"Binigyan ka ng pagkakataon na baguhin ang nangyare sa buhay mo, tatlong pangyayare lang ang dapat mong baguhin. Para magawa mo iyon ay kailangan mong sindihan ang kandila na ibinigay ko sayo, sa pamamagitan nito makikita at mahahawakan ka ng mga tao. Pero sa oras na matunaw na ang kandila ay magiging multo kana ulit. Katulad nga ng sinabi ko sayo, may tatlong pagkakataon ka lang para mabago ang naging takbo ng buhay mo"
Napatango ako sa sinabi niya.
"At isa pa, you have a right to choose kung sa nakaraan ka ba babalik o nasa kasalukuyan. Kung babalik ka sa nakaraan, ang pagkamatay mo lang ang pwede mong baguhin. That Girl will die instead of you."
"Ibig mong sabihin, kung sa nakaraan ako babalik siya ang mamamatay hindi ako?"
Napatango siya sa sinabi ko. "Ou, siya talaga dapat ang nakatandhana na mamatay hindi ikaw. Pero dahil ikaw ang nagsacrifice para sa buhay niya-Sakanya nalipat ang nahuhuling oras mo sa mundo"
"Then bakit pa ako kailangang bumalik?"
"Dahil binigyan ka ng pagkakataon na itama ang dapat itama"
"Paano kung sa kasalukuyan ang piliin kung desisyon"
"Then you will be given a chance para maayos ang mga naiwan mo, that girl and your family. Kailangan nilang matanggap na wala kana"
"Tandaan mo kailangan maging maingat ka sa paggamit ng tatlong kandila, dahil maaaksaya lang ang mga ito kung hindi mo gagamitin ng maayos"