36: Deaths of others, the fall
.
.
Nagsama sama sina Ahri. Sa lugar kung saan may malawak na kapatagan. at tiyak na malayo ito sa Syudad.
.
"musta na mga sugat nyo? "
Tanong ni Ahri sa kanilang lahat.
.
==balikan natin ang nakaraang laban ni Box==
.
Sa kanang kamao ni Box ay lumabas ang isang Materialized na Aura at gawa ito sa Bronze. Nag form ito ng Gauntlets naglalaman ito ng Earth essence na tila nanggaling sa nature.
.
'heto ang SoulForm----'
Hindi na nakatayo ang kalaban na nakahiga at inapakan ni Box sa sansaling iyon.
.
Gablam!!! ------(EarthQuake punch)
.
==balikan naman natin si Lucas sa kanyang nakaraang laban==
.
Magkakasunod na WindSlashes ang ipinamalas ni Lucas sa kanyang kalaban.
.
Ganun namang nakipag sabayan ang kalaban nito at gumamit ng Wand para mas mapabisa ang Quick Cast Spells nito.
.
(ang Wand ay isang weapon kung saan direkta nitong susundin kung ano ang bigkas ng isipan ng Wielder. Kaya kung nag isip ng inscriptions ang wielder nito agad namang na-a-activate ang spell sa pamamagitan ng swish and flick motion ng wand. No need to write inscription patterns sa ere para makapag cast ng Spell---cheat code weapon for magus, wizard at any magic/spell users---ang staff ay ganun din kaso maximum usage nito ay napakalawak at medyo may delay konti sa castings. At masasabing mas handy ang Wands kesa staff unless, gusto mo ng malawakan na pag cast).
.
Sampung projection ng bolt snakes ang dumirekta patungo kay Lucas, pero dahil sa galaw at pagilag ni Lucas ay napakadali sa kanya na sirain ang mga projections na mga ito.
.
'magaling sya sa paggamit ng sandata nya!! Mukhang mali lahat ng info patungkol sa grupong ito!!!'
Naiinis na naisip ng kalaban ni Lucas na hindi nya sya matagalan sa laban. At sa sandaling iyon may hawak na pill ang kalaban. (beast pill as usual)
.
Kaso----
.
Nag materialize ang aura sa palibot ng Broad sword ni Lucas. At may Greenish glow ito at dumagdag sa length at width ng sandata.
.
'heto ang Soul Form!!, na tanging mga nasa Epic or Ancestors lang ang makakagawa!!'
Namangha si Lucas sa ipinamalas ng kanyang buong lakas at nag-trigger sa kanyang insights na magkaroon ng kaalaman patungkol sa SoulForming.
.
*bilang pag papaliwanag: ang SoulForming ay nakabase na sa tatag ng puso, pagka enlightened sa naturang elemental laws at ganun na din sa insights sa pakikipag laban----mabubuo ang Aurang ito dahil sa intent at kapurihan ng Saloobin patungkol sa elemental laws----malalim mang intindihin ma gegets nyu din sa mga susunod na mga chapters*.
.
(well explained brad....)
.
Ramdam ni Lucas ang nabubuong Wind essence sa kanyang sandata at sa projection ng broad sword na ito.
.
Lumingon si Lucas sa kanyang kalaban na nag-fo-form palang bilang isang mutated beast.
.
Rrrraaaaggghhh!!! -----(angus roar)
.
Isang Black furry RockyLion ang humanoid form ng kalaban.
.
"ha ha ha ha katapusan mo na----"
Lumusob ito kaagad kay Lucas at gamit ang katawan na may laking 17'2" ft. At mga kamay na may malalaking itim na kuko.
.
Sumalubong naman si Lucas ng pagtakbo at idinerekta ang intent ng kanyang sandata sa kalaban.
.
Zzzuuuurrrggghhhh!!!!! ----(piercing thrust)
.
Isang thick broad sword ang tumagos sa katawan ng kalaban at natahimik ang buong paligid. At ganun din natigil ito sa paggalaw. (anung klaseng atake yun!!, parang higanteng broad sword ni Lucas at dumaan lang na parang hangin sa katawan ng kalaban).
.
Nagdilim ang paningin ng kalaban at nahati ito sa dalawa. (clean cut)
At nagbagsakan ang lamang loob nito at maging mga enhancing equipments nito ay nahulog sa lupa.
.
Napa upo si Lucas at habol nito ang paghinga. Hindi nya lubos maisip na ganun kalakas ang kanyang atake na gamit ang kanyang buong Qi energy.
.
"natapos ko din----sawakas"
Tumatak naman ang ngiti sa hitsura nya, na tila Achievement nya ang pagpatay sa isang bad person, bad beast, at bully.
.
==balikan natin ang nangyari sa panig nina Hannah==
.
Sina Hannah ay kasalukuyang pinapaulanan ng tatlong mages na nasa himpapawid. (those staffs!!! That Spells!! )
.
Nawatak naman sina Hannah dahil sa mga pag atakeng iyon ng tatlong kalaban. Dalawang babae at isang lalake(bi).
.
"Akin na yung babaeng mala elsa".
Sabi ng Bi, na may long brown hair. Tila nasa edad na 28. Tinukoy nito si Lanna.
(Frozen mukhang napanood nila yun sa crystal screen).
.
"akin na yung babaeng iyon---"
Itinuro naman ng isang Babae, si Jane. at may mukha itong nasa edad na 28 din long black hair ang buhok. At mukhang magkakalayo na ng lugar sina Hannah.
.
"kung ganun akin itong si semi-Flat girl"
Inis naman na utal ng babaeng tila madaling mag-init ang ulo. May short Red hair. At tila nasa edad na 25.
.
(kakahilo kung sino talaga ang matanda base sa tunay na taglay na edad. Pano naman kasi may mga ilan na maagang nakaapak sa GrandMaster stage at bumagal na ng tuluyan ang pag tanda----eh pano na yung mga maagang makaapak sa Epic at Ancestors.? Example na sina Satsune at mga Saints ng SkyFlame continent---)
.
Kapwa nakahawak ng staff ang tatlo at ganun ngang sinundan nila ang kanilang mga target. At hindi sila bumaba ng range sa lupa.
.
(Mga spell casters ay kailangan nasa tamang posisyon at angle para sa kanilang advantage bilang range specialists. Maaari din silang gumamit ng magic Arrows kung bihasa sila sa physical at infused arrows naman kung magic ang expertise nila)
.
*well said madaling intindihin diba guys, lalo na sa mga feeder ng MOBA/MobileLegends/LeagueOfLegends etc etc --- games jan. Ginagawang frontline mga range/ADR/RangeMage nila Naku-Naku ma-rereport lang kayo---sorry hugot mode*.
.
'mukhang sinundan nga nya ako---at ganun din sina Sis at Hannah'.
Inilabas naman ni Jane ang kanyang GreatBow----isang OrangeCrystal na may Ruby colored ores. At halatang napakatibay nito at nasa Mid-Epic grade weapon ito.
.
*kung sa tutuusin, madaming ibinigay si Chris sa kanila na riserbang mga gamit at minimum grade ang Epic class na artifacts. at nanggaling pa ang mga reserba na mga ito duon sa na loots/hakot nya sa loob ng Test grounds ng Heroes Chamber. At mukhang pinili lang ni Chris ang mga bagay na gusto nya*.
.
Masasabing nasa kanila na kung alin ang gagamitin nilang weapons sa ano mang labanan.
.
Nag fade away jump si Jane sabay harap sa kanyang kalaban na tila ginulat nya ito sa stunt nya.
.
Wwoooosshhhh!!! ---(Light element aura)
.
'tsk!!, isang Archer-Mage, hinahamon mo ako ng Spells and magics'.
Sabi naman ng babaeng kalaban ni Jane.
.
Isang sway ng staff nya sa kanyang harapan at nakagawa sya ng Earthen barrier.
.
Twaukkk!! ----(Magic Arrow released)
.
Tumama ang Arrow na ito sa barrier ng kalaban. At sumabog ng napakaliwanag na sparks.
.
"Sh*t!!, isang decoy shot!!! "
Napatakip ng mata ang kalabang babae, at tila mahirap maalis sa paningin ang nakakasilaw na liwanag na ito.
.
Nakalayo na si Jane at naghahanap ng high ground sa parte ng kabundukan.
.
'ayun----ok na ang height level ng 2,000 ft'
Nag dash sya, at tila may binubuo syang Qi Energy sa kanyang hawak na GreatBow.
.
Ilang sandali pa ay nawalan na ng focus ang kalaban sa kanyang target na si Jane.
.
'hindi pa sya nakalayo, pero mukhang nagtago sya sa malapit---buweno'.
Umangat ang lupa sa ilalim nya at idinikit ang kanyang staff sa parte ng lupang iyon.
.
Wooooong!!-----(Earth vibration)
.
Parang isang ground radar ang ginawa nito na umabot sa mile radius ng buong lugar.
.
"anjan ka lang pala!! "
Akmang susugudin na nya si Jane ng biglang hindi sya makagalaw.
.
May light binding sa kanyang mga paa na tila nanggaling sa ilalim nya.
.
Si Jane naman ay inunat na ang Bowstring at nabuo duon ang Qi Energy. At nakaramdam sya ng Light Essence sa kanyang paligid.
.
Lumaki na parang giant lance ang projection ng kanyang Arrow. Nabuo ito sa Materialize na Aura.
.
Zwwwuukkk!! -----(Magic Arrow released)
.
Sa pagbitaw nya ng kanyang Magic Arrow ay halos bumaon ang lupang kinatatayuan nya dahil sa pressure ng Aura na dala nito.
.
Nanginig ang kamay ni Jane at pinagpawisan sya ng malamig dahil hindi aya makapaniwala sa kanyang nailabas na Atake.
.
"anung klaseng Bind ito!!!? "
Tila hindi makawala ang kalaban at huli na ng mapansin nya ang papalapit na Lance projection mula sa Arrow ni Jane.
"----tsk!!, amateur!! ".
.
Itinapat nya ang kanyang staff gamit ang magkabilang kamay sa papalapit na Lance projection.
.
Isang malaking pader na tila may kapal na 15 meters at taas na 1,000ft. At gawa ito sa Earthen face ng isang Rageful Man. (woah ang taas naman!!! )
.
Tumama ang Lance na ito na may kabuoang haba na 5meters. Sa Mukha na gawa sa Matibay na lupa.
.
Booomm!! ----(explosion)
.
Nagiba ang earthen barrier na iyon sa isang atake lang ni Jane.
.
Sumunod non ay ramdam agad ni Jane ang pagbabago sa aura ng kanyang kalaban.
.
Unti unting nagiibang anyo ang babaeng kalaban mukhang lumunok na ito ng beastpill. (nanaman!!! )
.
Tumubo ang demonic tail, at ganun ding lumabas ang purple pointed ears, at mga matang greenish snake like. Isang succubus form. Kasama ang pakpak nitong mala hawig sa paniki ang pagkakakulay. (sexy kaso----villain)
.
"khe!!, ngayun nasa Ancestor level 1 na ako, patay kang bata ka!!! "
Itinaas nito ang staff at agad nawasak ang binding sa kanyang mga paa.
.
Si Jane naman ay huminga ng malalim, at tumalim ang kanyang mga titig. (Serious na si Bae!! )
.
'Fine, tutal hindi ko pa naranasang lumaban ng ganito ka todo!'.
Nag activate ang kanyang Cultivation technique sa kanyang katawan. At bumilis ang pagsagap nya ng nature essence sa paligid.
.
Inunat ulit nya ang kanyang light-bowstring. At lumabas ulit ang projection ng Lance na ito.
.
Nag paulan ng miniature meteors ang kalaban na babae sa kinalulugaran ni Jane, 1km apart.
.
Rrruuuummmbbllee!! ----(meteor rain)
.
Nag dash si Jane na tila hindi parin nito balak bitawan ang kanyang Atake.
.
Mabilis syang umilag sa bawat meteor na mahuhulog sa malapit.
.
Boom!! (rapid explosions)
.
Naabo ang kabundukang iyon ng madaming apoy na nagkalat at ganun ding natupok ng usok ang buong lugar.
.
"khe!!, kahit saan ka magpunta wala kang takas!!! "
Isang tap ng staff ng kalaban na ito ay agad nahuli ang kanang binti ni Jane ng isang mud at agad tumigas na parang semento.
.
"Check-mate!! "
Sabi ng kalaban at nagpahulog sya ng isang meteor sa gawing iyon ni Jane.
.
Parang kinopya nya lang ang taktika ni Jane.
.
Himbis na kabahan si Jane ay ngumiti ito ng matipid.
.
Nawala ang anyo ni Jane at tinamaan ang isang Light clone sa lugar na iyon.
(clone!!!, you mean copy ng anyo ni Jane!!! )
.
"Imposible!!, isang light clone sa isang batang tulad mo!!!"
Nanlaki ang mga mata ng babaeng ito at pilit ikinalat ang kanyang aura mahanap lang si Jane. At mukhang natumpok nya nga kung nasaan ito.
.
Crack!!! -----(earth burst)
.
Lumabas sa ilalim ng lupa, sa tapat kalaban na nakalutang sa himpapawid.
.
'ikaw ang checkmate.'
Sabi ni Jane na umahon sa lupang iyon. At naka focus na ang atake sa target nito.
.
Tinamaan ang kalaban na babae. At na-bind ito sa madaming web na gawa sa light essence.
.
At sa ikalawang release ni Jane ay isang Lance na may kahabaang 10meters doble sa laki ng unang Arrow ni Jane.
.
"Hindi maaari!!, isa itong bangungot!!"
Ayaw maniwala ng kalaban sa nangyari at nasiraan na ito ng bait.
.
Tumama ang projection sa katawan ng kalaban at parang fireworks sa umaga at nagkalat na sparks sa himpapawid.
.
Napaluhod naman si Jane sa lupa at nanghina sya ng tuluyan.
.
'limit ko ang tatlong atake na naglalaman ng Elemental essence. Muntik narin maubos ang Qi Energy ko dahil sa process, ng mga series na pag iwas at sa clone----'.
Pilit bumangon patayo si Jane at ginawang tungkod ang kanyang GreatBow.
.
-----
.
Si Hannah ay kasalukuyang kaharap ang pinaka madaling mag-init ang ulo. Ang Red haired girl.
.
(bat ang gaganda ng mga kalaban. Pero hindi lalayo sa kagandahan nina Hannah)
.
*ibang ganda nga ang taglay nila, Evil beauties versus Righteous Beauties. Pero tulad ng sabi mo brad. Mahirap tanggapin na villain sila dahil nga sa magaganda din sila*.
.
Ang staff ng babaeng ito ay may fiery orb sa hawakan. At naglalaman ng aura na tila nasa Epic grade ang pagkaka gawa sa weapon.
.
Si Hannah naman ay tumigil sa pagtakbo at inilabas nya ang kanyang Flying Daggers. Na tila may mga nakaukit na inscription runes. May kahabaang 15inches ang bawat isa.
.
"Thanks Chris for the greatest gift, ----and Babies do your best".
Ngumiting masama si Hannah, na tila ang mabait, masayahin at may inosenteng anyo. Ay may dual personality.
.
Lumutang ang 7 daggers sa likod ni Hannah na parang sumusunod sila sa intent nya. At maging ang mga dagger na ito ay may utak at nakatutok sila sa kalaban.
.
"oh my!, hindi ko inakalang mag lalabas ka ng mga laruan!!,"
Sabi ng kalabang babae. At nakaramdam sya ng pagbabago sa Aura ni Hannah.
.
"oh, matanda kana kase, kaya hindi kana makakapag laro pa----lalo na dahil tutuluyan ko na buhay mo."
May laman na confidence at angas ang pagkakasabi ni Hannah.
.
Lumiwanag ng blue essence ang buong staff ng kalabang babae. At itinutok nya ito sa itaas.
.
Kumapal ang ulap at dumilim ang paligid. Nag umpisang umulan at maririnig ang mga tunog ng kulog at may mga pagkidlat.
.
"masyadong makapal mga labi mo sa pananalita!! Halika at bawasan naten! "
Galit at gigil nito kay Hannah.
.
Si Hannah naman ay sinalo ang isang dagger mula sa 7 na lumulutang sa kanyang likod.
.
"oh, no need, isang Baby ko lang ang katapat mo".
Naging PitchBlack ang buong mata ni Hannah at ngumiti itong humalik sa kanyang Dagger.
.
(that lips, sana ako nalang ang dagger)
.
Bumagsak mula sa staff ng kalaban ang malaking Kidlat at itinutok naman ito kay Hannah.
.
Ccrrraaaccckkkllee!!!! ----(Thunder Bolt)
.
Sswwwwooooossshhhh!!! ----(dimensional turbulence)
.
"ehh?! ----"
Nasira ng tuluyan ang thunder bolt sa isang bagay na sumalubong duon. At tumagos sa kanang balikat ng kalaban ang dagger na ito.
.
"ohhh my, hanggang jan lang pala ang kaya ng Thunder bolt mo----tss how weak".
Tila nang-iinsulto si Hannah. At sa bawat salita nya halatang naging Violent at negative ang nature nito.
.
'Flying daggers----isa ba sya sa mga Clan na nanggaling sa DarkinBlaze continent?!'.
Napahawak ang kalabang babae sa kanyang balikat na nabutasan ng Dagger.
.
Lumunok sya ng pill at pinalitan ang kanyang armas ng isang Wand.
.
Bumaba sa lupa ang kalaban at inalis ang suot na cloak sa katawan. Meron syang extra na shield sa kanyanh likod at short sword sa kaliwang bahagi ng bewang.
.
Hoonngggg---(returning dagger)
.
Lumapit ng kusa kay Hannah ang kanyang ginamit na dagger.
.
"oh, getting serious---beast pills eh?."
Napansin ni Hannah ang pagbabago sa aura ng kanyang kalaban at napawi ang ngiti nya ng isang seryosong mukha. At ngayon ay nasa Ancestor stage level 1 na ang kalaban nito.
.
Sa isang flicker ng kanang kamay ng kalabang babae na may anyong Snake Skinned at sharp eyes.
.
Lumabas ang shattering green lightning at dumirekta ito patungo kay Hannah.
.
Agad naman syang nag dodge at sinalo nya ang dalawang dagger at ibinato sa kalaban. Na parang isang Ninja Expert knife thrower.
.
Nagpalitan sila ng mga projectile attacks, at Spelled attacks. Masasabing ang element ni Hannah ay ang ChaosWind.
.
Malakas ang mga pagbato ni Hannah na kahit mga bato ay mabubutasan ng mga Daggers nya.
.
Habang ang mga spell casting ng kalabang babae ay masasabing nasa peak condition na. At mukhang mahirap sa kanyang tamaan si Hannah dahil para itong blurry shadow na sumasayaw sa kanyang target range.
.
"Raagghh!!! -----Ramio Extremus!!!"
Sigaw ng kalaban na tila isang Malakas na spell. Iwinagayway nya ang kanyang wand at itinutok sa lugar kung saan mag do-dodge si Hannah. (naabangan nya!!! )
.
Natigil si Hannah dahil napakalapit ng kalaban nya sa agwat na 112 paces.
.
"Babies--- do the your thing!! "
Nag hand sign si Hannah ng limang mabilisan na beses, at naging Spear ang 7 Daggers bilang projection ng kanyang Aura. At naglalaman ito ng Chaos wind Essence mula sa insights of Laws of the Wind.
.
(malalim yung Essence at Laws ng Wind, may mga combination yan na maaaring ikakasira ng insights ng isang tao. Kailanman hindi lang basta basta Natural Laws ang tawag sa kanila----may iba pang branches o sangay sa bawat elements---)
.
=those who want to learn to find the answers, may seek only the tip of it---and in return, you never even understand it=
.
*ang lalim naman yan--*
.
Sa lakas ng pagsabog ay nakagawa ng halos 200 meter radius at nakalbo ang kagubatang iyon.
.
Tumilapon si Hannah sa malayo dahil sa pagsabog. At may mga punit at galos sya sa kanyang katawan.
.
Ang kalaban naman ay tila nakatayo ito sa gitna ng pagsabog at natatakpan ng may cracks na Barrier.
.
Bumangon naman si Hannah sa kanyang pwesto at inunat ang kanyang kamay sa itaas.
.
"come----"
Sabi nito ng malalim, naglalaman naman ng killing intent ang kanyang Aura.
"---tapusin na natin ito! ".
Malamig nyang pagkakasabi.
.
"mabuti pa nga, dahil nagsayang lang ako ng precious Pill dahil sa katulad mong----Weak!! "
Sigaw nito at itinutok ang kanyang wand kay Hannah. At hawak nya ang kanyang Shield sa kaliwang kamay.
.
Lumapit ang Daggers sa palibot ng katawan ni Hannah at naglakad sya step by step. Na parang isang diyos ng digmaan.
.
"----Res Samdere Rass!! "
Chant ng kalabang babae at lumabas ang projection ng isang lightning viper na may laking 4ft at kahabaang 100 meters.
.
'Chaos----heto pala ang Soul Forming---'
Napapalibutan ng Kakaibang Aura ang 7 Daggers at hindi mapapansin ang taglay nitong effects sa panlabas.
.
Itinapat ni Hannah ang kanang kamay nya sa papalapit na Lightning viper. At ganun namang sumunod ang 7 daggers nya sa kanyang intent.
.
Zzzzwwiiinggg(7x piercing sounds)
.
Nabura kaagad ang ulo ng Lightning viper at ganun din ang katawan nito ng matamaan ng 7 Daggers na mga ito.
.
Shhwoookk---(7x Pierced flesh sounds)
.
At pitong cross pattern na butas sa kalabang babae ang makikita at namatay itong nakatayo.
.
"come back my babies----"
Agad bumalik ang maamong anyo at palangiting personality ni Hannah at bumalik naman sa kanya ang 7 Daggers at ipinasok sa kanyang Storage ring.
.
Lumapit si Hannah sa katawan ng kalabang babae.
.
"pasensya na, hindi ko man gusto pumatay pero mapilit sya eh".
Dahan dahan namang kinuha ni Hannah ang Storage ring na suot ng patay na kalaban. At ganun din ang Short sword at shield nito.
"ayan para hindi sayang yung Artifacts mo, dibale maingat ako".
At masayang umalis sa lugar na iyon si Hannah. Balik sa inosent smiley cute girl.
.
*Girls are-----sometimes scary---maybe all the time, but i do adore them at the same time. :D *
.
==balikan natin ang laban ni Lanna at ng Bi na lalake==
.
In short, nagalit si Lanna, at bago pa man makalaban ang Bi sa kanya ay namatay ito dahil sa Frozen intent ng spells ni Lanna, at gamit lang ang kanyang Wand at Long sword ay napugutan ang kalabang iyon sa ilang palitan lang ng atake. At masasabing si Lanna ang pinaka mabilis natapos sa lahat sunod kay Ahri.
.
(ambush is real at lalo na Direkta syang pumatay----mukhang kailangan mag ingat ni Chris sa susunod kung magalit nya man si Lanna--)
==back to present time==
.
Natanong ni Ahri kung kamusta na ang lagay ng mga galos at sugat nina Lucas kasama narin ang iba na tila kaladating lang.
.
"medyo na drain ako----"
Sabi ni Jane, at lumingon sya kay Lanna. Pareho silang konti lang ang galos. At napatingin sila kay Hannah na tila maayos naman.
(weird, halatang alam nilang naglabas ng kakaibang aura si Hannah. Pero hindi nila alam na may dual personality sya).
.
"eh si Bliss at Chris?, musta na ang lagay nya!? "
Tanong agad ni Vera na nasa tabi ni Chris na nakahiga ito sa damuhan.
.
Magkatabi lang sila ni Bliss. At hindi agad sumagot si Ahri.
.
"Si Chris ay----- nawalan na ng kakayahang makasagap ng Qi dahil tuluyan ng nasira ang daluyan ng kanyang Qi sa kanyang katawan. Ang meridians nya ay hindi na maaayos pa sa buhay nyang ito."
Nakayukong sabi ni Ahri.