Unduh Aplikasi
36.57% Army of True Salvation (TagLish) / Chapter 77: First Love Never Dies

Bab 77: First Love Never Dies

>Sheloah's POV<

Nandito ako kasama si Shannara sa kanyang kwarto at pareho kaming nakaupo sa kama niya at tawa kami ng tawa. It's weird na ang linis ng kwarto niya. Nilo-lock kasi ni Shannara para hindi raw pumasok ang dad niya. And now, we're hanging out in her room.

Nginitian niya ako. "Bagay mo damit ko! 'Yan na muna suotin mo. Well, pareho marumi na ang uniforms natin at walang school so palitan na lang ng damit," sabi niya at medyo natawa ako sa sinabi niya.

Right now, naka denim shorts ako, naka t-shirt, tapos rubber shoes. Siya naman parang gano'n din ang suot. Iba lang ang kulay ng mga damit namin. Halos magkasing height kami kaso nga lang, mas matangkad ako ng 2 inches

"Salamat, Shannara," pasasalamat ko sa kanya and she nodded at me.

"Ayos lang! Bihira na ako magkaroon ng kaibigan, maslalo na may zombie apocalypse. Mag isa talaga ako until I met you," sabi niya sa akin at bigla akong nagtaka.

Oo nga, 'no. It only crossed my mind right now na walang kasama si Shannara ngayon. Mag isa siya. Siya lang ba ang naka survive sa school nila? Paano nag simula rito, at paano siya nakatakas sa lugar kung nasaan siya bago nangyari ang zombie apocalypse?

"Ngayon ko lang naisip… paano ka nakatakas? Bakit mag isa mo lang? Ano ba talaga ang nangyari," sunod-sunod kong tanong sa kanya tapos niyakap niya yung unan niya.

"Nasa school ako noon. And then wala yung teacher namin kasi nasa faculty. And then, tinawag ako ng papa ko kasi isasama niya raw ako sa trip niyang papuntang Manila since yung work niya paiba-iba ng place at wala akong kasama sa bahay. Masyado siyang over-protective kaya sinasama niya ako," simula ng pagkukwento niya and she rolled her eyes no'ng sinabi niya na over-protective yung dad niya.

"And then noong sinabi ni papa na pumasok ako ng kotse at hihintayin ko siya to get something, may nakita akong baril doon sa passenger's seat, eh, natakot ako kasi dati… he almost killed me with a gun," dagdag sabi pa niya at naramdaman ko yung feeling niya.

"Continue," sabi ko sa kanya at tinuloy niya ang pagkukwento niya.

"Tapos noong nakita ko yung baril, hindi ko mapigilan yung panic na nararamdaman ko kaya lumabas ako ng kotse. At no'ng lumabas ako ng kotse, my dad was nowhere to be seen. Eh, sabi niya na may kukunin lang siya sa bahay. Tapos malapit kasi yung school namin sa bahay kaya I saw someone falling from the window from afar tapos maraming nababasag na glass at dumadami ang sumisigaw at dumadami ang mga tumatakbo," patuloy niyang kwento at ramdam ko ang kanyang takot sa boses niya kasi naaalala niya ang unang day na mag isa siya at wala siyang magawa.

"Tapos noong nakita ko yung mga tumatakbo, may nakita akong zombies tulad sa movie ng World War Z. Sa sobrang takot, pumasok ako ng kotse tapos ni-lock ko ito pero inuuntog-untog niya nang malakas ang ulo niya sa window. Umiiyak at sumisigaw ako noon," sabi niya at hinigpitan niya yung yakap niya sa unan niya.

"Ayaw ko pang mamatay noon so I got the courage. I got the courage to fight for myself. Kinuha ko yung baril, dalawa 'yon doon sa kotse ni papa at noong nabasag yung bintana, pinagbabaril ko yung zombies. Hindi ko mapigilan yung pag shake ng mga kamay ko kasi nakakatakot at sobrang biglaan ang lahat ng nangyayari ngayon," dagdag sabi pa niya at hinawakan niya yung lucky charm na pinakita niya sa akin kanina.

"At itong lucky charm na ito na binigay ng childhood friend ko… ito ang nagbibigay sa akin ng determination. Noong graduation namin ng elementary noong nasa Baguio pa ako, ito yung good bye gift niya sa akin. Sabi niya… 'wag daw ako susuko," she said at nginitian niya yung lucky charm.

"So taga Baguio ka pala noon. At ngayon lumipat kayo rito Pangasinan," sabi ko and she nodded at me.

"At yung childhood friend kong 'yon, mahal ko rin. First love ko. Hanggang ngayon, mahal ko siya," sabi niya at hinalikan niya yung lucky charm na binigay sa kanya ng childhood friend niya.

"First love never dies nga naman, 'di ba," tanong ko and she nodded enthusiastically at me.

"Ikaw, Sheloah. Taga saan ka at ano naman ang kwento mo," tanong niya at kwinento ko sa kanya kung taga saan ako at kung paano kami napadpad dito.

Nagulat siya no'ng nalaman niya na taga Baguio rin ako. Parang tadhana lang daw talaga na magkakilala kami ngayon.

"Well, since mag isa mo lang… gusto mo sumama sa grupo namin paalis dito," tanong ko at tiningnan niya ako ng seryoso.

"Ayos lang ba sa inyo," tanong naman niya at nginitian ko siya at tumango ako.

"Siyempre naman," I gave her a thumbs up. "You're welcome to come with us," dagdag sabi ko pa at niyakap niya ako nang napakahigpit at tumawa kaming dalawa.

"Salamat, Sheloah," sabi niya at nginitian ko siya.

"Ikaw, may gusto ka ba," tanong niya at tumawa agad ako sa tanong niya. Biglaan kasi na naging close kami and for the first time that I met someone at gusto ko ng mag share agad.

I nodded. "Siyempre! Bestfriend ko," sagot ko sa tanong niya at kinantahan niya ako ng Lucky. Tinawanan ko lang siya.

"Bakit ka na in love," tanong niya at ang dami kong gusto sabihin bilang sagot pero konti lang ang lumalabas sa bibig ko.

"Matangkad siya, mabait, tapos sporty tapos mahilig sa music at mahilig siya sa games at animes," sagot ko na lang kaagad at tumawa siya.

"So gamer and otaku type of girl ka," tanong niya and I nodded. "Hindi kasi ako gano'n," dagdag sabi pa niya at nginitian ko lang siya. "Ano pa ang reasons," dagdag tanong pa niya and I shrugged.

"Ewan ko. Basta close na close kami. Na kahit nag confess ako sa kanya, ang bait parin niya sa akin," sabi ko na lang sa kanya at nginitian niya ako. Sobrang ngiti ang pinapakita niyia sa akin.

"Yung feeling na… hindi mo alam kung may gusto siya sa'yo kasi ang sweet niya pero sinasabi niya na friends lang kayo," tanong niya at nagulat ako.

"Oo! Oo, ganyan na ganyan siya! Nakakainis kaya sa feeling! It's… unexplainable," sagot ko sa kanya at tumawa siya nang malakas.

Bigla kaming nagulat no'ng may narinig kaming malakas na tunog sa may main door ng bahay nila. Tumayo agad kami at kinuha ko yung katana ko, at ni-load ni Shannara yung baril niya. We nodded at each other at bumaba kami papunta sa main door nila.


PERTIMBANGAN PENCIPTA
MysticAmy MysticAmy

Starting tomorrow I would be late in releasing chapters since I would be now handling 6 classes in school. It would just be until February so until then expect that I may be releasing chapters at a later time or maybe I would just release chapters 3-4 times a week, no longer 7. I will try my best, I hope you guys would understand. ^^

Please rate my chapters, add my story to your library, leave a comment or a review, and send me power stones. Thanks in advance!

Thank you for reading my story!

next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C77
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk