Unduh Aplikasi
80% Domino Thirteen [COMPLETED] / Chapter 4: Rock, Papers, Scissors

Bab 4: Rock, Papers, Scissors

Nanaginip ako na pinatay ang mga kaibigan ko.

Galit na galit ako at napabalikwas ako sa pagkakatulog.

Yun ang pinakaworst na napanaginipan ko.

Kunin na ang lahat na meron ako. Wag lang ang mga kaibigan ko.

Pero ano to? Bat may tubig na naggaling sa mata ko? Luha?

Hindi na ako nagtaka.

Hindi ko kakayanin kung sakali mang mawala ang mga kaibigan ko. They are my life.

Tumayo agad ako at pumunta sa may CR.

Huminto na ako sa pagiyak pero nanginginig pa rin ako.

Kaya agad akong naghilamos ng mukha.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin pero may napansin ako, nakita kong nakatayo sa likod ko si Wrath.

"A-anong ginagawa mo rito?"

Gulat kong sabi.

Doon ko lang naalala na ang suot ko lang ay boyshorts at sandong fit na fit sa katawan ko. Nacoconcious ako sa presensya niya.

I know na crush ko si Wrath dahil siya ang pinakaseryoso at pinakagwapo sa paningin ko pero nakakahiya dahil kulang sa tela ang suot ko.

"Why are you crying? Bakit ka nanginginig ayos ka lang ba?" Nag-alala niyang sabi. Binabalewala ang sinabi ko.

Sinabi ko na bang ayaw kong nababalewala? Hindi ako makahinga dahil sa kanya.

Hindi madalas nagpapakita ng emosyon si Wrath pero kita ko ang pag-aalala niya sa akin.

"Ang sabi ko bakit ka nandito?" Malakas kong sabi.

Naiinis ako. Hindi sa pangbabalewala niya.

Kundi sa pinaparamdam niya sa akin. Kung paano niya pinaglalaruan ang damdamin ko.

Hindi ko dapat 'to nararamdaman eh.

"Anong nangyari sayo? May masakit ba sayo? may nakain ka bang di maganda o may lagnat ka ba?"

At lumapit siya sa akin hahawakan niya sana ang noo ko pero tinapik ko ang kamay niya at umiwas ng tingin.

Lalo akong kinakabahan sa kanya. Makita ko lang siya nanghihina na ang tuhod ko.

Ang awkward kaya!

"Lumabas ka na lang." Mahina kong sabi.

Ramdam ko pa rin ang titig niya sa mukha ko.

Hindi niya pa rin siguro napapansin ano?

"Bakit?" Tanong niya.

Kahit siya wala siyang suot pang-itaas.

Pero nakalimutan niya iyon dahil inuna niya ang pag-aalala sa akin.

Muntikan na akong kiligin.

Akala ko ba matalino siya? Bwisit di niya ba nakikita ang suot ko?

Hindi naman ako makaalis sa kinatatayuan ko dahil ayokong lumapit sa kanya.

Yumuko ako, tiningnan ang damit ko. Tapos tumingin din agad sa kanya.

Sinundan niya ang tingin ko at doon niya napansin ang di niya pa napapansin.

Namula siya nang tiningnan ang kabuuan ko.

"S-sorry."

Nautal siya at namula isang bagay na hindi ko pa nakikita sa leader namin.

Tumakbo siya at akala mo nagdabog sa malakas na sara ng pinto.

Ang weird talaga ni Wrath.

Sa tagal nang paninirahan ko kasama ang mga kaibigan ko. Ngayon lang may nangyaring ganito.

Hindi naman talaga ako ilang kay Wrath pero alam kong yung mga mata ko ay sa kanya lang.

~

"Domino, Domino, Domino. Woooh! Magandang binibini ika'y gumising na at ako'y daluhan sa pagkanta ng awiting ito oooh! Magadang binibi--" Binato ko ng vase ang boses ibong naipit ng ano sa ano niya.

Bwisit aga-aga yun ba naman ang unang mong marinig basag ang araw mo.

Bumangon na ako at nakita ko yung ibon na may hawak ng vase at bulaklak sa kabila habang dumudugo ito.

Natusok ata ng thorns ng bulaklak pero ininda niya lang ito.

Pero kahit na sinira niya ang magandang sikat ng araw.

"The fuck dude? Ang aga-aga sira agad ang araw ko sayo, labas ibon!" Sigaw ko kay Hawk at binalik ang mukha sa malambot na unan.

"Edi gumising ka rin, Alam mo bang 30 minutes na akong nagkakakanta dito pero di mo nagawang gumising unbelivable man!"

"You're the one who's unbelievable here. Di ka manlang nahiya ang pangit ng boses mo!"

"At least ako kahit pangit ang boses ko kumakanta ako eh ikaw ganda ng boses mo pero di ka kumakanta."

Napahinto ako dun naalala ko yung pananginip tsaka ang takot na baka isang araw mawala sa akin ang mga kaibigan ko.

Kinalimutan ko iyon.

Kung darating man iyon hindi ko hahayaang mangyari iyon.

Di na ko umimik at tumungo nalang sa CR at binalibag iyon.

Kahit kailan walang nagawang mabuti talaga yung si Hawk.

Tama nga ako ibon nga ang bwisit!

Napatawa nalang ako at napailing.

~

Nakasakay na ako sa motor ko at sinusundan ko lang sila.

Ambagal nila.

Ayoko sa mabagal.

Nang aasar si Wrath, hinaharangan niya bawat daan ko.

Pagsisingit ako haharangan niya tas ang bagal pa magpatakbo. Sino bang di maasar doon saka kanina pa kami binubusinahan ng mga bwisit na tao sa likod.

Paano ba naman nasa highway kami at ngayon pa siya nakipaglaro.

Nakangisi lang siya.

Di na ko makatiis kaya hininto ko yung sasakyan ko sa tabi. Hinihintay ko kung anong gagawin niya at yun nga kumagat siya sa plano ko as expected hininto niya rin sa unahan ko mismo ang sasakyan niya at doon ko na ginawa ang dapat gawin.

Umatras ako, medyo malayo wala ng mga kotse. Nainis sa kanya kaya nag-overtake ako.

Inatras ko pa ang motor ko malayo sa kanya nung natantya ko na tumingin ako saglit sa kanya, nakita kong nakakunot ang noo niya at ang napakagwapong mukha niyang nagtataka.

Pinaharurot ko, sobrang bilis at nagswerve sa may malapit sa kanya at pinausukan ang daanan niya at doon na ako tuluyang nawala sa paningin niya.

Nakita kong nagsmirk lang si Wrath at mukhang impressed. Naghiyawan ang mga katropa ko at chineer ako. Natawa ako.

"Mga loko-loko!" Sabi ko habang natatawa.

Doon ko napagtanto na pinagtitripan ako ng mga loko.

Tumawa lang sila at sumunod na.

~

Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang mag-aral.

Tinatamad na talaga ako at wala naman sa pag-aaral ang pokus ko kahit anong gawin eh.

I hate school and it's system, bakit?

Because they measure intelligence based on grades.

Kapag mababa ang grade mo bobo ka at kapag mataas naman matalino ka. Why?

Hindi dapat ibabase ang katalinuhan ng studyante sa pagiging masipag niya.

At hindi rin dapat binabase ang katalinuhan ng tao base sa estado niya sa buhay.

Naiirita ako sa mga maraming bagay. Punyeta sila.

Nasa hallway na ako at ramdam ko ang mga nakakairitang titig ng mga tao.

They really do love to stare huh? Bakit may mga ganyang tao? Busyng matahin at husgahan ka samantalang hindi nila pansin ang sarili nilang mali?

Hypocrite.

Di ko nalang sila pinansin at dumiretso sa classroom.

Pagpasok ko nagtuturo yung teacher pero di ko pinansin at dirediretso lang sa pag-upo sa gusto kong upuan.

Nothing good happens every time I greet them. So I avoided it at nawalan na talaga akong gana sa kanila.

Tumungo ako sa may bintana at hinablot ang kwelyo ng babaeng nakaupo doon at tinulak siya palayo at ako ang naupo. The kid just walked away in fear.

"What a disrespectful kid." Bulong ng teacher ko.

Napatingin ako sa kanya at nakakatakot na ngumisi.

"Thank you." Sarcastic kong sabi.

Nanahimik siya dahil alam niyang wala siya palag.

Nakita kong inis na ang mukha niya. Pero pinagpatuloy na lang niya ang lesson.

Binatukan ako ni Titus at tumabi sa akin.

Sinuntok ko naman siya sa braso at tumawa siya.

Nagsidatingan na rin ang iba at pinagtutulakan yung mga nakaupo na malapit sa akin.

Jusmiyo, di pa sila nasanay gusto talaga nilang napapansin ng mga Royals eh.

I rolled my eyes.

Nilahad ni Titus ang kamao niya at ginaya ko siya.

"Bato,bato,pick!" Sabi naming dalawa.

Natalo ako kaya napitik niya ang noo ko.

"Aray naman, pota!" Inis kong sabi at tumawa siya, hinimas ko ang noo ko.

"Galingan mo kasi nang di ka umaaray diyan." Mayabang niyang sabi.

"Bato, bato, pick!" Sabi naming ulit at sabay na pagbagsak ng kamay namin.

Agad ko siyang pinitik, yung malakas.

Napahawak siya sa noo niya.

"Tangina!" Gulat na sabi niya.

"Ayan. Galingan mo kasi!" Mayabang kong sabi at tumawa na parang kontrabida, nainis siya at dinamba ako.

Nauwi na sa wrestling ang laro namin ni Titus dahil medyo nagkapikunan kami.

"Hoy, kayong dalawa ang gulo niyo di kami makapagconcentrate dito."

Inis na sabi ng best friend kong si Pierce habang naglalaro sila ng tong-its. Silang apat nila Hawk, Chev at West.

"Hoy! Para kayong mga bulate ang kulit!" Sabi ulit ni Hawk nang medyo nasanggi namin yung mga baraha.

"Tama na nga pre. Pag-usapan nalang natin yung babaeng dahilan kung bakit di ka umuwi kahapon." Kinindatan ko siya na parang lalaki rin ako.

Napangisi naman ito at napatulala na parang nanaginip.

"Tangina mo! Para kang tibo." Nilamukos ni Titus ang mukha ko at natawa.

After no'n naging babae na ang usapan namin.

Siya talaga yung tropa kong babaero at papalit-palit ng babae.

Kilala ko ang kwentong landian ni Titus at pati yung mga babaeng napa-ibig niya na hindi dapat.

Na nagresulta ng mga away between his girls. May mga naging ex siyang galing sa malalakas na gang.

Tawa pa kami nang tawa sa kwento niya kahapon at binatukan ko.

"Gago ka talaga Sarcega!"

Surname basis kami sa school.

Hindi namin tinatawag ang isat-isa sa real name o sa code name namin.

We prefer it this way.

To keep our identities safe.

Patuloy lang kaming nagkwentuhan tapos binigyan ko siya ng tips.

Tawa kami nang tawa sa mga kalokohan namin.

"Hoy ang iingay niyo!" Sabi ni Hawk at Pierce na nagkakamot pa ng buhok sa frustration.

Alam namin na medyo nakakaistorbo na talaga kami sa mga nag-aaral pero wala kaming paki.

Nang mapatingin ako kay Wrath na nakatingin na naman sa akin.

Doon ko ata nalunon ang tawa ko.

Lagi ko siyang napapansing nakatitig.

Pero sanay na ako kasi bata palang kami, sa akin na siya nakatingin.

+++++


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C4
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk