Unduh Aplikasi
25% Her familiar scent / Chapter 6: Capitulo singkó

Bab 6: Capitulo singkó

Chapter 5: Hospital.

HALOS 'di na makatulog si shakira dahil sa pagbabantay sa anak nyang si julia na ngayon ay salamat sa diyos na bumaba na ang lagnat at walang nakitang problema.

simpleng lagnat lang daw ito at normal lang sa isang batang kagaya nito-- lalabanan nya na sana ang nurse na nagsabi no'n kaso agad din syang pinigilan ni lucas, kaya ayon. Isang nakakamatay na tingin lang ang naibigay nya sa babaeng 'yon.

"Shakira, kumain ka muna."

hindi nya napansin ang pagdating ni lucas.

Ngumiti sya ng pilit-- Oo nga pala, Kagabi pa sya hindi kumakain.

well, normal lang naman iyon sa mga magulang hindi ba?

Ang mga magulang tuwing may sakit ang mga anak hindi sila makakain o makatulog man lang-- kahit ilang oras ang abutin o kahit pa ilang araw, titiisin nila basta ba maging ayos ang anak nila.

Our parents are too precious to lose, and our love from them are too deeply that we would prefer losing our boyfriend's or girlfriend's than losing them, i am right?

and ofcourse, parents too.

they love their children than theirself, they would prefer get a sick than their children.

Ehem, so go back to our story.

"Ano ka ba naman? Kung hindi ka tulaley, eh, hindi ka naman kumikibo-- Haynako, ano bang nangyayari sa'yo mother earth!"

sa lakas ng bunganga ni mommy, kahit nasa pintuan pa lamang ito ng kwarto ni julia-- na ilang hakbang pa ang layo mula sa kinauupuan nya ay malinaw na malinaw nyang narinig ang sinabi nito.

she shook her head.

Alam nyang nag aalala sakanya si mommy rotiro, at tinatago lang nito ang pag-aalala sa pamamagitan ng pagtataray.

"Manager rotiro." ngumiti sya munit alam naman ng lahat na pilit iyon-- minsan lamang sya ngumiti, at sinasabi ng iba kung ngumingiti sya ay nagmumukha syang anghel.

Anghel na hampaslupa.

pumasok si manager rotiro sa kwarto at agad nilapitan ang anak nya-- napailing nalang ito habang nakatingin kay julia bago tumingin sakaniya.

"Parang mas bagay kang maging pasyente kesa kay julia" biro nito, she forced to smile again.

"Hindi lang talaga ako makatulog dahil walang magbabantay sakanya--"

"Haleerrr!!" mahabang sambit nito! "Hindi mo ba nakikitang nasa hospital ka? At sa hospital maraming nurses, doctors na laging gising para sa mga pasyente nila? and you're not part of it! hindi ka doctor, hindi ka nurse etchetera- etchetera!" inis na sambit nito na para bang ipinapaliwanag sakanyang hindi dapat sya ang nagbabantay sa anak nya.

ngumiti s'ya ng mapait-- she couldn't help, but to cry.

Ang pag iyak ang pinaka-huli nyang gagawin sa tanang buhay nya, but she's here. Crying like a kid-- like someone got something to her. and like that's her treasure.

"Hindi ko na po kasi alam ang gagawin ko,H-Hindi ko alam kung anong gagawin kapag may nangyaring masama kay julia, sya nalang ang natitira sa'kin.." parang batang sabi nya habang umiiyak.

naramdaman nyang may tumapik sa balikat nya-- at nung tignan nya kung sino 'yun, ay mas lalo s'yang napaiyak.

"Hindi ko pa man nararanasan ang pakiramdam n'yan, sa nakikita ko palang sa'yo ay parang ayoko na talagang maramdaman ang bagay na yan.." nakikinig lamang sya. "But anak, shakira.. You need to know how to take a rest-- how to trust anyone, and how to think about yourself.. Dahil magmula nung naulila kana, puro ka kayod--trabaho, ni-hindi nga kita nakitang nagpapahinga." natigilan s'ya at napatingin kay manager rotiro na bakas sa mukha ang pag aalala. "Ayaw mong mawala sila? Ayaw mo kaming malungkot? then take care your self, Alagaan mo ang sarili mo-- mahalin at pagkatiwalaan mo ang sarili mo, dahil lahat kami malulungkot kapag ikaw ang nawala."

napatulala nalang s'ya sa sinabi ng manager nya-- hindi nya inaakalang sa manager nya pa narinig ang mga bagay na dapat sa simula pa lamang ay pinagtuunan nya na ng pansin.

Pero she's still thankful, na may manager-- kaibigan syang katulad ni rotiro, ang isang taong nandyan kung kaylan kaylangan nya ng tulong.

"Ayaw rin ni julia na makita ka nyang ganyan, Malulungkot sya, kaya please-- magpahinga ka muna."

Nagwagi ang pang uuto ni manager rotiro sakanya-- echos!

humiga sya sa malaking sofa-- na pasalamat kay lucas kun'di dahil sakanya ay wala sila ngayon dito. sa pribadong ospital kasi sila dinala ni lucas nung oras na tinawagan nya ito.

Unti-unti nyang ipinikit ang mga mata at ilang sandali lamang ay dinalaw sya ng..

Isang malungkot na panaginip.

Sa isang malawak na kagubatan nakarinig sya ng dalawang nag uusap-- at base sa boses ay isang binta at isang dalaga ang nag uusap na tila ba nagtatalo.

"Ano ba! Let go of me! Hindi tayo pwedeng dalawa!"

"pero hindi ba.. hindi ba't nangako tayong dalawa sa harap ng buwan? Na.. Na kahit kaylan ay hindi tayo maghihiwalay?"

agad nyang sinundan ang boses-- at natagpuan nya ang sarili nya sa isang lugar na pamilyar na pamilyar sakanya.

"Pakiusap palayain mo na 'ko,hindi talaga tayo para sa isa't isa.."

iniwas nya ang paningin sa statue at agad tumingin sa dalawang tao na nag aaway.

Nakita nya ang mukha ng babae-- lumuluha ito at halatang nagmamakaawa, munit hindi man lang nabawasan ang ganda nito.

mala-anghel ang mukha nito na mayroong makinis na balat. halatang mayaman ito dahil sa suot nitong damit na kulay rosas na bumagay dito.

"Paano mo nasabing hindi tayo para sa isa't isa, kung hindi naman ang tadhana ang nagsabi kun'di ikaw?"

doon sya napatingin sa lalaki-- at halos kumunot ang noo nya nung hanggang labi lamang ang malinaw nyang makita dito dahil ang ibang mukha nito'y sobrang liwanag!

munit ang boses nito.. she feel like she already heard that voice somewhere...

"Tama ka, Ako nga ang may sabi.. Tanggap ko nang bawal tayo dahil ikaw at ako'y hindi maaring magsama, magkaiba tayong dalawa."

parang sinaksak ng kung ano ang puso nya-- hearing those words.. parang sobrang sakit nun marinig lalo na sa taong mahal mo, paano pa kaya ang lalaking 'to?

"Eh, 'di paano naman ako? Lagi kong iniisip ang kapakanan mo, ang desisyon mo ang masusunod at ang emosyon mo ang inaabangan ko-- bawat galaw ko ay pinagplaplanuhan at pinag iisipan ko muna dahil iniisip kita, tapos ngay--"

"Why comparing, huh?" ramdam ko ang galit at sakit sa boses ng babae. " 'We're both different' 'You and me aren't for each other'.. Hindi kaba nabibingi sa mga sinasabi ng mga tao? Hindi ka ba nasasaktan tuwing sinasabi nilang itigil na natin 'to dahil parehas lang tayong masasaktan sa huli? Hindi mo ba iniisip ang ibang tao-- kasi kung hindi, ako oo! may repotasyon akong pinanghahawakan, may repotasyon akong dapat ingatan! At magiging selfish ako sa pamilya ko kung ikaw ang pipiliin ko! Let's accept it, hindi talaga tayo pwede."

pinanood nya kung paano umiling ng umiling ang lalaki habang humahakbang papalayo sa babae.

"No, i don't care about them. All i care about is 'you' but it seems we're not the same. You're right, Dapat nga talaga kitang pakawalan." ramdam na ramdam dito ang sakit-- at bago pa man tumalikod ang lalaki ay tila tinitigan nya muna ang babae na para bang isa iyong larawan na hindi nya na muling makikita pa kaya't minememorize nya nalang.

pumunta sa babae ang paningin nya-- at nung tuluyan nang umalis ang lalaki na para bang bulang bigla na lamang nawala ay pinanood nya ang babaeng unti-unting napaluhod sa lupa habang natakip sa bibig na tahimik na umiiyak.

at doon, doon lamang nakagalaw ang paa nya-- lumapit sya roon sa babae at tila hindi man lang sya nito nakikita.

parang may ibinulong ito munit hindi nya narinig dahil---

"SHAKIRA! si julia!"

agad nyang iminulat ang mga mata nya at mabilis na inilibot ang paningin sa loob ng kwarto at naabutan nya si julia na inosenteng kumakain ng prutas na nasa lamesa!

mabilis syang bumangon at agad pinuntahan si julia na ngayo'y nagulat sa bigla nyang pagyakap dito!

"Sobrang.. Nag-alala ako sa'yo."

tila nawala na ang mabigat na nararamdaman nya sa kanyang puso-- napatingala sya sa taas at ngumiti.

Kahit kaylan ay hindi nyo talaga s'ya pina-pabayaan, maraming salamat.

"M-Mama, ang higpit p-po masyado ng y-yakap n-nyo.." mabilis nyang binitawan ang anak atsaka umupo upang magkapantay sila.

Tinitigan nya muna ito sandali bago nagsalita. "Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo?" tanong nya na hindi na maitago ang pag-aalala.

umiling ang bata "Maayos na po ang pakiramdam ko mama, kanina pa nga po ako gising eh, kaso kayo naman po ang tulog-- tapos sinabi po sa'kin ni mommy rotiro na nagpapahinga daw po kayo dahil binantayan nyo po ako simula kagabi." ngumiti ito sakanya "Maraming salamat po, mama."

ngumiti din sya atsaka muling niyakap ang anak-- saktong pumasok si lucas.

"Oh? Magaling na ba ang baby julia na 'yan?" kumilas sya sa pagkakayakap sa anak, at lumingon kay lucas na mayroong ngiti sa labi.

"Maayos na s'ya, maraming salamat sa'yo lucas"

may ngiti sa labing tumango si lucas sakanya at inilipat ang tingin sa anak nya.

"Gusto mo bang gumala tayo?"

MAINGAT NYA INILAPAG SI JULIA SA HOSPITAL BED MATAPOS nitong makatulog habang kumakain.

hindi nya alam kung magagalit ba s'ya sa inasal kanina ni julia sa harapan ni lucas o matatawa dahil sa reaksyon ni lucas.

s'ya at si julia na lamang ang nasa loob ng kwarto dahil si manager rotiro'y pinatawag ng owner ng bar na pinapasukan nya habang si lucas naman ay may kaylangang gawin sa shop na pag mamay ari nito-- pero para sakan'ya, ang rason ni lucas ay ginawa nyang dahilan para umalis.

sigurado s'yang napahiya si lucas dahil sa tinuran ni julia-- at hindi nya naman magawang pagalitan ito dahil kakagaling lamang ng anak nya.

Ipinalandas nya ang kamay nya mula sa tuktok ng buhok ni julia hanggang pababa. Napangiti sya.

parang kaylan lang ay namromroblema sya sa pagkain nilang dalawa-- pero ngayon, tignan mo naman.

May mga kaibigan s'yang handang tumulong sakaniya.

nakalimutan nya na ang panaginip na kakaiba-- at tinitigan nalang si julia hanggang sa hindi nya namalayang mag gagabi na pala.

Kung hindi lang pumasok ang nurse para icheck si julia-- 'di nya malalamang alas otso na pala ng gabi.

"Ma'am, maari nyo na po kayong umalis since magaling na po si julia." magalang na sambit ng nurse.

Tumango sya "Sige, aayusin ko lang ang gamit namin."

nagbow lang ang nurse bago lumabas ng kwarto-- sya naman ay lumapit sa anak nya at marahan itong tinapik.

"Julia, gising na"

minulat agad ni julia ang mga mata nya at ngumiti nung makita ang mukha ng kanyang ina.

"Mama"

"Bakit anak?"

"Nanaginip po ako."

"Anong klaseng panaginip anak?"

"Sa panaginip pong iyon, buo daw po tayo.." hindi sya nakakibo. "Mayroon daw po akong papa,ikaw naman po ang mama at ako ang anak n'yo." halata ang saya sa boses nito.

Habang sya naman ay napangiti nalang ng mapait-- kahit anong gawin nya pala'y darating ang araw na gugustuhin din nitong magkaroon ng ama.

at tila nagsisimula na ito ngayon.

"Mama, nasan na po ba si papa?"

ilang beses lamang iyan tinanong sakaniya ni julia-- noong 3 years old pa lamang sya ay tinanong nya kung nasan na ang papa nya habang ang unang words na ibinagkas nito ay papa instead of mama.

"Anak, Huwag kang mag alala dahil babalik na si papa."

nakita nya ang kislap ng mga mata nito na nangangahulugang masaya ito sa kasinungalingang sinabi nya rito.

MATAPOS nilang kunin ang lahat ng gamit at ilagay sa malaking bag ay magkahawak kamay silang lumabas sa kwarto.

"Mama, malapit na po 'yong birthday nyo. Ano pong gusto nyong regalo?"

napangiti sya at napatingin sa anak nyang nakatingala sakanya.

"Wala akong ibang gusto dahil nasa akin na ang lahat, May permanente na akong trabaho, may bahay at lupa na tayo, tapos may anak pa akong kasing cute mo"

hinawakan nya ito sa pisnge at marahang kinurot..

"Mama naman, alam ko naman pong meron kayong gusto sa pasko.. Hayaan nyo po, sasabihin ko 'yun kay papa kapag balik nya"

natigilan sya munit agad nakabawi, ngumiti sya ng pilit.

Hindi nya alam kung mapapangatawan nya ba ang sinabi nya sa anak nya na halatang ngayon ay excited na excited na sa kasinungalingan na sinabi nya.

pero hindi nya maaaring bawiin 'yon, ayaw nyang malungkot ang anak nya.

"Mama ano po bang itsura ni papa?"

biglang tanong na naman nito.

umiwas sya ng tingin. "Hmm? Ang papa mo? Sobrang gwapo nya at mayroon syang kulay kapeng mga mata, matangos ang ilong at tuwing titigan mo sya'y mapapangiti ka talaga! Malaki ang katawan nya, seryoso man ang mukha nya, mabait naman ang kalooban nya." sinabi nya 'yon na may ngiti sa mga labi.

"Mama, para naman pong si ro--"

hindi na natapos ang sasabihin ni julia nung biglang may humarang sakanilang nurse nung mapadaan sa counter ng hospital.

"Ano pong problema?" agad nyang tanong at tumingin pa kay julia bago binalik sa nurse na nakangiting nakatingin sakanila..

"Ma'am kayo po ba ang naka admit sa room 006?" kumunot ang noo nya bago tumango.

"Oo nga, ako nga. Bakit?" tanong nya.

tumingin ang nurse kay julia kaya tumingin rin sya dito..

"Ah julia, mauna ka muna sa labas. Hantayin mo 'ko doon, ha?" utos nya.

tumango si julia bago pa man ito lampasan ang nurse ay nag-bow muna ito rito bago tuluyang lumabas.

"So, anong problema?" agad nyang tanong..

"Ah ma'am, Hindi pa po kasi kayo nakakabayad."

kumunot ang noo nya.

'Akala ko nakabayad na si lucas? hmm.'

"Yung kasama naming pumunta dito, sya ang magbabayad." seryosong ani nya.

nakita nya ang pag aalinlangan sa mukha ng nurse.

"Bakit? Ano bang problema?" seriously, ilang beses nya bang itatanong kung anong problema?

"Ah ma'am kasi'yung kasama nyo po na si Sir Lucas. Kahapon po ay nangako s'yang babayaran nya ang bill niyo po saktong pag nagpa-admit na po kayo, pero po kanina po nung lumabas po sya ay binawi nya po ang sinabi nya kahapon. At sinabing ikaw nalang po ang magbabayad dahil hindi naman nya daw po kaano-ano ang batang inadmit dito."

buong pagsasalita nito'y nakakunot lang ang noo nya, pero mas lalo syang nagtaka dahil sa sinabi nito..

"Sorry miss ha? pero hindi kasi s'ya 'yong tipong tao na binabawi ang mga sinabi. Baka nagkakamali ka lang"

"Pero ma'am--"

"Matangkad sya, mga 5'10 ang height. Maayos syang tignan at palangiti, Sya ba ang nagsabi sa'yo nyan?" seryoso nyang tanong.

Tumango ang nurse. "Yes ma'am, sya nga po. Kilala na po s'ya ng hospital dahil hindi lang po ito ang kauna-unahang may dinala sya rito"

mas lalo syang nagtaka.

Kilala nya si lucas for years, lagi nito silang tinutulungang mag ina. Never pa syang bumawi ng sinasabi nito, pero heto sya.

shakira sighed.

'Mukhang nasaktan nga s'ya sa sinabi ni julia.'

"Pwede ba munang umuwi ako? Wala kasi akong dalang per--"

"Ma'am, sorry but we have our policy here. Kaylangan po kapag umalis na po ang pasyente ay dapat nakabayad na po sila bago pa man lumabas sa pintuan ng hospital."

"pero miss, wala nga akong pera dito.. wala rin akong load para tawagan ang kapitbahay ko, kaya i don't have any option to get it on my own.." inis man ay nagpapaintindi nyang sabi.

"Pero ma'am, kilala na po namin ang mga taong ganyan, nagrereason lang po tapos hindi na sila nagbabaya--"

"So, sinasabi mo bang hindi ako katiwa-tiwala?" nauubusan ng pasensyang sambit nya.

"Ma'am, please po. Huwag nyo na pong pahabain ang usapan, magbayad nalang po kay--"

"Wow, so ako pa ngayon ang nagpapahaba ng usapan? Seriously, hindi ka ba naturuan ng tamang asal?"ubos na talaga ang pasensya nya.

Naiinis na sya dahil hindi marunong makinig ang nurse na kaharap nya, hindi sya marunong makinig at magtiwala..

paanong may ganitong nurse sa private hospital na 'to?

"Ma'am, sinusunod ko lang po ang rules ng hospital. Kung hindi kayo makakabayad ngayon mismo'y wala akong magagawa kun'di ang ipakulong kayo"

"Aish!" irita nya nang sabi! "Look, miss. May pangbayad ako, pero nasa bahay namin 'yon na 30 minutes away lang dito. Ngayon, kung hindi ka mapakiusapan ng mabuti, then tawagin mo ang iba pang nurse nang sila naman ang kakausapin ko" pilit nyang pinapahinahon ang sarili nya.

Ano ba kasi'yan.

Ano kaya ang problema ni lucas at iniwan sila sa sitwasyong ganito?

Magsasalita pa sana ang nurse kaso biglang itong naunahan.

"What's wrong here?"

tumaas ang balahibo nya hanggang batok pa yata nung marinig ang baritonong boses non!

gulat syang lumingon sa likod nya, and there.

she saw him.

"Mama!"

ibinaba nya ang paningin nya at nakita nyang si julia na tumatakbong papunta sakanya!

at nung nakalapit na ito ay agad nito syang niyakap.

"Tell me, Bakit mo pinagtataasan ng boses ang ina ng pasyente nyo?" mahinahon man ang pagkakasabi nito, ay nakakatakot naman ang ekspresyon ng mukha nito.

kunot noong masama ang tingin sa nurse na ngayo'y nakayuko na at halatang nanginginig-- sino ba naman kasi ang hindi matatakot?

kung nakakamatay lang yata ang masamang tingin, siguradong patay na ngayon ang nurse na kaharap nya.

"Call your manager, now." may awtoridad sa boses nito, at hindi na nakakapagtakang kumilos agad ang nurse.

at nung umalis na ang nurse ay agad itong lumingon sakanya.

"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong nya.

ilang segundo itong tumingin sakanya bago bumaba ang tingin kay julia-- at sakanya na naman.

"She call me." nakakamanghang nagiba ang boses nito, mula sa malalim at nakakatakot na boses ay naging mababaw ito at hindi na nakakatakot.

tumingin sya kay julia.

"Nasa labas po sya ng hospital, hindi ko nga po namalayan na nakalapit na s'ya sa'kin dahil po nakatingin lang ako sainyong dalawa ng nurse mama." sabi nito."Tapos po tinanong nya ako kung anong problema kaya po sinabi kong inaaway ka po nung nurse, akala ko nga po aalis na po sya pero hindi po. Hindi na po ako hinintay, pumasok po s'ya agad dito"

pagkatapos magsalita ni julia ay napatingin sya kay sir rozzen na nakatitig na pala sakaniya kanina pa.

nailang sya kaya agad nyang iniiwas ang tingin.

"Hindi ba't sinabi ko sa'yong huwag kang makikinig sa usapan ng iba?"

ngumuso lang ang anak nya.

"Pero mama, hindi naman po pwe-pwedeng tumingin lang po ako habang inaaway ka nung nurse po." mas lalong humaba ang nguso nito, munit nung tingalain si sir rozzen ay napalitan ito ng ngiti. Tumingin ito sakanya. "Huwag ka pong mag-alala mama, dahil nandyan na po si sir rozzen, 'di po ba sir rozzen?"

tumingin ulit s'ya kay sir rozzen na nakatingin na sa anak nya, at marahang tumango.

"Huwag kang mag-alala kid, akong bahala sa mama mo"

nakangiting sambit nito.

at ewan nya ba kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso nya dahil sa sagot nito..


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C6
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk