Chapter 10: The Saint Stage, and the Gifts of Karma.
Tanging hangin lang ang kalmado sa mga sandaling iyon ng masaksihan nila ang pagbaba ng isang Saint Stage Expert.
Nanginginig at nakayuko naman ang mga ContractedBeast sa buong lugar o maske sa buong bayan. Ang ilan ay nagtago o bumalik sa kanilang mga Seal crests.
"oh. May problema ba? May nakakatakot ba sa hitsura ko? "
Naging malamig ang titig ni Ahri sa lahat ng sasalubong nito. Habang nakahawak sa kanyang magkabilang bewang. (that pose)
"h-hindi sa ganon, mahal na panginoon."
Lumuhod ang isa sa mga bodyguards ni Lanna. At sumunod din ang lahat ng makakita nito.
Mga Peak Master Stage luluhod. syempre sa harapan ng isang Saint Stage, para lang silang mga tupa na papasok nalang sa bunganga ng isang AlmightyDragon.
"----maaari bang makiusap sa inyo mahal na panginoon, na ibalik sa amin ang lalaking iyon. Isa kasi syang matalik na kaibigan para sa amin".
Lakas loob na bigkas ni Jane habang naka dikit ang noo sa nag nyenyebeng lupa. (kowtow)
"hmmmm. Pasensya na Ms. Pero napalayo ata ang pagkaka hagis ko sa lalaking iyon. Maaaring nasa hilaga na sya sa ngayon. Pero hindi bale. he he he. Makakabalik din sya siguro bukas ng gabi or sa ikalawang araw."
Napahawak sa baba si Ahri, at parang nababasa nya ang mga iniisip ng mga nasa paligid nya.
'woooooh wala paring kupas ang kagandahan ko, he he he he. Pag nakaipon na ako ng 1000 Saint Stage Beast cores makakabalik na ako sa tunay kong katawan.'
Naalala nito na kailangan nya munang umasa kay Chris para sa mga BeastCores.
"then i gotta go Somewhere. Oooops muntik ko makalimutan----"
Lumingon sya kay Lanna at Vera.
"ikaw ---at ---ikaw sumama kayo saken. Kailangan ko ng tour guide dito sa mga pamilihan."
Tila nakaramdam ng kaba ang mga bodyguard nina Lanna.
"a-ako?, sasama sa iyo mahal na panginoon? "
Mahinang sabi ni Jane. At nanginig ang kanyang mga tuhod.
At ganun ding hindi makapaniwala si Lanna. At kahit dumating ang kanyang Ama at Tito, siguradong walang magagawa ang mga ito laban sa isang Saint Stage Cultivator.
.
.
.
Hindi lang GAP sa Stage baka mamatay sila sa kagandahang taglay nito na tila galing sa mundo ng mga Dyosa.
"guards bantayan nyo si Bien, siguradong ligtas ako sa kamay nya".
Lumingon sya sa mga guards.
"p-pero----- sigh. Masusunod Ma'am Lanna. Gamitin mo lang ang SignalStone kapag nasa masamang sitwasyon ka".
Sabi ng pinaka pinuno ng guards. (babae)
"Couz, ----- Mag iingat ka"
Nag aalalang sabi ni Bien.
Sa isang iglap ay lumapit sina Lanna at Jane sa tabi ni Ahri.
'Oh my, mukhang maganda nga itong mga napili ng Mukong na iyon. Nasa 100% purity ang kanilang mga Soul Qi.'
Napa kagat-labi konti si Ahri. At tila isang maamong Alaga na inamoy sina Jane at Lanna.
Lahat ng nakakita sa ginawa nya ay tahimik lang at hindi umimik. Pero naguguluhan sila sa mga nangyayari at kung bakit bumagsak ang isang Saint stage Cultivator sa isang mababang syudad na tulad ng Trock.
*ano ba magagawa nila kapag ginalit nila ang isang Saint Stage. ----- Ayun hanggang pananahimik nalang ang magagawa nila. Ha ha ha ha.*
"ok! samahan nyo ako sa mga BeastCore shops. Bilhan nyo ako ng 500 na MasterStage cores. He he he".
Bulong nito sa dalawang babae.
"may alam akong lugar na may ganung karaming Beast Cores".
Sabi ni Jane at Lanna ng sabay.
'buweno, tara na. Ipagpaumanhin nyo dahil wala akong dalang pambayad. He he he he. Pero may ibabahagi ako sa inyo na Cultivation Techniques at Divine skills'.
Bulong nito sa dalawa.
Gulat naman ang dalawa sa mensahe mula sa telepathy ni Ahri sa kanila.
Naglakad na ang tatlo at walang may planong sumunod sa pupuntahan nila.
Nagtungo sila sa daang papasok sa lugar na may mga magagarbong mga Shops at buildings. Kumbaga Maharlika street.
"oooh, i smell BeastCores everywhere. At mga BoneCleansing Pills, BloodClotting pills, Rejuvenation Pills -----(etc etc). Mukhang dito makikita ang lahat ng mga Rare Items at Herbs".
Tila maglalaway na si Ahri sa kanyang mga nakikita sa daan at mga naamoy nya sa hangin.
'kahit masasabing napakababang trash ang mga items sa mundong ito, namimis ko na talaga ang amoy ng mga ganitong gamot, herbs, at lalo na mga magicbeast meats, internal organs, bone essence, blood essence---(etc etc)'.
"oo mahal na panginoon. At hindi pa dito makikita ang pinaka sikat na Shop. Nasa pinaka gitnang bahagi pa ng MarketSection ng Trock ang sinasabi kong lugar na pagbibilhan natin ng mga Master BeastCores."
Pag eexplain naman ni Lanna.
"sa katunayan mahal na panginoon, ang sinasabing Shop ni Ms. Lanna ay ang isa sa pinaka malaking trading Union sa buong mundo. Ito ay ang DragonPavilion"
Dagdag naman ni Jane.
"ah guys, maaari bang tawagin nyu nalang ako sa pangalan ko or, Ms. Ahri or Ate Ahri nalang mas Lowkey pakinggan eh. he he he. At mula ngayun ibababa ko muna ang Aura ko sa Master stage."
Umakbay ito sa dalawa.
"sige--- Ate Ahri."
Sabay nilang tawag kay Ahri. Tila unti unti silang nasasanay sa tabi ng isang Saint stage cultivator.
Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa gitnang bahagi.
Ngunit sa lugar na ito ay mapapansin ang mga Master, GrandMaster at minsan may mga Epic stages na bihirang maramdaman sa paligid.
"ohhh, madami ding malalakas dito. "
Sabi ni Ahri. At agad umagaw sa mga atensyon ng maraming mamamayan. At mga ContractedBeasts ay napalingon din sa kanila.
"-----oh, mukhang mag-isa si Ms. Lanna. At wala syang bantay sa ngayun. At mukhang may kasama pa syang dalawang anghel. He he he".
"woah, mukhang nilalamig ang isa sa kanila. Ha ha ha. Dibale madami tayu dito para pa-initin sila. Ha ha ha. "
Mga makakating labi at mga mata ang naka baling sa kanilang tatlo.
"ooooh. Mukhang kailangan kong masubukan ang sinasabi nyong init."
Napakagat labi si Ahri. At ipinaharap ang kanyang kanang kamay. (alluring too lure beast)
Pumaharap ang isang lalaking may suot na Ragged cloak at may hawak na dalawang long sword. (GrandMaster stage)
"ako na mauuna, ano ang pangalan mo babe? ".
Dinilahan nito ang kanyang sandata at matamang tumingin ito sa mga hita ni Ahri.
Swooooshhh-----(Qi pressure)
Tumilapon ang lalake sa mga lamesa sa tabi ng isang Cafe. At hindi na ito nakatayo pa.
"teka anong nangyari sa kanya? "
Napalingon naman silang lahat na nakasaksi sa hawak na bagay ni Ahri.
Badump! badump! badump!. (heart beat)
Kinain nito ang puso,
.
.
.
bite
.
.
by
.
.
.
bite. Hanggang sa naubos nya kaagad. Dinilahan nya ang kanyang madugong kanang palad.
.
.
.
"hmmmm. Yummy, mukhang mag eenjoy ako sa lugar na ito. Buweno sino pa susunod? "
Tila excited ulit makatikim ng puso si Ahri. At ipinaharap ulit nya ang kanyang kanang kamay.
Nanginginig ang mga tuhod nina Jane at Lanna. Hindi nila masikmura ang makapanood ng ganung mga bagay.
"Ms. Lanna, totoo b-ba i-itong nangyayari sa a-atin ngayun? "
Mahinang bigkas ni Jane.
"h-hindi ko a-alam-----"
Hindi kaya ng sikmura ni Lanna ang makakita ng isang mala dyosang babae na kumakain ng Puso.
Pumaharap ang isang matipunong lalake kay Ahri. At may hawak itong malaking espada. Isang claymore. 4.5ft
"mukhang kailangan mo munang makatikim ng sakit-----"
.
.
Crack--------- tannnnngggggggggg!!!(metal)
.
.
.
Hindi nito naituloy pa ang pagsasalita ng maramdaman nyang gumaan ang kanyang hawak na sandata.
"oh. Anong klaseng sakit aber? "
Hawak na ni Ahri ang kalahating parte ng sandata ng lalake.
"i-imposible!!! Isang high Grandmaster grade ang sandata ko at nagmula pa ito sa kanlurang bahaging disyerto ng mga Shura!"
Napaatras sya ng ilang hakbang, na tila nakita nyang halimaw si Ahri sa kanyang harapan.
.
.
.
Bam!!! (invisible Qi ripples)
Tumilapon din ito sa lugar kung saan tumilapon ang unang pinatay ni Ahri.
"yum!, mas malusog ang puso neto kesa sa nauna sa kanya".
Inubos din nya kaagad ang hawak nitong puso.
Napaluhod na sa nyebe sina Lanna at Jane at nakatakip mukhang yumuko kay Ahri sa likod nito.
"guys, wag nyo na syang harapin---- alam nyo naman kung gaano katibay ang mga armas na gawa ng mga taga Shura at high grade pa ang sandatang iyon---- alam kong ayaw nyong maniwala sa sasabihin ko. pero isipin nyo. ----ang babaeng nasa harapan nyu---- ay maaaring pinaka halimbawa ng tinatawag na isang Saint Stage Cultivator na gusto nyong maging".
Sabi ito ng isang lalakeng lumulutang sa ere. At may Aura na Epic Stage Cultivator.
"lord Falcon-----".
Sabi nilang lahat. At yumuko sila sa lalakeng iyon.
"oooohhh. Isang Epic Combatant. Mukhang matitikman ko din sya---- oooops muntik ko na makalimutan. He he he he. naparito lang pala ako para bumili".
Kumindat si Ahri kay Falcon at agad lumapit sa kanyang dalawang kasama.
"Girls lets go inside, madami pa tayong bibilhin."
Naglakad na sila patungo sa Main door ng DragonPavilion.
'Kailan pa nagkaroon ng SaintStage cultivator ang bansang ito? Saang Sect sya kasapi?, at anong relasyon nya sa Cardel at Cruz Family? '
Nakaramdam ng kakaibang takot sa kanyang dibdib ng maalala nya ang naramdaman nyang aura mula sa syudad kamakaylan lang.
'marahil sa kanya nanggaling ang Aura na iyon'.
*guys narinig nyu naman yung sinabi nyang word na Sect. Ito ay mga malalakas at maimpluwensyang mga powerhouse katulad sa mga Mafia or Organizations. May mga Sect na nagkalat sa buong mundo, at (nasa malapit na chapter na yun. at mai-eexplain ko ang mga pangalan). Sa ngayun at main topic natin ang basic life ng isang Cultivator.*
-----
Nag-aalala naman si Blana kay Jane, at ngayon ay kasama nya sina Ruby sa loob ng isang Cafeteria. (no more bodyguards in sight)
"sigurado akong, ok lang sya. Pero hindi ko sigurado kung saan napunta si Chris".
Nag-aalala naman si Ruby kay Chris.
'Chris, sana makabalik ka ng buhay.'
Tila hindi maitago ni Vera sa kanyang sarili ang pag-aalala kay Chris.
.
.
.
"sure ako nasa isang bunduking lugar si Chris. He he he. Hula lang naman".
Singit naman ni Hannah. At napa sip-sip ito sa kanyang coffee mug.
-----
Nakabalik na si Bien sa White Ice Sect. Hindi tiyak ang lokasyon nito dahil kailangan pang gamitan ng Portal Scroll makapasok lang sa Sect. At tanging mga members lang ang makakatanggap ng Portal Scroll.
Nakaluhod si Bien sa harapan ng tila ice throne.
"ano!??, isang Saint Stage sa Bansang Bina!, -----mukhang kailangan kong sabihin ito sa Mahal na AncestorSaint."
Sabi ng current HeadMaster ng Sect. At napakunot noo ito at tila may sumagi sa isipan nito.
May mahabang itim na balbas at tila nasa edad na 30's at naka suot ng MartialRobe na puti at may Crest na Ice flakes. Ang kasuotan ng lahat ng mga members ay may mga iceflakes na marka sa kanikang Robes.
.
.
.
"----pero kailangan pa ba nating istorbohin ang mahal na pinunong AncestorSaint dahil dinakip si Ms. Lanna? Pero halatang hindi naman magpapakababa ang isang Saint Stage na saktan o pumatay ng mababang tulad ng Advance stage na si Lanna."
Nag dalawang isip ang headmaster at mukhang may punto ito sa mga sinabi nya.
'ang mga nasa mataas na stage ay walang pake sa mga makamundong mga bagay. At lalong hindi kayakayanin ng kanilang pride ang pumatol sa mga mahihina'.
"so ano po ang ating gagawin, mahal na pinuno?, hawak parin nya si Lanna."
Nag aalala si Bien sa kanyang pinsan.
-----
Nakapili na ng mga highclass beastcores si Ahri at sina Lanna at Jane ang nagbayad ng lahat.
Hindi naging problema kay Jane at Lanna ang pagbayad ng ilang milyon.
Ang halaga ng isang Entry beastcore ay 10goldcoins,
ang Practitioner beastcore naman ay 100goldcoins,
ang Advance beastcore ay 1000 goldcoins,
ang Master beastcore ay 10000 goldcoins,
ang GrandMaster beastcore ay 100k goldcoins,
ang Epic Beastcore ay 1million goldcoins, ang Ancestor Beastcore at Saint Beastcore ay masasabing Hindi maibenta sa ano mang Trading Unions. At kung meron man ito ay pag-aagawan sa isang Hidden Auction palace sa bandang kanlurang karagatan. (secret for now)
*may mga bagay na hindi pa dapat maibunyag sa mga naunang chapters. He he he he. Pero hints are on the way malay nyu malaman nyu kung hanggang saan patutunguhan ang adventure at mga pakikipaglaban ni Chris*.
"salamat sa inyong tulong. He he he. Tara sa isang tahimik na lugar. I think oras na para ako naman ang magbayad sa pagtitiwala nyu saken".
May 500 pieces na Master beastcore sa loob ng StorageRing. At ang mga magicbeast cores ay kasing laki lang ng Golfball.
Pagkalabas nila sa main door ay laking gulat nina Jane at Lanna ng biglang humawak si Ahri sa kanilang mga kamay.
.
.
.
"kapit kayo sa aking likod dahil, lilipad na tayo".
Pangiti itong lumingon sa kanilang dalawa.
Wwhhhoooooommm!!! (air waves)
Malakas na hangin at Aura ang kumalat sa buong syudad, at gumising sa mga taong tila inaantok dahil sa lamig ng klima.
Lumipas ang ilang minutong paglipad ay nakahanap na ng lugar si Ahri.
"ok, dito na tayo. He he he. "
Pagkababa nila ay agad nag-activate ng heat barrier si Ahri dahil alam nyang nilalamig na ang dalawa.
"Ate Ahri, ano ginagawa natin dito? "
Naalala nyang nasa Norte sila kung saan malapit ang lugar na iyon sa villa at sa malawak na crater.
"dito ko ipapasa sa inyo ang mga Cultivation techniques at Ilang skills. He he he."
Hindi na pinatagal pa ni Ahri ang sandali.
Lumapit sya sa dalawa at itinutok ang magkabilang hintuturo sa kanilang mga noo.
"basta, tandaan nyo. hayaan nyo akong pasukin ang inyong mga isipan, upang maiwasan ang ano mang mali o problema sa pagpasa ko ng Cultivation technique ".
Paalala ni Ahri na biglang naging strict na Headmaster ang ugali. (pananalita)
Napapikit nalang sina Jane at Lanna at nagtiwala sila kay Ahri.
Lumipas ang dalawang mahabang paghinga. Ay inalis na ni Ahri ang kanyang mga daliri sa kanilang mga noo.
Nakaramdam ng kirot at sakit sa kanilang mga Meridians, kanilang mga ugat at sa kanilang buong katawan. Halos mag-sisisigaw sila at maluha-luhang napaluhod sa lupa.
Lumipas ang isang oras ay hindi parin nawala ang sakit na kanilang nararamdaman sa kanilang katawan.
'mukhang kakayanin nila, oh well. Mukhang maganda ang mga napili ni Chris. Dahil kung hindi sila 100% na may pure Qi Soul. Marahil ay wasak na ang kanilang mga katawan'.
Nahiga si Ahri sa damuhan at hinintay na matapos ang transformation ng dalawa. .
.
.
.
Unti unti lumuwang ang mga entrances at exit points ng mga meridians nila. (Qi rushing in and out)
.
.
.
Mas naging bukas sa kanilang cells ang pagsagap ng Qi elements sa buong paligid..(Element absorbing and building)
.
.
.
Unti unting na tempered ang kanilang pisikal na pangangatawan na parang maskuminis ang kutis, mas gumanda--- na-refine ang kanilang kagandahang taglay at mas tumibay ang kanilang resistensya. At karagdagang growth hormones. (aabutin ng ilang buwan bago mapansin ang pagbabago)
Gabi na nung humina ang sakit na kanilang naramdaman. At napansin nilang wala na silang saplot sa kanilang katawan.
"ayeeeii!!, asan na suot kong damit?! "
Agad lumingon dito't duon sina Jane at Lanna.
Nagising naman si Ahri sa may Damuhan at kapansin pansin ang tatlong buntot nya na biglang nawala at naging usok. (white/pinkish fox tails).
"woooh. Mukhang mas napatagal kayu sa inyong pagbabago. he he he."
Ngumiti si Ahri sa dalawa. Habang nakaupo in meditative posture.
"anong pagbabago Ate Ahri? "
Nagkatinginan ang dalawang babae.
"kutis, katawan, Aura, pisikal na lakas, at ang pakiramdam ng Qi elements sa buong paligid----"
Pag eexplain nito sa dalawa.
Napansin nga ni Lanna na mas nararamdaman na nyang mabuti ang kanyang element mula sa kanyang paligid gamit ang Qi, at ramdam nyang ipinagbago ng kanyang kutis, pisikal na lakas at ang kanyang pangangatawan.
Nag-wave si Ahri gamit ang kanang palad. Lumitaw ang dalawang storage ring at ibinalik nya ito sa dalawa.
Ilang sandali pa ay nakapag suot na ng damit ang dalawa at humarap sila kay Ahri na parang mga masunuring estudyante.
"kapag nakarating na kayu sa Master stage, ay automatic na mabubuksan ang seal sa inyong kaisipan, naglalaman ito patungkol sa ibinigay kong Cultivation techniques at kasama narin ang Divine skills"
Ngumiti ito at naalala nya ang isang bagay na kailangan nyang gawin habang may natitira pa syang pagkakataon para gamitin ang katawan ni Chris.
Hindi parin makapaniwala ang dalawa sa kanilang natanggap. Nagbayad sila ng 5million pero nakatanggap sila ng hindi matutumbasan ng kahit na anong kayamanan sa mundong iyon.
Pagkalingon nila ay wala na si Ahri sa kanilang harapan.
"magkikita tayong muli balang araw. Paghusayan nyo ang pagsasanay. At Paalam muna sa ngayon-----"
Nag echo ito sa buong lugar.
.
.
.
"tara balik na tayo sa syudad siguradong, pinag alala na natin sila. "
Yumakap si Lanna kay Jane.
"oo nga, he he he. Nakakatakot man si Ate Ahri pero, napakabait nya kahit nasa Mataas syang Stage kesa saatin. Nakahanap na ako ng maituturing kong kapatid".
Yumakap din si Lanna.
Hindi man nila pansin ay may isang bagay pang nagbago sa kanila. At yun ay ang kanilang ugali para sa isat isa.
-----
Si Ahri ay nasa himpapawid at mabilis itong dumirekta palabas ng forbidden wall sa norte. At nakita nya ang malaking butas na kasalukuyang inaayos ng madaming Mages at Alchemists.
Huminto sya saglit at, itinutok nya ang kanyang kanang palad sa bandang may butas.
"makakatulong ito sa pagsara ng butas na iyan-----".
Nag echo ang boses ni Ahri sa buong kilometrong lawak na butas.
Napalingon silang lahat sa kalangitan at napansin nila ang isang bagay na tila babagsak sa mismong butas.
.
.
.
Wwwhhhhhwwwwhhhhwwwiiiiiirrrlll!!! (incoming)
.
.
.
"umalis kayong lahat sa butas na iyan-----"
Sigaw ng Epic Stage Alchemist/Mage.
Agad namang sumunod ang lahat at ganun din ang mga nasa kabilang dako ng butas.
Dahan dahang ibinaba ni Ahri ang isang higanteng Black Stone Wall na sakto lang din sa butas. At mas mataas ito konti sa dating taas ng Forbidden wall.
Rrrrruuuuuummmmmmbbbbbllleee!!!
Bammmmmm!! (heavy bombardment)
.
.
.
Natapos din ang paglalagay ni Ahri ng panakip sa butas ng Forbidden wall.
Naramdaman na nila ang Aura mula kay Ahri pero. Napag-alaman nilang nasa malayo na ito sa labas ng Forbidden wall.
-----
Ilang sandali pa ay huminto na sa pag abante si Ahri duon sa himpapawid.
.
.
.
Lingon here ----lingon there---
.
.
.
"ok na dito. Mukhang walang halimaw na sasagabal. he he he."
Naupo sya sa isang meditative posture.
Lumabas sa Storage ring ang 500 na Master beastcores at kumikinang ang mga ito ng ibat-ibang mga kulay.
"hi my foods, mukhang excited na kayung mapunta sa aking katawan."
Kinuha ni Ahri ang isa sa mga lumulutang na Master Beastcores at dinilahan nya ito, tila nalasahan nyang masarap at agad na nyang nilunok.
Gulp!
-----
Nakabalik na sina Lanna at Jane sa Syudad ng Trock.
Agad namang dumating ang Dalawang Babae sa tabi ni Lanna.
"Ms. Lanna, may masama po bang nangyari sa inyo?, may ginawa po ba sya sa inyo? ".
Tanong ng isang babae na tila nasa edad na 28.
*ang age ng mga cultivators ay hindi makikita/base sa hitsura. Dahil pagtapak palang sa Grand Master ay madadagdagan ang range limit ng buhay ng isang cultivator ng 300years. Pano na kaya ang mga nasa Epic, Ancestor, at Saint stages. He he he. Ang tunay na immortal ay maguumpisa pagkatapos ng Saint stage. Hints nyu na yan----*
"wala syang ginawang masama samin, may deal lang kami. At kailangan kong makita si Ama at Tito. ----isasama ko narin si Jane".
Lumingon ito ng nakangiti sa dalawang GrandMaster stage na mga babae.
"-p-pero?? ".
Nagtinginan ang dalawa. At sumang ayon naman kaagad.
'Sis, ngayun ko lang nakitang maamo at masaya si Ms. Lanna, mukhang may maganda ngang nangyari sa kanila sa kamay ng isang Saint stage expert'.
Mental message nya sa babaeng una.
'tama ka, at nag-iba din ang kagandahang taglay ni Ms. Lanna sa ngayun. Curious ako sis.'
Sabi ng ikalawang babae.
Dumating ang isang Ice Falcon, na tila kasya ang lima sa likod nito sa laki. Ito ay contracted Beast ng isa sa mga babae.
Sumakay sina Jane at Lanna sa likod ng ice falcon. at kaagad itong lumipad sa himpapawid at nagtungo pa kanluran.
.
.
.
Sumunod naman ang dalawang GrandMaster sa tabing banda ng ice falcon.
-----
Naubos na lahat ni Ahri ang mga Master Beastcores pagsapit ng madaling araw. (Breaking dawn)
'oras na para humiwalay ako sa sea of consciousness ni Chris ----- pero magkakaroon lang ako ng lakas na Master: level 1 at edad na katulad sa kanya. Hindi ko pa maaalis ang soul imprint ko sa soul nya tsk!!!, kapag nabuo ko na lahat ng mga 1000 Saint beast cores makakalaya na ako sa buhay alipin sa kamay ng lalaking iyon'.
*soul imprint, ito ay parang Contract Spirit binding para sa mga magicbeast. Pero ang kaibahan nito ay kaluluwa ng kapwa lamang nilalang ang maaaring gamitan ng ganito-----human slave kumbaga*.
Agad lumutang sa himpapawid si Ahri at agad umabante ng lipad, sa bilis na parang Jet sa kalangitan pabalik sa syudad ng Trock.
-----
Si Lanna at Jane ay nakatingin sa itaas ng kabundukan sa isang malaking Fortress. Na tila kasing lawak ng isang maliit na bayan. At tumila na ang pag hulog ng nyebe. Nababalutan ng makapal na nyebe ang ilang parte ng kabundukan.
"welcome to Shura Mountains Sis."
Napahawak sa kamay ni Jane si Lanna.
Nagtungo kaagad sa kaloob looban ng Fortress wall ang ice falcon at kasunod ng dalawang GrandMaster experts.
Sumaludo ang mga nakabantay na guards sa walls.
Nasa main door ng kastilyo, ang Ama ni Lanna. Base sa tangkad at laki ng pangangatawan ay masasabing Valiant at Noble ito.
"anak!, halika dito at mayakap kita----".
Nag aalala at agad na sumalubong ang Ama ni Lanna.
*Alux Cardel: age 150 years old nagmumukhang age 30 yrs old, black goatee and mustache, gray spiky hair. Fierce brows and Red eyes (cornea). 6'4"*
Agad namang bumaba sa ice falcon si Jane at Lanna. Agad yumakap si Alux sa kanyang anak.
"----hi po, ako nga po pala si Jane. "
Yumuko ito kay Alux.
"anak, ikwento mo lahat ng nangyari saken. At wag kang maglilihim----".
Tila protectado sya masyado kay Lanna halos hindi nya na ito mabitawan sa pagkayakap.
"yah, dad ipatawag mo din si Tito. May dapat kayung malaman tungkol sa amin ni Sis Jane."
Masiglang ngumiti si Lanna.
Parang nakidlatan si Alux ng makita nya at marinig nya si Lanna tila masigla at masaya.
'hindi na sya tulad ng dating malamig at madaling magalit na si Lanna!, kasalanan siguro ito ng lalaking nanilip sa kanya sa private pavilions lake. Hmmmmmfp! pag nahanap ko sya ipapaputol ko at ipapatadtad ko ang **** nya! '
Agad nanaman nyang niyakap si Lanna.
"mukhang masigla kayo ngayon----ehh?,"
Lumabas sa malaking pintuan ang tila kakambal ni Alux.
*Cho Cardel: age 150, nagmumukhang 28 yrs old. May goatee na itim at konting balbas, short hair na black. Red eyes (cornea). 6'3" *
Napansin ni Cho ang tila pagbabago kay Lanna.
"kapatid, tara sa loob may sasabihing importante si Lanna sa atin".
Tila seryoso na excited naman ang anyo ni Alux.
.
.
.
Pumasok na sila sa loob.
-----
Malamig ang panahon at nasa loob ng condominium si Ahri. Nagliliwanag ang kanyang katawan na may mga ancient letters or writings na nababalutan ng Aura ng Qi at iba pang elemento tulad ng apoy, koryente, tubig, lupa, at hangin.
.
.
.
Nawala bigla ang saplot sa kanyang katawan. Nakapikit at nakahigang lumulutang ito sa ere.
.
.
.
Ooohhhhhmmmmmmm! (light wave)
Tila dumarami ang bilang ng pumapalibot na writings sa kanya, para syang ilaw na nasa kalagitnaan ng milkyway. Napakaraming bituin na nagkikislapan sa liwanag ng ibat ibang uri ng makulay na particles.
.
.
.
Ang yellow na ilaw ay unti unting namula hanggang sa naging bloody writings na may sampung Sparks na pumapalibot kay Ahri.
Cracccckkkkllllleeee!!! (shatered)
Nabasag ang 9 sparks at natira lang ang isa.
Tila nag-split ang katawan ni Ahri sa dalawa ang isa ay anyo ni Chris na naka meditate posture. Habang ang isa ay ang masbatang anyo ni Ahri, may puting buntot at may black fox-ears.(16 yrs old).
Dahan dahang lumapag si Chris sa sahig at ganun din si Ahri, at wala parin itong saplot sa katawan. (ang sext-hot parin kahit sa ganung edad.)
.
.
.
Ilang sandali lang ay naimulat na ni Ahri ang kanyang mga mata.
'mukhang Master: level 1 nga ang ibinagsak ng lakas ko----'.
Isinuot ni Ahri ang isang GoldenRing na nasa lamesa.
Agad naman nakapag suot ng bagong set na damit si Ahri. Isang Martial sleeve na White/red at mini skirt na white. May white stockings na hanggang hita. White combat boots, at red martial gloves.
.
.
.
"ohhh. Nice-----"
Tinignan nya ang kanyang anyo sa harap ng fullbody mirror, at tila satisfied naman sya sa kanyang anyo. Pero hindi naalis sa kanyang katawan ang kanyang puting buntot at itim na Fox-ears.
'ok na ito para sa ngayun, itatago ko lang ang buntot maliban sa tenga ko. surely naman walang makakalapit saken para suriin ito----- sa pisikal, at Qi Element strength naman?, ahhmmm! masasabi kong mahihirapan parin ang mga nasa normal GrandMaster at mga low level Epic na labanan ako'.
Tila na check na nya ang kanyang kasalukuyang kalagayan. At may bahid ng confidence sa kanyang mga ngiti.
Lumingon sya kay Chris na tila nasa Deep Dive sa pag-cucultivate nito sa mental insight.
-----
"what!!!!, may pisikal kayong buff na halintulad sa Epic!!!----- ibig sabihin binigyan nya kayo ng bagong Cultivation Techniques! "
Inilayo ni Alux ang kanyang mga daliri sa noo nina Jane at Lanna.
.
.
.
"bro. At ang kondisyon ng kanilang bond ay malakas at mukhang para na silang magkapatid sa turing at sa pag-uugali---- mukhang kailangan natin silang bigyan ng tamang training para maka tapak na sila sa Master stage. At sa lalong madaling panahon".
Excited naman si Cho, bagamat kahit alam nyang hindi napili ang kanyang anak na si Bien. Hanggat para sa pamilya Cardel ay hindi sya tututol.
At nalaman din nilang may koneksyon ang Cruz family sa Sect na sinalihan nina Lanna at Bien.
"Jane, hija mas mabuting ipaalam mo din ito sa iyong magiting na great great grandma tiyak mas mapabilis pa ang inyong pagsasanay".
Suggestion naman ni Alux na nanginginig at tila mapapatalon ng wala sa oras dahil sa matinding balitang iyon.
"sa purity palang ng inyong Qi Soul, at lawak ng inyong mga meridians tiyak magugulat din ang Ancestor ng White Ice Sect. ha ha ha."
Dagdag naman ni Cho.
*meridians, ito yung dinadaluyan ng Qi papasok at palabas sa ating buong katawan. Masasabing isa itong channel of connections sa ibat ibang parte ng ating katawan. ------*.
-----
Sa White Ice sect, sa pinaka mataas na Frozen mountain. nakaluhod ang Headmaster at sa tabi nito ay ang lalakeng nakakita kay Ahri sa labas ng Dragon Pavilion.
"-----Master Baline, tungkol sa----"
Hindi na nito natuloy ang sabihin, dahil biglang lumitaw ang isang anyo at nakatayo na ito sa kanyang harapan.
Ang paa nito ay tila hindi naapektuhan ng matinding lamig sa tuktok ng ganung kataas na lugar.
*Baline: Age 1050, may mukhang tila nasa edad na 28, silver long hair, sharp gaze brownish eyes (corneas), Sexy at may noble standing, 5'8"*
"oo alam ko ang tungkol jan. Naramdaman ko ang malakas na pagtagas ng Qi energy mula sa bansang Bina----tiyak kong alam na rin ito ng karamihang Saints at Ancestors sa Continenteng ito----".
Kalmadong sinabi nya, pero tila may gumugulo sa kanyang isipan..
.
.
.
"---- sa ngayon nalaman ko, na nakasama nito si Jane, at ganun din si Lanna na isa sa iyong mga estudyante Micos.
*Micos Gran: current headmaster ng White Ice Sect. Age 200 may hitsurang tila nasa edad na 40, gray beard, white short hair. Blue eyes (cornea), 6'2".*
"----mukhang papunta na sila dito."
Napalingon si Baline sa east.
*napahaba rin itong chapter wooooh*.