45: The Dark side. New Home.
.
.
Hindi bumangon si Chris sa damuhang iyon simula kagabi. At Sinira narin nya ang Data sa Phone nya.
.
8am, nanatili parin syang nakadapa sa damuhan.
.
May mga tunog ng nag-uusap na mga bata sa malapit.
.
"uy, tignan nyu!!, Non-cultivator!!"
Turo ng isang batang babae na nasa 5 years old.
.
Dumating naman ang dalawang lalake na nasa edad na 6/7, at hinatak palapit ang babae sa likod nila.
.
"wag kang lumapit sa kanya, baka mahawaan ka nyan. Ay hindi kana makakatulong sa bayan natin sige ka".
Sabi naman ng lalakeng mataba.
.
"ano sa tingin nyu, buhay pa kaya yan?, kasi sabi nina lolo kahit patay na ang isang Cultivator may maiiwan paring konting aura sa katawan na tatagal ng isang araw. Pero tila kagabi lang sya dito."
Sabi naman ng babae, na may cute round face at long ponytailed brown hair.
.
"ehh, basta wag mo syang lapitan, sige ka walang libreng patatas mamayang tanghalian".
Sabi naman ng payat na lalake.
.
Magkakapatid ata ang tatlo, at base sa kasuotan nila, malalaman na nasa mahirap silang pamilya pero atleast nakakapag cultivate sila. Eh pano na mga hindi nakakapag cultivate ??, gaya ng natagpuan ni Box somewhere last battle. Yung mga mag lolo.
.
"oh sige, ako na magtatawag sa pinuno ng SmallPea village. Dahil tila tamad kayung pumunta, susumbong ko din kayo kay nanay".
Sabi ng batang babae sa dalawang kasama nito. Na may matatay na confidence.
.
Nagtinginan naman ang dalawa na tila nakaramdam sila ng Crisis.
.
"sige kami nalang pupunta, at wag kang lalapit sa kanya. Kung gumalaw sya batuhin mo ng----heto! "
Namulot ng bato ang matabang lalake at ibinigay sa batang babae.
.
"ah sige sige punta na kayo baka biglang magising sya oh".
Nagmamadaling turo ng batang babae sa dako ng Village nila.
.
Nag unahan naman ng pagtakbo ang dalawang kuya nya.
.
"buweno, alam ko naman talagang hindi nakakahawa ang non-cultivators, base sa nabasa kong lumang aklat ni Lolo, bat kasi tamad mag basa ang dalawang kuya ko at mas naniwala pa sila sa mga chika chika---bading ba sila? ".
Napa isip naman sya dahil dun at naglakad sya palapit kay Chris.
.
Ng malapit na sya sa angle kung saan makikita ang mukha ni Chris. At ganun nga na nakamulat ang mga mata nito.
.
"eeekk!!, ----ahm, kuya buhay kapa ba? "
Nagulat sya dahil nakamulat pala ang mga mata ni Chris, at ibig sabihin ay naririnig nya mga pinag uusapan nila kanina.
.
"layuan mo ako---- baka mahawa ka".
Walang siglang sinabi ni Chris.
.
Natawa naman ang batang babae sa sinabi ni Chris.
.
"ako si Bella, at kailan man, hindi nakakahawa ang mga non-cultivators. Lalo na hindi sila dapat layuan. Dahil para sa akin, sila ang nagtataglay ng may pinakamalakas na puso at kaluluwa."
Sabi naman ng Bella kay Chris. With proud pose taas noo sa kalangitan.
.
Hindi naman umimik si Chris.
.
"---pero kuya, ano nangyari sa kanang kamay mo?, bat hindi tumubo? "
Curious nga talaga ang mga batang babae, at napansin ang putol ng kamay ni Chris.
.
Wooooosshhh!!! ---(3x gust of winds)
.
"anak lumayo ka jan! ----"
Dumating ang isang matandang lalake na tila nasa edad na 58+. At may bumatok naman sa kanya na kamay ng isang babae.
.
"Bella jan ka lang, wag ka maniwala sa tatay mong ayaw mag basa ng libro".
Sabi naman ng isang magandang babae na tila nasa edad na itong 30 pero may angkin kagandahang nasa 28.
.
Nakasuot sila ng Simple/ casual outfits na parang pang simba lang ang dating nila.
.
"hijo, napano ka?, mukhang hindi ka galing sa ibang mga Village malapit dito".
Tanong ng Nanay ni Bella. At naglakad ito palapit kay Chris.
.
"layuan nyu ako, baka mahawa kayo---".
Walang siglang sinabi ulit ni Chris.
.
"he he he. Mama sinabi ko na sa kanya na hindi nakakahawa ang pagiging non-cultivator eh. Pero tila sya mismo naniniwala sa ganung kwento".
Sabi ni Bella. At lumingon sa dako ng kanyang dalawang kapatid na nakatago sa likod ng kanilang ama.
(ha ha ha para silang nakakita ng buwayang mangangagat)
.
"hijo, bat hindi nalang tayo mag-usap sa loob ng bahay. Malamig ang lugar na ito at maaaring bumuhos ang nyebe ng wala sa oras".
Sabi naman ng ina ni Bella at may maamong mukha na kayang i-comfort ang sinumang may broken, hopelessness, alone, at sad emotions.
.
Bumangon si Chris pero, hindi nya maigalaw ang kanyang kaliwang paa. Umalalay naman ng tulong ang ina ni Bella at ganun narin si Bella.
.
"ayan kuya, diba ang bait ng mama ko, he he he. Sya ang ilaw sa buhay ko".
Sabi naman ni Bella na may proud look nanaman sa mukha nito.
.
"Gresia, baka magalit ang mga kababayan kapag nagpapasok ka ng tulad nya, alam mo naman na wala ng kayang idagdag pa ang gastusin sa buong bayan. Dahil sa ilang mga tinulungan ninyo noon na mga Non-cultivators na tulad nya".
Sabi ng ama ni Bella. At mukhang nasa mahirap na sitwasyon ang buong bayan nila.
.
"Hulio!!, hindi mo parin ba naiintindihan!, ang langit lang ang syang hahatol sa kung ano ang mangyayari sa buhay ng bawat isa sa atin!, tayong lahat ay nilikha na may kanyakanyang katungkulan---sigh, at ang batang ito ay tiyak kong malaki ang papel sa buhay ng sino man, at maaaring sa buhay natin o sa mundong ito, ganun ang langit sa lahat ng bagay".
Sabi nito na tila may malaking tiwala at ganun din ang paniniwala nya sa poong-Langit.
.
(heavens will and judgement can't be compared by Worldy Laws and Justices)
.
Parang napagalitang bata naman ang asawa ni Gresia na si Hulio.
.
"tay, magbasa na kaya tayo ng Libro, parang gusto ko din malaman ang tungkol sa langit----".
Suggestion naman ng matabang lalake.
.
"Diko, Dinno, sigh, syah sige simula bukas tuturua ko din kayong magbasa".
Sabi naman ni Gresia sa dalawa.
.
Mukhang si Diko ang payat na batang lalake at si Dinno ang matabang batang lalake.
.
"teka ano ngapala pangalan mo kuya? "
Tanong naman ni Bella kay Chris.
.
"Dread-----Dread Lock".
Mahinang Sabi ni Chris na walang sigla. At hindi nagtagal ay nag-blurry na ang paningin nito at nawalan ng malay.
.
Kahit mahina ang pagkakabigkas ni Chris ay narinig parin ito ni Bella na nasa tabi lang nya.
.
"Dread?, woah kakatakot na pangalan para sa isang may malakas na puso."
Sabi nito na agad naitanim sa kanyang isipan.
.
(May malakas na puso, ang mga non-cultivators dahil hindi sila sumusuko sa buhay kahit anong hirap ang dinaranas nila sa lipunan man o sa pamumuhay araw araw)
.
*at masasabi din na sila ang may tunay na nagtataglay ng malakas na kaluluwa, dahil hindi nila iniiwan at laging nag dadamayan ang bawat isa sa lahat ng bagay*
.
Dinala na nila si Chris sa loob ng kanilang simpleng tahanan, gawa ito sa mga bato na tila na shaped large blocks at mga matitibay na kahoy mula sa kagubatan. At ganun din ang mga ilang bahay na matatanaw sa ilang bahagi ng RainForest na iyon.
.
Maulap ang panahon at ilang araw na lumipas simula ng tumigil ang pag buhos ng nyebe. At mukhang magiging malamig nanaman ang klima dahil may mga Snowflakes nanamang nahuhulog mula sa kalangitan.
.
"Hulio, may nahuli ba kayong MagicalBeast? At mag luluto na ako ng tanghalian,"
Tanong ni Gresia habang inaayos si Chris sa magiging kama nito, at mukhang bakante ang kama na ito.
.
"wala kaming nahuli sa GreatMarsh pero may mga isda naman kaming nahuli sa GreatLake".
At inilatag ni Hulio ang limang malakaking isda sa lamesa.
.
"nay ako na kukuha ng mga dahong gulay sa gubat".
Sabi naman ni Dinno.
.
"ako na bahala sa malinis natubig sa FeatherSpring."
Sabi naman ni Diko.
.
"ako naman bahala sa pagluluto!! He he he".
Taas kamay naman si Bella at lumapit sa lamesa.
.
Natawa naman sina Gresia at Hulio.
.
Si Bella ay natutong magluto sa edad nyang iyon, dahil sa malakas na Curiosity at pagpupursigi nitong matuto sa lahat ng bagay na gusto nyang gawin.
.
Lumapit si Hulio jay Gresia na sinusuri ang lagay ni Chris.
.
"ano sa tingin mo ang nangyari sa kanya?"
Tanong nya kay Gresia.
.
"hmm, parang kakaiba ang Qi-Veins nya, ayaw nitong sumagap ng kahit anong energy mula sa nature. Sinubukan ko mag inject ng Qi pero hindi ito tinanggap. At mukhang nakatanggap sya ng atake mula sa kaliwang tuhod, at ganun din sa kanyang siko at natuluyan ng naghiwalay ang braso sa kamay nito."
May bahid ng awa at lungkot ang nadarama ni Gresia sa sinapit ni Chris.
"----tiyak akong, nawala na rin sa kanyang puso ang mabuhay".
.
Ng marinig ito ni Hulio sa kanyang asawa, ramdam rin nya ang kawalan ng lakas na nasa katawan ni Chris.
'kung ako siguro ang nasa sitwasyon nya, tiyak hindi ko kakayaning mabuhay ng ganito----at hindi ko narin ma-pro-protektahan ang pamilya ko'.
.
Nasa Peak Master stage si Hulio, habang si Gresia ay nasa Peak GrandMaster stage.
(paano sila nagkatuluyan?, eh halatang mas malakas si Gresia kesa kay Hulio)
.
*true love has no conditions, real love can see even if blind, and unending Love for those who understand the-- two*.
.
Matapos makapag luto sina Bella at Gresia, nag pakulo naman sina Hulio ng mga patatas at inumin.
.
Pero pagdating ng hapon hindi parin nagigising si Chris.
.
"sa tingin mo, magtatagal pa sya? "
Tanong naman ni Diko kay Dinno.
.
"tsk!!, sumbong ko kayo kay tulfo, este Mama."
Sabi naman ni Bella na nasa tabi ni Chris.
.
Sa panaginip ni Chris nasa isang walang hanghang hagdanan at nasa pinaka dulo sya sa ibaba.
.
'hindi ko na makakamit ang pangarap ko'.
Tumalikod na si Chris at sa kanyang pagtalikod ay isang liwanag na tila palubog na Araw sa karagatan.
.
'para saan pa ang liwanag kung palubog din lang ito'.
Sabi ni Chris sa sarili nya.
.
At lumubog na nga sa kadiliman ang liwanag.
.
Nakarinig sya ng malakas na pagtawa mula sa kandilimang iyon.
.
's-sino ka?,'
Tanong ni Chris na nabalutan na ng kadiliman ang paligid nito.
.
'ha ha ha ha. Mukhang kawawa ka naman Chris!!!'.
Isang grim voice naman ang sumagot sa kadiliman.
.
'sino ka sabi!? '.
Pilit namang inaalam ni Chris kung sino itong kausap nya sa kanyang panaginip.
.
'abay!!, ang bilis mo makalimot---buweno'
Unti unting lumabas ang anyo nito mula sa dilim, isang anyo na may hawak na bloody Umbrella. At pale skinned na lalake.
.
Ang kakaiba dito ay kamukha ito ni Chris.
.
'idaan natin sa formal greetings, ha ha ha. Hi, my name is Dread, i'm your true color of BloodRed! Ha ha ha ha ha!!! '.
Parang psycho na naka singhot ng shabu sa asal nitong tumawa, at bawat pagtawa nya ay naiwawagayway nya ang Bloody umbrella sa kanyang kanang kamay.
.
'wag mo akong pinag lolokoloko!!, ako si Dread sa nakaraang buhay ko!, at kailan man hindi ako ganyan kung umasal----!!'
Natigil naman si Chris ng nakaturo na ang dulo ng bloody umbrella ng Dread na iyon sa kanyang dibdib tapat ng kanyang puso.
.
'tsk tsk tsk tsk. Wag mong akuhin ang pangalan na hindi naman nababagay sayo, kailanman hindi ikaw si Dread sa mundong ito, o sa buhay mong ito---- dahil ha ha ha ha. Isa kang lumpo!!, sh*t kakahiyang isipin na ang kaisaisang gumunaw sa 9th Divine realm ay naging lumpo sa buhay nyang ito. ha ha ha ha. Hindi kaya ng tiyan ko kakatawa!!'.
Sabi nito at inilayo din kaagad ang bloody umbrella sa harap ni Chris.
.
'sa tingin mo makukuha mo ang katawan ko----'.
Natigil nanaman si Chris dahil, nakaturo na sa kanyang dibdib ang Bloody-Annihilation (bloody long sword with black coiling dragon).
.
'ah-uh-oh!, Chris, Chris--Chris, mapag uusapan naman ang bagay na yan, khe!! he he he!!, gusto mo ba ulit umakyat sa Divine realms?, or manatili kang lumpo dito habambuhay. Ang tanging gagawin ko lang naman ay makipag palit sayo at tuluyan kanang matutulog sa mundo kong ito, ----deal? Or no Deal?, ha ha ha! '.
Parang isang nagtatalon talon na addik ang Dread na iyon sa harapan ni Chris.
.
'kailan man hindi ko hahayaang magamit ng ibang kaluluwa ang katawang ito na ipinagkaloob saken!!'
Deklara ni Chris. At seryosong tumitig ito kay Dread.
.
'well then, May isa pa akong pahabol at sasabihin sa iyo---- kapag namatay ka, ako naman ang mabubuhay!, ha ha ha kaya kung ako sayo kahit na anong mangyari, wag na wag kang mamamatay----ohh by the way, bibigyan kita ng regalo sa susunod, tinatamad kasi ako ngayon---- till next time weak-oh!!!'.
Isinaksak naman ni Dread bloody-annihilation sa puso ni Chris.
.
-----
.
Habang nag lalaro si Bella ng kanyang Dolls na ginawa ng kanyang ina na si Gresia.
.
Biglang napabangon si Chris sa higaan nito.
.
"ako si Chris, hindi ako si Dread!! "
Nanginginig nitong sabi sa sarili.
.
"ohhh, Chris, sige kuya Chris. Gutom ka na ba? ".
Masayang ngumiti si Bella kay Chris.
.
"ah eh, nasan na ako? ".
Tila naguguluhan si Chris at napa hawak ang kanyang kaliwang kamay sa kanyang dibdib tapat ng kanyang puso.
'naramdaman ko---- pero hindi nangyaring na-tuhog ang puso ko'.
.
"narito ka sa aming tahanan---kuya hindi ka na lalayo ha, para may kalaro ako lagi".
Sabi naman ni Bella na tila malapit ito kay Chris.
.
-----
.
At pagsapit ng gabi, nakisalo si Chris sa pamilya ni Bella. At naikwento nya ang nangyari sa kanya na agad namang ikina gulat ng pamilya.
.
"isa kang GrandMaster level 3 sa physical dati!?, at Master level 3 sa Qi?! "
Ulit na tanong ni Hulio.
.
"Honey, patapusin mo muna syang kumain, mamaya na yang tanong mo dahil ika tatlong bese mo na syang naitanong yan".
Sabi naman ni Gresia.
.
"ah eh, pasensya na. he he he. Sige tapusin muna natin ang mga pagkain".
Ngumiti ito ng malaki at hindi maitago ang excited nitong malaman kung totoo ang sinasabi ni Chris.
(syempre, gusto nya malaman ang lahat dahil nasa peak Master stage lang ang Qi nya at wala pa sa physical nya ang peak Practitioner stage).
.
At lumipas ang mga oras na pag k-kwento ni Chris, at namangha sila sa lawak ng Ancient Ruins, mga naglalakihang mga puno sa Rainforest nito, at sa lupain ng mga MagicalBeast at mga labanan na nagbigay amazement sa tatlong mga bata at maging sina Hulio at Gresia. Mga kalaban sa dilim na hindi nya binanggit ang pangalan ng grupo dahil naglalaman ito ng panganib sa sino mang makaka-alam. At madami pang mga lugar na kanyang napuntahan, inabot na sila ng 11 ng gabi.
.
Binuhat ni Hulio sina Diko at Dinno papasok sa kanilang kwarto.
.
Si Gresia naman ang bumuhat kay Bella papasok sa kwarto nilang dalawa.
.
Si Chris ay natulog sa kama nito na nasa tabing kwarto ng sala ng bahay.
.
May liwanag pa sa Stone lamp, at mainit parin ang Fire place hanggang umaga pa itatagal nito base sa calculation ni Chris.
.
'napaka simple, napaka tahimik at may masayang pamilya----bagay na una kong pinangarap simula ng buhay pa ang aking pamilya'.
Napapikit sya at nakatulog na sya sa sandaling iyon.
.
-----
.
Kinaumagahan ay maagang nagising si Chris, nagsuot ng Winter outfit at ginamit na tungkod ang isang Long sword. At naglakad sya palabas ng bahay.
.
Naupo si Chris sa isang pahigang pahabang bato na may taas lang na 1foot. At luwang na 1foot din at haba na 11 ft.
.
May ilan na nakapansin sa kanya, at ilan na hindi pa sya masyadong kilala. Mga naka Winter outfits silang lahat dahil, daglamig na.
.
"welcome home brad!"
Sabi ng isang lalake na may mga saklay na Sako ng grains.
.
"magandang umaga Hijo, pagpalain ka ng langit".
Sabi naman ng isang matandang babae na may bitbit sa likod na mga Dry woods or magagamit panggatong.
.
Lahat ng napapadaan sa bakod ay nag greet kay Chris at ilan ay nginitian sya.
.
Karamihan sa kanila ay mga Non-Cultivators, pero ilan ay umiiwas sa mga taong iyon pero mukhang sanay na sila sa mga non-cultivators sa tagal nilang magkakasama umiiwas sila pero masaya silang makausap ang bawat isa.
.
"gising ka na pala, nakapag painit na ako ng kape. At nakaluto narin ako ng almusal".
Sabi ni Gresia na nasa pintuan. Nakasuot sya ng animal furr, winter outfit at mukhang handmade ito.
.
"salamat po".
Ngumiti si Chris ng matipid at napa angat sya ng tingin sa kalangitan.
Pero bigla nya naalala ang babala mula kay Dread sa kanya.
'----kapag namatay ka, ako naman ang mabubuhay!, ha ha ha kaya kung ako sayo kahit na anong mangyari, wag na wag kang mamamatay----'.