Chapter 19: The Amazing Hunt.
Bagamat puspusan ang pagsasanay ng grupo nina Ahri sa nalalapit na World tournament na gaganapin sa Purple Moon continent sa Bansang Coryet sa susunod na taon.
(ang bansang Coryet ay pinaka sentro ng kontinente at may pinakamalawak at pinakamalakas na impluwensya sa buong kontinenteng iyon. Maging ang lupang sakop nito ay sampung beses sa bansang Bina)
*ang lawak naman. Naks*
Inagahan narin ni Johnny ipaalam sa grupo nila na. Maaari na silang hindi pumasok sa kanilang mga class rooms. At ipinaalam na meron na silang nakahandang Graduation Tags or masasabing diploma para sa kanila. Ang hinihintay nalang nila ay matapos ang World tournament bago sila mamili ng isa sa kanilang papasuking top tier na 7 Alliance Sects sa buong mundo. Or bumuo ng sariling Official Raid Squad.
*ibahin natin ang usapan, kamakailan sa mga naunang chapters nasabi na merong top 5 sects. Yun ay mga sects na nakapaloob lamang sa continent at masasabing parang mundo lang nila iyon. He he he. Pero sa real World masasabing may mas mataas pa sa White Ice sect ng Great Grandma ni Jane. At malalaman natin ang connection ni Satsune sa isa sa pinaka mataas na Alliance Sect sa buong mundo----*.
.
.
Lumipas ang limang buwan.
.
.
Kung saan si Chris ay nagbubuhat ng tila bronze chunk na may bigat na 5000lbs. At naka saklay ito sa likod nya na para itong bag.
Tumatakbo sya sa Disyerto. May ilang nakakakita sa kanya pero, tila sanay na silang makita sya sa ganung ayos. Madumi ang hubad na itaas ng katawan nya, at naka pants lang ito ng may punit punit. At naka paa lang sya. Mahaba at magulo ang kanyang buhok.
.
.
Parang isang sira ulo na walang magawa sa buhay kundi ang tumakbo ng tumakbo sa mainit na disyerto at may buhat na mabigat na bagay.
.
.
Nakasalubong nya ang ilang Raid Squad, na parang mag huhunt ng Magical beasts sa disyerto.
"uy, andun nanaman yung sira ulo. Hindi na talaga sya natuto. At ilang ulit ko na syang inalok ng Spirit Stones para mag-aral pero hindi sya sumasagot. Buhat parin nya yung bag ng basurahan----"
(pagkaka tingin nila kasi sa buhat nya ay bag ng basurahan---isa palang higanteng Bronze chunk)
.
.
"tsk. Masasabing styrofoam lang yun brad, maske nga ang leader natin na si Ms. Chulie, hindi nya pinansin. Hindi umipekto ang mala dyosang taglay ni Ms. Chulie"
Namuso muso naman ang mga mata nila ng lumingon silang banda sa isang Babaeng hindi lalayo sa edad ni Chris. (mas matanda ng isang taon or dalawa)
.
.
"hwag nyo na syang pansinin, at tungkol naman sa buhat nyang bagay. Tiyak akong nasabi nya sakin na kahoy ito na napinturahan lang ng Bronze----lets go baka mahuli tayo sa oras".
Nagtungo na sila sa east part ng disyertong iyon. Pero napapalingon parin si Chulie sa ginagawa ni Chris.
.
.
Tumigil sa pagtakbo si Chris ng biglang nakaramdam sya ng Pulse mula sa kanyang tiyan.
.
.
Ggrrrrggrrrr!!!!
.
.
"mukhang kailangan ko ng kumain, 1month no food, 1month only water. At hindi pa ako naliligo ng 1month. Naipawis ko na lahat ng mga impurities sa aking mga buto, at laman."
Naupo si Chris ng meditative posture.
.
Shhhhhiiiinnggg!!! -----(Qi gathering)
.
Unti unting nawala ang maduming nakakapit sa bawat parte ng kutis ni Chris. At tumaas pa ng tumaas ang kanyang Body pressure. (heat)
.
"nice GrandMaster level 2 na ang physical ko. At nakahabol narin ang Qi Cultivation ko. Na nasa GrandMaster level 1. Maske Lower level Epic stage Cultivator ang makaharap ko may mga magagawa pa akong takasan at tapatan ito".
Tumayo si Chris at itinago sa kanyang Singsing ang mabigat na Bronze chunk.
Nag stretching sya at maririnig ang mga tunog sa kanyang mga buto at tila nakaginhawa naman ang kanyang mga joints. huminga sya ng malalim.
'mukhang nakalayo na ang huling napadaan na Raid Squad. Kailangan kong makahabol para sa tinatawag nilang Group Raids sa labas ng Forbidden wall'
Napangiti si Chris. At pumwesto sya na parang isang Marathonista.
"Here----we---GO!!! "
.
.
Boooooommmm!! ---(ground shockwave)
Sa isang biglaang bwelo ni Chris ay para syang pinakawalang Pana sa kanyang pagtakbo. (Dashing movement)
.
.
Nagmamadali ang Grupo ni Chulie sa kanilang patutunguhang Raid.
.
.
Zzzoooooommmm!!! ----(Dashing)
Napatigil sila ng makita nila ang napadaan sa kanilang tabi.
"t-teka anung klaseng Movement skill iyon?!!, at mukhang kasing bilis lang ito ng Epic Physical cultivator ha."
Sambit ng isang mataba at matangkad na lalake sa grupo ni Chulie.
.
.
"tara, mukhang nagmamadali din sya patungo sa Raid assembly. At hanggat maaari pag nahanap natin sya duon imbitahin natin sya. Kulang tayo ng isa para mabuo ang 4 member team rule."
Nagpatuloy na sila sa pag-abante.(dash)
May limang araw pa bago ang Assembly at malapit ito sa Forbidden wall.
.
.
Sa hapong iyon. Nakaharap si Chris ng ilang bandits, na pati ang tulad nya na ganon ang suot ay hindi sya pinalampas na atakehin. (kahit magmukhang pulubi walang pinapalampas naku naku)
At sa huli sila ay namatay sa kamay nya.
.
.
Isang oras ang pagitan nina Chris at sa grupo ni Chulie na kapwa mga kasamahan nya ay may suot na Qi-Enhancing boots.
(cheat ng mga may kayang bumili)
Nadaanan nila ang 20-25 katao na napira pirasong katawan sa bandang iyon ng disyerto.
.
.
"mukhang nagkamali sila ng nilapitan. Maaaring kagagawan ito ng nauna sa atin kanina---hindi ko namukhaan eh maaaring babae or lalake sya. Dba Boss?".
Sabi ng payat na lalake habang hinahanap nito ang mga rings ng namatay na mga bandits.
.
.
"hmmmfp, tiyak akong kinuha nya ang Loots. At imposibleng iwan nya ang mga rings----ehhh? "
Nagulat naman si Chulie ng makita nya ang hawak ng kasamahan nya na mga pouches na tila naglalaman ng mga maliliit na bagay.
.
.
"boss, pakinggan mo---"
Niyuyog nya ang pouches at mga singsing nga ang laman nito base sa tunog.
.
.
"tara sa pinakamalapit na kweba---duon na natin ito tignan, dibale madilim na at sasapit na ang gabi".
Utos ni Chulie na tila curious ito lalo sa kung sino man yung lalakeng nauna sa kanila at iniwan nalang basta ang mga loots na ganung karami.
-----
Si Chris ay nasa loob ng isang Kweba. Nakaligo na ito sa isang Portable bathtub nya na kasya ang lima. At may mga medicinal herbs or ginagamit ng mga physical cultivators.
.
.
"hayst, malapit na maubos ang bisa ng herbal bath na ginawa ko. Kailangan ko ng makahanap ng mapagkakakitaan ng Spirit Stone para gawan ng solusyon ang pag Cultivate ko."
Tumayo na ito at nagtwalya. Kapansin pansin ang ilang kulay sa itim na mahabang buhok nya na may halong darkgreen/green.
Agad syang nag suot ng kanyang Extreme BlackMartial outfit.
.
.
Naramdaman nya ang mga aura na papalapit sa kwebang iyon.
.
.
'ohh, nahuli sila ng 2 oras----'.
Agad inilabas sa kanyang ring ang Black-Metallic mask. At itinali nya ang kanyang buhok. Sabay bukas ng kanyang Phone. (Crystal Hologram) at nag selfie sya.
-----
Naglakad papasok sa kweba ang tatlo.
"woooh. Kung hindi tayo nagmadali baka natupok na tayo ng Sand storm"
Sabi ng payat na lalake. At ginamit ang Qi energy sa kanyang katawan para maalis ang mga nakakapit na buhangin at dumi sa kanyang katawan. At ganun din ang dalawa.
Natulala sila ng mapansin nilang tumigil na sa pag lakad si Chulie at nakalabas ang kanyang Jade Green Giant Bow.
.
.
Nakita nila ang mysteryosong lalake na kasalukuyang nakaupo sa isang mababang bato at nakayuko ito habang naka salungbaba. At tila may binabasa sa kanyang phone. (wattpad siguro kidding he he he)
Agad ding naglabas ng armas ang dalawa. Hindi dahil sa kasiguraduhan kundi dahil sa nararamdaman nila sa mysteryosong lalakeng iyon.
.
.
"isa kabang TransformedBeast!? O tao?"
Seryosong Tanong ni Chulie. At nakahanda ang kanyang Qi arrow sa isang kamay.
Umangat naman ng tingin ang mysteryosong naka maskara. (Chris)
"syempre tao ako. Umilaw na sana yang badges nyo kung Transformed beast ako".
Itinuro nya ang badge na nasa kanang bahagi ng dibdib ng Outfit ni Chulie.
.
.
Parang tinamaan naman si Chulie sa kanyang isip dahil sa sinabi ng mysteryosong lalakeng ito. At agad nyang itinago ang armas nya sa loob ng kanyang storage ring.
.
.
"ah eh. Ipag paumanhin mo, medyo nadala lang ako at nasanay na kami sa mga Transformed beast. Kaya naalarma kami dahil sa kakaiba mong Aura at yang outfit---"
Napalingon naman si Chulie sa dalawang kasama nya na hindi parin naitago ang mga aramas.
Lumingon sila kay Chulie at agad na itinago ang kanilang mga armas.
"Bojo. Gawa ka ng mauupuan nating lahat---at isang lamesa".
Utos ni Chulie sa mapayat na lalake.
*Bojo. Age 25, Short hair, smiley face, brown skinned, height 6'2".*
Isang Tap lang ni Bojo sa ibabaw ng lupa ay naglabas sya ng Earth element Qi at agad namang lumutang mula sa lupa ang isang lamesa at may apat na upuan.
(Rock made)
'isang Magus ng Earth element'.
Si Chris ay naghahanap ng maaari nyang maka grupo sa Raid na magaganap sa mismong araw ng assembly.
.
.
"maupo ka muna---ahm? "
Sabi ni Chulie. Na tila gustong malaman ang pangalan ng lalake.
.
.
"Red---"
Pagpapakilala naman ni Chris sa kanilang tatlo.
Tumayo si Chris at nagtungo sa isang upuan.
Si Chulie at kasama ang dalawa ay naupo din duon.
.
.
Naglabas si Chulie ng isang Mamahaling Wine at naglabas naman si Taba ng ilang makakain.
"ako si Chulie Gray, 20 years old. Ikaw ilang taon kana? "
Curious ito sa maaaring edad ni Red (Chris)
"hindi ko na maalala kung ilang taon ako--- ahm. Matanung ko nga kayo... sasali ba kayo sa GreatRaid na gaganapin sa ikalimang araw,?"
Tanong kaagad ni Chris. Na tiyak nyang makakasama nya ang tatlo sa Raid.
.
.
"oo, balak mo din ba sumali? Napag alaman kasi namin na ang reward na matatanggap sa mga makakakuha ng mga beastcores ay doble sa mga presyo ng mga ito."
Sabi ni Chulie habang iniabot kay Red ang isang Chalice na may lamang Wine.
.
"oo syempre sasali ako. Pero ang habol ko duon ay hindi ang reward. Battle experience at ilang mga bagay pa na maaari nating mahanap sa Raid."
Tinanggap naman ni Red ang Wine at kusang nawala ang laman nito.
"nice wine---ahm. Maaari ba akong sumali sa grupo nyo?"
.
Na excite naman si Chulie.
"abay, syempre. He he he. Sakto lang na minimum din ang 4 member team sa Raid."
.
-----
.
Sina Box at Lucas ay nakarating na sa GrandMaster level 2 sa Physical at Qi cultivation. Kumbaga balance na sila.
.
"woooooh!!, tara sa hot spring bro"
Long shaggy hair lucas at nasa height na 5'9", at edad na 18.
.
Si Box naman ay tila nagpa semi-bald hair. At nasa height na 6'1", at hindi na masasabing dati syang gorilla at tabachoy sa anyo nyang parang pang Kungfu artist ang dating. (hindi payat, pure muscles). At looking handsome dahil narin siguro sa Cultivation technique at pagbabawas impurities sa katawan. Nasa edad na 19, B-day nya lately. (ha ha ha)
"kunin ko muna ang mga natitirang pills at elixirs sa Hotel---, sabihan mo sina Jane na handa na tayo sa GreatRaid. Maximum ang sampu diba?".
Sabi ni Box na nagtwalya at pinagpapawisan.
.
Sa kasalukuyan nasa bayan sila malapit sa Novus, at mukhang pinayagan silang mag train sa labas ng Bansa at sa kabilang kontinente sila mag-sasanay.
.
Ang kanilang personal Coach ay si Mr. Adonis na mismo.
.
Sina Jane at Lanna ay sabay parin ang pag cultivate at nasa kanilang hotel rooms.
.
'malapit na silang makatungtong sa Level 3 GrandMaster---- kung sa tutuusin mag L-level 5 na ako.'
May hawak na listahan si Ahri tungkol sa kanilang mga makakalaban sa World tournament.
'mukhang mala-halimaw din sa yaman ang mga nagpalaki sa mga ganitong kabataan.'
.
Sa listahan kung saan may markang mga GrandMaster at Epic cultivators na Senior Highschool students na kasama sa World tournament.
.
masasabing Elite of the Elites at best among the best ang mga makakaharap nina Ahri.
.
*mukhang mga pinakain na ng ginto ang mga makakalaban nila. Tsk baka pati diamonds para lumakas ang mga iyon----meaning: ginastosan nila sa pagpapalaki ng kanilang mga younger generations... *