Nicolette Celestial
'Salamat!' Iyan ang salitang nabanggit ko paglabas ng opisina ng bago kong magiging boss. Hindi ako nagkamali na siya ang tinawagan ko at hingan ng tulong para sa trabahong gusto ko. Bukod pa roon ay maganda ang oras ng trabaho. Sapat ang sahod ko para pantustos sa pangangailangan namin mag-ina.
'Ang swerte ko naman!' Malalim akong huminga at tumingin sa labas ng bintana kung saan tanaw ko pa rin ang malaking building. 'Simula bukas ay mag u-umpisa na ang aking kalbaryo sa aking magiging trabaho.
Excited ako pauwi ng bahay dahil balak ko sana ilabas si Nicolo. Sigurado matutuwa siya kapag nalaman niyang kakain kami sa labas at mag se-celebrate na nagkaroon na ako ng trabaho. Simula kasi ng lumipat kami rito sa Manila ay hindi kami gaano lumalabas dahil mas nagtuon ako na maghanap muna ng trabaho bago ibigay ang lahat ng gusto at luho ng aking anak.
Gulat na gulat ako pagpasok sa aking condo nang makita ang isang tao. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon nandito siya sa aking harapan. Agad ko siyang sinalubong ng mahigpit na yakap.
"Big bro!" tawag ko. Humiwalay ako sa pagka-kayakap at hinawakan siya sa kanyang magkabilaang balikat. "Bakit hindi mo ko tinawagan na pupunta ka rito?"
"I want to surprise my nephew. Beside, dumaan lang talaga ako dahil kakatapos lang ng meeting ko with new clients."
"Sakto! Balak ko sana ilabas si Nicolo para kumain sa labas. Sumama ka na sa amin" Masarap siyang umupo sa sofa at tinabihan ang aking anak.
"No need! Nagpabili na ako ng pagkain kay Emman para dito na lang sa condo kumain. Gusto ko rin magkaroon kami ng time ni Nicolo dahil aalis na rin ako mamaya." Hinawakan niya ang ulo ni Nicolo at ginulo ang buhok. "Miss na miss ko kaya itong bulinggit na 'to!"
Sabay kami napatingin sa pintuan nang mag ring ang door bell. Tatayo sana siya pero pinigilan ko at ako na ang nag prisinta na magbubukas ng pintuan.
"Hi!" bungad na bati ni Emman. Tinaas pa ang mga pagkain dala-dala niya. "Ito na ang mga foods na pina-order ni Ken."
"Pasok-pasok!" Niluwagan ko ang pintuan upang magbigay ng daan sa kanya.
"Okay lang ba na sumabay na rin kumain sa inyo? If you don't mind! Gutom na gutom na rin kasi ako."
"Oo naman!" masigla kong bati. "Hindi ka naman iba sa amin, no! For sure gusto ka rin maka bonding ng kapatid ko kaya ikaw pa ang inutusan. Ang kapal talaga, 'di ba? Inabala ka pa!"
"No need to worry. Wala naman akong gaanong schedule today!"
"Magkasundong-magkasundo na kayo, ha?" Sabat ni Kenneth. "Bro! It's nice to see you again. "Pasensya ka na sa pang-aabala ko. Sobrang matatagalan kasi ako kung ako pa ang bibili ng pagkain kaya dito na kita pina diretso." Nakipag bunong braso ang aking kapatid sa kanya. "Tara! Kumain na tayo."
Masaya naman akong makita ang aking anak na naglalambing sa kanyang Tito. Simula noong nagka-isip siya ay si Kenneth na ang itinuturing niyang ama.
"Nakahanap ka na ba ng trabaho?" pag-uusisa ng aking kapatid. "Kung wala pa, I will help you find one."
"We have a vacant position in my company! I can hire you directly if you want?!" dugtong ni Emman.
Dahil puno ng pagkain ang aking bibig, umiling-iling lang ako sa kanila. "No need! May trabaho na ako. I'm a company specialist at one of the prestigious company here in Manila. Nike Trinidad is my new boss."
"Really?" tanong ni Emman. "Be careful with that man. He's a certified playboy!"
"Thank you for your concern, Emman."
"Magaling kumilatis ng lalaki ang kapatid ko," natatawang sabat ni Kenneth. "Kaya nga umatras sa wedding dahil sa lalaking gusto ipakasal sa kanya ni Papa!" Nag-katinginan naman kaming dalawa. "Mag-ingat ka pa rin!"
"That is why I'm telling her not to wear short skirts and revealing dresses! You know what I mean, Uncle. Sooner or later, baka kung sino-sino na ang mga lalaking bumibisita rito at kung ano-ano ang ipadala!"
"Nicolo!" mariin kong tawag sa kanyang pangalan.
"I know, Mommy! I'm sorry for interpreting! But we're the same boys here. Right, Uncle Kenneth?"
Nakita ko lang napangisi si Emman sa sinabi ni Nicolo. He cleared his throat at nagsalita. "Hindi mo na pala kailangan mag worry, Bro! Ang galing pala ng guwardiya mo!" Nangingisi niyang tugon.
"Whatever! Pinagtulungan niyo na naman ang mag tiyuhin!" Tumingin ako kay Emman. "Pagpasensyahan mo na yang anak ko, talagang napaka matured mag-isip dahil turo ng tiyuhin!"
"Sa akin ba talaga o sa ama niya?" banat ni Kenneth.
Nilakihan ko siya ng mata habang gigil na gigil ang aking labi na nakasara.
"Uncle, don't say bad words!" sabat ni Nicolo. He know how to stop his Uncle lalo na kapag nababangit ang kanyang ama.
Biglaan ang pag-alis ni Emman dahil sa urgent call mula sa kanyang trabaho. Si Kenneth na ang naghatid sa kanya palabas ng condo at nanatili ako sa tabi ni Nicolo na hinihila na ng antok dahil napagod sa pakikipaglaro kay Emman at sa aking kapatid.
"Yaya! Tawag ko kay Yaya Mel. "Pakisamahan na po muna sa kwarto si Nicolo at inaantok na."
"Uncle, gisingin mo ko kapag aalis ka na. I just take a nap for a while.
"Okay, little boy! Take a nap. Hihintayin kita magising bago ako umuwi."
Naiwan kami magkapatid sa sala. Nag-iba ang usapan namin dalawa nang muli akong tanungin sa bagong trabaho na aking nakuha.
"Nike Trinidad? The guy we met in Cebu?" tanong niya upang kompirmahin kung totoo ba ang kanyang hinuha.
"Yap!" kaswal na tipid kong tugon.
"Are you sure about this? You can apply to the other company. Mas mapapanatag ako kung sa kumpanya ka na lang ni Emman magta-trabaho."
"Don;t worry, kapatid! Napag-isipan ko na ng maraming beses 'yan bago ko siya tawagan at i-grab ang ino-offer niya. Fit ang work schedule sa amin ni Nicolo. Malapit dito sa condo. Higit sa lahat malaki ang sahod."
"Pinapaalalahanan lang kita!"
"I know what to do, Ken!" Pagsisiguro ko sa kanya. "'Di mo ko kailangan alalahanin."
"Fine! Matanda ka na kaya alam kong hindi ka na ulit gagawa ng mali na alam mong pagsisisihan mo sa huli!"
Hinilig ko ang aking ulo sa kanyang balikat. Pinahinga ko sandali ang aking sarili bago muli siyang tanungin tungkol sa aming ama. 'Este ama na lang niya pala.'
"Kamusta na si Papa...mo?" tanong ko. "Aray naman!" sigaw ko at sinamaan siya ng tingin. "Ang sakit naman ng sabunot mo!"
"Para ka kasing tanga kung magtanong. Anuman ang nangyari sa inyo ni Papa, ama mo pa rin siya. Kahit itinakwil ka na niyang anak, ama mo pa rin siya!"
"Kailangan talaga manakit pa? Bwisit ka!"
"Ayos naman si Papa. 'Di na ganun kasigla simula ng umalis kayo ni Nicolo. Madalas hinahanap ang anak mo kaya pinapakausap ko."
"'Wag mo na nga akong kinokonsensiya! Alam ko naman ang puno't dulo ng lahat! Ako! Ang pagkakamali ko. Simula ng mamatay si Mama 'ni minsan di na niya nagawang tanungin man lang ako sa mga desisyon na gusto niya." Bumuntong hininga ako. "Sa ngayon, ito talaga ang kailangan ko. At least makapag isip-isip kaming pareho ni Papa. Sana magawa pa rin niya akong matawad. 'Di ko naman ginusto ang mga nangyari noon. Oo nagsisisi ako na maging isang ina na walang asawa pero hindi ko pinagsisihan na nabuo si Nicolo at nabuhay ko siya mag-isa."
"We both know kung gaano kamahal ni Papa ang apo niya."
"Alam ko! Nadadamay lang si Nicolo dahil sa akin. Dahil sa akin talaga siya galit."
"Tsk! Pangungumusta mo naging pag e-emote! Magagawa ka rin patawarin ni Papa. O baka talagang napatawad ka na niya, ayaw niya lang aminin sa sarili niya dahil alam niyang mali siya."
"Basta huwag mo pababayaan si Papa! Ikaw na lang ang maasahan ko na mag-aalaga sa kanya."
"'Di mo na kailangan sabihin dahil iyan naman ang ginagawa ko. At hinding-hindi ko rin kayo pababayaan mag-ina!"
"Salamat! Salamat talaga na ikaw ang naging kapatid ko!" Yayakapin ko sana siya aupang ipahid ang luha ng aking mga mata sa kanyang damit pero maagap siyang nakaiwas.
"Tigil-tigilan mo ko sa kaartehan mo!" Nangingisi niyang tugon.
Bago siya umalis ay pinuntahan niya si Nicolo sa kwarto upang magpaalam. Tiyak malulungkot na naman ang aking anak na mawawalay siya sa aking kapatid.
"Take care of your Mommy! Okay? Bilang reward mo, I'll send you your weekly allowance. Lahat ng gusto mo ipabili mo kay Mommy!"
"Thank you, Uncle Ken! You're the best." Humalik at yumakap siya, "Para 'yan kay Lolo. Please, give this letter to him! Don't forget to tell me that I miss him so much!"
"Areglado!" tugon ng kapatid ko. "Let's take a selfie para ipapakita ko kay Lolo."
Gusto sana akong isama ni Kenneth sa picture pero hindi na ako sumama dahil alam kong masisira lang ang modd ni Papa kapag nakita ako. Sapat na sa aking magaan ang loob niya kay Nicolo.
— Tamat — Tulis ulasan