lumingon siya at nakita ang grupo ni Hajii na tuwang-tuwang hinahabol siya. Pakiramdam niya ay iyon na ang huling araw niya sa mundo. Pero hindi siya susuko! Mas lalong binilisan ni Chi-chi ang pagtakbo. Mabilis na mabilis.

Until she froze. It was a dead end. She was trapped by the tyrant Hajii behind her and the dangerously high waterfall in front of her. What do I do now? Oh gosh, I'm going to die!

"What now Chi-chi? You have nowhere to go." Hajii stepped forward.

"D-don't come near me. Stop right there or I'll jump off this falls!" hamon niya.

"Then do it. I know you can't. Just below that waterfall is the "cursed place of the dangerous magical bears". Hindi ka na makakalabas ng buhay sa oras na makapunta ka riyan. Even the bravest animal in this forest won't come near that place." Hajii warned.

"But I'd rather die than to be with you!" ani ni Chi-chi sabay nakapikit na tumalon sa napakataas na waterfall sa harap niya. Magkikita na kami ng mga magulang ko sa wakas!


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C1
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk