Unduh Aplikasi
83.33% Heart's Desire / Chapter 20: Fascinated by Enemy - Chapter 4

Bab 20: Fascinated by Enemy - Chapter 4

"What is it?" Itinaas niya ang perpektong kurba ng mga kilay habang nakatingin nang diretso sa hotel employee.

Napakamot sa ulo ang matangkad na lalaki. May hitsura ito ngunit walang dating kay Kate ang mga tipong torpe.

"W-wala po, ma'am. Ang ganda mo kasi, ma'am."

Kate gave him a haughty look. She didn't welcome any kind of flattery. Wala siyang gaanong pagpapahalaga sa appearance niya. Although she could afford to be casual and off-hand with her flawless complexion and patrician features.

Her beauty regimen consisted only of a simple nightcream before going to sleep, a herbal shampoo, a herbal soap and sunscreen lotion.

A compact pressed powder and a light-coloured lipstick embodied her make-up kit.

Ordinaryo ang tangos ng ilong niya. Pangkaraniwan ang bibig at mga mata niya.

Paano siya magkaka-ilusyon na nakakatulala ang kanyang ganda?

Iiling-iling ang dalaga habang nagsasalin ng kape sa puswelo.

Madali niyang naiwaksi ang weyter sa isipan nang matikman ang malutong na croissant.

Dinampot niya ang pink envelope na katabi ng milk jug.

Isang gift certificate nga.

Hinipo niya ang mahabang buhok habang nakatitig sa matigas na papel.

"Bakit hindi?" aniya sa sarili habang nagkikibit ng mga balikat. "It might do your boredom good, Maria Kate Benavidez!"

Nagpalit uli siya ng damit pagkatapos kumain. Ilang sandali pa, nakasakay na siya sa isang taksi patungo sa shopping mall.

"Master," bungad ni Majordomo habang papasok sa private gym na nasa basement.

"Ano 'yon?" Sumulyap lang siya rito pero hindi huminto sa pagbuhat sa hawak na barbell.

"May nasagap akong balita tungkol sa mga Saldivia."

Kumiling ang ulo ni Zander bilang pahiwatig na nakikinig siya.

Reliable ang source ni Majordomo. Mayroon pala itong pamangkin na nagtatrabaho bilang kusinero sa mansiyon ng mga Saldivia.

"Ano 'yon?" ulit niya.

"Dumating na buhat sa Amerika si Dorothy."

Excitement danced in his veins as he tried to curb his elation. Malapit na ang sandali ng paghihiganti niya.

"Kailan pa raw?" tanong niya, pa-kaswal.

"Kagabi lang daw."

"Itawag mo agad kay Colonel ang impormasyon na 'yan. Tiyak na mapipilitang lumabas mula sa lunggang pinagtataguan ang lintek na si Jeremy, para dumalaw sa kapatid."

Mula din sa pamangking kusinero ni Majordomo, natiyak nilang wala nga si Jeremy sa mansiyon ng ama.

Yumukod ang katiwala. "Gagawin ko agad 'yan, kung wala na kayong ipag-uutos."

Umiling si Zander. "Wala na."

Nang mapag-isa na siya, maliksi niyang iniwanan ang pag-e-ehersisyo. Kinuha niya ang cellular phone na nakapatong sa tuwalyang pamunas ng pawis.

Kinontak niya ang detective agency na ini-refer ni Ronald sa kanya.

"Tiyo ko po ang may-ari niyan kaya makakaasa kayong mananatiling sikreto ang pagtatrabaho nila sa inyo, sir," paliwanag ni Ronald.

"Hello? This is 'Desire' calling base. Nandito na ang subject sa Pilipinas. Higpitan n'yo pa lalo ang pagmamanman."

"Yes, we got it clear, 'Desire'."

"Tawagan n'yo agad ako kapag lumabas ang female subject."

"Yes, sir."

Nagtuloy siya sa shower room, matapos ang maikli at kakatwang telephone conversation.

Ronald's uncle, Mr. Seneses, had a quirked sense of humor when he gave Zander the call sign--'Desire'.

Inilihim niya kay Majordomo ang tungkol sa surveillance team na inupahan niya para obserbahan ang Saldivia mansion. At ang tungkol sa plano niyang gawin kay Dorothy Saldivia.

Hindi niya puwedeng ipagkatiwala sa matandang lalaki ang tungkol sa vendetta niya sa angkan ng Saldivia.

Nagsusuklay siya nang kumuriring ang telepono.

Si Mr. Seneses.

"Sinusundan na namin ang kotse ng female subject. Papuntang mall ang direksiyon."

"Good. Nakita n'yo ba ang hitsura ng female subject?"

"Hindi masyado. Nakasuot ng malaking shades. Tipong nagdi-disguise. Baka kakatagpuin ang male subject."

"Huwag n'yong hihiwalayan."

"Okey. Tatawag na lang uli ako, for further instructions."

Hindi mapakali si Zander pagkatapos maputol ang linya.

Nung wala pa si Dorothy Saldivia, ang tanging naiisip niyang paraan ng paghihiganti ay ang gawin dito ang ginawa ni Jeremy kay Sonia.

Ngunit ngayong nalalapit na ang sandaling hinihintay, umaapaw sa iba't ibang ideya ang utak niya.

Zander had never forced a woman before. All his past bedmates were warm and willing.

Paano niya masisikmurang manakit ng isang babaeng walang kalaban-laban?

Iisipin na lang niya palagi si Sonia at ang kalunus-lunos na kalagayan nito.

Para hindi siya maawa--kung saka-sakali ngang malayo ang ugali ni Dorothy sa kapatid at ama nito!

"Good afternoon, ma'am. Have a seat." Malugod ang pagsalubong ng salon proprietress kay Kate. "Oh, you have gorgeous hair, ma'am! You'd like a trim? A facial massage?"

She smiled awkwardly. Dinukot niya mula sa dalang handbag ang gift certificate. "The hotel where I was staying gave me this."

"Oh! You're our very first winner, ma'am!" Napalitan ng magiliw na ngiti ang professional smile nito kanina. "Come inside." Tumindig uli ito upang igiya siya patungo sa pinakaloob ng salon.

Nilampasan nila ang hilera ng mga parlor chairs. Nakarating sila sa isa pang reception area na mas maliit kaysa doon sa nasa harapan.

"Maupo ka muna rito, ha? Titingnan ko lang kung bakante ang massage room."

Iniwan siya ng may edad na babaeng nakasuot ng eleganteng bestidang pula. Sandali lang itong nawala. Pagbalik, may dala nang isang canned fruit juice at ilang pirasong biskwit na nasa platito.

"Ma'am, may kliyente pang nasa loob. I hope you don't mind waiting?"

Inilapag nito ang dala sa corner table na katabi ng isahang sopa na inupuan ni Kate.

"Nandito ang mga magazines. Magbasa-basa ka muna habang nagpapalamig."

"Thank you, ma'am," ang magalang na wika niya habang ngumingiti. "Don't worry about me. Wala naman akong pupuntahang iba."

Gusto niya ang gracious style ng businesswoman.

"Naku, mabuti naman. Iiwan muna uli kita dito, ha? Nagkasakit ang receptionist namin kaya ako muna ang nakatao doon."

"Sige po. Huwag n'yo na akong alalahanin."

Binuklat niya ang magasin nang mapag-isa na siya. Nag-angat siya ng mukha nang may lumapit na naman sa kanya.

"Miss? Can I disturb you for a while? I need your help."

Isang magandang babae na nasa early twenties ang nakangiti sa kanya.

"Uhm, what can I do for you?"

"I'm being followed by bad men. I can't shake them off."

Kate noticed the fear glazing the beautiful eyes. And the whiteness around the quivering mouth.

"B-bakit--? I mean, why are you being followed?"

Parang matutumba ang kausap kaya napatindig si Kate upang tulungan ito sa pag-upo.

"I'm feeling dizzy!" daing nito, habang sapo ng isang kamay ang noong ginigitian ng butil-butil na pawis.

"Come. Have a seat. You take a rest."

"N-no, I can't afford to waste time here. I was gonna meet my father in a restaurant here. But I got lost. And then I noticed these suspicious looking men following me wherever I went! Oh, miss, they looked like killers!"

Tuluy-tuloy at bumibilis ang pagsasalita ng kausap. Nagiging halata na ang foreign accent.

Naantig ang loob ni Kate. "Uh, let's call the police," suhestiyon niya matapos ang sandaling pag-iisip.

Halatang hindi ganoon ang gusto ng babae. "I have a better idea," anito.

"What is it?"

Nagpasama sa comfort room ang babae. Wala ang grasyosang may-ari ng salon nang dumaan sila sa reception desk, kaya hindi na siya nakapagpaalam dito.

It had never occured to Kate that she wouldn't be able to come back there again.

Pagdating sa C.R., saka lang nagsabi ang babae na hihiramin daw muna nito ang blazer at handbag niya.

"B-but why?"

"Thank God, we both wear dark-colored pants. If I changed the color of my coat, my followers wouldn't recognize me."

Puwede nga namang mailigaw ang mga sumusunod dito.

"Afterwards, I'll come back here to return your things."

Kate looked doubtful.

"I'll leave my things behind," wika nito nang hindi agad siya sumang-ayon.

"Why don't we just tell the police?"

The younger woman just barely controlled her impatience.

"I don't want to bother the police because I don't want to be a laughing stock. I may be wrong about my suspicions," paliwanag nito.

Napa-buntonghininga na lang si Kate. May katwiran na naman ang babae. Hindi niya alam kung bakit nakikinig siya dito. At kung bakit pumapayag siya sa gusto nito.

"Oh, alright. Here's my blazer," she said in a resigned tone. "How long will you be gone?"

"Gee, thank you very much!" bulalas ng tuwang-tuwang babae. "Here. I'll leave my sable waistcoat. And also my handbag."

Inilatag nito ang mamahaling coat sa ibabaw ng Gucci leather shoulder bag. Marahil, kaya siya nagtiwala ay dahil sa mas mura ang kanyang pink blazer at white handbag, kumpara sa mga gamit na ipinalit bilang mga 'sangla'.

Binura ng babae ang makapal na make-up na hindi bagay sa edad nito.

"Do I look different now?" tanong nito sa kanya matapos ibuhaghag ang mahabang buhok na medyo kulot din.

Tumango si Kate. Parang naliliyo na siya sa sobrang bilis ng mga nangyayari.

"You're sure you'll be back in a jiffy?" paniniguro niya rito.

"Trust me, miss," was the reassuring reply.

"Be sure, er, I still don't know you!" bulalas niya. "What's your name?"

The younger woman just wave her arm before rushing out of the door. "You can look at my things, miss. Feel free. My passport's inside the bag."

"But--"

Ngunit naiwan na siyang mag-isa. Kate heaved a sigh before shrugging her slim shoulders.

Hinipo niya ang sable coat. Dinampot niya ito at itiniklop nang maayos bago inilapag sa counter.


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C20
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk