Ayradel's Side
Sa kakaisip ko, at kaka-recall sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw, namalayan ko na lang yung sarili kong nasa tapat na pala ng isang Ice Cream Stall. Malapit lang ito sa amin, at talagang gusto ko lang magpalamig. Pumunta ako sa stall at umupo sa high chair para hintayin yung ice cream mixins na inorder ko kani-kanina lang.
Tinignan ko muna yung mga taong nagdadaan sa harapan ko habang naghihintay. Hanggang sa mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na mukha.
"Tita Vivian!" tawag ko at agad na ngumiti nung tumigil at lumingon naman siya. Bumaba ako sa high chair bago pumunta sa direksyon niya.
"Hm, ikaw ba yung classmate ng anak kong si Jayvee? Ayra?" tanong niya.
Tumango ako at ngumiti ulit ng matamis. "Opo. Saan po kayo papunta?"
"Dyan lang sa palengke. Ikaw? Saan ka galing?"
"Doon po," tinuro ko yung ice cream stall sa tapat namin. "Nagpapalamig lang po ako."
"Nasa bahay lang rin si Jayvee eh." sagot niya habang nakangiti. "Ahm, anak... May itatanong lang sana ako."
"Ano po?" sagot ko at medyo kinilig.
Anak daw. Hihi. Pwede ko kaya siyang tawaging mama? Mama rin naman siya ni Jayvee eh. Hay, ano ba 'tong iniisip ko?!?!
Hinawakan niya ako ng marahan sa braso tapos hinila sa medyo tabi. Nasa gitna kasi kami ng mga tao kanina.
"May... kaklase daw kayo ngayon na sikat? Anak ng... DepEd Secretary ba 'yon?" excited na tanong nya.
"Ah, opo!"
Natigilan siya saglit tapos ngumiti muli. "Anong pangalan niya?"
"Richard Lee po." medyo napatigil siya saglit, bago ngumiti ulit na parang excited.
"Siya ba yung anak ni Alfred Lee?" tanong niya.
"Opo. Si Sir Alfred Lee po yung DepEd Secretary."
"Naku," excited na sabi niya. "Sana sa bigayan ng card ay mismong yung DepEd Secretary ang pumunta para doon kay Richard Lee. P-para makapagpa-picture tayo."
Tumawa rin ako. "Oo nga po sana pero hindi po kasi okay sina Richard at si Sir Alfred Lee ngayon eh."
"Paano mo nasabing hindi sila okay?"
Ibubuka ko sana ang bibig ko nang...
"Ma'am, your order is ready na po." napatingin ako dun sa Ice cream stall.
"Ay, ayun na po pala yung order ko." tumingin ulit ako kay tita Vivian. "Sige po."
"Sige hija.. D'on na ako sa palengke ah. Bye."
Tumango ako. "Sige ingat po."
Bago ako dumeretso sa Ice Cream Stall, at ganun din si mama- este tita Vivian.
Pinagmasdan ko ang pigura niya habang naglalakad. Nakasimpleng Tshirt lang siya at short. Nakatali ang buhok at may payong at plastig bag na dala. Tipikal na nanay.
Bumaba ang tingin ko sa binti niya at may napansin akong isang bagay sa kanang binti niya.
Isang mahabang sugat mula sa hita, papuntang binti.
Kung titignan e, parang napakasakit n'on. Halatang kagagaling lang nito dahil mapula-pula pa.
Makinis ang balat ni Tita Vivian kaya naman halatang halata talaga. Sayang naman at nasugatan.
Lumipas ang ilang araw at sina Besty at Ella ay talaga namang nawili sa bahay namin. Pinapabayaan naman sila ni Mama dahil mas gusto niya nang ganito kaysa ako yung lumalabas ng bahay.
Lalo pa ngayon na umalis siya at nasa trabaho naman si papa. Mamayang gabi pa yata ang uwi ng mga yon, kaya ayan ang dalawang loka-loka at on the rescue. Para na rin daw makapagbonding silang pareho.
"Hoy kayong dalawa, wag niyo akong guluhin. Guluhin niyo na lang ang isa't isa please lang!" tumatawa ako nang biglang mag-ring ang phone kong nasa may study table.
"Ayraaa..." sabi ni Ella sabay pakita ng screen ng phone ko. "May tumatawag na unknown number. Sagutin ko na ha?"
"Wag. Ako na ang sasagot-!"
"Hello?" sabi ni Ella na ngiting-ngiti pa.
Napa-face palm na lang talaga ako habang tawa na ng tawa si besty.
AISH!
"Pano mo nalamang hindi ako si Ayra? Huh?" nakikinig lang kami sa pakikipag-usap ni Ella sa taong tumawag sa akin, habang nakasalampak ako sa kama. "Ibigay ko yung phone kanino? Baichi? Sinong Baichi? Baka buchi? Hahahahaha!"
Agad na tumalbog ang dibdib ko pagkarinig ko pa lang Baichi. Paano nalaman ng Lee-ntik na yon ang number ko?!?!
"Ayra ibigay ko daw kay Baichi, ikaw daw yun? Omg ang gwapo ng boses! Sino 'to?!"
Hindi ko na pinatapos si Ella sa pagsasalita at inagaw ko na ang phone sa kanya.
"Paano mo nalaman ang number ko?"
Richard's Side
"Paano mo nalaman ang number ko?" bungad ni Baichi nang makuha niya ang phone niya.
Sumandal ako sa sasakyan at tinignan ang bintana ng kwarto ni Baichi.
"Hoy! Ano?!"
"Tss. Wala bang Hi muna?"
"Alam mo kung may favor ka na naman-"
"Oo meron sana."
"Ano na naman?"
"I want to see you."
Napangisi ako noong natigilan siya at di nakapagsalita agad.
"Ha?"
Pfft! Ibig sabihin ba niyan, nabigla ka? Slow ka na naman e!
"Nandito ako sa tapat ng bahay niyo." I said instead.
Ngumisi ako at tumingin sa bintana. Nakita ko ang pagdungaw ni Baichi doon kasama ang dalawa pang babae.
"Bumaba ka." sabi ko bago ko inend ang call. Hindi nga nagtagal e bumaba rin naman.
"Ano namang kailangan mo?"
Pinagmasdan ko muna siya mula ulo hanggang paa, pabalik sa ulo.
Black pajama at simpleng white t-shirt. Yung buhok naka-messy bun pa.
Hindi man lang nag-ayos 'tong babaeng 'to para sakin? Tss.
"H-Hiiiii Richard!" nadako ang tingin ko doon sa Ella yata ang pangalan. "Thank you nga pala sa bigay mo sa akin dati sa mall. Bakit ka nandito? Hehehehehe?"
Buti pa 'tong kaibigan niya ang bait sa akin e!
"Wala, may pupuntahan sana ako. Tapos sabi ng kaibigan niyo sasamahan niya raw ako." saka ako lumingon kay Baichi na kunot ang noo ngayon.
"Imbento ka ah! Wala akong sinasabi!"
I sighed. Ang hirap talagang kumbinsihin nito. Siya lang ang babaeng hindi agad sumasama sa akin sa tuwing niyayaya ko silang sumama. Takte.
Nilagay ko lang yung kamay ko sa bulsa ng pantalon ko.
"Ayra, sumama ka na! Yie! Kami nang bahala magbantay sa bahay niyo!" napangisi ako sa sinabi nung Ella.
"Oo nga besty!" sabi naman nung Luisa na kinababaliwan ni Fern. "Para walang away. Magtoss coin na lang tayo. Kapag head, sasama ka besty, pag tail, di ka sasama. Okay ba Ella?"
"Oo nga! Oo nga! Mag-toss coin ka na Lui! Saan coin mo?"
"Wala akong coin. Ikaw wala ka ba dyan?"
"Wala! Ikaw nakaisip dapat ikaw yung meron!"
Nag-cross arms ako at sumandal ng kotse habang pinapanood mag-away yung dalawa.
"Teka kukuha na lang ako ng coin sa taas!" sabi nung Luisa at mukhang aakyat pa nga sa bahay ni baichi.
"Wag ka nang umakyat, besty." napatingin ako kay Baichi. "Hindi ako sasama."
"Hey! Hey!" pagpigil ko. Napatigil sila sa paglakad.
"Bakit?" tanong nung Ella.
kinuha ko yung cellphone sa bulsa ko at pinakita ko sa kanila.
"O ano ngayon kung naka-iPhone ka?" tinaasan ako ng kilay nung Luisa. Hindi ko inintindi. Tumingin ulit ako kay baichi.
"Baichi. Kapag homescreen, sasama ka. Kapag apple logo, hindi. Game?" tsaka ko tinoss yung cellphone ko.
"TEKA RICHAAARD!"
"AY LECHE! YUNG IPHONE!"
"WAAAAA!"
Sinalo ko agad yung cellphone para ipakita kung ano yung lumabas. Ngumisi ako kasi nakanganga pa rin silang tatlo.
"Okay, homescreen. Kaya halika na baichi." hihilahin ko sana ulit si Baichi pero pumigil nanaman.
"Tsk. Baichi, please?!"
bago pa siya makapagsalita, hinawakan ko na siya sa wrist tapos hinila papunta dun sa passenger seat ng kotse kahit nakakabingi kasi sigaw siya ng sigaw, pati na rin yung dalawa niya pang kaibigan. Sinara ko yung pinto at umikot papuntang driver's seat. Kumaway muna ako dun sa dalawa bago ako sumakay.
"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong niya habang bumabyahe na kami. Hindi ako sumagot. "Tignan mo naman suot ko! Naka-pajama tapos t-shirt! Hay!"
"Thia is not the first time that I saw you on pajamas!"
Tinignan niya lang ako ng masama as usual. Tinignan ko rin siya at may isang bagay akong napansin. Umiling-iling ako. Tinigil ko saglit sa isang tabi yung sasakyan.
Nagtataka niya lang akong tinignan.
"You're careless, as usual." bulong ko. Lumapit ako sa kanya. Medyo lumayo pa sya.
Lumapit pa ako ng mas malapit, pero medyo lumalayo rin siya. Tinitigan ko siya sa mata, tsaka ko inayos yung seatbelt niya.
"Palagi kang magsi-seatbelt, okay?" sabi ko habang tinititigan siya sa mata. Tumango-tango naman siya.
Tsaka ako lumayo para bumalik sa pagdadrive.
"Salamat." narinig kong sinabi nya kaya napatingin ako sa kanya. Umiwas siya ng tingin pero huli na kasi nakita ko na na namumula siya.
I should be texting Jayvee right now.
But I'm just plainly happy, that I have an effect on you, Baichi.