Unduh Aplikasi
46.15% Dawn Of Human / Chapter 6: Kabanata 5

Bab 6: Kabanata 5

Michael's P.O.V

Magkasama kaming tatlo nina Mom at Geno dito sa may kusina. Nakaupo lang si Geno sa may upuan habang nag-aayos si mom ng grocery na pinamili namin sa paglagay sa ref at ako naman itong nakatayo na sinesermunan ang kapatid ko.

"kuya sorry, di ko naman sinasadya na suntukin siya, napikon na kasi ako sakanya, siya na nga itong humalik saakin tapos siya pa ang galit" pagpapaliwanag ng kapatid ko.

"it's not the point! alam mo ba ang pinagdadaanan ng tao? He's out of his self kaya nga gusto ko na nandito siya lagi sa bahay para mabantayan ko siya kasi nahihirapan siya sa buhay niya!" sigaw ko sa kapatid ko, napatayo siya mula sa pagkakaupo.

"bakit? ha! ano bang pakialam ko sa kaibigan mo na manyakis na yun?! nahihirapan? di ba mas mayaman pa nga sila saatin?! di ba?" pasigaw na sagot niya saakin, di ko inaasahan na magagawa ko siyang sampalin dahil sa tono ng pagsagot niya.

"hindi mo alam ang pinagdadaanan ng tao kaya wag mo siyang husgahan, di mo alam kung gaano siya naghihirap sa paglaban sa depression niya na kinahahaharap kaya wag kang makasarili!" pabalik sigaw ko sakanya habang may paturo pa ako ng aking daliri sakanya.

"anong ibig mong sabihin?" mahinahon niya na tanong saakin.

"gusto mong malaman, humingi ka sakanya ng paumanhin sa nagawa mo! kausapin mo siya!" sagot ko sakanya saka iniwan ko na sila ni mom sa kusina. Naglakad na lang ako paakyat sa kwarto ko, iiwas nalang muna ako sa aking kapatid kasi baka ano pa ang magawa ko sakanya.

Carlo's P.O.V

Nagmamaneho na ako pauwi sa bahay habang patuloy na ginugulo ako ng nangyari kanina sa bahay ng kaibigan ko.

-Flashback-

"damn you!" galit na sigaw saakin ni Geno kasabay ng biglang pagtama ng kanyang kamao sa mukha ko, sobrang lakas ng pagtama ng suntok niya rason para mapaupo ako sa sahig.

"Geno! bakit mo sinuntok si Carlo?" biglang boses ni Michael ang aming narinig sa may pintuan, napatingin kami sa pinanggalingan ng boses, ang kaibigan ko at ang mom nila na nakatayo sa may pintuan kararating lang.

Nagkatinginan nalang kami, hindi ko alam ang gagawin.

"kuya, sorry- di ko sinasadya!" pagsisi na sagot ni Geno kay Michael. Tumayo nalang ako saka nagmadali na tumakbo palabas ng bahay nila.

Tinungo ko ang aking sasakyan saka sumakay dito at nagmaneho na para umuwi sa bahay.

-End Of Flashback-

Hindi ko pa rin maiwasan na sisihin ang sarili ko, lahat nalang ng ginagawa ko sa buhay ay palpak, para bang wala na akong ginawang matino sa buhay ko. Naisip ko tuloy na baka tama nga ang pamilya ko, wala akong silbi sa mundo.

-Flashback-

Kararating ko lang sa bahay kasi galing ako sa birthday party ng kaklase ko ng biglang sinalubong agad ako ng malakas na pagtama ng suntok mula sa kapatid ko kahit kapapasok ko palang sa pintuan ng aming bahay. Napaupo ako sa may sahig dahil sa pagsuntok niya.

"walang hiya ka! di ka na nahiya, lahat naman ginawa namin para maibigay sayo ang mga gusto mo pero bakit ganito lang ang isusukli mo sa pamilya itong, nakakahiya ka sa pamilya natin" salubong niya pa na bulyaw saakin.

"ano bang pinagpuputok ng botse mo?!" balik sigaw kong tanong sakanya saka tumayo ako.

"nagtatanong ka pa! ano ito?! ha!" galit niya na sigaw kasabay ng pagtapon niya ng isang maliit na papel sa mukha ko. Pinulot ko ito sa sahig.

"bakit ang baba ng mga marka mo? bakit mo pinababayaan ang pag-aaral mo? hindi na ako mmagtataka kung bakit kakaunti ang mga kaibigan mo kasi pangit ka na nga tapos bobo ka pa!" sigaw ng kapatid ko saakin.

"dahil ba dito?" mataas kong boses na sagot sakanya saka ko pinunit ang papel na inihagis niya saakin na pinulot ko kanina sa sahig.

"oo, bobo na ako! pangit na ako! ano pa ba ang gusto mong sabihin ko?! walang kwentang anak ako! walang silbi! dapat di nalang ako isinilang sa mundo kasi napapahiya ko lang ang pamilya na ito, ako lang ang dumudumi sa pangalan niyo!" sigaw kong sagot sakanya.

"mabuti naman at alam mo yan! kaya ayusin mo ang sarili mo kung ayaw mo na ikinahihiya ka namin bilang pamilya mo, basura ka sa pamilya na ito" bitaw na salita ng kapatid ko na sobrang nagbigay sakit saakin na tumagos hanggang sa buto ko. Hindi ko na naiwasan ang mapaiyak dahil sa sinabi niya.

"Sorry ah, pasensiya na kung walang laman ang utak ko, sorry kasi pabigat ako sa pamilya na ito" di ko na napigilan ang luha ko na tumulo sa aking mga mata.

"ang drama mo! mag-audition ka sa star hunt baka makapasok ka pa sa bahay ni kuya" pang-iinsulto pa niya saka tinalikuran na ako ng kapatid ko.

-End Of Flashback-

Napansin ko nalang na tumutulo na naman ang luha sa mata ko habang naaalala ang pangyayari na yun.

Hindi ko naman sila masisi kung ayaw nila saakin kasi naman ako ang palpak sa aming pamilya. Ang gaganda na ng mga narating ng bawat miyembro sa pamilya namin pero ako ito wala pa rin, ika-pitong taon ko na yata ito sa college habang sila successful na. Isipin niyo ba naman, ang kapatid kong babae ay isa ng doktora, ang kapatid kong lalaki naman ay kasama ni dad si laboratory na kapwa Scientist na, habang ako lagpak sa lupa na kulang nalang sumama na ako sa mom ko na wala na.

Ang mom ko nalang ang kakampi ko sa buhay at nagtatanggol saakin pero wala na siya, she pass away five years ago. Namatay siya dahil sa atake sa sakit niya sa puso. Nakipag-away kasi ako nun sa kapwa ko mag-aaral sa school kaya naman pinatawag ang magulang ko kaya sobrang nagalit saakin si dad.

Pinagsusuntok ako ni dad sa harapan ng mga kapatid ko ng biglang lumabas si mom mula sa kwarto at nakita niya ang ginagawa ni dad saakin. Sinubukan niya na awatin si dad pero di namin inaasahan na sa pag-awat niya ay aatakihin siya sa puso.

Sinubukan namin na dalhin siya sa ospital pero di na niya kinaya, she died. Simula ng araw na iyon sinisisi ko na ang sarili ko sa pagkawala ng nag-iisang tao na nagpapahalaga saakin at maging pamilya ko ay ako rin ang sinisisi nila sa nangyari kung bakit nawala ang ilaw ng aming tahanan dahil sa kapalpakan ko sa buhay.


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C6
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk