ZIRO
NANG malaman ko na may bagong challenge ang aming head leader na si Felisha ay hindi na ako nagdalawang isip pang ilista ang pangalan ko sa kanyang holographic list pero mukhang nagsisisi na ako sa ginawa ko dahil sa bawat atake sa akin ng kalaban ay unti-unting nababawasan ang HP bar ko. Hindi ko naman kasi akalain na ganto sya kalakas.
Isa lang namang Lvl. 30 na Cyclops ang kaharap ko. Nasa Lvl. 15 palang ako kaya ganito nalamang ang bawas sa akin ng bawat pag-atake n'ya. Ang akala ko ay 'pag nilabanan ko s'ya ay mapapabilis ang pag level up ko pero mukhang mapapabilis ata ang kamatayan ko.
Patuloy lang s'ya sa pag-atake at ako naman ay iwas ng iwas upang makagamit ng Elixir para hindi matuluyan. Napamura nalamang ako ng malamang naubos na ang lahat ng Elixir ko. Hinalungkat ko ng hinalungkat ang dala kong bag pero wala na akong natirang potion para madagdagan ang HP ko "Lagot na!"
Kapag inatake muli ako ng Cyclops na 'to siguradong maglalaho na ako sa mundo. Itinaas na n'ya ang kanyang higanteng itak at handa na para bawian ako ng buhay. Napapikit ako at wala ng magawa. Sa isang hampas lang sa akin ng itak n'ya ay siguradong mauubos na ang HP bar ko at mawawala na dito sa realms.
Ngunit nagtaka ako nang walang maramdamang sakit. Binuksan ko ang mata ko at nakita itong nakatigil lang at hindi na gumagalaw. Hahawakan ko na sana ito kaso bigla itong nahati sa dalawa at halos maligo ako sa mga kulay berdeng likido na tumalsik sa akin.
Isang misteryosong babae na natatakpan ang mukha ang biglang lumitaw sa aking harapan. Siguradong s'ya ang tumulong sa akin. "Salama-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng itapat n'ya sa akin ang espada n'ya na gawa sa metal at ginto. Isa iyong Heaven God Saber na hindi mo mabibili kahit saan.
"P-pwede naman nating pag-usapan ito, diba?" Nginitian ko s'ya na parang natatae. Ang weird lang kase tinulungan n'ya ako tapos papatayin n'ya ako? ibinaba nya ang espada nya ngunit sa leeg ko naman nakatutok ngayon. Halos mapalunok ako ng laway dahil sa kabang nararamdaman ko. Pigil hininga nadin ako kasi parang pag huminga ako ay tatapusin nya ako.
Nakahinga ako ng maluwag nang ibinaba na n'ya ang kan'yang espada. Tiningnan ako ng kanyang asul na mata na parang nagliliwanag sa madilim na dungeon na'to.
May ibinato itong isang bagay at agad ko naman itong nasalo. Isa iyong potion para madag-dagan ang HP ko. Magpapasalamat pa sana ulit ako kaso nawala na s'ya sa harap ko. Hindi kopa nakikita ang babaeng yon pero alam kong isa lang sya sa mga taong nakakasama ko.
Pinulot ko nalang lahat ng coins at mga item na nanggaling sa Cyclops at swerte ako dahil nakakuha ako ng 'Cyclops eye'. Ang item na yon ay maaring gawing material upang palakasin ang isang weapon. Minsan kasi may mga Item na nakukuha sa mga malalakas na kalaban lalo na sa mga boss na katulad ng cyclops. Iniunat ko ang kamay ko paharap at sinabi ang "Status" lumabas ang status ko at makikita doon ang Lvl, Exp at iba pa. Ganon pa rin ang level ko dahil hindi ko naman napatay 'yong Cyclops pero nadagdagan naman ang Exp ko.
Ilang minuto lang ang tinagal ko sa Dungeon at bumalik na sa bayan. Pahirapan pa akong makaalis sa Tower dahil marami akong nakasagupang kalaban. Sa paglalakad ko papuntang Mission Quest Hall, pinagtitinginan ako ng tao at may ibang natatawa dahil sa kulay berdeng likido na nakabalot sa akin.
"Nakakahiya naman ang itsura ko, para akong sinukahan." Bulong ko. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang pupuntahan ko, sa Mission Quest hall. Nakasimangot na naman ang Elf na si Felisha na s'yang nagbibigay ng Mission sa mga Adventurer na katulad ko.
"Ikaw," Napakunot ang noo ko at tinuro ang sarili. "Bakit ganyan ang itsura mo?" Napakamot ako sa ulo. Hindi ko alam kung pano ko sasagutin ang tanong nya dahil malalagot talaga ako sa elf nato.
"Medyo napasabak lang sa konting problema hehehe." Nagulat ako ng hinampas n'ya ang lamesa. "B-bakit?" Inikutan n'ya ako at inusisang mabuti, napatigil ito sa harap ko at medyo malapit ang mukha n'ya sa akin na halos ilang inch nalang ay maghahalikan na kami.
"Alam kong may ginawa kang hindi mo dapat ginawa." Napaiwas ako ng tingin dahil talagang masyado na s'yang malapit sa akin. Babae s'ya pero kung makadikit parang lalake.
Inilahad nito ang kamay nya na parang may hinihingi sa akin. "A-ano?" Nanginginig ang boses ko dahil sa kaba. Sigurado kasing mapaparusahan na naman ako ng babaeng 'to dahil may ginawa akong hindi n'ya gusto. Wala kasi sa challenge n'ya ang patayin ang boss dahil mga mababa pa ang level namin.
"Akin na," Napailing ako dahil alam ko na kung ano ang hinihingi n'ya. Ang bagay na 'yon ang magbubuking sa kasalanan ko sa kan'ya. Umiling-iling lang ako sa kan'ya pero mas lalong nangunot ang mukha n'ya at tiningnan ako ng masama.
"Ayaw mo ha!" Itinulak n'ya ako nang malakas at kinorner sa pader. Hinila n'ya ako sa damit at pinatalikod. Walang pasabi nyang binuksan ang bag ko na parang sakanya yon.
"Felisha naman! Walang ganyanan!" Hinalungkat n'ya ang bag ko hanggang sa matagpuan nya ang hinahanap. Hawak na n'ya ngayon ang isang Bolang Kristal o mas kilalang 'Cyclops Eye'.
"Scan." Iniscan nya ang Cyclops eye upang malaman ang Data na nilalaman non at nang malaman na n'ya ay mas lalo s'yang nagalit. "Sira ka ba? LVL.30 na Cyclops ang kinalaban mo! Pa'no kung nasaktan ka?"
"Bakit ba ganyan ka mag-alala sa akin? Kaya nga tinanggap ko ang misyon dahil gusto kong mag-level up agad-agad." Napaiwas ito ng tingin sa akin at mapapansin sa mukha n'ya ang pamumula.
Hahawakan ko sana ang noo n'ya upang tingnan kung may lagnat s'ya kaso lumayo ito saakin at hinarang ang kamay nya. "Wag mo nga akong hawakan!"
"Huh? Ang weird mo talaga. Pwede ko na bang makuha ang reward ko?" May nag-request kasi sa akin na talunin ang boss at 'yon ay ang Cyclops at hindi iyon alam ni Felisha dahil busy s'ya sa ibang challengers. Napanguso s'ya at ibinigay ang 1000 coins na reward para sa Mission.
"Thanks!" Inagaw ko sa kanya ang Cyclops eye at naglakad na papaalis sa Request Hall.
Hindi ko na lang pinansin ang mga matang nakatingin sa akin at dumiretso sa simbahan na tinutuluyan ko ngayon. Sira na ang simbahan na iyon at wala ng kahit sino pa ang nagpaayos no'n dahil sa dami nilang pinagkakaabalahan. Ang simbahang iyon ay matagal ng nakatayo sa lugar na ito pero dahil sa nangyaring digmaan laban sa tao at halimaw ay nasira ito at hindi na pinaayos pa. Ang panibagong simbahan ay nakatayo malapit dito.
Pagpasok ko sa loob ay nakita ko agad si Sora na nakaupo sa mahabang upuan at nagbabasa ng libro. "Dyosa nandito na ako!" Bati ko dito pero hindi man lang n'ya ako nilingon. Tinabihan ko s'ya at pinagmasdan ang isang malaking estatwa na nakatayo sa harapan ng simbahan, hindi na makilala ang istatwang iyon dahil sira-sira na iyon katulad ng simbahang ito. May butas din ang bubong ng simbahan kung kaya may liwanag na napasok sa loob.
"Ano ba 'yang amoy mo? Maligo ka nga!" Ngayon ay napansin na n'ya ako. "Ang baho mo! Saang lupalop ka ba nagpunta?" Lumayo ito sa akin at diring-diri sa itsura kong parang sinukahan. Tama naman sya dahil ang baho ng amoy na ito na parang nabubulok na basura.
Si sora ay isang dyosa na pinababa dito sa lupa. Ang kwento n'ya sa akin ay may mga tungkulin ang mga dyos/dyosa o mas kilala rin bilang familliar dito sa lupa na kailangan nilang gawin at 'yon ay ang pag-gabay sa isang tao pero hindi ko alam kung para saan ang pag-gabay na 'yon.
May mga iba kasi na walang dyosa na kasama, tanging 'yong malalakas lang ang mayro'n. May iba namang malalakas na wala kaya tuloy mas naguguluhan ako.
"Galing ako sa Dungeon, Sa Floor 10-" Malakas n'yang ipinukpok sa akin 'yong libro na hawak n'ya at makikita sa mukha n'ya ang galit. Pati ba naman s'ya magagalit?
"Sira ba 'yang ulo mo? Pa'no kung napahamak ka edi magkakaproblema pa ako sa itaas!" Patuloy lang s'ya sa paghampas at ako naman ay todo tanggap lang no'n. May pagka nanay kasi 'yang si Sora kaya ganyan.
"Aray masakit na!" Itinigil na n'ya ang pagpapalo sa akin at pakiramdam ko ay magkakabukol ako sa ulo. Padabog s'yang pumunta sa kwarto n'ya ngunit bago ito pumasok ay may sinabi ito.
"Sa susunod isama mo 'ko." Malakas n'yang isinara ang pinto at halos gumimbal ang tunog na nilikha ng malakas na pagsara ng pinto sa buong simbahan. Sira ulo talaga 'yon gusto palang sumama tapos papaluin pa ako, mga babae talaga. Pumunta ako isang lawa na nasa likod lang ng simabahan at doon naglinis ng katawan habaag hirap na hirap tanggalin ang napakabahong amoy ng dugo na nanggaling sa Cyclops.
THIRD-PERSON
SA palasyo malapit sa bayan ay may nangyayaring kaguluhan na tanging ang mga taga-palasyo lang ang nakaka-alam. Wala namang sumasalakay sadyang pinagtatalunan lang nila ang isang maliit na bagay.
"Masyadong mahihina ang mga taong nakikipag laban sa Dungeon! Tapos 'pag namatay sila, tayo pa ang may kasalanan!" Reklamo ng isang lalake na may dark blue na buhok at isang Swordsman na nasa LVL.70 na. S'ya si Sandro na syang napaka- mayabang na miyembro ng ARC KNIGHT. Nakasuot ito ng Black Armor at isang Red Garb na gawa sa napakatibay na tela.
"Huminahon ka nga Sandro. Kung gusto nilang makipaglaban ay wala tayong magagawa doon. 'Yan din naman ang purpose kung bakit binuo ang organisasyon na 'yon." Mahinahong sagot ng dalagang si Frey. S'ya ay may Itim na buhok at may pagka-brown na balat. Isa syang Spear user at nasa LVL. 69 na, masasabi mong magkalapit lang sila ni Sandro ng Level. Sya naman ay nakasuot din ng Red garb na gawa din sa napaka tibay na tela. Ang dibdib at pang ibaba lang ang meron saplot dahil hindi ito sanay sa damit na balot na balot sa katawan nya.
"Tama s'ya Sandro." Pagsang-ayon ni Miya kay Frey. Si Miya naman ang pinakabata na miyembro. Sa edad na sampu may angkin itong kapangyarihan kung kaya't napasama ito sa grupo ng Arc knight. S'ya naman ay LVL. 60 na Mage. Ang suot n'ya ay isang cute pink dress na gawa din sa matitibay na tela.
"Teka nga saan si Riku? Kanina pa s'ya wala ah?" Ang babae na hinahanap nila ay dumating din. Si Riku ang pinaka malakas na miyembro. S'ya ay may dilaw na buhok na umabot hanggang bewang, isa din syang Swordsman katulad ni Sandro. Ang level nya ay LVL.80 na mas nauna sa level ni Sandro.
"Oh sa'n ka galing?" Tanong sa kanya ni Sandro na wala sa mood dahil sa inis sa mga nagrereklamong taga-bayan. Napapikit na lamang si Riku dahil sa taas ng boses ng lalaking nagtatanong sa kanya. Sanay na sya sa ugali ni Sandro pero hindi n'ya maitatangi na nakakainis ang uugaling iyon dahil mainitin ang ulo nya.
"Kailangan ko pa bang magpaalam kung saan ako pupunta?" Mahinahon nitong sagot. Hindi mo makikitaan ng emosyon si Riku dahil para sa kanya ang pagpapakita ng emosyon ay pagpapakita ng kahinaan.
"Ano namang ginawa mo ngayong araw?" Tanong sa kanya ni Frey. Umupo si Riku sa isang upuan na medyo malayo sa kanila. Nasa Meeting room sila ngayon ng palasyo kung saan ay para lang sa kanila ang kwartong iyon.
"Wala naman, may tinulungan lang ako." Napatingin si Riku sa bintana at inalala ang mukha ng lalaki na kanyang tinulungan. Ang lalaking iyon ay si Ziro.
Sila ang Apat na Arc knight na binubuo nina Riku, Sandro, Frey at si Miya. Sila ang pinaka malakas na Adventurer na pinili ng hari upang protektahan ang buong kaharian Andoria.
Lingid sa kaalaman ng Arc knight ay meron pa silang makakalaban na mas malakas sa kanila at meron pang ibang lugar na hindi pa napupuntahan ng iba at dito palang nagsisimula ang kwento kung saan ay marami pa silang pagdadaanan at kasama doon si Ziro.