Unduh Aplikasi
76.47% Breaking the wall between us / Chapter 13: CHAPTER 12

Bab 13: CHAPTER 12

Hindi na ako nakapag-concentrate after nun. Hindi mawala sa isip ko kung siya nga ba talaga ang Alden na iniidolo ng kapatid ko.

"Another round of applaus for Mr. Alden Richards!!"

Clap! Clap! Clap!

Natinag lang ako ng marinig ang napakalakas na palakpakang iyon.

Napapalakpak na rin ako.

Nagsi-exit na kami dahil susunod na ang Question and Answer portion ng pageant.

From 47 ay naging top 10 and fortunately, nakapasok ako. Mula sa 10 ay naging lima na lang din after ng evening gown.

Ang limang 'yun lamang ang magkakaroon ng Q&A.

Naikuskos ko na ang mga palad ko upang painitin man lang ng konti ang aking nagyeyelong kamay.

"It's not given, Menggay. Kaya patas lang kayong lahat."

Pagchi-cheer pa sa'kin ni Mama Tey while giving me a wide smile.

Tama nga namang siya. Lahat kami walang alam sa kung anumang itatanong so it'd be fair for all of us.

"Hello Candidate number 45! How are you tonight?"

"Hi Megan! I'm super fine, just a but nervouse since it's my first time to join pageants like this."

Totoo namang halos kumawala na ang puso ko sa aking dibdib dahil sa kaba.

"Now, pick your judge and we'll see what they have for you."

Kumuha na ako ng naka-roll na papel sa bowl na bitbit ni Megan.

"So the judge you pick is Ms. Cecil Delubio."

Dahil na siguro sa kaba ay hindi ko na namalayang binanggit na pala ni Megan ang judge na magtatanong sa akin.

TUGDUG!

TUGDUG!

"Hi candidate number 45! My question for you is.. As a millennial, what specific thing or circumstance have you done that you can be proud of?"

Napako ang paningin ko sa judge na nagsasalita.

Siya ang Ms. Delubiong sinasabi nila.

Ang babaeng ininsulto at inapak-apakan ang buong pagkatao ko.

Nakita ko pang nakataas ang kaliwang kilay niya habang tinatanong ako. Akala niya siguro wala talaga akong ginawang tama sa buong buhay ko.

Bumuntong-hininga muna ako bago ko itinapat ang mic sa bibig ko.

"Life is not perfect. You may have the money, but you may not have the ideal family you want. You may have the best talent, but you don't have the confidence. However, when we see the brighter side there we will know that it is not on what we can't have but on how we utilize the things we have to make the best out of it. At a very young age my father died in an accident..."

Maluha-luha ko pang usal. Matagal na ang nangyaring 'yun at akala ko'y okay na ako. Pero hindi pa rin pala.

"And just years after, my mother died fighting against cancer. With that, I have to strive harder to raise my younger sister with my feet on the ground. I have to send her to school while I am searching for ways on how I can multitask providing her needs as her sister, father and mother all in one. It's hard but I'm willing to make my nights into days to fulfill my responsibilities. For me as a millennial, it is what a probinsiyanang big sister can be proud of. Thank you!"

Sabay binigyan ko silag ng napakalawak na ngiti. As in, yung ngiting proud talaga.

Nakita kong napatango lang siya at nagsulat na sa papel niya.

"Good job Menggay!"

I'm sure your parents are very much proud of you, kung nasan man sila ngayon.

Ngiting salubong nina Mama Tey sa akin sa backstage. Habang nangingilid naman ang mga luha akong niyakap ni Kassandra.

"Thanks for all the support."

Humiwalay na si Kassandra sa akin. Binigyan ko sila ng pinakamalaking smile na maibibigay ko.

Now, ang hihintayin na lang natin ay ang result. And I'm confident na makukuha mo ang korona. Ikaw yata ang may pinakamagandang sagot dun.

Napatawa na lang kaming tatlo. Grabe naman talaga ang pananalig nitong isa sa akin. Hahahaha!

Ilang minuto pa ang lumipas. Tinawag na ang lahat pabalik sa stage. Hudyat ng pagre-reveal ng results.

"The crowning moment has come. Tonight a dream of becoming the next Ms. Millennial Manila 2018 is going to be achieved by one of this 47 gorgeous ladies."

Ito na ang pinakahihintay ng lahat! Hindi man ako talaga ang dapat na nandito sa posisyon ko ngayon, excited pa rin akong malaman ang magiging resulta.

Napatingin ako sa number na nasa wrist ko at napangiti.

"Candidate number 23, Janeena Rodriguez!"

Napabalik ako sa wisyo nang narinig ang napakalakas na hiwayan at palakpakan ng mga tao.

"Our 1st Runner up is..."

Drum rolls.. Drum rolls..

"Who do you think it is?"

Tanong pa ng partner ni Megan sa audience.

"Our 1st Runner up is candidate numbeeeeeerrr...."

Pambibitin pa niya.

"Candidate number 35!"

Napatingin ako sa number sa kamay ko.

45..

Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi pala ako!

"Melissa Ortega!"

Nakita kong naghiyawan yung mga fans at supporters niya. Hindi pa siya makapaniwala sa nangyayari.

Tssh. Ang OA ah!

Naghawak-kamay na lang kaming tatlong natitira. Isa sa amin ang mag-uuwi ng titulo.

"The most awaited moment of everyone. Tonight, one of these three girls will bring home the crown of Ms. Millennial Manila 2018. Who will be the best of the best to win the title?!"

TUGDUG!

TUGDUG!

TUGDUG!

Halos hindi ko na marinig ang sigawan ng mga tao. Nagkakarerahan na sa kaba ang pagtibok ang puso ko.

"Our Ms. Millennial Manila 2018 to represent our province in Eat Bulaga's Ms. Millennial 2019 is..."

Drum rolls ulit. Hehe! Ang intense at sobrang thrill eh.

Kahit hindi ka na manalo Menggay.

Ginawa mo naman na ang lahat at na-i-prove mo na dun sa Delubiong 'yun.

Matatanggap mo rin agad kung hindi ka man manalo.

"Candidate number..."

Napatingin na lang ako sa dalawang nasa tabi ko. Pinanggitnaan ako nilang dalawa. Saka ko sila binigyan ng malapad na ngiti.

"Candidate number 45, MS. NICOMAINE MENDOZA!!"

Umalingawngaw sa magkabilang tenga ko ang pangalan kong sabay isinigaw nina Megan at ng partner niya.

Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. Nabigla na lang ako nang hilahin ako ng katabi ko at niyakap.

"Congrats Maine!"

Bulong niya pa habang magkayakap kami.

Pagkahiwalay namin ay napatingin pa ako sa isa ko pang kasama. Isinenyas niyang pumunta na ako sa gitna ng stage.

Totoo ba lahat 'to? Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman!

Ang alam ko lang ay sobrang saya ko. Sobra-sobrang saya! Waaaaahh!!!

"Ms. Mendoza please join us here and make your first Ms. Millennial Manila walk!"

Tawag pa ni Megan sa akin. Lumapit ako sa kanila at walang humpay ang ngiti.

"How are you feeling Ms. Mendoza?"

"Super amazing! Eeeehhhh!! I can't believe this is all happening! I really can't believe this!!"

Hindi ko talaga kayang paniwalaan na nangyayari ito sa akin ngayon!

Sampalin niyo nga ako kung hindi ba ako nananaginip ngayon?

Joke lang! Hehehe. Masakit 'yun masyado. Pero 'di ngaaaa?! Aykenatbilibdis!

Natinag na lang ako nang ma-feel ko ang paglalagay nila ng crown sa ibabaw ng ulo ko.

Yiieeee!!! This is it! Na-iihi ako sa saya. Grabe!

"Manila, we proudly present to you our 2018 Ms. Millennial Manila. Ms. NICOMAINE MENDOZA!!"

Ako na lang ang naiwan sa gitna kaya kumaway-kaway ako habang nakangiti sa sobrang saya. Nagsimula na rin akong maglakad sa right side ng stage.

"We love you Nicomaine!"

Rinig kong sigaw ng audience kaya napa-flying kiss ako sa kanila.

Napuno ng hiyawan, sigawan at palakpakan ang buong stadium. Hindi ko pa rin mapaniwala ang aking sarili.

This is really it! Ikaw, Nicomaine Mendoza, ang bagong Ms. Millennial Manila!! Eeeeeh..

KYLINE'S POV

"Aray!"

Napahawak ako sa aking ulo nang maramdaman ang sakit nito.

Medyo blurry pa ang paningin ko ngunit inilibot ko na ang aking mga mata sa aking paligid.

Puting-puti ang buong kwarto. May mga aparatu sa gilid ko at may mga hose na nakakabit sa akin.

Naka-hospital gown ako ngayon.

"Misis, your niece is having a heart condition called heart arrhythmias. She is experiencing the type of tachycardia since she has fast racing heartbeats."

Sabi ng doktor kay Tita Liezel. Nakatalikod sila sa akin sa medyo malayo sa akin kaya siguro hindi nila napansin ang paggising ko.

"Fortunately, her condition is not that severe. For now, we will give her proper medications that will normalize the rhythm of her heartbeats. And we will know what to do next."

"S-sige. Salamat po dok."

"I have to go now. Iche-check ko pa 'yung ibang pasyente."

"Thanks dok."

Nakita kong haharap na si tita kaya napaiwas ako ng tingin na animo'y walang narinig at kagigising lang.

"Diyos ko po! Thank you Lord! Gising ka na pamangkin!"

Sobrang sayang napaupo si tita sa tabi ko. Hinawakan pa niya ang noo at mga kamay ko sa galak.

"Pa-papaano po ako napunta dito?"

Nagtatakang tanong ko na lang sa kaniya.

"Dinala ka ng mga kaibigan mo dito. Tinawagan naman ako ni Oreng kanina."

"Si.. s-si ate po?"

Alam kaya niya ang nangyari sa akin? Kasi kung alam niya, sigurado akong magmamadaling umuwi 'yun.

Kapag hindi ka pa talaga umuwi ate Menggay, magtatampo na talaga ako sa'yo.

"Ilang beses ko na siyang tinawagan but sad to say, cannot be reached siya eh. Don't worry Ileng tatawagan natin ulit siya bukas. Gabi na rin kasi baka humihilik na ang kili-kili nun."

Biro niya pa na ikinatawa ko.

"Oo nga naman. Parang mantika nga kung gisingin ko 'yun."

Naalala ko tuloy kung gaano siya kahirap gisingin noon. Hays.

Tok! Tok! Tok!

"Pasok!"

Sigaw ni tita. Timing namang kami lang ang nandito sa kwarto kaya walang ibang ma-iistorbo.

"Looooove!"

Iniluwa ng pinto ang tatlong nilalang. Unang word pa lang 'yun pero umalingawngaw na iyon sa buong silid. Napaupo na lang din ako.

"OMG besh! Thank God you're awake na!"

Agad akong niyakap nina Margaret at Melody.

"Thanks din pala sa pagdala niyo sa'kin dito mga besh."

Nginitian ko lang sila.

"Alam mo bang super kaba namin kanina sa school nung nawalan ka ng malay?"

Alalang-alala namang sabi ni Melody.

"Oo nga. Meron ngang iba diyan.. napa-praning masyado. Hindi na halos maka-focus sa discussion kanina. Sino kaya 'yung 'babaeng' iniisip niya?"

Tonong nagpaparinig pang anilang dalawa.

Napatingin na lang ako sa kanilang dalawa habang nagpipigil ng tawa.

"Teka.. Babae ba 'yung iniisip niya? 'Di nga?"

Pang-iintriga pa ni Margaret. At nag-apir pa talaga silang dalawa.

Napatingin naman ako kay Daisy na wala pa ring kibo.

"Hindi mo rin ba ako yayakapin, loooove?"

Panunukso at pambubuyo ko pa sa kaniya.

"Get well soon love..."

Napipilitan pa niyang sabi habang niyayakap ako ng mahigpit.

"Ahoo! Ahoo!"

Medyo napaubo pa ako. Sobrang higpit niyang yumakap ah!

Agad naman siyang humiwalay sa akin at napaayos ng sarili.

"Hindi pa nga kayo kinakasal sinasakal mo na siya bes!"

Pambubuyo ulit ni Melody pagtutukoy kay Daisy.

Sinamaan tuloy siya nito ng tingin.

"By the way, salamat talaga sa pagdala niyo sa akin dito mga besh ah. I really appreciate it."

"Nga pala besh nagdala kami ng fruits para sa'yo. Sa'n ba namin ilalagay to tita?"

Sabi pa ni Margaret habang bitbit ang isang basket ng prutas.

Nagkakatuwaan kaming lahat ngayon. Sobrang daming chika ng dalawa habang medyo tahimik naman si love. Nahuhuli ko pa siyang nakatitig sa akin na agad namang iniiwas ang tingin.

Hmmm..

Twink! Twink!

Ampangit ng tunog ng phone ko'di ba? Haha. Hayaan niyo na akong bida dito eh. Bakit ba.

"He-hello?! Who's this please?"

Medyo natagalan pa bago may sumagot sa kabilang linya.

"Hello, Kyline…"

Biglang nanindig ang mga balahibo ko sa katawan at kumabog ng mabilis ang puso ko.

Creepy.

"Ako nga. Sino ka ba?"

'Di mo na kailangang malaman pa kung sino ako.

"Why? Bakit, ano ba ang kailangan mo sa akin?"

Nagtataka at natatakot kong tanong sa kaniya.

"Do you think.. isa ka talagang Alcantara? Anak?"

"Anak?! Anong anak ang pinagsasabi mo? Hello? Hello!!"

Hinawakan na nila ako upang pakalmahin.. pero hindi ko magawang kumalma.

"Besh sino daw 'yun?"

"Oo nga. Ba't parang shookt na shoot ka ah?"

Usisa pa nila.

"Tita, Alcantara po ba talaga ako?"

Napatanong tuloy ako. So confusing eh.

"Bakit mo naman naitanong 'yan? Ileng, anak ka ng kapatid ko at ng papa mo. At sigurado ako dun."

Nginitian pa niya ako. That smile makes me relieved kahit papaano.

"Kaya dapat ang ginagawa mo ngayon love ay magpahinga. Stress-free lang tayo always para ma-maintain ang beauty."

Mahaba pang litanya niya.

"Aba, marunong ka rin naman palang magsalita eh no?"

Pang-eechos na naman ni Margaret. Inirapan lang niya ito dahilan para mapahalakhak sila ng tawa.

Lumipas ang ilang araw ngunit hindi pa rin namin nakokontak si ate Menggay.

Kunti na lang talaga ay magtatampo na ako sa kaniya.

May 10, 2019

Mag-iisang taon na nang umalis si Ate Menggay sa bahay at iniwan ako kay Tita Liezel.

Naging maganda naman ang pagsasama namin kasama ang mga pinsan ko. Naging masgkasundo na rin kami ni Oreng.

Hindi pa umuuwi si ate simula nang pumunta siya ng Maynila na kabaliktaran ng mga pinangako niya. Hindi na rin ako nakarinig ng kahit anong balita tungkol sa kaniya dahil ni isang tawag ay wala akong natanggap mula sa kaniya.

Alam kong may kontak si Tita Liezel sa kaniya pero hindi ko talaga alam kung bakit ayaw niyang ipaalam sa akin.

"Hoooo! This is it Kyline! Kaya mo 'to."

Nailibot ko ang aking paningin sa paligid nang maiapak ko ang kanang paa sa semento ng pier. Bumungad sa akin ang init ng tirik na tirik na araw at mga tauhan ng pier na busy sa pag-aayos ng naglalakihang lubid habang ang iba ay nagtatawag ng mga taong magpapakarga ng mga bagahe nila.

Napangiti ako hanggang tenga dahil amoy ko na ang simoy ng Maynila na sa TV ko lang naririnig.

Kinailangan nila Tita Liezel na bumalik sa kabilang probinsya nila dahil nagkakaproblema sila sa bunsong anak niya. Maiiwan na naman akong mag-isa kaya naisipan kong lumuwas na rin ng Maynila.

Medyo malaki-laki na rin naman ang naipon ko mula sa baon at allowance na ibinibigay ni tita na galing daw kay ate kaya napagkasya ko 'yun pambili ng ticket at pang-renta ng bahay.

May nakita rin pala akong envelop sa cabinet ni ate Menggay nung minsang nilinis ko ang kwarto niya. Hindi ko alam kung anong laman pero hindi ko talaga binuksan 'yun dahil maselan at strickto talaga siya pagdating sa mga personal niyang gamit.

Kung mga damit at sapatos lang niya 'yun ay okay lang pero kapag mga papeles at dokumento na niya ay off limits na ako.

Sa halip na pabayaan iyon dun, kinuha ko ang envelop at dinala ko pagluwas ko ng Maynila baka makita ko dito si ate, ibibigay ko na lang to sa kaniya.

"Hi ma'am! Kung naghahanap ka ng marerentahang apartment, may space pa kami na murang-mura lang. Baka gusto niyo pong matingnan ma'am."

Salubong ng isang lalaking nasa edad trenta siguro sabay abot ng flyer.

Napatitig ako sa nakasulat na presyo dahil sobrang affordable nga at ang ganda ng apartment nila. Okay na okay sana to sa budget ko pero may bahagi sa akin na nagdadalwang-isip kung totoo 'to.

"Hindi ka scammer kuya? O baka naman baka.. b-baka budol-budol gang ka. Sige ka, sisigaw talaga ako dito kuya. Sinasabi ko sa'yo."

Pinanlakihan ko siya ng mata at nilakasan ko talaga ang boses ko para kung magkaholdapan man ay matutulungan agad ako.

Pero tumawa lang si kuya ng sobrang hard.

Ayy jusko! Gan'to ba talaga mga tao sa Maynila? It's more fun in the Philippines nga talaga.

"Ano ka ba ma'am. Kahit sumigaw ka pa diyan walang tutulong sa'yo dahil dito sa Maynila lahat may kaniya-kaniyang monkey business sa buhay."

Sinamaan ko siya ng tingin habang napayakap ako sa katawan.

Naku huwag naman sana akong ma-rape sa gitna ng tirik na araw, sa gitna ng mataong kalsada ng Maynila.

"Pero hindi naman ako budol-budol o kung ano pa man kaya no worries. Sagot kita ma'am basta kumuha ka lang ng isang room sa apartment namin."

Mas lumawak pa ang ngiti niya and this time, bumagal na ang tibok ng puso ko na kanina'y nag-uunahan sa pagtakbo.

"S-sige kuya! Basta kapag pinagsamantalahan mo 'ko, isang tawag ko lang sa Daddy kong Police nIspector sa probinsya namin kulong ka agad kaya mag-isip-isip ka ng mabuti kung gusto mo pa mabuhay."

Banta ko pa sa kaniya na mas ikinatuwa pa niya.

Kinakabahan talaga ako sa isang 'to eh. Sabi nila andami pa naman daw manloloko dito sa Maynila.

Panginoon ko, ikaw na pong bahala sa akin at sa katawan ko kung ano man pong mangyari. Sana naman huwag niyang itapon ang katawan ko sa ilog Pasig 'pag nagkataon. Sayang beauty ko nun eh.

Napapikit na lang ako ng sobrang hard bago sumunod sa kaniya.

Sumakay kami ng jeep, bitbit ko pa ang maleta at backpack na dala ko.

Siya na rin ang nagbayad ng pamasahe ko at nag-volunteer na siya na daw ang magdadala ng maleta ko.

Nawi-weirduhan ako sa kaniya pero kiber na. At least may alipin ako for a day. Hihihi.

Dumating na kami sa tapat mismo ng apartment kuno nila na hindi naman masyadong malayo sa pier.

Nilibot ko ang aking mga mata sa buong apartment, mula first floor hanggang pang-anim na palapag.

Maganda, bago ang disenyo, mukhang matibay ang pagkakagawa at malinis ang paligid. Mukhang magiging tahimik din ang buhay ko dito.

"Tara, pasok na ma'am!"

Napasunod ako agad nang mapansing naiwan na pala ako ni kuya sa tapat ng apartment nila.

Napatango-tango ako at mas napanganga pa talaga ako nang makita ko ang loob mismo ng apartment.

Inilapag niya ang maleta ko sa gilid ng kama ng magiging kwarto ko.

Naglakad-lakad ako mula sa sala, kwarto, banyo at kusina.

Malinis, mabango, organisado at higit sa lahat mura para sa ganito kagandang matitirahan.

"So ano ma'am? Kukunin niyo ba 'tong room o sasabihin niyo pa ring scammer ako?"

Medyo nagpipigil ng tawa niyang tanong.

Kumunot ang ulo ko at nagpang-abot ang mga kilay na liningon ko siya.

"Geh. Rerentahan ko na 'to kuya."

Kumuha ako ng pera sa wallet ko at inabot sa kaniya.

"Here's my downpayment and my first two months na payment."

Tinanggap niya ang pera at nakangiti pa ring lumabas.

Napatalon ako sa kama at in all fairness, sobrang lambot ng kama. Hindi ako makapaniwala na titira na ako sa ganito kagandang apartment sa sobrang affordable na halaga.

Nagyong may apartment na akong tutulugan, siguro dapat lang na huwag ko na munang hanapin si ate Menggay dahil una, sobrang laki ng Maynila at hindi ko alam kung saang lupalop ako magsisimula sa paghahanap. Hindi ko na rin kasi siya mahagilap sa mga social media accounts niya. Hindi ko alam kung blocked na ako or nag-deactivate talaga siya.

Isa pa, gusto kong makapagtapos muna ng senior high school at makapag-ipon pa para naman may maipagmalaki na ako kay ate at maging proud siya sa akin bilang kapatid.

Matapos kong mag beauty rest ay sinimulan ko nang ayusin ang mga gamit ko. Magnda naman na ang pagkakayos ng apartment kaya inilagay ko na lang ang mga gamit ko sa kung saan sila nararapat.

Ilang araw ang lumipas at nagsisimula na rin akong maghanap ng paaralang pag-eenroll-an ko.

Nagtanong-tanong ako sa mga kakilala ko especially sa mga close friends ko kung anong school ang magandang pasukan. Andami nilang sinuggest sa akin kaya mas marami na rin akong pagpipilian.

Nung one time na nakita ako ni kuya na nagpasok sa'kin dito sa apartment sinabi niyang may magandang international school malapit dito. Ang problema nga lang medyo may kamahalan ang tuition kasi nga international school siya.

Sinearch ko 'yung suggested na school ni kuya dahil dream ko talagang makapag-aral sa private schools at makakilala ng mas marami pang tao.

Laglag talaga panga ko sa medyo costly na tuition at miscellaneous fees ng school pero gusto ko parin doon mag-aral.

Kaya naman kinabukasan nag-prepare agad ako at maaga talaga ako pumunta dun sa school, Reedley Inetrnational School to be exact.

Grabe. Ganito pala talaga kapag private school no?

Ang ganda kahit nasa entrance pa lang ako. Mga almost ten floors nga din siguro ang school nila at ang laysho (sosyal) ng mga facilities nila.

Bagong-bago tingnan lahat ng mga mesa at upuan dahil sa kinang ng mga ito.

Napakalinis din nga hallways nila.

"Good morning students of Reedley International School. Welcome to the School Year 2019-2020! And welcome most especially to the new students! I hope you enjoy the rest of the days you'll be staying here in our school. Together let's all contribute, learn, explore and be competitive! Thank you!"

Mainit kaming winelcome ng Faculty and Staffs ng school pati na rin ang mga oldies na students.

Actually, hindi talaga madali ang pinagdaanan ko makapasok lang dito.

Their admission test was so hard at halos dumugo na ang ilong at utak ko ng sabay sa sobrang hirap.

And kung tatanungin niyo paano ko babayaran ang tution fee ko dito, natanggap ako bilang isa sa mga bagong journalists ng official school publication kaya nagkaroon ako ng partial schalarship at nagiging CHED full scholar.

Puno ng pinaghalong kaba, tuwa, pagka-excite at hiya ang buo kong katawan nang pumasok ako sa magiging room ko.

Wala talaga akong kilala dito ni isa. Lahat sila ay magagara ang mga bitbit na bag, mga sapatos at mga gamit.

Naupo agad ako sa medyo gitna na wala pa masyadong tao at tahimik na inilagay ang bag ko sa gilid.

Kinuha ko na lang ang headset ko sa bag at isinalpak 'yun sa tenga ko.

"Isa, dalawa, tatlo

Hindi mo mabilang mga nagpaparamdam sa'yo"

Napasabay ako sa kanta.

"Anim, pito, walo

Sanay na sanay na ikaw ang hinahabol

Hindi ko namalayang napapagalaw na pala ang leeg ko kasabay ng kantang pinapakinggan ko.

'Di nauubusan ng makakausap na maaayang lumabas

Pinahihirapan kaya't may ganang umabante't umatras"

Napadilat ako mula sa pagkakapikit nang may nag-tap ng balikat ko.

"Beh sobrang lakas ng boses mo. Singerist ka?"

Tanong agad niya pagkakatanggal ko ng headset. Nnalaki ang mga mata ko nang makitang lahat nga sila'y nakatingin sa akin na para bang napatigil silang lahat sa ginagawa nang marinig ang boses ko.

Feeling ko namumula na talaga ako bigla sa sobrang hiya at unti-unting umiinit ang mukha ko.

'Yung feeling na gusto mo na lang bumuka ang sahig at lamunin ka pailalim.

WAAAAAAAAAAH PRIVATE SCHOOL PA MORE!

Ang ka-classy nila at laysho, sobra, samantalang ako ganito lang, pakanta-kanta lang at parang walang ibang ginagawa sa buhay. Mumurahin pa ang bag at mga gamit.

Feeling ko talaga tinutusok at hinihiwa na ako na parang pork chop sa mga tingin nila. Ang seseryoso eh.

Huhuhuhu ate Menggay we na u?

"Why don't you join the school's glee club?"

Kailangan ko na talaga ng back up dito. Ganito ba talaga kapag sa international ka mag-aaral?

Bakit, bawal ba kumanta?

Bawal ba singerist o baka Tiktokerist lang pwede?

"HEY!"

Napaatras ako at hindi maipinta ang mukhang hinawakan ko ang noo kong pinitik niya.

Bakit ba sobrang feeling close siya ha? Nananahimik na nga ako dito eh.

"BAKIT BA?!"

Sigaw ko na rin pabalik sa kaniya.

"BAKIT HINDI KA SUMALI SA GLEE CLUB 'KA KO! TUTAL MUKHANG SINGERIST KA NAMAN AT MAGANDA NAMAN ANG BOSES MO!"

Mahabang litanya na umalingawngaw sa buong classroom. Pati mga ibang dumadaan ay napasilip na rin sa bintana.

Para kasing may nagrarambulan ng ganitong kaaga.

Natigilan ako sandali sa sinabi niya.

"Ahh.. 'yun pala s-sinabi mo beh? Hihihi."

Napapahiyang tanong ko na lang.

Ikaw naman pala 'tong overacting Kyline eh.

Nag-peace sign na lang ako sa kaniya at pilit na ngumiti.

"Hindi na pwede eh."

Kumunot ang noo niya pati na rin 'yung iba pa naming kaklase.

"Why?"

Curious na tanong niya pa.

"Kasi nasa school pub na 'ko eh. You know medyo feeling journalist si me. Kaya mahihirapan akong magbalanse ng oras kapag maggi-glee club pa ako."

Napa-ahh na lang sila sabay tatango-tango.

"I see. Geh, abangan na lang namin article mo sa first publish ng school pub ha?"

Nginitian ko na lang siya at pinanood na tumalikod at naglakad pabalik sa mga barkada niya.

Bigla tuloy akong na-pressure. Paano na 'yan unang salang ko pa lang dito may mag-aabang na agad ng article ko. Juskoooooo!

Sana naman wala ng ibang magpapahirap ng studies ko dito.

Wala naman ako sa Hell university 'di ba para magkaroon ng bloody night dito?

At lalong wala din ako sa BIS para may pumatid sa akin at sabihing mukha akong siopao na sisiga-siga pero hinahabol naman pala ng mga puso.

O kaya nama'y may bad boy na mambu-bully sa akin dahil sa sobrang dami ng tigyawat ko pero mas gugulo ang mundo ko dahil magiging P.A. niya ako.

HAAAASSHHHHHHH! Ewan.

Basta stay pretty ka lang Kyline and let your beauty, wit and skill in writing do the job and make the noise.


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C13
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk