Unduh Aplikasi
90.38% BACHELOR'S PAD / Chapter 94: Chapter 24

Bab 94: Chapter 24

JANE turned away. At pakiramdam ni Charlie, may nagyeyelong tubig na bumuhos sa kanyang buong katawan. Ngalingali siyang tumakbo palapit sa dalaga para palisin ang ekspresyon sa mukha nito na nakita niya bago ito nag-iwas ng tingin.

"What a surprise na nagkita tayo rito. Hindi mo sinabi sa akin na mahilig ka rin pala sa ganitong klase ng event, Charlie," sabi ni Vanessa na nagpabalik ng kanyang atensiyon sa babae.

"Hindi ko rin naisip na makikita kita rito. Hindi ka mahilig sa ganito, hindi ba?" tanong niya. Big-time ang mga kliyente ni Vanessa at alam niya na nagmula rin ang babae sa mayamang pamilya. Matapobre ang pagkakakilala niya rito at ginagawa ang ano mang maisipan. Kaya lang niya natatagalan si Vanessa dahil marami silang pagkakapareho.

Bumalik sa isip ni Charlie ang biglang pagyakap at paghalik ni Vanessa sa kanya at parang may sumipa sa kanyang sikmura. Guilt. Iyon ang nararamdaman niya. Muli siyang sumulyap sa direksiyon ni Jane. Hindi pa rin nakatingin sa kanya ang dalaga.

Bumuntong-hininga siya at umatras palayo kay Vanessa. Na mukhang napansin nito dahil umangat ang isang kilay ng babae. "Bakit?"

"Vanessa, you should stop doing that every time we meet. Sinabi ko na sa `yo `yan, hindi ba?" Si Vanessa kasi ang tipo ng babaeng nanghahalik sa mga labi kapag bumabati. Nang muli silang magkita pagbalik ng dalaga sa Pilipinas at ginawa iyon sa kanya ay sinabihan na niya ito na huwag na uli basta manghahalik. Katulad kasi ngayon, mukha ni Jane ang luminaw sa kanyang isip nang halikan siya ni Vanessa bilang pagbati.

"Oh, but I used to do it to you all the time, Charlie."

"Hindi na niya puwedeng gawin `yon ngayon. May girlfriend na siya," biglang singit ni Ross na hindi namalayan ni Charlie na nakalapit na pala sa kanila, kasama si Jay.

Namilog ang mga mata ni Vanessa at marahas na muling bumaling kay Charlie. "Girlfriend? Ikaw?"

Kumunot ang noo ni Charlie. Nakaramdam siya ng inis sa tono ni Vanessa. Iyon ang unang beses na naramdaman niya iyon para sa babae. Palagi silang magkasundo ni Vanessa. Pareho sila ng ugali at compatible silang mag-isip. Kaya lamang, napagtanto niya na hindi na siya tulad ng dati. Something in him had changed. Subalit paano niya iyon maipapaliwanag kay Vanessa at sa iba kung sa sarili niya mismo ay hindi mabigyan ng paliwanag ang nararamdaman?

Hindi na nagkaroon ng pagkakataong magsalita si Charlie dahil naunahan na siya ni Vanessa. "Anyway, since pareho na tayong nandito, let's have dinner together tonight. May ibabalita ako sa `yo tungkol sa pinag-uusapan natin noong isang araw."

Natigilan si Charlie. Tungkol sa pinaplano niyang law firm ang pinag-uusapan nila ni Vanessa mula nang bumalik sa Pilipinas ang babae. She said she was willing to help him. Dahil kapag naitayo niya ang firm, isa si Vanessa sa mga gusto niyang kuning abogado. Of course, napapayag na rin niya sina Ross at Jay noon pa sa kanyang plano. Sa ngayon, unti-unti na nilang pinaplano ang pagtatayo ng law firm kahit wala pa ang kapital na kailangan niya. Gusto niyang marinig ang ibabalita ni Vanessa. Subalit agad niyang naisip si Jane.

"I can't. Not tonight," sagot ni Charlie. Balak niyang ilabas si Jane pagkatapos ng event. Muli siyang sumulyap sa direksiyon ng dalaga at napaderetso siya ng tayo nang makitang naglalakad na si Jane habang hila ni Bianca papunta sa kanila. "Excuse me," paalam niya na hindi tumitingin kay Vanessa at mabilis nang naglakad pasalubong sa dalawang babae.

KUMABOG ang puso ni Jane nang makitang pasalubong sa kanila si Charlie. Hinatak kasi siya ni Bianca palapit sa grupo ng binata dahil nainis ang bago niyang kaibigan nang makitang lumapit din si Ross kay Vanessa. Nawala ang pagiging kalmado ni Bianca at bigla ay parang sasabak sa giyera. Pati siya ay nahatak.

Ngayon na naglalakad pasalubong sa kanila si Charlie, hindi alam ni Jane kung ano ang magiging reaksiyon para hindi mapansin ng binata ang tunay niyang nararamdaman sa mga sandaling iyon.

"Jane," tawag ni Charlie sa kanya nang ilang pulgada na lamang ang layo sa kanila.

Binitiwan siya ni Bianca. "Maiwan na kita sa kanya, ha? Pupuntahan ko si Ross." Iyon lang at nagpatuloy na sa paglalakad ang babae. Naiwan sila ni Charlie sa gitna.

Tumikhim si Jane at pasimpleng nagpalinga-linga. Masyadong abala ang mga tao sa paligid nila kaya mukhang wala namang pumapansin sa kanila. Napakurap siya at muling napatingin kay Charlie nang maramdaman ang paghawak ng binata sa kanyang braso.

Seryoso ang ekspresyon sa mukha nito nang magsalita. "Walang ibang kahulugan ang nakita mo kanina. Sinabihan ko na siya na huwag na uling gagawin `yon."

He was talking about Vanessa. May bumikig sa kanyang lalamunan. Subalit nagdesisyon siya na maging tapat kay Charlie. "Kahit wala `yong kahulugan, hindi ko maiwasang hindi masaktan. Ni hindi mo kasi sinasabi sa akin kung sino siya sa buhay mo. Nakausap ko siya kanina. 'Vanessa' raw ang pangalan niya. Ang sabi mo, kaibigan mong abogado ang Vanessa na tumawag sa iyo noong nakaraan, hindi ba? Humahalik ba sa mga labi mo ang lahat ng kaibigan mong babae?"

Tumiim ang mga bagang ni Charlie at humigpit ang pagkakahawak sa kanyang braso. "Ayokong pag-usapan ang tungkol diyan sa lugar na ito."

May kumurot sa puso ni Jane sa paiwas na sagot ng binata. Subalit hindi na siya nagpumilit. Marahan na lang siyang tumango at pasimpleng umatras upang mabitawan siya ni Charlie. "Okay."

Hindi pa rin nawawala ang pagtatagis ng mga bagang ng binata nang marahas itong bumuga ng hangin, pagkatapos ay ginagap ang kanyang kamay at hinigit siya. "Come on, ipapakilala kita sa kanya."

"Magkakilala na kami," sagot ni Jane.

Humigpit ang hawak ni Charlie sa kanyang kamay at sinalubong ang kanyang tingin. "Ipapakilala kita as my girlfriend," giit nito.

Napakurap si Jane, pagkatapos ay nanginig ang mga labi. "Ang unfair mo," naibulalas niya na halatang ikinagulat ni Charlie. "Kapag ganyan ka na magsalita, lumalambot ang puso ko. Ang unfair."

Lumambot ang ekspresyon sa mukha ng binata.

Napasinghap siya nang hatakin siya ni Charlie at mapadikit ang kanyang katawan sa katawan nito. Mayamaya ay namilog ang mga mata ni Jane nang hawakan ng binata ang batok niya at higitin siya palapit sa mukha nito. And then, in front of so many people, he kissed her. Napapikit siya at naikuyom ang kamay sa T-shirt ni Charlie nang palalimin nito ang halik. Nanlambot ang kanyang mga tuhod at lalong napasandig sa matigas na katawan ng binata. Napadilat siya nang pakawalan nito at nagtama ang kanilang mga mata.

"Ikaw lang ang nag-iisang babae na kayang sumira sa self-control ko. Kaya sino sa atin ang unfair?" bulong ni Charlie sa kanyang mga labi.

Sumikdo ang puso ni Jane at hindi nakasagot. Napakurap siya at saka lang natauhan nang makarinig sila ng hiyawan at palakpakan sa paligid. Nang muling igala ang tingin sa paligid ay natuklasang nakatingin na pala sa kanila ang mga tao.

Nag-init ang kanyang mukha at isinubsob ang mukha sa dibdib ni Charlie. "Nakakahiya," paungol na sambit niya.

Sa pagkabigla ni Jane ay natawa si Charlie at ipinaikot ang braso sa kanyang balikat habang ang isa pang kamay ay hindi pa rin binibitawan ang isa niyang kamay. Niyakap siya ng binata nang mahigpit at naramdaman ang paghalik nito sa tuktok ng kanyang ulo bago bumulong sa tainga niya. "That's your punishment for calling me unfair."

Lalong nag-init ang mukha ni Jane at napaungol na lamang. Ilang segundo pa silang nanatili sa ganoong ayos bago siya pinakawalan ni Charlie at muling hinatak patungo sa mga kaibigan nito na ngising-ngisi habang nakatingin sa kanila, maliban kay Vanessa na nahuli niyang matalim na nakatingin sa kanya sa kabila ng ngiti sa mga labi.

"My God, Charlie, what a show! You've never done anything like that before," sabi ni Vanessa na nakangiti pa rin pero hindi umaabot sa mga mata. Nahuli pa ni Jane ang pasimpleng pagsulyap nito sa magkahugpong nilang mga kamay ni Charlie.

Nang mga sandaling iyon, nasiguro niya na hindi lang basta kaibigan ni Charlie ang babae. Malakas ang kanyang kutob.

Ipinakilala siya ng binata. "Vanessa, this is Jane, my girlfriend."

"Oh," sambit ni Vanessa na hindi man lang siya tinitingnan at kay Charlie nakatingin. "So, siya ang dahilan kaya ang sabi mo, hindi ka puwedeng makipag-usap sa akin over dinner mamaya."

"That's right," pagkumpirma ng binata.

Umangat ang mga kilay ni Vanessa. "Kahit tungkol sa katuparan ng pangarap mo ang pag-uusapan natin? Akala ko ba, ikaw ang tipo ng lalaking ambisyon ang priority. Nagbago na ba ang priorities mo sa buhay ngayon, Charlie? Sabihin mo lang sa akin para alam ko kung dapat ko pang ituloy ang effort na ginagawa ko para tulungan ka."

Naramdaman ni Jane na na-tense si Charlie. Maging siya ay na-tense din. Alam ni Vanessa ang pangarap ni Charlie. Bagay na hindi pa nabanggit sa kanya ng binata kahit kailan. Subalit alam niya na importante iyon para kay Charlie. Hindi nga ba dahil doon kaya hindi nito mabale-wala ang kagustuhan ng Lolo Carlos nito na ikasal sila? Kaya umpisa pa lang ay nangako si Jane sa sarili na hindi siya gagawa ng kahit anong bagay na makakagulo sa ambisyon ni Charlie, dahil kasama iyon sa mga minahal niya sa binata.

Bumaling si Jane kay Charlie at marahang bumitaw mula sa pagkakahawak nito sa kanyang kamay. Napalingon sa kanya ang binata na bahagya niyang nginitian. "Kung importante ang pag-uusapan ninyo, go." Halatang nagulat ito habang nanatiling nakatitig sa kanyang mukha. "I'll be okay. I promise."

"No. I've made up my mind to stay with you today," sabi ni Charlie.

Bahagyang lumuwang ang ngiti ni Jane. "The thought of you wanting to be with me today is enough. Mahalaga para sa `yo ang pag-uusapan ninyo, hindi ba?" Hindi nakasagot ang binata. She nudged him playfully. "Pero kailangan mong bumawi sa akin sa susunod," pabirong dagdag niya.

Huminga nang malalim si Charlie at bahagya nang ngumiti. "I will."

"How understanding," biglang usal ni Vanessa.

Bumaling si Jane sa babae na masama na naman ang tingin sa kanya. Alam niya, hindi siya mananalo kung makikipagsagutan siya. Kaya ginawa ni Jane ang tanging kayang gawin at alam niya na lalong magpapainis kay Vanessa. Ngumiti siya.

Naglapat nang mariin ang mga labi ni Vanessa na halatang nainis, bago muling bumaling kay Charlie at ngumiti. "So, see you tonight?"

Muling sumulyap ang binata kay Jane bago tumango. "Yes. Tonight."

Binale-wala ni Jane ang kurot na naramdaman sa puso dahil siya naman ang nagdesisyon niyon. Napasinghap siya nang yumuko si Charlie at bumulong sa kanyang tainga. "Tatawagan kita."

Napangiti siya at tumango. "Okay."


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C94
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk