|Zoe|
"How's the Company, Boss?" Matapos namin ni daddy pumunta sa sementeryo para samahan si Eythan na dalawin ang mama Zenia niya ay dumeretso kami dito sa company ni tito Ezekiel since nabalitaan namin na siya na ulit ang humawak ng CEO position.
Matagal tagal din nawala si tito sa industry.
"Stable." Yun lang ang sagot ni tito kay daddy.
"Tito Xaner baka hinahanap na po kayo ng asawa nyo?"
"Oh my wife hahaha. Hayaan mong sumabog siya sa galit." Hays. Si daddy talaga. Kaya nabubogbog siya ni mommy e, lagi nyang ginagalit.
Wife.
Yun lagi ang naririnig ko kay tito Ezekiel. Akala ko si tita Zenia ang tinutukoy niya but I was wrong ng sabihin ni tita Camila na si tita Alys pala yon na kapatid ni tito Ashton na daddy ng ultimate love kong si Justin. They are all connected. What a destined.
I've heard na patay na si tita but still, the love of tito Ezekiel to tita Alys are still alive. Ni hindi nga manlang nag isip si tito na maghanap ng iba e. He's loyal.
Loyalty.
Kung lahat ng tao meron nito, baka walang gulo comes to love. You need to accept the word and true meaning of Contented to your brain. Para madama ng iba ang salitang Loyal sayo.
And Justin doesn't have Loyalty. Tss. That guy!
"You sure tito? Dragon pa naman magalit yon. Baka madamay si Zoe sa galit niya sayo." And Eythan looked at me. I just flash my sweetest smiled then I rolled my eyeballs at him. I know what he means.
"As if na madadamay ako. If I know gusto mo lang kami umuwi para magkaroon kayo ng bonding time ni tito. Tss. Let's go dad! Puntahan natin ang Future-in-Law son mong si Justin. Pagsabihan mo ha, nambabae na naman siguro yon. Tss." Tinulak tulak ko na si daddy para makalayas na.
"Haha ayos talaga tong anak ko. Parehas kayo ng nanay nyo! Kayo pa mismo lumalapit sa lalaki wahaha!" Here we go, kwento na naman ang magaling kong ama. "Kaya nainlove ako sa nanay mo e. Kafal ng mukha e! Hahaha!" Pag talaga narinig ni mama tong sinasabi niya, nakooo! Gyera na naman sa bahay dahil sa kanila. Kailan kaya matatahimik ang bahay. "Shall we go guys. Usap kayo ah. Samahan ko lang tong anak ko sa panliligaw hahaha."
"DAD! Bye tito, Eythan."
**
"Oh, why both of you are here?"
"Hi tita Camille Camila" lumapit ako sa kanya at bumeso pa. Kailangan ko maging close sa kanya dahil siya ang ina ng magiging asawa ko.
"Long time no see."
"Same here, Xaner. Get inside, mainit dito sa labas."
Sumunod kami kay tita Camila na pumasok sa bahay nila. Sa labas palang ng bahay, halatang yayamanin ang nakatira dito. At papatunayan yon pagpasok ng mismong bahay. Grey ang theme ng bahay. Si tito Ashton ang pumili.
Where's my future husband?
"Wala siya dito, Zoe." Halatang napansin ni tita na hinahanap ko ang mokong niyang anak kaya napatango ako.
"Where is he-"
"Sabi naman sayo anak e, wala dito si Justin. Nangchichics yon. Alam mong gwapo yon kaya imposibleng nandito yon."
"So dad? What's your point?" inirapan ko pa siya kaya tumawa pa siya.
Ito talagang tatay ko e, sa halip na suportahan ang career ng future ko e, nakuha pang ipamukha sa akin na nambabae na naman ang hinayupak. Tssssk! Susumbong ko siya mamaya kay mommy! Si mommy lang naman kakampi ko dito e. Huhuhu!
"Kailan balik niya ta?"
"Di ko alam e. You better wait for him nalang kaya? Alam mo na..." nilapit niya mukha niya sa tenga ko "...ikaw na magpalayas sa mga babae niyang pupunta dito."
Nagkatinginan kami ni tita. Parehas ba kami ng iniisip? Whoah. Exciting.
**
"Kailangan ko makausap si Justin! Nandito ako para siya makaharap, hindi ang isang katulong! JUSTIN! JUSTIN!"
KATULONG? KAFALLL! Gago to ah. Sa ganda kong to, katulong lang sa mata niya? Alien yata genes ng lukaret nito at malabo ang mata e.
Kalma Zoe. Pang labing dalawang babae yan pumunta, pagpasensyahan mo pa. Maganda ka, panget siya, talo ka. Mas maganda ka e. Kumpara sa mga babaeng pumunta dito, mas panget pa yan.
"Justin is out of here Miss, wag makulit. At saka, I'm his fiancee so you better back off before I cut your throat."
"Ha! Nagawa mo pang manakot, you're just a toy also for him so shut up and don't assume that he is your fiancee. You're just nobody!"
Nobody. Sa atin dalawa, mas nobody ka. Poor girl.
"Tita," tawag ko sa loob since ayaw nitong umalis, tatawagin ko na si tita.
"Bakit ka nandyan iha? Yung anak sa tyan mo baka mapano. Pumasok ka na- oh who is she?" Great actress.
"Girlfriend daw po ni Justin."
"But... ah. Hi iha, Justin's mother." Sabi ni tita sa babaeng nasa labas ng gate.
"A-Ah H-Hello tita!" Stutter. "S-Si J-Justin p-po-"
"Ah, tinawag yung wedding coordinator. Inaayos yung kasal nila ni Zoe." Sabay tingin sa akin ni tita at ngumiti pa.
Napansin kong nagulat si ate. Para siyang naluluhang ewan. Maya-maya bumagsak na ang luha niya. Tumakbo na siya palayo.
Ganun ba talaga epekto ni Justin sa mga babae niya? Tss. Aabot din kaya ako sa puntong yon?
"Justin effect. Hays. Ayoko na ulit makakita ng mga babaeng umiiyak. Nasasaktan ako para sa kanila lalo't ang nag iisang anak ko pa ang may gawa."
Pumasok na sa loob si tita at habang tinitignan ko ang likod niya, napaisip ako. Bakit nga ba playboy si Justin? Loyal naman sila tito at tita. Heredity? Nah. Environment. Maybe.
|Eythan|
"Wala ka bang balak bisitahin ang puntod ni mommy?" Basag ko sa katahimikan na namayagpag simula ng umalis sila Zoe.
Kahit isang beses lang, di niya magawa.
"I'm busy person, son." He answered. Always. And Almost.
"Busy. Ako rin dad? Pero nagawa kong bisitahin si mommy." Di niya talaga iniisip ang mga taong nasa paligid niya. Damn it.
Tinignan niya ako. His presence. Ang lamig. Expressionless.
"Go home, son."
Son.... really?
"I'm your son. Consederate my feelings too dad. I need you there. Bisitahin mo naman si mom-"
"Shut up or leave?" Now, he pointed his gun on me. What a father. Great. Just fucking great. Eythan. You are just nothing to him. For the first time, tinutukan ka niya ng baril. Napailing nalang ako.
"Parehas lang tayong nagluluksa dad, parehas lang tayong dalawa nawalan.." Pagkasabi ko nun, lumabas na ako.
"Hey Eythan-" Nilagpasan ko lang si tito
|Ezekiel|
"What made him mad at you?" I heard Alexis voice behind my back. "Si Eythan, di mo napapansin, lumalayo na ang loob sayo." Yeah. I always gave him reasons to stays away from me. Bakit ko ba binubunton ang galit ko sa kanya? He's my blood. And he came from me.
"Si Alys. I want to see her."
Ilang taon na ba nakalipas? Bakit ang tagal niya bumalik? Nasaan na ba siya? Nalilipasan na ako ng panahon.
"Boss, patay na si Alys. Matagal na."
And that's was killing me inside, everyseconds. I can't be with her anymore. What a tragic ending for us. For our love.
Death Anniversarry, this day huh? F-ck!
|Dyena|
I live like a normal kid. I did my best to forget those memories. But my best is not enough.
They're hunting me. Those memories are still hunting me. I want to forget all. For a while.
Sa tagal ng panahon na pamumuhay ko with my own self, I learned how to stand on my own feet.
Sinara ko ang tab na binuksan ko. Mafia World. Mabuti nalang at may access pa din ako sa web ng Mafia. At wala pa rin akong balitang nakukuha sa kanila. How they are?
"Why you keep so quiet for long ha? What makes you bother?" Magkatabi kami sa bench dito sa park. Napansin na rin pala niya ang pagiging tahimik ko.
Sa tagal ng panahon na mag on kami ni Warren, ni isang detalye about his family ay wala akong alam. Ang alam ko lang ay Fuentez siya. Family background? Wala. Ni hindi ko nga alam kong buhay pa ang both parents niya e.
"My mom. I miss her."
This is the first time he heard that word mom from me. I saw a little bit of shocked on his face that's why I smiled. "I have my own life far away from this normal life. One day, nagising ako sa bangungot. Lolo said run and hide. Ayoko. I want to run with him. With them. But he's my grandfa, so I obeyed him. I ran with a tears on my cheeks." Nginitian ko ulit siya. "Do you still love me?"
Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ng bahagya. "I don't know what type of life you have before that you needed to run away from them. You looked weak. You've run. But in the other side, you looked strong. Enough to carry the pain from running away from your family. You left them behind those memories. I have the rights to ask you but I wont take it advantages to enter from your past." Nginitian nya ako na nagpagaan ng pakiramdam ko "Magkakasama kayo ulit. Trust."
Oo, magkakasama kaming muli. Dadating yung panahon na makikita ko ulit sila at mayayakap. Kung pwede lang ibalik ang panahon ay ginawa ko na at lalong nagpalakas bago mangyare ang trahedyang yon. Sana nakatulong ako. Sana hindi ako tumakbo. Pero hindi ko makikilala si Warren kung nagkataon. That's why everything happens for a reason. And I will find the reasons.
"Ikaw? Family mo?"
Ngumiti na naman siya sa akin at pinat ang shoulders ko, "They're fine." Yun lang ang sinabi niya bago ipagpatuloy ang panunuod sa mga batang naglalaro dito sa park.
Hindi ako nagmamadaling makilala sila o iharap niya ako sa pamilya niya. Siguro may rason siya kung bakit ayaw niyang mag open ng background about his family. Katulad niya ako. He have reasons too.
**
"Goodnight." Ngumiti lang ako kay Warren matapos niya ako ihatid sa harap ng condominium na tinutuluyan ko. Nagpupumilit pa siya na ihatid ako sa tapat na unit ko pero di na ako pumayag dahil late night na. Kailangan na rin niya umuwi dahil alam kong pagod siya makipaglaro sa mga bata sa park kanina. After kasi namin magusap para sa upcoming birthday ko ay nakipaglaro siya sa mga bata. One week from now, eighteen na ako. Legal age para makulong. Isang linggo na lang din ako sa kamay ng DSWD. How saddd!
Tinanaw ko ang kotse niyang palayo hanggang sa kumaliwa na to at mawala sa paningin ko. Kung hindi pala ako tumakbo noon, hindi ko siya makikilala. Ang swerte niya sa akin. Pabor sa kanya ang pagtakbo.
Tumalikod na ako at naglakad papasok sa lobby. Dumeretso ako sa Elevator at pinindot ang 23th floor bottom. Pagkalabas ko ay sumalubong sa harapan ko ang apat na lalaki. Lahat sila napatingin sa akin. Pero isa lang talaga nakaagaw ng atensyon ko. Nilagpasan nila ako at pumasok na sa loob ng elevator.
Lahat sila gwapo. Matangkad. For short, complete package ang outlook nila. But the guy who's wearing a lether jacket make me stopped for a while. Yung mata niya, parang ang lungkot. To the point na mawalan na to ng ekspresyon. Yung tatlo kasi, buhay na buhay ang tingin e. Parang mapatingin lang ang isa sa kanila sa mga babae, fall agad yung babae. Ganon kalakas ang karisma nila.
Aist! Nagkakasala ako dahil sa kanilang apat lalo na sa lalaking yon. Pakiramdam ko nagtataksil ako kay Warren panget! Pero loyal ako sa kanya. Napapikit ako at winaksi sa isip ko yung lalaking yon.
Kinabukasan akala ko limot ko na yung kumag na lalaking yun pero hindi pa pala. Tinamaan ako ng captured memory sa lalaking yon. Aist! Kuhang kuha ng utak ko ang anggulo niya. Tss.
Sunday ngayon. Wala akong gagawin kundi ang tumunganga. Kailangan kong libangin ang sarili ko. Si Warren, tatawagan ko sana kaso nagpaalam nga pala siya kahapon na magiging busy siya ngayon kaya wag na pala. Baka makaabala lang ako sa gagawin niya.
Napagpasyahan kong maligo at magbihis ng jeans at white shirt insert airmax sa paa para sikat. Magwindow shopping nalang ako. Wala rin naman ako sa trip na tumambay sa unit ko at baka maya'y maisipan ko pang magbigti at sumunod sa akin si Warren. Patay na patay pa naman sa akin yon.
Pumara ako ng taxi at sinabing sa SM ang destinasyon ko. Pagkarating ay inabot ko ang bayad at pumasok sa loob. Medyo marami rin tao dahil weekend ngayon. Mostly pamilya ang nakikita ko.
Sakit sa pilik mata ha.
Naalala ko noon, tuwing weekend nagshoshopping kami nila lolo tapos dadalhin nya ko sa mga palaruan dito at ibibili ng tokens para magawa lahat ng gusto ko. Hindi rin kami uuwi ng bahay ng walang bagong teddy bears na uwi at lalong hindi kami uuwi na hindi ako masaya. Ganun ako kamahal ni lolo. To the point na kaya niyang ibuhos ang lahat ng oras niya sa akin dahil hindi niya nagawang alagaan si mommy noon nung bata pa to. Kaya sa akin siya bumabawi.
Siguro kung hindi sila nagkahiwalay ni mommy noon, baka gising si mommy ngayon at may buong pamilya na. Although na baka hindi ako buhay ngayon at wala ako sa nilalakaran kong lugar ngayon sandali.
"Dad, I want this! Huhu!"
"Wait baby, ibibili kita. Smile lang."
Dad. I never called someone dad. It's hurt for me. Umabot ang edad ko ng sampu na walang kilalang ama hanggang ngayon. Si Tito TOP, he's my almost former dad but I never called him dad or even daddy or papa kasi hindi ko talaga siya ama. Kahit anong katiting na tungkol sa ama ko ay wala akong alam. Walang sinasabi sa akin sila lolo dahil wala daw silang alam. Pero sa loob ko, alam kong meron silang alam. Di lang sila nagsasalita. I know, sagana na ako sa mga kailangan ko, sobra pa nga e, pero may kulang. Yung Inang magluluto, magtuturo sayo ng kung ano-ano, papayuhan ka at Amang poprotektahan ka sa lahat at gagawin ang makakabuti sayo. Parehas yon ang wala sa akin hanggang ngayon.
Kung papapiliin ako between Rich & Family, I'll choose family. There's no explanation. Family over Rich.
"Aww" I gasped ng may mabunggo akong tao sa harap. "nakaharang kasi e!" Ang laki laki ng daan, sa dadaanan ko pa napili. Tss.
Hinarap ko yong lalaking- oh noes.
That guy again!
"Tss" Yun lang ang sinabi niya at nilagpasan ako. DI MANLANG NAGSORRY? How dared him! Arrrg! He's getting on my nerve! Kagabe pa siya haaaa!
Hanggang sa nakaalis siya, di ko manlang nasigawan o nasapak dahil sa katangahan niyang humarang sa daan ko. Sayang, gwapo pa naman siya kaso ang sungit! Sobra! Bwisit na yon! Nafrozen meat na naman ako!
Sino kaya yon?
Naglakad na ulit ako at pumasok sa isang Dressing Shop. Kaunti lang ang tao dito sa loob since nakakalula talaga ang presyo dito. The reasons why I here ay dahil dito talaga ako bumibili ng damit ko. Suki na ako ng shop na to kaya may discount ako lagi.
"Zoe a bit of faster please! Naghihintay si tito Ezekiel mo!"
"Wait mom! Grabe ka! Di nga magrereklamo si tito tapos ikaw naman nagmamadali. Kalma lang, di tayo papatayin nyan hahaha."
"Hay nako, malakas ka talaga sa tito mo."
Napakaingay naman non. Sila lang mataas ang boses dito sa loob e.
Pinagpatuloy ko yung paghahanap ko ng damit at nang makapili ay binayaran ko na agad sa counter. As always, discounted ako ng 30% again. Palabas na sana ako ng makita ko yung lalaking nakatayo malapit sa exit door ng shop. Ang formal niyang tignan at lalong kagalang-galang. Nahiya tuloy akong dumaan since nakaharang siya sa gitna. Nakakaintimidate ang presence niya. Parang anytime mapapalubog ka sa takot dahil sa emosyon ng mukha niya. His eyes are colder than frozen ice. His face is serious too. Ano ba tong ginoong to, bat ka nakaharang dyan!
Mukhang napansin niya ako kaya napatingin siya sa akin. And our eyes locked to each other. Parang kilala ko na siya dating dati pa. Pero di ko pa naman siya nakikita since bata pa ako.
Una akong nagbaba ng tingin dahil tinablan ako ng hiya. Nagmove forward ako para makiraan kaso nagsalita siya that make me stopped. "You reminds me of someone else, kiddo." Napatingin ako sa mukha niya. At ngayon ko lang napansin, magkahawig kami ng mata. Mostly ng ilong. Para ko tuloy siyang tatay.
"Sino po?" Tanong ko. Ang swerte ko naman kung ganun.
"Someone that matters to me." Marinig ko lang ang salitang matters natuwa agad ako. This is fate! Ang galing!
"Where she is or he?" Nagiging tsismosa na ako! Grabe! Di ko mapigilan ang bibig ko!
"She's on the other side. I don't know where part of. Hell or Heaven. But where it is, I will travel it for her."
Natulala ako. Natahimik. I don't know if I have rights to say sorry. Babae. Siguro yung mahal niya. What a tragic ending for them.
"May... May I touch you?" sabi niya.
Dahan dahan akong tumango. Kahit dito lang makabawi ako sa panghihimasok sa buhay niya. At pagpapaalala ng nakaraan.
Unang dumampi ang malambot niyang palad sa pisngi ko. At parang may spark. May goosebump. Parang ayoko ng alisin niya ang palad niya sa pisngi ko. Ang sarap sa pakiramdam. Parang haplos ng nagmamahal na magulang. Ngayon ko lang napansin, tumulo ang luha niya. At ilang emosyon ang lumabas sa mukha niya. Saya. Lungkot. Pighati. Anong nakaraan meron siya? Bakit pakiramdam ko ang bigat-bigat ng dinadala nyang sakit sa tagal ng panahon?
"Thank you." Pagkatapos nun ay pinunasahan niya ang takas na luha sa mata niya at iniwan na niya ako at nauna ng umalis ng shop.
Bakit ganun? Bakit ang bigat sa pakiramdam ng makita ko siyang umiiyak? Bakit ako naiiyak?
Hanggang sa makauwi ako, ang bigat ng pakiramdam ko. Kailan ko kaya siya ulit makikita?
~~