"Papayag na ako" malakas na sambit ko sa lalaking nakatalikod saakin.
"Sigurado ka ba"
Tumango ako.
"Ipikit mo ang mata mo" aniya at ginawa ko rin ang gusto niya.
"Tandaan mo ang sinabi ko sayo"
Makalipas ang ilang minuto, sa pagdilat ko ay nasa isang pamilyar na lugar na ako.
Napalingon sa mga taong busy na nakikipagk-kwentuhan sa kasama nila.
Tao na ba ako?
Sinubukan kung hawakan ang baso na nasa harap ko, pero tumagos lamang ang mga kamay ko.
Napahawak ako sa aking bulsa, narito ang kandila.
Napasulyap ako sa babaeng katulad ng dati ay nagsusulat parin sakanyang Notebook.
Naglakas loob akong tumayo at umupo sa harap niya, pinagmasdan ko ang kabuuan ng kanyang mukha. Seryoso ang kanyang mga mata, matangos ang kanyang ilong, ang labi niya naman ay nakatikom. Maputi ang kanyang buhok,natatakpan ang kanyang noo dahil sa maliit na buhok na ang tawag ay bangs. Tuwid at umaalon ang kanyang buhok.
Napangiti ako, hindi ko aakalain na makikita ko siya ng malapitan pero ang pinagkaiba ay hindi niya ako nakikita.
Dinungaw ko ang sinusulat niya roon sa notebook niya.
Kaagad kumunot ang noo ko ng makita kung puro mga pangalan ang nakatala roon.
Tiningnan ko siya ulit at seryosong-seryoso parin ito, pero may kakaiba sakanya na hindi ko mabasa.