Chapter 95: The Central layer of Kambala. (Goku: appears)
.
.
Sa mga araw na lumipas.
.
May mga nakaharap sina Chris na Undead (Zombie type monsters) at hindi naging hadlang ang mga ganitong uri ng kalaban sa kanilang paglalakbay.
.
"Ok guys, i think narito na tayo sa Ancient mansion---".
Sabi naman ni Denz, at ang nakatayong Malaking palasyo ay isang mansion lamang noong panahon na masigla pa ang buong Bayan ng Kambala.
.
(parang exaggerating masyado pero----ganun talaga ang anyo ng mansion--mala palasyo ang dating)
.
*kung yung Mansion nga ay tinatawag lang na munting tahanan, para sa mga mayayaman sa planetang earth. Jan pa kaya*.
.
-----
.
"Guys, heto ang mga bawat areas sa mansion na ito na maaaring naglalaman ng mga kagamitan o maaaring piraso ng MagicMap----".
Ipinasa ni Chris ang ilang mga Papel sa bawat isa.
"----ok, umpisahan na ang search".
.
Sa isang iglap ay nagkalat sila sa ibat ibang parte sa Mansion na iyon.
.
May kalawakan itong 12 km in diameter.
.
Hindi rin nagtagal ang dalawang oras na mabilisang pag hahanap at bumalik sila sa labas na may mga ngiti sa mukha.
"Wala kami nahanap na ano mang bagay kagaya ng MagicMap----pero Ilang Divine Crystals meron".
.
Sabi naman ni Ahri kay Chris.
.
Si Chris naman ay nag labas ng isang kakaibang uri ng Map at mukhang nahanap nya ito sa isang Hidden Chamber.
"nahanap ko yung mapa kung saan nakalagay ang DivineCrystal Mines, at ganun din ang isang Portal Array na tila ginagamit sa Teleportation sa malalayung parte dito sa UnknownNorthernLands".
.
May ibinato si Chris kay Denz.
.
"ano ito Bro? "
Nasalo nya ang isang Elixir bottle mula kay Chris.
.
"Inumin mo Bro, nababagay yan sa mga Fighter Class---mas kailangan natin ng Setter na tulad mo kung sakaling may makasalubong tayong mga Kakaibang Halimaw"
Sabi naman ni Chris, at base sa tono ng boses nito. May mga mas mapanganib pang lugar sa UnknownNorthernLands.
.
Nagpatuloy na sila sa pagsunod kay Chris, ganun namang katabi na nito si Minty sa harapan ng grupo.
"Wala pa akong masagap na kakaibang amoy, na gaya ng pagkaka-Describe mo---".
.
"Medyo malayo pa, maaaring baka bukas na tayo makarating sa sinasabi kong lugar."
Sabi naman ni Chris na inalala ang bawat parte ng MagicMap.
.
Walang tigil sina Chris umulan man o umaraw. Madami na silang nakasalubong na mga Bizzare DarkMonsters sa kanipang paglalakbay.
.
Kinaumagahan, tumigil si Minty. Na tila may naamoy na itong tulad ng pagkaka-Describe ni Chris.
"Narito na tayo".
Sabi nito kay Chris.
.
Pumaharap si Ahri dahil naramdaman nya ang napakalakas na Qi energy sa paligid---at nababalutan ng Dark Miasma ang kanilang harapan papasok sa tila DarkForest.
"Chris, ano binabalak mo ngayon? ".
.
Lumingon sina Ruby kay Chris.
.
Ganun namang walang comment si Bianca ---dahil halatang wala syang naaalala tungkol sa ganung uri ng lugar mula sa kanyang ina.
.
"ang lugar na ito ay nababalutan ng Chaotic Energy----".
Ngumiti si Chris kay Bianca.
.
"Ahhh!!! -----isang Mining Ground!!!! ".
Sabi naman ni Bianca, at nagdududa parin sya sa Nakabalot na Miasma sa buong lugar na iyon.
.
"eh pano ba natin mapapasok yan kung, ahem ganyan naman at nababalutan ng miasma ang buong lugar".
Nakaramdam sila ng kakaibang takot sa Lugar ng biglang bumukas ang makapal na Miasma sa kanilang harapan.
.
"Back!! ----may bantay ang lugar na ito! "
Agad inilabas ni Chris ang kanyang Itim na umbrella.
.
Ganun din sina Denz.
.
Whhhaaammm!!! -----(Heavy object)
.
Isang 58ft na Axe WielderStatue.
.
Tumilapon si Chris habang naka sangga ang itim na umbrella nito sa Axe ng giant Statue na iyon.
.
"Ngayon na Bro!! -----no choice!!".
Sigaw ni Chris kay Denz.
.
Agad namang tumalon di Denz na naka posisyon sa likod ng Statue na iyon.
.
"One Punch---destruction!!!".
Nabuo ang isang Vacuum force na humigop sa Qi-energy sa buong lugar. At sa pagdikit ng suntok ni Denz sa likod ng Statue na iyon.
.
Bang!! -----(Atomic explosion).
.
Halos mawasak ang buong 200meter radius ng lugar sa lalad ng Impact at explosion effect ng skill ni Denz.
.
Pero ang ikinagulat nila ay tumilapon ang isang Metalloid object sa nawasak na statue. Bumagsak ito 150meters ng layo sa pinagmulan ng pagsabog.
.
Matapos kumalma ang lahat, nilapitan nila ang itim na Metalloid box na iyon.
.
"hmmmfp, ano naman kaya ito? May laman kaya itong treasure?".
Sabi naman ni Hannah. Curious silang lahat.
.
Bumukas ang ibabaw ng box na ito na may laking 5ft. Magkakasya ang isang tao sa loob kapag naka upo ito.
.
Lumabas duon ang isang anyo.
.
Swoooshh!! ----(fast)
.
Naka abang ang katana na sandata ni Ahri sa tatakasan ng anyo na ito.
.
"Amhen jah kiem rugooy!! ".
Ancient language. Ng isang Lalake.
.
Agad namang nag auto translate ito sa isipan nilang lahat.
.
"patayin nyo nalang ako!!".
.
Natigil naman agad ang lalakeng ito ng makita nyang tao sina Chris.
"huh!?, akala ko tuloy mga Emissaries na kayo ng isang DarkLorde----woooh!, pero bat nyo sinira ang Mount ko?! ".
.
Napalitan din ito kaagad ng inis at pagdududa sa grupo ni Chris.
.
Nagkatinginan naman sina Chris at Denz.
"ahem, mga Tao kami na nanggaling sa Southern Lands----mga 24million km ang layo mula dito."
Sabi naman ni Ahri na syang agad naka isip ng explanation para sa lalakeng iyon.
.
Parang nakakita ng dalawang planeta na nagsalpukan ang anyo sa mukha ng lalakeng ito.
"Holyyyy--Shit!!, for real, halata naman base sa pananamit nyo mukhang nag advance na kayo sa modernization----".
.
Lumingon ang lalakeng ito sa bawat isa sa mga babae. Napansin nyang napakaganda nila para matawag na tao lamang.
"mga Fairies ba sila?, or Heavenly Angels?---".
Tanong nito kay Chris.
.
Napa sapo naman sa pisngi si Chris alam nyang hindi maiiwasan magkaganito ang usapan.
"ahm, mga anak sila ng Langit kaya hindi sila nababagay na mahawakan ng mga tao---maliban saken".
Kindat naman nito sa lalake.
.
Parang gusto namang masuka base sa anyo ng mukha nitong lalake sa sinabi ni Chris.
"Buweno, ngayong nasira nyo na ang Mount ko----kailangan muna nating isara ang Dokul Barrier array bago tayo bumalik sa bayan".
.
"dokul? ----you mean kaya nyo itong itago sa mga SageSaint?"
Sabi naman ni Bianca na tila may alam sya sa nabanggit ng lalake na klase ng Barrier.
.
"yaph, natitirang Array Barrier mula sa mga experts ng panahon ng kadiliman".
Sabi naman ng lalake na halatang may kalungkutan sa anyo nito.
.
Isinarado nya ang pag leak ng Chaotic energy sa buong lugar na iyon. At lumabas sya sa membrane ng miasma.
.
"ahm, anong grade ang Mount mo?, at kaya nito mang mimic ng aura ng isang SageSaint."
Natanong ni Bianca sa lalake.
.
"ahm, hindi talaga saken yun at isa pa. Matindi na ang sira sa bawat partes ng Statue na iyon kaya nasira ito sa isang suntok lang ng kasama nyo---kung sa tutuusin ginamit iyon noong panahon ng kadiliman bilang Dragon slayer Knights".
Sabi naman nito.
"----syah nga pala, ako pala di Goku, he he he. Kilala bilang Mekaniko ng Mount at Metallic golems sa bayan ng Kambala---".
.
Sumunod sila sa pag abante ni Goku sa NorthEast part. Masasabing alam nito ang pasikot sikot sa lugar.
"Guys, may mga dadaanan tayong mga kagaya ng lugar na binavantayan ko, kaya wag kayo lalayo sa grupo, maaaring nasa paligid lang ang mga DarkLegions ng DarkLorde".
.
Masasabing maaasahan si Goku, dahil nag senyas si Bianca Kay Chris ng thumbs up. Ganung kalaki ang tulong ng ability ni Bianca na magbasa ng puso at kaluluwa ng isang nilalang.
.
-----
.
Patuloy parin ang ilang mga labanan sa labas ng Forbidden walls na pinamumunuan ng ilang Ancestor Captains.
.
"Advance to the Forests!!!".
Sigaw na commands ng Ancestor stage Captains.
.
Ganun namang mabibilang sa hundreds of thousands ang mga binubuo ng bawat waves of cultivators na parang alon na sasalpok sa kalawakan ng kagubatang iyon.
.
Patuloy din ang skirmishes na nangyayari sa ilang mga parte sa labas ng HumanAlliance. Dulot narin ng ilan pang mga hidden experts na tila nagambala sa kanilang tahimik na pamumuhay sa labas ng Walls.
.
Sumiklab narin ang labanan sa mga karagatan at ilang parte ng mga isla ng DemonSpiritualist alliance. Dahil sa patuloy na pag pressure ng OceanicInhabitants sa mga bansa sa bawat isla.
.
"Hayaan nyo silang lumusob, tignan natin kung tatagal sila sa tibay ng Divine Protection arrays ng ating DemonLeague Forces".
Sabi naman ng isang balbasaradong Lalake at may heavy armor ito na scarlet Lion.
.
Patuloy parin ang pag advance din ng DemonSpiritualist sa lupain ng mga MagicalBeasts at kasalukuyang padami ng padami ang mga bundok ng bangkay sa bawat waves ng labanan.
.
Masasabing unti unti nababawasan ang mga experts ng mundong iyon. At hindi alam ang mas malawak na imahe ng nalalapit na kadilimang babalot sa mundong iyon.
.
-----
.
Sa mga araw na lumipas at may lima na kasama sina Chris na pawang mga nadaanan ni Goku sa ilang mga mining areas ng lugar ng Kambala StrongHold city.
.
"sa bunduking ito, matatanaw na mula dito ang Pillars of Hope ng Kambala---ayun oh! ".
Itinuro ni Goku ang isang majestic Pillar na tila aabot sa kaulapan. Nasa layo man silang 50,000-60,000 km ay makikita ang laki ng pillar na iyon.
.
"woah! ----malapit na tayo sa Central!?, sa wakas makaka babad na ako sa isang hot spring!".
Sabi naman ni Hannah na mas nagbigay ng Excitement sa mga babae.
.
"i think, kailangan na natin mag-renew ng stocks para sa Wines".
Sabi naman ni Denz. At napa yamot sa ulo nito.
.
Bago pa man sila maka advance ay may isang grupo ng mga scouts ang humarang sa kanila.
.
"Who goes there!? ".
May hawak silang poisoned Lances.
.
Agad namang humanda sina Chris pero agad pumaharap si Goku.
"easy guys, ako ito si Goku. Heto ang crest ko bilang Guardian ng Mining stations."
.
Naglabas sina Goku at kasamahan nya ng Medal na may hidden Inscriptions na tanging mga mamamayan ng Kambala lang ang makakakita at makakaramdam.
"ohhh?!, at sino naman sila Brother Goku?".
.
Ngumiti si Goku at lumingon kina Chris.
"sila ang mga Modernized civilization mula sa Unknown Southern Lands. Mga Tao rin kagaya natin".
.
Laking gulat at tulala ang mga anyo sa mukha ng mga scout rangers na mga ito.
"ha ha ha. brothers!!, maligayang pagdating sa Bayan ng Kambala."
.
Yumuko sila at nagbigay greetings kina Chris. At syang ganun ding ginawa nina Chris sa kanila.
"Goku ikaw na bahala magdala sa kanila sa bayan----mas dumarami nanaman ang bilang ng mga nakakapasok na Kalaban".
.
Bigay hint nito sa grupo nina Goku. Na magmadali dila sa paglalakbay patungo sa Bayan.
.
"buweno brothers, patnubayan kayo ng langit sa pagbabantay dito".
Sabi naman ni Goku sa grupo ng mga scouts na mga ito.
.
Sumunod na sina Chris kina Goku sa pag abante ng Dash.
.
"Pareng Goku, bat wala ako maramdaman sa kanilang auras?, anong stage na ba sila? ".
Tanong ni Chris kay Goku.
.
"nasa Peak Ancestor stages na sila, at dalawa sa kanila ang nasa Saint stages na"
Sabi naman ni Goku. At nababahala parin sya sa maaaring mangyari sa grupong iyon.
.
'Isa lang ibigsabihin nito----maaaring ang Kambala city ay may lakas na taglay gaya ng HumanAlliance, makakatulong ito sa panahon ng digmaan laban sa mga MagicalBeasts at DarkForces'.
Sa isipan ni Chris. Ang mga cultivators na kanilang makikita at makikilala sa Kambala ay mga Genuine, at masasabing mas malayo ang lakas ng mga ito kesa sa mga nakilala nilang cultivators sa HumanAlliance.
.
(yah Genuine is more talented cultivators, maaari ding mas matatanda pa mga ito)
.
Hindi sila tumigil sa pagabante gamit ang Dashing movements nila mula sa mga kabundukang iyon.
.
-----
.
Madaling araw na ng makarating sina Chris sa Giant Gate ng Central layer ng Kambala StrongHold city.
(the Heart of The City)
.
Sinalubong sila ng Dalawang Peak Ancestor stage na auras.
.
"may scanners sila ah. He he. Mukhang lagi silang handa sa ano mang kalaban".
Sabi naman ni Ahri.
.
Sina Goku ang nauna papasok sa Gate na bahagyang bumukas na magkakasya ang Lima o tatlong katao.
.
May nakatayo duon na isang matandang lalake.
.
"Senior, nabalik na kami dala ang isang magandang balita".
Yumuko sina Goku sa matandang lalakeng ito.
.
"alam ko na ang ibabalita mo dahil, lagi ko kayong binabantayan sa inyong paglalakbay".
Ngumiti ito at may hawak na Bluish Gem sa kanyang kamay.
"pumasok kayo at mukhang ----ano mang oras ay lulusob nanaman ang mga kampon ng isang Lorde".
.
Ganun nga at lumingon ito kay Chris. Na tila nagpapahiwatig ng maamo at pagtanggap sa kanilang pagdating duon.
.
Pagkapasok nila sa loob ay napatulala si Chris sa kanyang nasaksihan.
.
Zzuuurrggee!!! ----(mental break)
.
Parang isang malalim na hukay nababalutan ng kadiliman at puno ng ibat ibang imahe na tila hindi galing sa nakaraang buhay ni Chris.
.
Agad namang inalalayan ni Bianca si Chris na bigla nalang napaluhod at nakahawak sa kanyang ulo na tila nakaranas ng mental attack.
.
"Chris!!?----".
Sabay namang lumapit sina Vera at Minty sa tabi nito ganun din si Bliss.
.
"mukhang may something sa lugar na ito, para kay Chris. magiging maayos din sya mamaya".
Lumingon si Ahri sa Senior nina Goku.
'---Senior Hernandez'.
Nasa isipan na ni Ahri ang kasagutan sa nangyayari ngayon kay Chris.
.
## pasensya na sa late Update, guys maske si Editor nahihiya na mag post ## 😂😆😄😇