Unduh Aplikasi
100% Cassanova's Guardian / Chapter 11: Chapter 11

Bab 11: Chapter 11

Arthur POV

Maaga akong nagising dahil may kailangan akong gawin sa opisina at may meeting din ako kailangan ko ulit magclose ng deal sa isang sikat na Bar restaurant dito sa Manila para sa gayon ay maging distributor nila kami ng Alak. Naligo at nagayos ako ng sarili bago bumaba. Nagkagulatan pa kami ni Ysabelle ng dumaan siya sa Room ko dahil sakto ang bukas ko ng pinto. Ewan ko pero mukha siyang nagpanic nung nakita niya ko. Nginitian ko siya ng pagkatamis tamis. 

"Good Morning Ysabelle" bati ko dito. Maganda ang umaga ko dahil sa nangyari kagabi. 

"m-morning" saad nito. tumaas ang kilay ko ng hindi ito ngumiti. 

"Asan ang ngiti ko Ysabelle? nakalimutan mo na ba ang pinagusapan natin kagabi?" Lumapit ako sa kanya at umatras naman ito. hanggang sa madikit siya sa wall. Nakatitig lang ito sa kanya. medyo naging alerto ako at baka biglang maging bayolente ang babae. 

"Wala ako sa mood para ngumiti" tugon nito. at talagang nagmamatigas ka ha. 

"Talagang hinahamon mo ko Ysabelle" saad ko dito. bigla niya kong tinulak. Halos mabuwal ako sa lakas non. Humarap siya sa akin at ngumiti. halos matawa ako sa ngiti niya. pinilit lang niyang ngumiti ni hindi manlang umabot sa mata niya. 

"Good! pero ang awkward ng ngiti mo Ysabelle" Pigil ang tawa ko ng sabihin yun. "Let's go, kumain na lang tayo sa office" saad ko at inabot sa kanya ang susi. pagkasakay ko ay bigla namang tumawag ang secretary ko. 

"I'm on my way" bungad ko agad dito. at pinatay na agad ang tawag. napatingin ako kay Ysabelle na busy sa pagda-drive. 

Bigla namang may pumasok sa isip ko. I texted my secretary na magleave siya muna ngayon. Nagreply naman ito na nasa office na siya. I texted him na umuwi na siya at bahala na siya kung anong gusto niyang gawin. Nag-okay naman ito agad sa kanya. 

Nang makarating kami sa building pasakay ng elevator.Nakatingin sa kanya ang mga empleyado ko na pasakay din sa elalevator. most of them ay babae. Hindi na ako magtataka dahil everytime naman na dadating ako ay para akong celebrity. 

"Good Morning Sir Arthur" sabay sabay na sabi sa akin ng mga empleyado niya. 

"Good Morning everyone" Masayang bati ko sa mga ito. hindi din nakawala sa mata ko ang mga lalaking nakatingin sa babaeng nasa likod ko. Narinig ko ang ilang tili ng babae ng ngitian ko sila. 

Bumukas ang elevator pero pinauna na kami ng mga empleyado ko. Tinignan niya si Ysabelle na nakatingin sa pinto ng elevator, sila lang dalawa ang naroon. 

"This is the first time you're here, right?" I asked her. she just nodded. "My father built this, since I was a kid.This building went through a lot before it became famous" saad ko dito. 

"Ano ang trabaho ng magulang mo dati?" tanong niya sa akin. 

"Sabi ni Daddy ay sinwerte siya sa dati niyang trabaho. kaya napatayo niya ito. Hindi na niya nabanggit sa amin kung ano ang trabaho niya dati" saad ko. 

"Hindi mo na tinanong kung ano yon?" Napatingin ako sa kanya. Seryoso ang mukha niya at ang titig nito ay nakaka-intimidate. 

"Bakit? Ganyan ka ba ka-curious sa pamilya ko?" Seryoso lang ang mukha nito habang nagkatitig sa akin. hindi ko alam kung anong nasa isip niya 

"baka sakaling swertehin din ako" hindi ko alam kung biro ba yun pero seryoso ang mukha niya ng sinabi yun. Naramdaman ko na medyo naging tension ang paligid. 

"Ang alam ko nagtrabaho siya sa Vulcanizing shop, pero may iba pa siyang trabaho that time" Magsasalita pa sana si Ysabelle ng bumukas na ang pinto ng elevator.  Nauna na ako lumabas at sumunod naman ito.

 Ang buong floor na ito ay sa kanya lang at sa secretary niya. sinadya kong kumuha ng lalaking secretary dahil baka hindi trabaho ang atupagin ko. Nilapag ko ang dala kong bag at inayos ang Computer.  ang Buong office ko ay kumpleto may Pantry, Couch, Video games. kapag bored ako ay naglalaro ako dito. Sobrang ganda din ng view na makikita sa labas. 

"Make me some coffee Ysabelle, wala ngayon ang secretary ko dahil nagkasakit siya." saad ko dito. kumilos naman agad ito at pumunta sa pantry. Tinignan ko ang likod ng babae papunta sa pantry. hindi talaga maipagkakaila na pansinin siya ng mga lalaki dahil sa tangkad at ganda ng katawan nito lalong lalo na ang mukha niya ang seryoso at malamig na tingin talaga niya ang nakapukaw ng pansin ko. Ilang beses ko na bang nasabi na iba siya sa mga babaeng nakilala ko.? 

Dumating ito na dala ang kape ko. Nilapag nito ang kape sa table. Kinuha ko ang mga documents na dapat ay trabaho ng secretary ko pero dahil pinag-leave ko ito ay balak kong kay Ysabelle nalang ipagawa yun. 

"Ysabelle here" abot ko sa kanya ng documents. Nagtaka naman ito. 

"Ano to?" tanong nito. 

"papel of course. I said earlier na wala ang secretary ko so ikaw muna ang gumawa ng mga yan. Besides ay i-encode mo lang naman yan at lalagyan ng Stamp. " napanganga naman ito sa sinabi ko. 

"Anong alam ko dito? saka ang dami nito." halos maghysterical si Ysabelle dahil sa totoo lang ay marami talaga yun. halos kasing taas ng 1.5L na Softdrinks at manipis pa ang mga papel nito. 

"Nagrereklamo ka ba? hindi ba at sinabi mo na lahat ng ipag-uutos ko ay susundin mo?" I smirks. nakita ko ang pag-irap niya. Tinignan niya ko ng parang napipilitan. 

"Saan ang computer?" tanong niya. Tumayo naman ako at itinuro ang computer malapit sa table ko. bumuntong hininga muna ito bago binuhat ang mga yun. Nagulat ako ng buhatin niya as in lahat ng gabundok na papel na yun. 

Infairnes naman sa kanya ay marunong itong magopen ng pc. Anong tingin mo sa kanya arthur? mangmang tanga? Napailing nalang ako sa naiisip ko. inumpisahan ko na din ang trabaho ko. 

Sa sobrang dami ng trabaho ay hindi ko namalayan na lunch time na hindi din niya napansin si Ysabelle sa ginagawa nito. Tinignan ko ang babae pero nakadukdok ito sa table niya. Aba! at natulog ang babae sa oras ng trabaho niya. Magsasalita na sana ako ng marinig ko ang munting hilik nito. napangiti ako at tinitigan ang mukha niya. para akong hinihipnotismo ng mukha niya hindi ko matanggal ang tingin ko dito. Napakaganda yan ang nasa isip ko. ang cute din nito ngayon dahil medyo nakanganga ang bibig nito. Habang tinititigan ko ang bibig niya ay naaakit akong halikan yun. pinilig ko ang ulo ko habang papatagal ay palala ka na ng palala arthur. tinigil ko na ang pagtitig dito at baka ano pa magawa ko. nakaramdam naman ako ng gutom, sigurado ako ay gutom na din si Ysabelle dahil parehas kaming hindi nag breakfast. I ordered food para sa aming dalawa. 

Hindi naman nagtagal ay dumating na ang pagkain na in-order ko. Inayos ko muna ang table sa pantry. 

"Ysabelle wake up, Let's eat" Aya ko dito. mapungay pa ang mata nito ng tingnan ako. 

"Hmmm nakatulog pala ko. Sorry" saad nito habang kinakamot ang mata niya. 

"Hindi ka ba nakatulog kagabi?" tanong ko. umiwas naman ito ng tingin sa akin "Dahil ba sa nangyari kagabi?" pang-aasar ko dito. 

"Hindi kasi ako sanay na matulog sa ibang bahay. namamahay po ako" aniya. 

"Are you sure? o baka naman dahil sa sinabi ko sayo? hinanda mo na ba yang puso mo sa akin?" pilyong sabi ko. Tinignan naman ako nito gamit ang mapupungay niyang mata. 

"Malabo pa sa sikat ng araw na magkagusto ako sayo" napahawak naman ako sa puso kunwari na parang nasaktan sa sinabi niya. 

"Ang sakit ah. parang kagabi lang ay kung makatitig ka sa picture ko ay halos halikan mo na" maloko akong ngumisi dito. Tinignan naman ako ng masama nito. 

"Kapal ng mukha" narinig kong bulong nito. 

"Narinig ko yon!" sabi ko. Hindi naman na ito nagsalita kaya inaya ko na siyang kumain. 

"Dito ka lang ba sa office?" Tanong nito sa akin. 

"Oo, May meeting ako mamayang 2pm. Bakit? " I said. 

"Pupunta kasi ako mamaya sa Mall para bumili ng nabasag kong Picture Frame" aniya. 

"No need. ako na ang bahalang magpabili non" sabi ko. tumaas naman ang kilay nito sa akin. 

"Sandali lang ako Sir" matigas na sabi nito. 

"Fine. sasama ko" matigas din na sagot ko. Napabuntong hininga naman ito. at tinuloy na ang pagkain niya. 

After my meeting ay pumunta ako agad sa office. She's really busy encoding all those documents. Halos matapos niya yun. Hindi niya din ako napansin na nakapasok. She takes it seriously. 

"Ysabelle, I'm done with my meeting. Masyado mo naman sineryoso ang pinapagawa ko" saad ko dito. napalingon naman ito sa kanya at nag-inat. she's really cute. "Let's go" Aya ko dito. Inayos naman niya ang mga ginamit niya. 

"May malapit na mall dito sa office doon ka na lang bumili" saad ko. Pinindot ko ang elevator pababa sa Ground floor. Well my office is on the 43th floor. The CEO is at the top of this building which is the 44th floor. Dumating naman agad ang sasakyan ko. Piangbuksan ako ni Ysabelle ng pinto imbis na sa backseat ay naupo ako sa front seat. Tinignan lang ako ni Ysabelle, I smirks. 

"Hindi naman kita driver your my sexy bodyguard" I smirk. She just stared at me. I was surprised when she suddenly accelerated the car. Napahawak ako mahigpit at nagdadasal ng taimtim.

 Sana ay mabuhay pa ako after nito, sigurado ako maraming iiyak na babae kapag nawala ako. halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan. 

"Ysabelle Slow it down" sigaw ko dito, pero hindi siya nakinig. pasalamat ako ng makita ko na ang mall. 

"What the fuck Ysabelle halos atakihin ako sa puso. Dati ka bang nag Car Racer?" Sabi ko ng makapasok kami sa Parking ng Mall. 

"Mag Gagabi na kasi Sir kaya binilisan ko na" sabi nito ng nakangisi. 

"Ok lang naman gabihin tayo ah, anyway I considered this as a Date" saad ko dito. habang taas baba ang dalawang kilay ko at nakangisi. 

"Bibili lang ako ng Picture Frame, Sabi ko nga sayo ay sandali lang ako . Sana nung nag meeting ka ay nakabili na ko" aniya. Naglakad na kami papasok sa Mall. Hinanap naman niya agad ang National Bookstore at pumasok roon. habang ako ay nagtitingin ng Showing sa cinema. Balak ko talaga I-considered na date to. natatawa ako sa naiisip ko. 

"MAGNANAKAW!" sigaw ng isang babae na galing sa katabing department store ng National Bookstore. Nakita ko ang batang lalaki na papatakbo. Nagulat ako ng lumabas si Ysabelle sa National Bookstore at sumunod  sa batang lalaking magnanakaw. 

"Ysabelleeeeee!" Sigaw ko dito pero hindi niya ako narinig dahil sinundan niya ang magnanakaw."Fuck" napamura nalang ako at agad agad na sumunod kung saan man papunta si Ysabelle. 

What the fuck is wrong with this girl, Dapat ay hindi na siya nakikialam sa problema ng iba. dapat ay sa akin lang sya mag-focus. What if may mangyari sa kanyang masama? Nang maisip ko yun ay bigla akong napatakbo ng mabilis. Fuck Ysabelle gustong gusto mo talaga pinag-aalala ako. 

***

A/N: Please don't forget to Vote, comment and give a story a review. :)


next chapter
Load failed, please RETRY

Bab baru akan segera rilis Tulis ulasan

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C11
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk