Unduh Aplikasi
60.71% Her familiar scent / Chapter 16: Capitulo labing lima

Bab 16: Capitulo labing lima

Chapter 15: Dreams and dead eyes.

HABOL ANG HININGANG napabalikwas ng bangon si rozzen sa pagkakahiga!

"Dude.. Are you okay?"

hindi niya pinansin si khiro na halatang hindi pa gaano ka gising ang diwa一 nakatulala lamang siya sa pader habang inaalala ang panaginip niya..

'Annette..' usal ng utak niya.

"Ayon na naman ba?" doon niya nilingon ang kaibigan. "Paulit ulit na 'yong mga panaginip mo okay kalang ba talaga?" bumangon si khiro sa pagkakahiga sa sofa at lumapit na sakaniya. 

"I don't know.." pabulong nyang sagot at pinikit ng mariin ang mga mata. "I don't know.. D*mn" napasambunot siya sa ulo dahil sa frustration na nararamdaman.

"Dude.." hinawakan nito ang kaniyang balikat. "Should we go to adrasteia?" Tanong nito.

Pinilig nya ang ulo. "No, mag aalala lang iyon." seryoso niyang ani.

"Kaysa naman maging ganyan ka araw araw." kunot noo nang ani ni khiro. "Alam kong may mga araw na gumigising kang umiiyak dude and  Sa ilang araw kong nagstay dito, i noticed na patamlay ka ng patamlay.."

Tama si khiro, Ilang gabi siyang hindi makatulog at madalas ring nagigising na umiiyak dahil lamang sa iisang panaginip.. Wala rin siyang gana sa lahat ng dati niyang kinahiligan dahil sa hindi malamang dahilan.

"Dude, If you want to see her and check her if she's okay.. I will do everything just to find her." nilingon niya si khiro at kitang kita nya ang sinsero sa mga mata nito.

Pero ayaw niyang gawin nito iyon dahil sa oras na makita nya ang babae一 siguradong mapapahamak lamang ito.

"I'm fine khiro, You don't have to worry about me because i can.. I can handle this one." dahan dahan niyang ani. "You shouldn't stay here just to check if im okay because I really am." 

Malakas na bumuntong hininga si khiro bago umiling. "I wasn't there when you need someone to lay on, dude. That's why sinusubukan kong bumawi sa'yo.." Bakas ang lungkot sa boses nito.

Alam niya kung gaano kabuting kaibigan si khiro一 ano mang pagsubok ang kaniyang hinaharap ay narito ito upang samahan siya kahit pa magkapatayan man o dumanak ang dugo sa lugar kung nasaan sila.

Para sakaniya ay hindi lang basta kaibigan si khironny kun'di isa ring kapatid. Kapatid na maasahan sa lahat ng bahay at makapagtitiwalaan.

"Khiro, I'll be fine, c'mmon. You don't need to check me every freaking time." Salubong ang kilay na ani niya. "I know you're just concern but I'm old enough to handle this feeling because.. I've been here." makahulugan niyang sabi.

Napabuntong hininga nalang si khiro at napailing kahit siya ay ganon rin ang ginawa dahil sa sobrang bigat ng dibdib niya.

"'kay, dude. I know what you want is what you should get, so I'll leave you here. But I'll go check on you when i feel weird, okay?" tumayo na si khironny at lumabas ng kwarto na hindi hinihintay ang sagot niya.

Alam na alam nya rin kasi ang ugali ni khiro kung saan sila magkaparehas na dalawa, iyon ang what you want is what you get.

Muli siyang napabuntong hininga at pinilit ang sariling tumayo kahit alam niyang tinatamad pa siya.

Binuksan niya ang drawer ng side table niya at doon niya nakita ang sobrang luma nang libro.

"You're still here.." pilit na ngiti ang sumilay sa kaniyang mukha habang pinagmamasdan ang maalikabok nang libro.

Kinuha niya iyon atsaka pinagpagan na hindi umiiwas ng tingin.. at muling bumalik sa kaniyang isipan ang ala-ala ng nagmamay-ari nun..

[flashbacks]

"Zen!!" masiglang tawag ng babae sa kaniyang likuran.

Hindi pa siya nakakalingon nung bigla niyang maramdaman ang mahigpit na yakap mula sakaniyang likod.

"Hello there." Malambing at mahinhin ang boses nito kaya't hindi niya maiwasang makaramdam ng saya.

"What's bring you here, love?" Tanong niya.

"You don't want me here?" Bakas sa boses nito ang pagtatampo 'tsaka niluwagan ang yakap nito.

Natatawang kinalas niya ang brasong nakayakap sakaniya at humarap sa babae.

"Don't be sad, I'm just kinda busy right now.." nakangiti niyang ani habang tinititigan ang mala-dyosang babae sa kaniyang harapan.

"You're always busy when it comes to me." Nakasimangot na nitong sabi at itinklop ba ang dalawang braso na parang isang batang nagtatampo!

Marahan niyang hinila ito upang yakapin.

"I'm sorry, love. Ginagawa ko naman lahat to make time for you, eh. But natambakan lang ako ngayon ng gawain." masuyo niyang ani. "Don't worry, I'll make sure na babawi ako sa'yo, i promise.."

"Talaga lang ha?" halata pa rin ang pagtatampo sa boses nito munit ngayon ay alam niyang hindi na gaano.

"Ofcourse, Kailan paba ako hindi tumupad ng pangako sa'yo?" natatawa niyang ani.

Ilang saglit pa ay naramdaman niya na ang braso nitong yumakap sa bewang nya dahilan para mas lumawak ang ngiti niya.

"Ikaw talaga! Buti nalang malakas ka sa'kin."

napangiti siya don na abot langit bago hinigpitan pa lalo ang yakap dito.

Ewan niya ba but hugging her is like resting na rin. Para bang tuwing nakikita o nayayakap niya lang ang babae ay nawawala na agad ang pagod o stress niya haha!

"Oh by the way.." Bumitaw ito sa yakap dahilan para mapabitaw din siya.

Tinignan niya kung paano buksan ng babae ang kulay itim nitong back pack at meron doong kinuhang makapal na parang diary book at inabot ito sakanya!

"Para saan to?" Natatawa niyang ani habang bahagyang kumunot ang noo.

Ngumuso ito at marahang tinapik ang balikat nya! "Ano kaba! Libro 'yan no, at regalo ko yan sa'yo." pantay pantay ang ngipin nitong nakangiti sakaniya dahilan para mapangiti rin siya.

"But wala namang event ngayon ha?"

"Hmm, basta! Feel ko lang magregalo sa'yo.. So itreasure mo yan, okay?" nakangiti nitong sabi.

Tumango siya at tinitigan ang diary book na ngayon ay hawak hawak nya na..

[ End of flashback ]

Tinitigan nya ang libro at hindi niya na namalayang binuksan nya na pala ang unang paksa nito.

' Just like the moon in sky,

I always look at you from afar, my love'

Sa unang paksa ay meron doong guhit ng bituin na sumisilip sa isang bintana kung nasaan naroon ang isang babae一 kahit pa nakatalikod ay kilalang kilala niya na ito dahil sa kulay blonde nitong buhok...

'i hope someday I'll reach your hand,

Like what you did to my heart.'

isang guhit naman nang isang lalaking may hawak ng puso habang nakatalikod sa isang babaeng nakalahad ang kamay na tila inaabot ang isang lalaking nakatalikod ang nasa pangalawang paksa..

'yes, we are close to meet,

But you're not close enough to reach'

Isa namang guhit nang isang babae na nakalingon sa lalaking nakikipag usap sa iba pang tao sa paligid.

Ilang paksa pa ang tinignan niya bago nya maabot ang dulo kung saan hindi niya maasahan ang makikita doon..

nabasa at nakita nya na ang laman ng diary book na ibinigay ni annette munit iisang paksa pala ang kaniyang nalaktawan..

'i hope you can't forget what you did to us,

i hope our memories will never leave your mind,

And i hope your heart will be full of regrets and pain..'

Napatulala siya sa guhit na nakalagay doon..

Hindi niya na namalayang umiiyak na pala siya at halos mabasa na ang lumang papel ng diary book na iyon..

Mahigpit ang hawak nya sa libro habang nakatulala lamang sa guhit at pilit prinoproseso ang nakikita..

"Annette.. How did you.. Find out?" napapikit siya at hindi mapigilang mapahagulgol. Napakapit siya ng mahigpit sa libro na halos ikapunit non munit wala na siyang pakealam pa.

ngayon ay hindi niya maiwasang magsisi一 magsisi na binuksan niya uli ang librong iyon para malaman lang na sa una pa lamang ay alam na ni annette ang lahat.

Tama ang pagkakabasa ninyo.

Sa huling guhit ay naroon siya habang seryosong nakikipag usap kay adrasteia一 mayroon doong dugo at mayroon ding iba't ibang tao na nakahiga at tila wala nang buhay na nakasalampak sa sahig.. nakita niya rin don ang pamilya ni annette habang ito naman ay nakaluhod at lumuluhang nakatingin sakaniya.. 

mas lalo siyang napahagulgol dahil sa sakit na naramdaman.

All this time pala simula nung magplano sila ay lahat ay alam ni annette na akala nya ay na wala itong kaalam alam sa nangyayari?!

All this freaking time pala na magkasama sila ay nag aakto itong walang alam sa mangyayari?!

"Annette.." bulong nya sa gitna ng paghagulgol. "Annette, lo siento miamor.. Pordaname.." paulit ulit nya iyong sinabi hanggang sa nakatulog na lamang sya..

IPINIKIT NI SHAKIRA ang mga mata kasabay ng pagdampi ng manipis na kumot sa balat nya.

"Are you sure you're ready?" rinig nyang bulong ni thomas.

"Yes, i am." kinakabahan man ay pinapalakas nya ang kaniyang kalooban..

"Relax yourself.. and let your mind to explore." Sinunod nya ang sinabi nito.

Maya maya pa ay bigla niyang nakita ang isang itim na pintuan.

"Do you see a door?"

naikagat nya ang kaniyang labi at marahang tumango. "Yes, i see a door in front of me."

"Enter that door.." utos nito na agad nyang sinunod.

Kinakabahan man ay iniabot nya ang door knob nito at unti unting binuksan..

Kadiliman ang agad bumungad sakaniya..

"What do you see?" tanong ni thomas.

" Darkness.." Mahina nyang sagot.

"Turn around." pagkasabing pagkasabi nito ay mabilis siyang lumingon!

Literal na lumaki ang kaniyang mga mata nung makita ang isang pamilyar na gubat!

"Now, imagine yourself walking.." Ginawa nya iyon at napagtagumpayan nya naman!

luminga linga siya sa paligid pero niisa sa mga taong iyon ay wala siyang kakilala! Pero nakakapagtakang lahat iyon ay tila kilala siya..

"Hello Annette!! Ang ganda mo talaga!" Isang ale ang lumapit sakanya.

mabilis siyang ngumiti at marahang tumango, "Gracias."

Parang may sariling isip ang katawan niya or should i say parang tumitingin lamang sya dahil tila may ibang taong gumagamit ng kanyang katawan!

"Annette! gracias por su ayuda! Tenemos un hijo guapo gracias a ti!" Isang hindi naman masyadong maedad na lalaki ang lumapit sakanya!

Translation: Thank you for you help! We got a handsome son because of you!

"estoy contenta" Kagaya ng ginawa sa ale ay medyo tumungo siya na tila nagbibigay galang.

Traslation: I'm glad.

Iisa lamang ang masasabi nya, ang babaeng 'to ay isang sikat sa kagubatang ito! 

Ang daming mga tao ang lumalapit sakanya at bumabati一 at kakatwang naiintindihan niya ang mga sinasabi ng mga ito!

Puro tango at pagsasalamat lamang ang ginawa niya dahil puros compliment ang sinasabi sakanya ng mga taong nakakasalubong nya hanggang sa tumigil siya sa isang pintuan..

Hindi niya mawari ang dahilan kung bakit nakaramdam siya ng e excitement at kaba habang inaayos ang sarili!

Nang makontento na sa pag aayos ay bubuksan niya na sana ang pinto nung bigla may nagbukas nyon mula sa loob!

Napatulala siya hindi lang dahil sa angking kagwapuhan ng lalaking nasa harapan niya一 kun'di dahil kilala niya ang lalaking nasa harapan nya, kilalang kilala niya ang kulay kape nitong mga matang nakatingin rin sakaniya..

Gumilid ito sa upuan na tila nagbibigay daan sa pagpasok niya pero hindi siya makagalaw sa kinatatayuan dahil sa pagkamangha sa kagwapuhan ng lalaking ito一 para siyang isang imaheng ipininta ng isang mahusay na pintor sa buong mundo.

"Papasok kaba?" kahit ang boses nitong mas malalim pa yata sa pacific ocean ay hindi naiiba sa lalaking kilala niya.

Napakurap siya at umiwas ng tingin一 nahihiyang tumango bago walang sabi sabing pumasok sa loob.

Huminto siya saglit nung makapasok na sa isang napaka lawak na library pero hindi iyon ang dahilan kung bakit siya huminto kun'di dahil para lingunin ang lalaki..

At iyon nga ang ginawa niya. Dahan-dahan siyang tumingin sa likod at halos manlaki ang mga mata niya nung magkasalubong ang tingin nilang dalawa!

"A-Ah, E-Eh.." hindi niya alam ang sasabihin dahil sa malalim nitong tingin na nakatuon sakaniya.

Nakagat nya ang sariling labi at bahagyang yumuko na lamang 'tsaka mabilis na naglakad patungo sa isang shelves!

napakapit siya ng mariin sa kaniyang dibdib kung nasaan ang kaniyang puso dahil malakas ang pintig nun na tila nakikipaghabulan pa sa mga kabayo!

"T-Tama ba ang n-nakita ko? T-Tinitigan nya 'ko?" kinakabahan niyang usal at maya maya ay napangiti rin!

Nakagat niya ang sariling labi upang pigilan ang hiyaw dahilan para maging impit na kilig na lamang ang nailabas ng nagwawala niyang puso! 

"Hey, why are you smiling?"

Naidilat niya ang kaniyang mga mata at mabilis na napabangon sa pagkakahiga!

"H-Hey.. Why did you open your eyes?" lumingon siya kay thomas at agad na napahawak sa dibdib!!

"H-Hindi dapat siya kasama roon pero bakit.." hindi niya na natapos ang sasabihin dahil muli siyang umupo at tumulala sa kung saan!

ILANG BESES na tumagilid, humilata si shakira pero hindi niya pa rin mahanap ang tulog niya.

Ewan ba niya kung bakit pero nabobother talaga siya sa nakita niya kanina na ang sabi ni thomas na isa raw iyon sa memories na nawala sakaniya.

'pero bakit ganon? wala akong kilalang iba maliban nalang sakaniya..'

Napabuntong hininga siya at tumayo mula sa pagkakahiga.

Nilingon niya si julia na mahimbing na ang tulog一 huminga siya ng malalim at napangiti.

kahit pala anong mangyari basta magkasama silang dalawa ay magiging okay rin ang lahat. magiging okay siya as long as nariyan si julia sa tabi niya.

Inayos niya ang kumot nito sa katawan bago napagdesisyunang tumayo at magpahangin sa labas.

isang bilog na bilog na buwan ang nakita niya pagkalabas na pagkalabas niya palang一 and there's something about moon that make she feel to go somewhere..

Lakad lang siya ng lakad habang nakatulala sa kung saan hanggang sa hindi niya na namalayang napunta na pala siya sa isang pamilyar na lugar..

"What the.." hindi niya napigilang ibulong sa hangin habang nakatingala sa malaking statue na nakikita niya sakaniyang harapan.. "why am i here?" tanong niya na naman.

Tila may sariling utak ang kaniyang paa dahil naglakad ito patungo sa likuran ng statue na iyon kung saan naroon ang dalawang pares ng kamay..

"You're still here." nahihiwagaan niyang ani habang nakatitig sa bakas ng kamay na iyon.

unti unti niyang inilagay ang isang kamay sa isang bakas ng kamay at napangiti siya nung makitang sakto iyon sakaniyang kamay!

Naalala niya kasi noong bata pa lamang siya na hindi kasya ang kaniyang maliit na kamay sa bakas na iyon pero ngayon tignan mo, kasyang kasya na tila parang sarili niyang kamay ang bakas na iyon..

tinignan niya ang isa pang pares ng bakas na kamay at napagdesisyunang ilagay rin doon ang kaniyang kamay..

Pagkalapat palang ng kaniyang isang kamay sa bakas ng kamay na iyon ay biglang parang isang kisap matang ala-ala ang nagpakita sa kaniyang isipan!!

"Zen!! Halika rito! Tignan mo ang ginawa ko!" nakangiting sabi ng isang magandang babae habang tuwang tuwa na naghihintay mula sa statue na ginawa nito.

"Wow.." rinig niyang bulong ng binata! "Ang ganda ganda ng gawa mo, annette.." abot langit ang ngiti nito habang nakatingin sa babae..

Unti unting napaatras ang kaniyang mga paa dahil sa naramdamang kirot mula sa kaniyang puso munit ang kamay ay tila nakadikit na sa statue na iyon dahil hindi matanggal tanggal dahilan para magpatuloy ang alaalang pumapasok sa kaniyang isipan. 

"Ang bampira at ang tao, sa tingin mo ba magkakaisa rin tayong lahat?" ani nito sa gitna ng paghuhugis ng putik sa likuran ng hindi pa natatapos na statue.

"Hmm, oo. Sa tingin ko matatapos ang alitan tungkol sa mga bampira at tao kapag dating ng araw.." nakangiting sagot ng binata.

Napangiti rin ang dalaga na tinawag nitong annette. "Kapag nangyari iyon sa tingin mo ba narito pa rin ako sa mundo?" tanong nito.

Natigilan ang binata bago unti unting napatitig sa babae..

Seryoso na ang mukha nito habang nakatitig rito.

"Oo, syempre naman." Matagal bago ito sumagot. "Hindi ko hahayaang may manakit sa'yo dahil bago pa man nila gawin iyon一 mapapapatay ko na sila." seryoso at madiin nitong sabi.

Mas lumawak pa ang ngiti ng babae at lumingon sa binata, niyakap nito ang binata ng mahigpit bago magsalita.

"Alam ko namang proprotektahan mo'ko.. Pero kung sakaling hindi tatagal ang buhay ko sa buhay na ito, tandaan mong babalik ako bilang tao.."

"Anong ginagawa mo rito?"

Naimulat ni shakira ang kaniyang mga mata at hingal na hingal na ibinaba ang tingin bago lumingon sa lalaki!

At tila tumigil ang pagtibok ng puso niya pagkaharap na pagkaharap niya rito一 at parang ganon rin ang lalaki bagkos ay napatitig ito sakaniya na mayroong gulat sa mga mata!

"A-Anong.." rinig niyang bulong nito!

"K-Khiro." mahina niyang usal. 

taka itong tumingin sa bakas ng kamay sa statue bago nilipat ang tingin sakaniya.

"Anong ginagawa mo dito?" taka nitong tanong.

napalunok siya at napaiwas ng tingin. "I.. I don't know either." napapabuntong hiningang sabi niya.

"Where's Julia? I thought you already left here?" sunod sunod nitong tanong.

huminga sya ng malalim bago nag isip ng sasabihin.

Nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya ba sa taong ito ang totoo o itatago na lamang dahil baka makarating sa isang lalaki..

"How is he?" imbis na sagutin ang tanong, ay sinagot niya rin ito ng panibagong tanong.

Ewan niya ba pero biglang lumabas na lamang iyon sa kaniyang bibig kahit pa hindi naman iyon ang intensyon niyang sabihin.

hindi niya na nabawi ang sasabihin nung bigla niyang narinig ang mahinang tawa ni khiro!

"Bakit ba ako ang tinatanong nyo sa mga ganyan? Mukha ba akong tanungan ng mga namimiss na species sa mundo?" nakakaloko nitong sabi bago umiling. "Bakit kasi hindi nyo nalang puntahan ang isa't isa?" patanong nitong ani.

Ipinilig nya ang kaniyang noo. "Never mind." umayos siya ng upo at tinitigan si khiro na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga mukha. "Don't tell anyone or even to him that I'm still here, got it?" pilit niyang tinatagan ang boses bago tumalikod.

pero bago pa man siya makalakad ng papalayo ay isang boses ang nakapagpatigil sakaniya.

"And why is that? Why you don't want me  to know that you're still here?"

nakatalikod pa rin siya sa lalaki pero ramdam niya ang titig nito mula sa likuran niya..

"Why shakira? Why you don't want to let me see you一"

"And why you're asking me that f*cking question when you knew the reason!" hindi na siya nakapagtimpi.

Humarap siya sa lalaki na ngayon ay nakatitig sa mga mata nya habang tila may hinahanap sa mga mata nya.

"You know the reason why i don't want to let you know that I'm still here, why you even asking?" hindi nya maiwasang maging sarkastiko habang nakatingin rito.

pero hindi ito sumagot bagkos ay tumingin lang ito sakaniyang mga mata na tila gulat na gulat.. hanggang sa magsalita ito na dahilan kung bakit natigilan na naman siya..

"Why you're eyes aren't that lively? Why those eyes looks like they're..  died?"


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C16
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk