Unduh Aplikasi
25% Alcie Is My Name / Chapter 1: The Tragedy Starts Now
Alcie Is My Name Alcie Is My Name original

Alcie Is My Name

Penulis: Aquarius_Vinsmoke

© WebNovel

Bab 1: The Tragedy Starts Now

"One,two, three,one,two,three, Am I Wrong. Na na na n-"

"Wait mali na naman eh. Hindi tayo sabay sa part na to. From the top."

"Ehhh,pagod na kami. Kanina pa tayong 7 am nagpapraktes. Hindi pa tayo nagpapahinga."

"So nagrereklamo kayo?! Tingnan niyo naman! Hindi pa maayos ang sayaw natin. Malapit na ang contest. Kung kayo hindi niyo kailangan ng pera, ako kailangan ko!

"Hindi naman sa ganoon,pero kailangan din nating magpahinga dahil mamamatay tayo niyan eh."

"Fine! Hihiwalay na lang ako sainyo. Mas gusto ko pang magsolo kaysa makatrabaho kayo. Simple lang naman ng steps natin pero hindi niyo makuha kuha!"

"Wow! Sorry naman! Akala mo naman ang galing galing mo!"

"Magaling talaga ako. Kung hindi lang kayo nagmakaawa sa akin dati na sumama diyan sa groupo niyo,talo na sana kayo sa mga contest. Ako lang naman nagpapachampion sainyo eh!"

"Hey Alcie tama na yan. Ikaw din Julia. Magpalamig muna kayo."

Pagsuway sa amin ni Amy, manager namin.

"Hindi! Kakalas na ako sa groupong ito! Bahala na kayo sa buhay niyo!"

"Eh di umalis ka! Hindi ka namin kailangan!"

"Owws talaga lang ah. Tingnan natin!"

Naglakad na ako papalabas ng studio pero nakasunod sa akin si Amy.

"Alcie naman. Huwag ka namang ganyan. Ikaw na rin ang nagsabi na malapit na ang contest. Mas kailangan na magkasundo kayong lahat."

"Hindi na ako babalik. Kaya kong mag isa. May category ng solo sa contest. Doon na lang ako. Tingnan lang natin kung mananalo yang groupo ni Julia. Ang yabang niya! Huwag siyang makalapit lapit sa akin! Ngayon Amy, kanino ka sasama?"

"Huwag mo naman akong papipiliin. Pareho ko kayong gustong i-manage. Please bumalik ka na doon. Pag usapan natin to."

"Sumagot ka. Dalawa lang ang option mo, it's either sa akin o sa kanila?"

Hindi nakasagot si Amy.

"So mas pinipili mo sila? Fine. Alis na ako."

Umalis na ako. Alam ko naman eh! Sila pa rin ang pipiliin ni Amy dahil matagal niya ng minamanage yung groupong yun. Pero matagal na rin kaming magkaibigan. Kung yan ang gusto niya hindi ko siya pipilitin.

Ako si Alcie Rostova and I am a professional dancer. Dati pa naman akong nagsosolo kahit saang contest. Napasali lang naman ako sa kanila dahil pinakiusapan ako ni Amy. Pero kahit anong kayud ko ay hindi pa rin ako umaahon dahil sa pamilya ko. May sampu akong kapatid na kailangan pag aralin at dahil ako ang panganay,responsibilidad ko sila. Sa construction naman nagtatrabaho ang ama namin at si inay naman,yun sugal ng sugal. Hindi na nga ako nakapagtapos ng pag aaral dahil sa kahirapan. Lahat na nga ata ng trabaho pinasukan ko na. Minsan gusto ko na sumuko pero kailangan kong pag aralin ang mga kapatid ko para hindi na nila ranasin ang nararanasan ko ngayon.

At ngayon ay papunta na ako sa coffee shop. Doon kasi ang trabaho ko. Actually,tatlo ang trabaho ko sa isang araw, cashier sa coffee shop, waitress sa isang restaurant at sa isang bar. Hindi pa kasali doon ang pagraraket ko kapag may pacontest ng sayaw.

"Oi bakit ka nalate? Saka bakit ganyan mukha mo? May nakaaway ka na naman ba?"

Pag uusisa ni Kate,kasamahan ko sa coffee shop.

"Wala ito. Sige ako na diyan."

"Sus. wala daw. Mabuti nga't wala dito si manager ,kung nagkataon lagot ka na naman."

"Oo na. Kailangan niya rin naman ako eh dahil walang gustong maging kahera dito. Ang liit niya lang kaya magbigay ng sweldo. Mabuti nga't pinagchachagaan ko."

"Hahaha. Ikaw na. Sige na at magtrabaho na tayo."

After ng shift ko, pumunta naman ako sa restaurant.

"Bilis,bilis. Ang babagal niyo. Naghihintay na mga costumer natin."

Sigaw ng chef namin.

"At ikaw naman Ms. Al ano pang tinatayo tayo mo diyan? Tumulong ka na para mabilis! Ano ba! Ang kukupad niyo!"

"Mainit na naman ulo niyan kasi nakipagbreak gf niya."

Bulong ng isa kong kasamahan na waiter. Hindi na lang ako nagsalita. Palagi namang ganyan yan kasi palit ng palit ng syota. Minsan nga rin naiinis na rin ako sa ugali niyan. Pinuntahan ko na lang ang ibang costumer para tanungin.

"Excuse me miss,ano ba tong pagkain niyo? Walang kalasa lasa!"

Pagrereklamo ng isang costumer sa kasamahan kong waitress.

~haynaku! Bumalik na naman tong kumag na 'to~

Pabalik balik ang costumer na ito dito at palaging naghahanap ng away. Noong una hinipuan niya ang isang kasamahan kong babae pero pinalagpas namin dahil nakalusot. Yung sunud nireklamo na may uod daw yung pagkain niya. Malinis kami sa kusina kaya imposible yung sinasabi niya. Pero binagbigyan na naman namin para walang gulo. At ngayon na naman. . .

~hindi na talaga ako makapagtimpi sa lalaking 'to~

Nilapitan ko sila at nakita kong natatakot na si Mich,yung binastos.

"Sapakin mo na kaya,naiinis na rin ako sa lalaking yan eh. Napakamanyakis."

Bulong niya sa akin.

" Relax Mich,kakausapin ko lang si sir."

"Ayy eto ang magandang kausap."

"Ano ho bang problema sir?"

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila palapit sa kanya.

~aba'y manyakis talaga to~

Pero pinigilan ko ang inis ko at kinausap na lang siya. Inalis ko rin ang pagkakahawak niya sa akin.

"Kasi itong pagkain niyo walang lasa."

Nakangiti pa eto na nag iinsulto.

"Sige sir. Papalitan na lang po namin."

Tumalikod na ako sa kanya.Nang hahakbang na ako ay hinawakan niya ang pwetan ko.

~talaga naman oh~

Bigla ko siyang sinampal ng pagkalakas lakas. Natumba nga eh.

"Ikaw,kung gusto mong galangin ka,igaling mo rin ang kapwa mo! Mabuti nga at pinapapasok pa kayo dito!"

"Aba'y cos-"

"Costumer ka?! Ayan icostumer mo pagmumukha mo!"

Ibinushos ko ang pagkain na nasa mesa sa ulo niya. Umalis na ako at bitbit si Mich. Saka namang pagdating ng manager namin. Inayos niya ang gulo at umalis na rin yung nanggugulo.

"Ano ba naman Al! Di ba sabi ko wag kang makikialam kapag ganyan ang nangyayari! Ang daming costumer ang nakakita sa ginawa mo! Di ka ba nag iisip?! Hindi mo na sana pinatulan!"

"Eh sir, pinagtatanggol ko lang naman si Mich. Tap-"

Tumingin kay Mich ang manager.

"Sinabi ko nga po kay Al na huwag nang patulan kasi kaya ko naman ihandle yung sitwasyon kanina. Ang tigas po kasi ng ulo niya,sir."

Hala! Binaliktad na ako. Sabi niya sapakin ko na tapos ngayon. . .

~hay,pambihira naman oh.~

"I'm sorry Al,pero sesante ka na. You may leave now."

"But sir-"

"Yan ang gusto noong costumer. Mabuti na rin yan para wala ng gulo."

"Sir,si-"

Umalis na ang manager namin at yun si Mich dali daling ding umalis.

~kulang na nga ang kinikita kong pera mababawasan pa ako ng trabaho~

Pumunta ako ng locker ko para kunin yung mga gamit ko. Nandoon din si Mich.

"Ano yung Mich?! Bakit nagkaganoon?! Pinagtanggol na nga kita tapos ganito pa?!"

"Uto uto ka kasi. Hindi ko naman akalain na gagawin mo talaga yun. Well,mabuti na rin yun para mawala ka na dito."

"Anong pinagsasasabi mo? Hindi kita maintindihan."

"Di mo pa rin gets? Ayokong nandito ka. Kasi habang nandito ka hindi ako napapansin ng manager. Mas matagal akong nagtrabaho dito tapos ikaw agad agad mabibigyan ng promotion?! Nakapakaunfair noon. Alam mo ba na yung costumer kanina ay uncle ko?

"Ano?! Ang ibig mong sabi-"

"Oo. set up lang yun. Kinausapan ko yung uncle ko na gawin yun kasi alam ko na hindi ka makakatiis na gawin yun lalo na't babae ka rin. "

"Pati yung panghihipo sayo?"

"Oh yes. Actually hindi niya naman talaga ako hinipuan, sinabi ko lang. Pero pinigilan ka noon ni manager kaya hindi mo nasapak di ba? Tapos sinabi ko na bumalik lang siya ng bumalik hanggang sa hindi ka na makatiis. So yun nga ang nangyari. Type ka nga ata ng uncle ko kasi hinawakan ka sa pwet. Di ko namam inaasahan na gagawin niya yun,hahahaha."

"Walang hiya ka. Tinuring kitang kaibigan."

"Blah blah blah. Ako hindi. So ngayon umalis ka na at baka may gawin pa ako sayo. Chao!"

Naiwan akong umiiyak at gulong gulo. Umalis na lang ako at naglakad papunta sa susunod ko na papasukan. Medyo madilim na at parang uulan. Nagmadali ako sa paglalakad pero naabutan pa rin ako ng ulan. Napatigil ako.

~bakit ba ang malas malas ko ngayon?!~

Napaluhod na lang ako sa sobrang bigat ng dinaramdam ko.

"Bakit ako pa ang nakakaranas nito? Mahirap na nga ako eh. May mas hihirap pa ba sa sitwasyon ko?!"

Iyak ako ng iyak sa kalagitnaan ng ulan. Mga kalahating oras din akong nakaluhod at umiiyak. Pinagtitinginan na nga ako ng mga taong dumadaan.

~Kailangan kong tatagan ang loob ko. Hindi ito ang magpapahina ng kalooban ko.~

Nagsimula na akong maglakad pero hindi ko namalayan na may paparating na sasakyan.

------*

May naririnig akong nag aaway. Parang si nanay at tatay. Pinilit kong imulat ang mga mata ko.

~ano bang nangyari? Nasa hospital ba ako? Bakit nandito ang mga kapatid ko?~

"Nay,tay gising na po si ate."

"Anak, may nararamdaman ka bang masakit?"

Nakita ko ang tatay na mugtong mugto ang mata.

"Tawagin mo ang Doctor,bilis."

"Tay, ano pong nangyari?"

"Al nasa hospital ka. Nabundol ka ng sasakyan, mabuti nga at nadala ka kaagad dito."

Patuloy sa pag iyak si tatay habang si nanay ay nakatingin lang sa akin. Nakita kong bumakas ang pinto at pumasok ang Doctor at isang nurse.

"Doc,kumusta po ang anak ko?"

"Al, naririnig mo ba ako? kumurap ka nang isang beses pag oo. Dalawang beses naman paghindi."

"Nakikita mo ba itong kamay ko?"

Kumurap ako ng isang beses.

"Naririnig mo ba ang boses ko?"

Kumurap ulit ako ng isang beses.

Iginalaw ko ng kaunti ang kamay ko. Pero nagpanic ako dahil hindi ko maramdaman ang mga binti ko.

"Doc! Hindi ko maramdaman ang mga binti ko Doc."

"Wag ka magpanic Al, resulta lang yan ng pagkakabangga sayo pero kailangan nating bantayan yan para hindi lumala. Temporary lang yan. Kailangan ang ehersisyo para sa mga binti mo. Sa ngayon magpahinga ka muna. "

"Salamat ho Doc. Oh Al wag ka nang mag alala. Sabi naman ng Doctor ay temporary lang yan. Alam ko mahirap pero labanan mo hah?"

"Susubukan ko tay. Pero pano kayo? Hindi pa ako makakapatrabaho."

"Ayos lang anak. Magdodouble kayud ako. Basta magpagaling ka."

"Pasensya ho tay."

Nanghihinayang ako dahil hindi ako kikita dahil sa nangyari sa binti ko.

"Gamitin mo muna lahat ng naipon mo para sa pagpapagaling mo. Wag mo na kaming isipin."

"Bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo. Yan tuloy nabunggo ka pa. Eh di hindi ka makakapagtrabaho tapos hindi ka makakapagbigay sa akin ng pangsugal ko! Ano ba namang buhay 'to!"

"Ano ka ba naman Gloria,nadisgrasya na nga tong anak mo,sugal pa rin yang iniisip mo."

"Bahala nga kayo diyan. Ikaw magbantay diyan!"

Umalis na si nanay. Kahit minsan talaga hindi ko naramdaman na trinato niya ako bilang anak. Ang mahalaga lang sa kanya ay ang mga kapatid ko at ang pera na inaabot ko sa kanya. Pero kahit ganoon mahal ko pa rin siya.

"Pagpasensyahan mo na ang nanay mo ah."

"Ayos lang tay. Ahm,kahit wag niyo na lang po ako bantayan. Kaya ko naman po eh."

"Sigurado ka ba anak?"

"Oo tay. Saka hindi naman pwede ang mga kapatid ko kasi may pasok sila. Ikaw magtatrabaho pa. Ayoko namang maging pabigat sayo."

"Wag mo ngang sabihin yan. Hindi ka pabigat okay, ang payat mo nga at ang gaan gaan. hehe"

"Asus nagbiro pa ang tatay. Pero seryoso tay,ayos lang talaga ako dito. Magpapagaling ako ng maaga para makatulong na agad sainyo."

"Sige anak. Pagaling ka. Wag mo stressin ang sarili mo. Mauna na ako at may aasikasuhin pa ako. Bye anak."

"Bye tay. Ingat kayo."

Sinama niya na ang mga kapatid ko. Nang makaalis na sila ay biglang bumuhos ang mga luha ko.

~pano na ako ngayon? Hindi na ako makakapagtrabaho at hindi na makakasayaw sa contest na yun. Dagdag pa naman yun para sa pagpapaaral sa mga kapatid ko. ano nang mangyayari sa akin~

Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C1
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk