"SWEETIE, I was thinking na mag sleep-over. Punta tayo ng Bataan bukas. Mag-hiking tayo sa Mt. Samat. We can ask our parents too. Saturday naman bukas." Wika ni Erie. Napagpasyahan nilang tumambay sa may pool area.
Their parents has the majority shares ng VRDC Group of Companies. Naghati ang mga ito sa 75% then 25% ay sa mga ibang stock holders. Ang Café nila though sariling pera at pawis nila ay under ito sa VRDC Group - Villa Real Dela Cruz group of companies. Hands on pa rin ang mga parents nila sa kumpanya ngunit laging sinasabi ng mga ito na soon enough sila din ang magte-take over. Sa kaso nila Erie at ng kuya nito maghahati ang mga ito. Ngunit sa kaso niya dahil nag iisa lang siyang anak sa kanya ipapamana ang shares ng mama at papa niya.
"Okay lang sa akin." Kibit balikat na saad niya. Their Café will run kahit wala sila. Naroroon lang sila madalas dahil gusto nilang maging hands on.
"I will just call mom and dad." Anang binata at ilang saglit lang ay may kausap na ito sa kabilang linya. Mataman lang siyang nakinig bagamat ang naririnig lang niya ay si Erie.
"Mom? Yes, I will sleep over here, kina Jade."
"I'm planning na mag hiking tayo bukas..... sa Bataan po sana sa Mt. Samat. With you and dad tapos sina tito and tita... hmmm ah ganoon ba? Kami nalang po ni Jade kung ganoon." Ani Erie na tumango at tumingin sa kanya.
"Okay, I will give the phone to her." Pagkuway saad nito sa mommy nito. Sabay abot ng phone sa kanya. "Kakausapin ka daw ni mommy."
Kinuha ni Jade ang phone mula kay Erie. "Hello tita? Yes po?"
"Jade! Hija! Yiiiii...." Tili ng ginang sa kabilang linya at medyo na ilayo pa niya sa tenga ang phone ni Erie.
Napasulyap siya kay Erie na pumunta malapit sa pool na tila naglakad lakad sa gilid ngunit naka kunot ang noo. Hindi na siya magtataka kung narinig nito ang tili ng mommy nito.
"Hija, I heard na pupunta kayo ng Bataan. And in as much as we would love to be with you both. Nakapag-plano na kami ng getaway this weekend with your mom and dad." Anang ginang ngunit wala namang nabanggit kanina ang mga magulang niya and usually kapag may getaway ang mga ito, kasama sila lagi ni Erie.
Strange pero napansin niya lately laging tina-tanggihan ng mga ito ang mga plano nila ni Erie na getaway with them. Tila ba hinahayaan sila ng mga ito na magkasarinlan.
"I'm sure di naman kayo uuwi kaagad ni Erie. I'm so excited. Ask your mother sa mga pamatay na galawan ha?" Anang ginang na para bang sasama ito sa sobrang excitement na nahihimigan niya rito.
"Pamatay po na galawan?" Kunot noong tanong niya.
"Dapat hija pag uwi niyo ni Erie nabuo na ninyo ang apo namin! Ayiiii!" Tila teen-ager na wika nito at kilig na kilig.
Bigla siyang nasamid sa sinabi ng ginang dahil kasalukuyan niyang inabot ang tubig sa may mesa at umiinom ng biglang sabihin iyon ng ginang.
"Tita! We are not doing that po!" May diin na saad niya sa ginang at alam niyang pulang pula siya.
"Oh! Dear! I don't know kung bakit napaka vintage niyo ni Erie. Hello? Millennials kaya kayo. And it's Bataan hija! Kaya siguro oras na para isuko mo na ang 'Bataan Mo' sa Bataan! Isn't amazing? I'm sure your mom and dad will agree on me as well." Anang ginang na lalong nagpa-pula sa mukha niya.
"Oh! Siya hija magpa-paalam na ako. Pero mas maganda din para sure ngayong gabi niyo na gawin ang magiging apo namin!" Saad pa nito at narinig pa ang tawa nito bago putulin nito ang pag-uusap nila.
My gosh! Ang init ng pisngi niya! Alam niya sa sarili niya na pulang pula siya.
"What happened?" Tanong ni Erie. Nakita niya itong nakaupo na sa gilid ng pool.
"I'm sure na bully kana naman ni mommy dahil pulang pula ka." Tudyo pa nito sa kaniya.
Lumapit siya dito pero tumayo lang sa may likuran nito.
"Anong sabi?" Tanong nito na tumingala at bumaling sa kanya.
"Ewan ko sa mga parents natin mga pang out of this world ang mga naiisip." Tila wala pa rin sa sarili na saad niya. Bakit kase hanggang ngayon shock pa rin siya sa naging pag uusap nila ng mommy ni Erie.
"Tulad ng?" Si Erie
"And I quote 'Oh! Dear! I don't know kung bakit napaka vintage niyo ni Erie. Hello? Millennials kaya kayo. And it's Bataan hija! Kaya siguro oras na para isuko mo na ang 'Bataan Mo' sa Bataan! Isn't amazing? I'm sure your mom and dad will agree on me as well.' End of quote" ginaya pa niya ang boses ng mommy ni Erie habang sinasabi iyon.
Natigilan si Erie. Ngunit saglit lang iyon. Pagkuway ang lakas ng tawa nito. Siya naman ay kumunot ang noo.
"Bakit ka tumatawa?"
"Nakakatuwa naman talaga si mommy ha! Kaya pala pulang pula ka buhat kanina." Saad pa nito at muling tumawa ng malakas.
Ang mga sumunod niyang ginawa ay di na niya pinag-isipan, itinulak niya si Erie sa swimming pool at pumasok sa loob ng bahay.
"Nakakatuwa naman talaga ang sinabi ni mommy babe!" Sigaw pa nito sa pagitan ng pagtawa.
"Kaasar ang mokong!"
SI mang kiko - ang asawa ni Nay Linda ang nag-drive para kina Jade at Erie. Nauna na ito sa ituktok ng bundok. Samantalang sila ay nagpa-iwan sa may paanan at nag umpisang balagtasin ang daan paakyat ng bundok.
This is not their 1st time here ngunit isang taon na rin ang lumipas nang huli silang mag hiking dito.
Maliit lang ang Mt. Samat. They will surely reach the peak easily. Lalo na't samentado na ang daan nito. Ngunit may mga pagkakataon na tinatalunton nila ang mga short cuts paakyat para lang ma feel nila na parang nag mountain climing talaga sila. Ang mga short cuts ay hindi sementado at aakyatin mo talaga ang mga ugat ng mga puno but you can see a trail kaya safe daanan.
As usual ang best friend niya ay gentleman ever. Mauuna itong aakyat at pagkuway aalalayan siya paakyat sa pamamagitan ng paghila nito sa kanya pataas.
"Ano bang kinain mo babe? Parang ang bigat mo ngayon ha!" Halatang inaasar lang siya nito dahil ngiting ngiti ito.
"Excuse me! Ni hindi pa nga tayo nag-aalmusal no!" Irap na sabi niya dito.
Natatanaw na niya ang malaking krus ang dambana ng kagitingan! Hudyat na malapit na sila. This is not her 1st time and not even her 2nd time, ilang beses na din silang bumabalik dito but it never failed to amaze her every time na makita niya ito. Lalo na ang view sa itaas ng krus.
Napatingala siya sa malaking krus at buong paghangang tinitigan ito. As if it was her 1st time.
"Such a beauty!" Makapigil hiningang sambit niya.
"Yes! You are such a beauty babe!" Ani Erie na nagpabilis ng tibok ng puso niya. Here we go again!
Nang lingunin niya ang binata, mukhang kinukuhanan siya nito ng larawan gamit ang dslr nito.
"Kapag yang mga kuha mo puro pangit ide-delete ko talaga lahat." Aniya rito na sinisikap kalimutan ang sinabi nito.
"You know kung bakit gustong gusto kitang dinadala rito?" Pagkuway tanong nito at inakbayan siya habang sabay silang naglakad papasok sa gate papunta sa malaking krus. Ang sino mang makakita sa kanila ay mapagkakamalan silang magkasintahan.
"Bakit nga ba?" Balik tanong niya kahit medyo world war II na yata sa bilis ang tibok ng puso niya.
Huminto ito at humarap sa kanya. Mataimtim siyang tinitigan.
"Kase every time na makita mo ang krus, your reaction is always priceless. Na para bang it is always your first time." Anito at bahagyang idiniin ang hintuturo sa tungki ng ilong niya. "And you are beautiful babe." Anito sabay ngiti at nag-umpisa ng maglakad ulit.
What just happened? Parang na hypnotized yata siya dahil hindi siya makagalaw at para siyang na nanaginip ng gising nakatulala. Hindi niya alam kung ilang segundo siyang naka tameme. Bahagya pa siyang napakislot ng marinig si Erie.
"Babe! Tutunganga ka nalang ba diyan?" Sigaw nito. Hindi niya namalayan na medyo malayo na ito.
Wala sa sarili na lumapit siya rito.
"And please close your mouth, baka dapuan ng langaw." Anito na kaagad naman niyang sinunod.
"Gosh! Nakakahiya ka Jade Eriette!" Kastigo niya sa sarili.
ERIE suck his breathe habang nakatingin sa nakapikit na dalaga. Nasa itaas na sila ng Dambana ng Kagitingan, naka upo sila sa tapat ng bintana. Kitang kita mula roon ang dinaanan nila, ang karagatan, maliliit na mga bahay at nagtatayugang mga puno. The beauty of nature!
"This is life! This is really refreshing!" Bulalas ni Jade habang nakapikit pa rin at sinasamyo ang malamig na hangin na pumapasok sa may bintana.
He can't help but to look on her beautiful face. So natural, walang halong pagkukunwari. Kapag galit ay galit, kapag naiinis ay talagang naiinis at kapag masaya ay wala itong pakialam kung gaano man iyon kababaw. Maybe that is the reason why he cannot even tame his heart. Kahit ilang beses niyang sabihin sa sarili niya na best friend niya ang dalaga, kahit sinubukan niyang ibaling sa iba ang kanyang atensiyon. Alam niya sa sarili niya na si Jade pa rin ang nasa puso niya. He does not even know when he started having feelings with her best friend and he was hiding that for a long time now.
Kaya kailangan na niyang kumilos. Mabuti nalang at pumayag ito na sumama sa Dubai. Dahil doon niya uumpisahan lahat ng mga plano niya. It is now or never. Kung friendship man nila ang nakataya, then he will not give up not until Jade will see na sila ang bagay para sa isa't isa.
Mabilis na bumaling siya sa labas ng bintana ng biglang bumaling sa kanya si Jade. Ang sumunod na ginawa ni Jade ay talagang ikinabilis ng tibok ng puso niya.
"You are the best ever!" Masayang sabi nito sabay halik sa pisngi niya.
Totoong normal na gawain nila iyon lalo na kapag sobra silang natutuwa sa ginawa ng bawa't isa. But she never failed to make his heart beat fast every time she is doing that. And he wonders if this woman feel the same way whenever he is doing that to her. Oh! How he wish!
"Hindi bawal ang kumurap." Ani Jade sabay kindat sa kanya. At buong tamis na ngumiti.
Oh! Naloko na! Yung puso niya parang tinatambol!
"Are you trying to seduce me?" Tila nahihiwagahan na tanong niya rito.
"Is it working?" Sagot nito na may pilyang ngiti.
Oh! He should know better. Kapag nasa mood si Jade hindi ito basta basta napipikon at may sagot ito palagi sa mga hirit niya.
"Well, I think we can check-in somewhere, Vista Tala or Sinagtala. Maganda ang mga reviews doon sa mga resorts na iyon." Sagot niya rito ng makabawi siya.
"Anong connect noon?" Kunot noong tanong ng dalaga.
Well it is pay back time baby!
"I was thinking of that thing 'isuko na ang Bataan sa Bataan?' You know?" Patay malisya na saad niya rito.
And he really laugh out loud nang makita ang reaction ni Jade. Pulang pula ang dalaga na parang gustong maglaho ano mang oras. Nabitin sa ere ang pagtawa niya ng takpan ni Jade ang bibig niya gamit ang isang palad nito.
"My gosh! Shut up! Will you!" Anito na pulang pula pa rin.
"Hmmm! Hmmmm.. mmm.. ahhmm hmmnmmm..." Hindi siya makapagsalita ng mabuti dahil sa kamay ng dalaga.
Sinikap niyang tanggalin ang kamay nito. Na napagtagumpayan naman niya.
Ngunit hindi talaga niya mapigilan ang pagtawa. Ang sama ng tingin nito sa kanya.
"Tumigil ka nga diyan! Walang nakakatuwa doon. Tatamaan ka sa akin." Banta pa nito.
Itinikom niya ang bibig ngunit paulit ulit na lumilitaw ang reaksiyon ni Jade kanina kaya hindi tuloy niya napigilan na matawa ulit.
Napaigik nalamang siya ng bigla siyang suntukin ni Jade sa may tiyan niya. Shit! Kahit may abs siya masakit parin yun!
Sinikap niyang pigilan ang pagtawa pero ang mga mata niya ay nag-niningning pa rin at halata ang pinipigil na pagtawa.
"Tara na nga!" Mataray na sabi ni Jade.
"Gumana na naman ang pag ka amazona niya." Bulong niya habang naka sunod sa dalaga.
"May sinasabi ka?" Bumaling si Jade sa kanya.
"You are cute!" Aniya sabay taas ng kamay at nag peace sign sa dalaga at ngumiti siya na labas lahat ng ngipin na para bang kulang nalang sabihin niya ay "nge!"
"I know!" Ani Jade at tinalikuran siyang muli.
Naiiling na nangingiti siya sa likuran nito.
"Bipolar din eh!"
— Bab baru akan segera rilis — Tulis ulasan