Unduh Aplikasi
56.25% Angel's Feathers / Chapter 26: Chapter Twenty Five

Bab 26: Chapter Twenty Five

Hindi mo ako kaya Leo." Wika ni Achellion sa binata. Hindi man lang ito nahirapan na durugin ang gintong kadena. Nais niyang mamangha sa angking kapangyariran ni Achellion kaya lang ang kapangyarihan ding ito ay isang banta para sa mga mortal.

"Hindi ka nababagay sa mundong ito Achellion." Ani Leo.

"Hindi mo rin ako madadala sa mundong nais mo. Masgugustuhin ko pang maglaho sa hangin."

Anong sabi mo?" Gulat na wika ni Aya nang dumating sa hospital sina Julius at Meggan at sinabing. Natagpuan sa isang abandonadong bodega sina Eugene at Jenny. Kapwa mga sugatan. Habang si Johnny naman ay walang buhay.

"Isang basurero ang nakakita sa kanila." Ani Julius. "Nasa site na sina Rick at Ben. Sina Lt at miss Jenny naman ay papunta na ditto sakay nang ambulansya." Dagdag pa ni Julius.

"Nakita din sa lugar ang bangkay ni Ramon." Wika ni Meggan. "Mukhang siya ang dahilan kung bakit naroon sina Eugene at Miss Jenny." Ani Meggan.

Agad na nagpunta si Julianne sa lugar kung saan nakita sina Eugene at Jenny. Sina Julius at Meggan

naman sinamahan si Aya hanggang sa dumating ang ambulansyang nagsakay sa dalawa. Agad na dinala sa emergency room sina Eugene at Jenny dahil sa lubha nang sugat sa ulo nang mga ito. Habang nasa emergency room si Aya at binabantayan si Jenny at Eugene. Kumikilos naman si Bernadette para isa katuparan ang mga balak nito.

Dala ang isang dokumento nagpunta ito sa silid nang kanilang lola kasama ang ina nito. kahit na mahina parin pinilit nilang papirmahin ang matandan sa isang document. Nakasaan sa document na lahat nang mga ari-arian nito ay nililipat nito sa pangalan ni Bernadette at inaalisan nang karapatan ang magkapatid na Heartfellia. Nang matapos mapapirma ang matanda. isang syringe ang itinarak nito sa dextrose nang matanda na naglalaman nang potassium. An element that could cause a sudden heart attack when provision to a patient. Bago malagutan nang hininga ang matandang babae.

Umalis nang silid si Bernadette at ang ina niya. iyon at para mapalabas na inatake sa puso nang matanda na dahilan nang pagkamatay nito. Nagulat si Aya nang makita ang mga nurse na nagmamadali habang papunta sa direksyon nang silid nang lola niya. dala nang labis na pag-aalala sinundan ni Aya ang mga doctor at nurse inabutan niya sa labas nang silid nang lola niya si Butler Lee.

Maayos na ang pakiramdam nito at nagagawa na rin nitong maglakad lakad. Kahit na sinabi nang doctor na kailangan nitong magpahinga tila hindi mawala sa systema nito na maglingkod sa matanda. Para bang lalong manghihina ang katawang nito kapag walang ginagawa. Bagay na ikinatutuwa ni Aya dahil may maaasahan na tauhan ang lola niya at matapat

"Anong nangyayari?" tanong ni Aya sa butler.

"Inaatake daw sa puso si DOnya Carmela." Ani Butler.

"Ano? Paano?" gulat na wika ni Aya. Biglang naguluhan ang dalaga. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Nasa critical na kondisyon ang kuya niya at si Jenny. Ngayon naman maging ang lola nila. ilang sandali lumabas na sa silid ang mga doctor. Saka sinabi sa kanila ang masamang balita. Biglang naging blangko ang isip ni Aya. Hindi agad niya lubusang nauwaan ang sinabi nang doctor. Masama baa ng dinig niya? tama baa ng dinig niya? Inatake sa puso ang lola niya bago malagutan nang hininga.

She just couldn't cry. She cant even believe what she heard from the doctor. Sa isang araw lang sunod sunod na masamang pangyayari ang naganap sa pamilya niya. Paano niya haharapin ang mga masamang balitang ito. Dumating sa Hospital s Bernadette at ang ina nito at labis ang pagluha nang malamang wala na ang matanda. labis din ang paghingi nang mag-ina nang tawad dahil sa mga masamang bagay na nasabi nito sa matanda.

Ligtas na sa panganib sina Eugene at Jenny.Nang magising si Eugene ang unang hinanap nito ay ang kasintahan. Napayapa din naman ito kaagad nang makitang nasa katabing higaan niya ang kasintahan. Nagpapahinga ito. Sabi nang doctor mababaw lang ang sugat na tinamo ni Jenny sa ulo nito. She is still unconscious that sa shock na natamo.

Hindi alam ni Julianne at Aya kung paano sasabihin kay Eugene ang balitang patay na ang lola nila ngunit kailangan nilang sabihin ang bagay na iyon sa binata. Dahil sa hanggang sa mga sandaling ito in shock pa rin si Aya dahil sa biglaang pagpanaw nang lola nila si butler lee ang nagsabi sa binata tungkol sa nangyari sa matanda. gaya nang nanging reaksyon ni Aya panadaliang na bato si Eugene dahil sa nabalitaan. But he knows na labis na nasakatan ang binata.

Nang mgasumunod na araw naging abala ang lahat dahil sa libing ni Johnny at sa libing ni DOnya Carmela. Dahil hindi naman mula sa bansang ito ang matanda.

Matapos ang cremation nito dinala nang magkapatid ang abo nang matanda sa korea kung saan ito inilibing sa isang memorial place para sa pamilya nila doon din nakahimlay ang abo nang mga magulang nila. hanggang sa mga sandaling iyon. Alam ni Julianne na labis ang sakit na nararamdaman nang magkapatid. Ngunit hindi pa doon natatapos ang lahat.

Nang bumalik sa bansa ang magkapatid. Ipinaalam sa kanila nang abogado nang lalo nila ang tungkol sa last will nito. laking gulat nag lahat nang malaman lahat nang ari-arian nito ay iniiwan nito sa pangalan ni Bernadette. Hindi naman nag komento ang magkapatid at tinaggap ang desisyon nang lola nila. noon pa man, hindi pera ang habol nila kundi ang magkaroon lamang nang pamilya. Ngayong, wala na ang lola nila babalik sila sa dating buhay nila. Pinalayas din sila nina Bernadette sa mansion maging si Butler Lee. At dahil hindi naman talaga mula sa bansang ito sina butlet Lee hinayaan ni Eugene na bumalik ito sa korea.

"Dalhin niyo na ang perang ito ------" wika ni Elena at nag abot nang isang sobre kay Eugene. Paalis na sila noon sa mansion.

"Hindi na." Agaw ni Eugene sa iba pang sasabihin nang tiya nila. "Kaya naming buhayin ang sarili namin." Dagdag pa nang binata.

"Katulad ka nang ama mo Eugene. Napakatigas nang ulo at mataas ang tingin sa sarili. Ngunit ano anng inabot niya?"

"Huwag na natin silang isali sa usapang ito. Nakuha niyo na ang gusto niyo." Nangangalit na wika ni Eugene.

"And what exactly do you mean by that?" asik ni Bernadette.

"Huwag na tayong mag kunwari. Ito naman talaga ang gusto niyo hindi ba? Ang umalis kami sa lugar na ito."Ani Eugene. Habang nakikipag uusap si Eugene sa tiyahin nila Nakatingin si Aya kay Bernadette. Bakit hindi magandan ang pakiramdam niya sa pinsan niya.

Habang silang lima nina, Jenny, Roch at Julianne ay bumalik sa dati nilang condo unit. Wala naman silang ibang lugar na mapupuntahan kundi ang lugar na iyon. Ito ang tinirahan nila ni Julianne noon. Ito ang una nilang binili ni Julianne galing sa sahod nila bilang sundalo inilihim din nila ito sa lola ni Eugene.

Isinama nila si Roch dahil wala naman itong ibang mapupuntahan at sinabi din si Julianne sa dalaga na pangangalagaan niya ito. Lalo pa ngayon na pinaghahanap ito nang kapatid niya.

"We are back." Wala sa loob na wika ni Eugene nang makarating sila sa dati nilang bahay. Ganoon parin ang ayos nang dati nilang tirahan although kailangan lang nila itong linisan dahil sa alikabok.

"Eugene. Wala ka bang balak na ipaglaban kuung ano ang dapat sa inyo ni Aya?" ani Julianne at bumaling sa kaibigan. "Kayo ang tunay na apo ni Donya Carmela."

"Let us not talk about that right now." Ani Eugene at bumaling sa kapatid. Wala pa ring kibo si Aya.

Madalas napapansin niyang malayo ang tingin nito. nakita niyang naglakad patungo sa veranda ang kapatid at tumingin sa hawak nitong kwentas na locket. Alam niyang nalulungkot ang kapatid dahil sa mga nangyari sa kanila. Malapit ito sa lola nila.

At Marami ding pangarap ang dalawa. Ang pagkawala nang lola nila ay ang pagguho din nang mga pangarap na iyon.

Habang nakatingin si Aya sa labas nang bintana iniisip niya kung nasa tabi kaya niya si Achellion mababawasan kaya ang sakit na nararamdaman niya ngayon? Kahit na sinasabi ni Achellion na tatapusin siya nito patuloy pa rin siya nitong inililigtas. Kaya naman kahit na parang kalaban ang tingin ni Achellion sa kanya. Patuloy pa rin niyang hinahanap ang binata.

"Nag-usap na ba kayo ni Aya?" tanong ni Jenny sa kasintahan. Habang nakatingin sa dalagang tahiimik na nakatingin sa labas nang bintana.

"Tahimik lang yan. Pero alam nating lahat na kinikimkim niya ang lahat nang sakit na nararamdaman niya. Hindi ko manlang siya nakitang umiyak." Wika ni Julianne. "Nag- aalala ako sa kanya." Nang mamatay ang lola nila. alam nilang labis na nalungkot si Aya ngunit hindi nito ipinakita sa iba ang mga luha.

"Hayaan na muna natin siya." Wika ni Eugene. Alam niyang hindi parin matanggap nang kapatid ang biglaang pagpanaw nang lola nila higit sa lahat. Pinaalis din sila sa bahay nila.

Wala naman problema sa kanya kung babalik sila sa dati nilang buhay nagunit nag-aalala siya sa magiging epekto nito kay Aya.

Achellion. Mahinang sambit nang utak ni Aya. Ngunit bigla din niyang sinaway ang sarili niya. Bakit naman niya hinahanap ang binata? Ngunit sa mga ganitong pagkakataon isang tao lang ang alam niyang makakatulong sa kanya makailang beses nang inililigtas nang binata ang buhay niya. kahit maikli lang ang pinagsamahan nila. naging magaan ang loob niya ditto. Panatag siya tuwing nariyan si Achellion sa tabi niya.

Sa nakalipas na isang buwan, naging abala ang lahat nag miyembro nang Phoenix dahil palihim nilang binuksan ang kaso nang namatay na asawa ni Herrick Merrin at ang pagkamatay nang lola ni Eugene. Isang nurse sa hospital ang nangsabi sa binatang tiyente na isang peke ang autopsy report na ibingay nang mga doctor. Hindi namatay sa isang cardiac arrest ang matanda dahil sa totoong autopsy result nito nakiita ang isang substance na nakahalo sa dugo nito. dahilan upang atakihin sa puso ang matanda.

Tungkol naman sa kaso sa asawa ni Herrick Merrin. Ang tanging rason kung bakit binuksan muli nang Phoenix ang kaso ay dahil sa biglang pag-anunsyo ni Herrick Merrin ang pagpapakasal nito Kay Bernadette at ang merger nang Kingdom at nang companya nang dating asawa nito. Alam nang lahat nang mamatay ang asawa ni Herrick, siya ang naging successor nito. nang mamatay naman ang lola nina Eugene.

Nakakapagtaka na hindi manlang sila nito binigyan nang kahit sinco at ipinamana ang lahat sa pinsan nila.

Ayon sa naging resulta nang imbistegasyon nila si Herrick at Bernadette ay dati nang magkakilala simula pa noong nasa korea pa ang dalaga. Nasa Korea din noon si Herrick at nagbabakasyon silang mag-asawa. Doon namuo ang naging magandang pag-sasama nang dalawa. Naging magkaibigan din si Bernadette at ang dating asawa ni Herrick.

Ngunit, hindi iyon ang nakakagulat na bagay na natuklasan nila. Dati pa palang may lihim na relasyon ang dalawa. At dahil may Asawa si Merrin naging sekreto ang mga pagtatagpo nang dalawa. Hanggang sa mangyari nga ang isang aksidente sa asawa ni Merrin. Ngayon patay na ang asawa nito. wala nang magiging hadlang para sa relasyon nila. Ilang buwan makalipas ang aksidente. Inanunsyo na nina Bernadette at Herrick ang kanilang pag-iisang dibdib.

Lalong naging masidhi ang pagiimbestiga nila sa dalawa. Isang ebidensya ang nakuha nila na makakapag-uugnay Kay Herrick sa naging aksidente nang asawa niya. Hindi isang Pagnanakaw ang nangyari kung hindi isang murder case.

Sinadyang patayin ang babae gaya nang pagpatay sa matandang Heartfelia. Isang matibay na ebidensya din ang nakuha nila mula sa abogadong binayaran nang pamilya ni Bernadette na baguhin ang Last will nang matanda at ang isang CCTV footage nang Hospital kung saan nakitang pumasok sa silid nang matanda sina Bernadette at ang ina niya bago atakihin sa puso ang matanda.

Sa tulong ni Butler Lee na bumalik nang bansa lalo silang nakahanap nang mga ebidensyang magdidiin kay Bernadette at Herrick sa murder ni Dony Carmela at nang asawa nito Bumalik sa bansa ang Butler, dahil para ditto hindi pa natatapos ang pagsisilbi niya sa matanda. nangako siya ditto na tutulungan niya ang mga apo nito. At hindi siya papaya na hindi makuha nina Eugene ang kung anong para sa kanila. Alam naman talaga niyang hindi ipagkakatiwala nang matanda ang negosyo niya sa mag-inang Bernadette. Dati pa ayaw na nang matanda sa ugali nang mag-ina. Wala nang ginawa ang mga ito kundi ang magwaldas. Alam din nang matanda na si Elena ang dahilan kung bakit umalis nang korea ang magkapatid.

Hindi siya magtatago na lamang at hihintayin an ubusin ni Bernadette at Elena ang ipinundar nang amo niya.

"This is ridiculous!" Galit na wika ni Gen. Mendoza nang pumunta sa mansion si Eugene at Julianne at ipakita ang mga ebidensya laban kay Herrick at Bernadette.

"Sino sa tingin mo ang maniniwala sa iyo? Who knows if you fabricated these evidences." Ani Bernadette. "Hindi mo lang matanggap na wala kang matatanggap mula sa lola mo. Hindi mo matanggap na mas pinagkakatiwalaan niya ako." Ani Bernadette.

"Do you really think I am doing this dahi sa pera? Lumaki akong mahirap. I can live with or without your money. Tama na ang pagpapanggap niyo. Bakit hindi kayo sumuko nang maayos." Ani Eugene.

"Lt. baka nakakalimutan mo kung nasaan ka." Ani Gen. Mendoza.

"Alam ko. Pero walang pinipiling lugar ang Batas. I am giving you 24 hours para pag-isipan ang lahat. Sumuko ka nang maayos bago ko pasa sa korte ang mga ebidensyang ito." Ani Eugene.

"How can you do this? Pamilya tayo." Ani Gen. Mendoza.

"Hindi tayo kailanman naging pamilya General. The only family I have is dead. Murdered would be the correct term." Matigas na wika ni Eugene.

"Napakatalas mo magsalita Eugene. Nakakalimutan mo yata kung sino ang kaharap mo." Asik nito.

"Hindi ko nakakalimutan General. Kaya lang hindi ako natatakot sa iyo o sa anak mo. Galingan niya sa pagtatago. Dahil kapag nahanap ko siya. Sa kulungan na siya tatanda." Anito.

Daddy anong gagawin natin?" naguguluhang wika ni Bernadette nang makaalis sina Eugene at Julianne. Hindi niya inaasahan na ganoon kadaling malalaman ni Eugene ang lahat. Sinigurado naman niyang naging maiingat siya. Siniguro niyang lahat nang ebidensya ay hindi na makikita.

"Gumawa ka nang kalat bakit hindi ikaw ang umayos. Kanino ka ba nagmana napakatanga mo!" galit na wika ni General Mendoza sa anak. Alam nang General ang plano nang anak niya na tapusin ang matanda para mapasa kanila ang kayamanan nito.

Ngunit ngayon hindi na nila alam kung magagawa pa nilang Manalo nasa kamay na ni Eugene lahat nang ebidensyang makakapagpadala sa anak niya at sa fiancé nito sa kulungan.

"Bakit hindi natin ipadala din sa impyerno si Lt. Iyon lang ang paraan para Manahimik siya." Wika ni Herrick.

"Anong binabalak mo?" tanong ni Elena. Ngunit hindi sumagot si Herrick bagkus ay ngumiti lang ito.

Aya sigurado ka bang okay ka lang ba ditto?" tanong ni Jenny nang ihatid siya ni Aya sa pinto. Ilang araw nang malungkot ang dalaga. Dahil sa mga nangyari sa pamilya nila halos hindi na lumalabas nang bahay si Aya. Napapansin din nilang parati nitong tinitingnang kung may sulat na dumating para dito. Nalamanan nilang nag apply si Aya sa Harvard Law school at hanggang ngayon hinihintay parin nito ang admission letter mula sa paaralan. Hindi nila alam kung bakit bigla nitong napagdesisyuhan na sa ibang bansa mag-aral. Ngunit nararamdaman nilang malungkot ito.

"Okay lang ako." Pilit na ngumiting wika ni Aya. Gusto niyang maging normal ulit ang takbo nang buhay niya. Malayo sa gulo malayo sa mga bagay na gumugulo sa kanya at syempre malayo sa kakaisip niya kay Achellion ang taong hinahanap niya na ayaw namang pagpakita sa kanya.

"Huwag nalang kayo akong pumasok ngayon. Hindi maganda ang pakiramdam ko." ani Jenny.

"Ano ka ba ate Jenny. Masyado mo naman akong binibaby. Mas over protective ka pa kay Kuya. I'm Okay. Ako yata si Aya." Nakangiting wika ni Aya. Alam naman ni Jenny na pinipilit lang nitong magig matatag para hindi sila mag-alala.

"Well, Kung may kailangan ka tawagan mo ako huh." Ani Jenny at hinawakan ang kamay nang dalaga. Ngumiti naman si Aya at Tumango.

Isang malakas na pagsabog ang gumising sa lahat nang tao sa loob nang building kung saan naroon ang condo unit nina Eugene. Nag sitakbuhan Lahat nang mga residente nang condo unit dahil sa malakas na pagsabog. Naguunahan sa pagbaba. Saktong nakalabas nang building si Jenny nang marinig niya ang pagsabog.

Nang tumingala siya Nakita niya ang palapag kung saan naroon ang unit nila. Nahintakot si Jenny at natuptop ang bibig. Naiwan sa loob nang bahay si Aya. Hindi nito kasama si Roch dahil umalis ito para bumili nang makakain nila ni Aya.

Aya!" malakas na sigaw ni Jenny nang maalala na nasa loob si Aya. Balak sana niyang pumasok ngunit hindi na siya nakadaan dahil sa nagkakagulo na mga tao habang papalabas nang Buildinh. Ilang sandali pa dumating ang mga fire truck at ambulasya at ilang patrol car at mga reporter.

Halos paliparin ni Eugene ang van na kinalululanan nang Phoenix members nang Makita nila sa TV ang balita tungkol sa pagsabog sa building nila. nang dumating sila sa lugar hindi sila halos makadaan dahil sa pulis na nakaharang.

"Jenny! AYA!" nagpapanic na wika ni Eugene. Panay ang pigil sa kanya nang mga pulis dahil sa pagpupumilit niyang pagpasok sa building.

"Bitiwan mo ako. Nasa loob ang kaapatid ko." Asik ni Eugene.

"Pasensya na LT. pero protocol ho ito, delekado sa loob." Anang pulis.

"Lt. Hindi po kayo pwedeng pumasok sa loob." Wika nang isang pulis.

"Ano ba! Hindi mo ba narinig ang sinabi ko! Nasa loob ng building----" Inis na Wika ni Eugene. Ngunit bigla siyang natigilan nang makita ang kasintahan na nakikipag-usap sa isang fire fighter. Pinipilit nito ang lalaki na papasukin siya.

"Jenny." Mahinang wika ni Eugene nang lumapit sa kasintahan. Nang marinig ni Jenny ang pamilyar na boses bigla siyang tumigil at nilingon ang may-ari nang boses.

"Eugene." Relief na wika nito at agad na niyakap ang kasintahan.

"Its okay now. I'm here." Wika ni Eugene habang hinihimas ang likod ni Jenny para pakalmahin ito.

"I'm glad you are safe. Si Aya? Nasaan si Aya?" Ani Eugene nang bahagya siyang lumayo sa kasintahan.

Ngunit, napansin niya nag baba nang tingin si Jenny at napansin din niya ang panginginig sa kamay nito. bigla siyang kinabahan.

"Why? Whats wrong?" tanong ni Eugene.

"Nasaan si Aya? Hindi mo ba siya kasama?"tanong ni Julianne.

"Nasa loob pa siya ng building. I'm sorry ---"Naputol ang sasabihin ni Jenny at napahagulol. Nabigla ang dalawa nang bigla na lamang tumakbo si Eugene. Tumalon ito sa yellow cord na nakalagay sa harap nang building kahit ang mga pulis hindi nagawang pigilin ang binata..

"Haist ang tigas ng ulo." Habol ng Fire fighter sa binata.

Lalo namang napahagulgol si Jenny. Agad naman siyang niyakap ni Julianne para pakalmahin.

"Its okay, Alam kong ligtas si Aya." Wika ni Julianne at hinihimas ang likod ng dalaga.

"Sir bawal dito." Wika ng tatlong pulis na humarang kay Eugene.

"Umalis kayo sa harap ko!" Matigas na wika ng binata.

"Sir, pakiusap bumalik na kayo doon mapanganib dito." Wika pa nang pulis.

"Get Lost! Damnmit! Nasa loob ang kapatid ko." Wika ni Eugene. Hindi na siya makapagisip ng diretso dahil sa labis napag-aalala para sa kapatid. Hindi niya alam kung nakaligtas nga ito mula sa pagsabog. Hindi niya nagawang iligats ang mga magulang niya sa isang aksidente. Wala din siyang nagawa para iligtas ang lola niya mula sa kamay nang mga ganid na kapamilya. Hanggang sa nag-iisa niyang kapatid isa pa rin ba siyang inutil? Nag-pupuyos sag alit ang dibdib ni Eugene.

Isa siyang kilala at kilabot na police officer. Ngunit bakit pagdating sa buhay nang mga taong mahal niya isa siyang mahinag tao at walang silbi.

"Kuya!" Mahinang wika ni Aya. Bigla namang napahinto sa pagwawala si Eugene nang marinig ang pamilyar na boses. Agad niyang nilingon ang may-ari ng boses.

Ganoon na lamang ang relief na naramdamn niya nang makita ang kapatid na nakatayo habang inaalalayan nang isang firefighter.

"Nakita ko siya sa di kalayuan." Wika nito.

"Aya!" Wika ni Eugene at agad na niyakap ang kapatid niya. Akala niya kanina. Isa namang mahalagang tao sa buhay niya ang mawawala. Dati ang mga magulang nila, tapos ang lola niya. Hindi na niya kakayanin kong pati ang kapatid niya ay mawala din,

"Okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?" Nag-aalalang wika ni Eugene sa kapatid habang tinitingnan kung may sugat ang kapatid.

"Okay lang ako." Wika ni Aya at simpleng ngumiti sa kapatid. Biglang bumalik sa alaala niya ang nangyari. Isang pangyayaring hindi niya mapaniwalaan.

Nang lumabas si Jenny sa bahay nila nakaupo siya sa Sofa habang nakikinig nang music. Wala siyang ganang lumabas at magtungo sa restaurant sa baba gaya nang dati niyang ginagawa. Ni ayaw na nga sana niyang tumayo mula sa higaan. Kung hindi lang maingay si Julianne at pinipilit siyang kumain. Panay din ang yayanito kay Roch na mamasyal.

Habang nakaupo sa sofa nakarinig siya sa katok mula sa pinto.

"Sino yan?" tanong ni Aya. Ilang beses siyang nagtanong ngunit walag may sumagot. Nang walang may sumagot. Tumayo siya mula sa kinauupuan at naglakad patungo sa pinto Nang buksan niya ang pinto nasagi nang paa niya ang isang kahon. Dinampot naman ito nang dalaga.

Niluwagan niya ang pagkakabukas nang pinto upang tingnan kung sino ang nagiwan nang kahon. Mula sa kahon may naririnig siyang tumutunog na parang orasan. Binaliwala niya iyon dahil akala niya para sa kuya niya. Muli niyang isira ang pinto at dinala ang kahon sa loob.

Inilagay niya sa mesa ang kahon saka naglakad patungo sa upuan. Biglang napahinto sa paglalakad si Aya nang may bumagsak na balahibo sa harap niya. Kulay pulang balahibo. Naglaho din ito nang bumagsak sa kamay niya.

"Angel's Feathers." Mahinang wika ni Aya.

"Ay!" Malakas na tili ni Aya ng bigla na lamang may sumabog sa sala nila. Kasunod noon ang isa pang malakas na pagsabog. May isang piraso ng bakal ang nakita niyang patungo sa direksyon niya ngunit dahil sa labis na takot hindi na niya maigalaw ang katawan niya. Bigla nalang niyang ipinikit ng mariin ang mga mata.

Achellion! Sigaw nang isip niya.

"Its okay now. You're safe." Malamyos na boses na narinig ni Aya. "I have already told you. Whenever you need me I will always be there to protect you."Parang pamilyar ang boses na iyon. Ilang ulit na rin niyang narinig ang boses na iyon.

Ang mga bisig na nagpapahiwatig ng security, pamilyar din sa kanya. Biglang iminulat ni Aya ang mga mata niya.

"Achellion!" Mahinang wika ni Aya nang makilala ang lalaking may buhat sa kanya. Kahit na hindi niya maaninag ang mukha nang lalaki narardamdam niyang nasa ligtas siyang mga kamay. Ang pamilyar na init mula sa mga bisig nito. tela isang mensahe naligtas na siya.

Sa kabila nang pagkahilo, naramdaman inilapag siya ng binata, saka lang napansin ni Aya na nasa labas na sila ng nasusunog nilang bahay. Kung paano nangyari iyon at kung paano siya iniligtas ni Achellion hindi niya alam. Mula sa kinatatayuan niya nakikita niya ang kuya niya nakikipagtalo sa mga pulis nagpupumilit itong pumasok sa loob ng nasusunog nilang bahay.

"Iniligtas ako ni A--" Wika ni Aya at nilingon ang kinatatayuan ng binata ngunit hindi na niya nakita ni Anino nito.

"Iniligtas ka nino?" Tanong ni Eugene.

"Si Captain." Wika ni Aya at nakatingin parin sa kinatatayuan kanina ng binata. namalikmata lang ba siya. O dahil sa tuwing nasa panganib siya si Achellion ang nagliligtas sa kanya kaya kung ano-ano na ang nakikita niya. Nagbalik na ba ito? Bakit Ito biglang nawala? Bakit hindi ito nagpakita sa kanya.

"Nakita mo siya?" paninigurado ni Eugene. "Narito ba siya?

"Hindi ko alam. Oh baka nahilo lang ako." Wika ni Aya.

"Huwag ka nang masyadong mag-isip, ang mahalaga ligtas ka." Wika ni Eugene sa kapatid. Hindi na mahalaga sa kanya kung sino at paano nakaligtas ang kapatid niya ang mahalaga ay ligtas na ito.

"Aya!" Sabay na wika nina Jenny at Julianne saka lumapit sa dalaga.

Agad namang niyakap ni Jenny ang dalaga. Akala niya kung ano nang nangyari sa dalaga. Buti na lamang at ligtas ito.

"Tinakot mo kami." Wika ni Julianne at kinusot ang buhok ng dalaga.

"Pasensya na kung pinag-alala ko kayo." Wika ni Aya kay Jenny.

"I'm sorry Aya. Hindi ko alam ---"

"Wala ka namang kasalanan sa nangyari Ate Jenny." Biglang agaw ni Aya sa sasabihin nito. Ayaw niyang isipin nito na kasalanan nito ang nangyari. Ayaw niyang lalong ma guilty ang dalaga.

"Tama si Aya, wala kang kasalanan kaya naman huwag masyadong humingi ng sorry." Wika ni Julianne. "Pero Paanong sumabog ang unit natin? Anong ginawa mo?" Tanong ni Aya.

"Iniisip mo bang sinadya kong pasabugin ang bahay natin." Asik ni Aya sa binata.

"Gosh this girl."pabirong wika ni Julianne at kinusot ang buhok. Agad namang sinapo ni Aya ang sumasakit niyang noo.

"Ah!" biglang wika ni Aya na ikinagulat nila. "Bago nangyari ang pagsabog. May isang kahon anng dumating. Isang package hindi ko ngalang alam kung kanino galing" Wika ni Aya at bumaling sa kapatid niya.

"Package?" Sabay na wika nina Eugene at Julianne. Simpleng tumango ang Dalaga.

"Inilapag ko iyon sa sala. Sigurado akong sa sala nagmula ang pagsabok." Ani Aya.

"Master Eugene! Miss Aya!" Wika ni Butler Lee na dumating. Nabalitaan din nito ang nangyari sa bahay nina Eugene kay ito biglang napasugod. "Mabuti at ligtas kayong lahat." Anito.

"Butler Lee. Pwede mo bang dalhin sa ligtas na lugar si Aya at Jenny?" Ani Eugene. Kasunod nitong damating di Roch.

"Bakit? Aalis ka?" tanong ni Jenny.

"Kailangan kong malaman kung sino ang gustong manakit sa inyo." Wika ni Eugene.

"Mukhang hindi mo na kailangang maghanap sa malayo." Ani Julianne at sinuko si Eugene at itinuro si Bernadette na dumating kasama si Herrick.

"Hindi maganda ang pakiramdam ko." ani Julianne.

"Mauna na kayo Butler lee." baling ni Eugene sa lalaki. "Lee, Huwag mong hihiwalayan si Aya." bilin nito sa Butler.

Umalis sina Jenny at Aya kasama ang butler at Roch, nagtungo sila sa isang safe house na pag-aari nito. ito din ang lugar na tinitirahan nito ngayon. Ayaw muna nitong bumalik sa korea dahil gusto pa nitong matulungan ang magkapatid. Lalo na ngayon na mas kakailanganin nang mga ito ang tulong niya.

"Eugene."nagulat na wika ni Bernadette nang biglang lumitaw sa harap niya si Julianne at Eugene. Sumugod sa mansion ang magkaibigan para alamin kung siya ang may kinalaman sa nangyaring pagsabog. Isang taon lang ang nasa isip na niya na magtatangka sa buhay nila. Ang tao ito ang higit kanino man maghahangad nang kamatayan nila.

"Nagulat ka ata. O baka naman nagulat ka dahil buhay ako? Inaasahan mo bang kasama sa sumabog naming bahay?" ani Eugene.

"Pinagbibintangan mo ba ako?"

"OO. Hintayin mong makahanap ako nang ebidensya sa ginawa mo ngayon. Sa kasong isasampa ko sa inyong dalawa kahit ang tatay mo hindi ka maililigtas." Ani Eugene. Isang malakas na sampal ang isinagot ni Bernadette sa binata.

"Aba't" gigil na wika ni Julianne at akmang susugurin si Bernadette ngunit hinarangan siya ni Eugene.

"You just got lucky, Pamilya parin kita. Sa kabila nang ginawa mo. magiging mahinahon parin ako. Pero ito ang tatandaan mo. kapag ginalaw mo pa ulit ni isa sa miyembro nang pamilya ko. Ako mismo ang tatapos sa iyo." Ani Eugene.

"Nagbabanta ka ba LT?" Ani Herrick.

"Kung ganoon ang pagkakaintindi mo. OO." Galit na wika ni Eugene. "Siya nga pala. Hintayin mo na lang ang warrant of arrest mo. Dahil sisiguraduhin kong magsasama kayo sa kulungan."

Abala ang Miyembro nang phoenix sa paghanap nang ebidesyang matuturo na sinadyang pasabugin ang unit nina Eugene. Kasama ang forensic team, ginalugad nila ang nasunog na unit. Isang kahon ang nakita nila. katulad ito sa kahong dinecribe ni Aya. Doon nila sisimulan ang imbestigasyon nila.

Natapos na ang 24 oras na palugit ni Eugene sa mag-inang Bernadette at Elena at kay Herrick. Hindi Sumuko ang tatlo.

Kaya naman agad niyang dinala sa main headquarters ang mga ebidensyang hawak niya at nagsampa nang kaso sa mag ina at maging kay Herrick. Agad na naglabas nang warrant of arrest ang fiscal para sa tatlo.

Ngunit dahil malakas ang koneksyon ni General Mendoza, nakapagpyansa sina Bernadette. Ngunit kahit na Malaya ang tatlo kasama naman siya sa naka block list sa lahat nang airport.

Hindi sila pwedeng lumabas nang bansa habang on going ang kaso nila. hindi narin naging masama ang resultang iyon para kay Eugene atleast nasa bansa pa rin si Bernadette. Mas mabibigyan siya nang panahon na makapag hanap nang karagdagang ebidensya na makapagdidiin ditto.

Ngunit dahil sa ginawa ni Eugene at Julianne kapwa sila na suspende sa Phoenix. Hindi muna sila makakapagtrabho. Dahil sa koneksyon ni General Mendoza nagawa nitong bigyan nang suspension notice ang dalawang binata.

"Maraming salamat Lee. Kung hindi dahil sa iyo at sa tulong mo baka sa kalsada kami ngayon nakatira." Wika ni Eugene.

"Hindi ka dapat magpasalamat. Ito lang ang kaya kong gawin para suklian ang lahat nang kabutihan nang pamilya niyo." Ani Lee. Pansamantala sa bahay sila ni Lee nakatira. Bukod doon isang tagong lugar din ang bahay niito. Mas magiging ligtas sila.

"Ang ganda nang buwan." Mahinang wika ni Roch. Habang nasa beranda sila ni Aya at nakatingin sa kalangitan. Bilog na bilog ang buwan at mula sa silid niya makikita ang liwanag nito. gaya nang silid niya sa mansion.

"Achellion."mahinang wika ni Aya.

"Aya. Bakit hindi nalang kayo bumalik sa korea. Alam ko mas gusto iyon ni Donya Carmela." Wika ni Roch. "Mas ligtas kayo doon." Dagdag pa nito. Hindi sumagot si Aya. Ayaw niyang bumalik sa korea dahil nais pa niyang makita si Achellion marami pang katanungan ang hindi nasasagot.

Habang nasa veranda sila lihim naman silang inoobeserbahan ni Achellion. Pinili niyang lumayo sa dalaga sa halip na saktan niiya ito.. Kahit na anong gawin niya, hind niya mapilit ang sarili na saktan ang dalaga. Hindi iyon ang nararamdaman niya.

Habang nakatingin si Achellion sa dalaga. Bigla niyang naramdaman ang pagtarak nang isang matulis na bagay sa likod niya.

"Aya." mahinang sambit ni Achellion sa pangalan ni Aya bago lamunin nang diliim ang paningin niya.

"Achellion." biglang napatayo si Aya mula sa kinauupuan nang marinig ang mahinang boses ni Achellion.

Naramdaman din niya ang isang panganib. Biglang na nikip ang dibdib niya. Ano kaya ang nangyari sa binata? Bakit siya biglang kinabahan.

"Bakit?" takang wika ni Roch dahil sa biglang pagtayo nang dalaga. Minsan nahihiwagaan siya sa dalaga. Punong-puno nang panganib ang buhay at Habang nakakasama niya ang pamilya nina Aya naiitindihan na niya si Julianne kung bakit nito mas gustong manirahan sa piling nang magkapatid. At habang tumatagal at nakikilala niya ang binata lalo naman siyang nahuhulog ditto. Kaya lang napapansin din niyang tila may iba nang tinatangi ang binata at mukhang may ideyana siya kung sino.


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C26
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk