Unduh Aplikasi
86.36% After You Fall Asleep / Chapter 19: Chapter 18

Bab 19: Chapter 18

"Sige na, ako na ang bahala dito."

Matapos kong sabihin 'yon umalis na din sila. Bahala na kung ano ang mangyayari sa akin dito kasama ang walang'yang bampirang 'to basta nagawa kong buhayin si Jason, kahit siya lang ang maligtas masaya na ko.

"Bakit mo ginawa 'yon?" Kalmadong tanong niya pero ramdam ko pa rin ang galit niya.

"Pakialam mo?"

"Aba, aba!" Nilapitan niya ako at sinakal. "Boyfriend mo ako at wala kang ibang gagawin kundi ang sundin ako!" Kalmado pa rin siya kahit masakit na ang leeg ko sa kakasakal niya pero hindi ako nagpaapekto.

Boyfriend? Oo. Pero laro-laro lang din 'tong pagsagot ko sayo.

"Kahit anong gawin mo hindi ka makakawala sa akin!"

Wala akong pakialam sayo! Hindi mo lang alam baka ikaw pa ang unang mamamatay!

Binitawan na niya ako at dun na ako umubo.

"Ah talaga lang ha? Tignan lang natin kung ano ang mangyayari." Sarkistikong sabi ko sa kanya. Tinapik ko siya sa balikat niya, nginitian ng matamis pero may halong kaplastikan at umalis na.

Pagkalabas ko sa lunggang 'yon nakita ko ang apat na hindi mapakali. Ngumiti lang ako ng lihim. Pagkakita ni Jason sa akin lumapit siya at niyakap ako. Yumakap din ako pabalik sa kanya. Rinig ko ang lakas ng tibok ng puso niya.

"Akala ko hindi ka makakalabas." Nag-aalalang sabi niya.

Humiwalay ako sa yakap pero wala pa ngang dalawang segundo niyakap niya ulit ako.

"Anong ginawa niya sayo?"

Napapraning na ata 'to?

"Wala naman, sinakal lang ako." Sagot ko.

Nang marinig niya 'yon aakmang papasok sana siya pero pinigilan ko.

"Huwag kang papasok baka ano pang mangyari sayo."

Hinawakan niya ang leeg kong masakit pa rin.

"Namumula oh, baka ano na 'yan."

"Ano ka ba, ayos lang ako."

"Sure ka?"

"Oo nga ang kulit mo!"

Inakbayan niya ako at inakay paalis dun.

"Saan tayo pupunta?"

"Uuwi na."

Hindi na ako sumagot. Naglalakad lang kami papunta sa bahay ko kung saan sila ang kasama ko. Hindi muna siguro uuwi sa bahay ng pamilya ko. Nahihiya lang akong magpakita sa kanila dun at ramdam ko din naman na hindi nila ako kailangan dun.

Pagkarating sa bahay humiga agad ako sa sofa at pumikit. Sumasakit ang ulo ko. Naramdaman ko pang itinaas niya ang paa ko at umupo siya sa paanan ko. Nimasahe niya ang paa ko at ramdam ko ang sakit. Ikaw ba naman maglakad ng ilang kilometro hindi ka mapapagod?

"Hoy, okay ka lang?" Tumango lang ako. Ngayon ko lang naramdaman ang sobrang pagod.

Tumayo siya at nilapitan ako. Nilagay niya sa noo ko ang kamay niya.

"Nanlalamig ka," sabi niya at tumayo pero mabilis ko siyang pinigilan.

"Dito ka lang," nahihirapang bulong ko.

 Tumango lang siya at umupo ulit sa tabi ko.

"Gusto mo ba sa kwarto ka na lang? Para makapagpahinga ka ng mabuti." Tanong niya.

"Hmm."

 Biglang natahimik, maya-maya binuhat na niya ako papunta sa kwarto ko. Hindi na ako nagprotesta sa ginawa niya kasi bigla akong nawalan ng ganang kumilos. Anong nangyayari sa 'kin? Ito na ba ang epekto sa ginawang pagsakal sa 'kin ni Lennard kanina?

--

JASON's POV

Dalawang oras na ang nakalipas at binabantayan ko pa rin siya. Hanggang ngayon malamig pa rin ang ulo niya pero ang kamay at paa niya mainit. Anong klaseng pagsakal bang ginawa ng isang 'yon? Kung may masamang mangyayari lang sa isang 'to papatayin ko na talaga 'yon.

Bahagya siyang gumalaw at hinawakan ang kamay ko, napapitlag ako sa ginawa niya.

"Jason..." tawag niya.

"Hmm?"

"Huwag mo kong iwan."

"Oo naman, matulog ka na ulit." Bulong ko.

Hindi na siya nagsalita pa kaya natulog na lang din ako.

--

MARJ'

Gutom, 'yan ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako kumain kagabi dahil sa sama ng pakiramdam ko. Kaya heto ako ngayon, lumabas ng bahay para maghanap ng pagkain. Pero kakaiba ang nararamdaman ko sa lalamunan ko. Parang may iba akong gustong kainin pero hindi ko alam.

Nagkataong may bukas na maliit na karinderya sa di kalayuan sa bahay. Maaga pa pero maraming putahi na ang niluto nila. Namili na ako ng makakain ko at matapos kong magbayad kinain ko na agad. Ang sarap ng ulam!

"May gusto ka pa bang kainin, hija?" Tanong sa akin ng matandang babae na nagmamay-ari ata.

Busog na ako pero parang kulang pa rin. "Ah, wala na po." Sagot ko.

"Sige lang, libre na para sayo." Sabi niya.

Lumaki ang tenga ko sa narinig ko. "Talaga po?" Libre naman, lubos-lubusin na.

"Oo, sige kuha ka lang dun." Sabi niya saka umalis.

Ako naman, dahil libre nga daw, kumuha ako ng iba't ibang putahi.

Matapos kong kumain nagbayad na ako at umalis na. Hindi ko alam kong uuwi ako o himdi basta lakad lang ako ng lakad hanggang sa maabot ko kung saang lugar man 'to. Tahimik, walang bahay, madilim, damuhan sa paligid. In short, nakakatakot.

Nakaramdam na din ako ng pagtayo ng mga balahibo ko sa kamay. Sana umuwi na lang ako. Sana walang mangyari sa 'kin dito.

"Marj!" boses ng lalaki. Pamilyar. Palapit sa kinatatayuan ko.

"Jason." nanginginig na tawag ko. Alam kong siya yun.

"Damn! Saan ka na?" rinig kong sigaw niya.

At bigla na lang ako nawalan ng malay.

Nagising ako sa malambot kong kama. Teka--

"Gising ka na pala." sabi niya. Nakaupo siya sa gilid ng kama ko.

"Paano--"

"Nakita kita sa daan na walang malay. Bakit ka napunta dun sa subdivision na walang mga bahay? Alam mo bang maraming mga bampira dun? Paano na lang kung nakita at dinukot ka nila? Umalis kang walang paalam! Responsibilidad kitang bantayan kasi ako lang ang kasama mo dito! Paano kung nawala ka na naman ha? Paano kung--" tinakpan ko ang bibig niya.

"Dami mong satsat," sabi ko. Inirapan ko siya.

Kinuha niya ang kamay ko.

"Nag-aalala lang naman ako sayo. Bakit ka ba lumabas--"

"Sorry naman. Nagutom eh."

"Ganun lang naman pala eh. Eh sa dami ng niluto ko kagabi hindi ka naman kumain. Problema mo ba?"

Nakaramdam ako ng pagkahilo.

"Tubig." sabi ko sa kanya.

"Ha?"

"Sabi ko pengeng tubig. Nahihilo ako."

"Teka kuha lang ako sa baba."

Nahiga na lang ulit ako. Masama ang pakiramdam ko. Hindi ko na kaya 'to.

Bumalik siya na may dalang tubig at gamot. Ininom ko naman yun.

Ayos din 'tong isang 'to. Isang baso nga lang ang nadala, iinumin niya pa. Tsk!

"Matulog ka na ulit." sabi niya.

"Wag na. Tirik na ang araw. Gusto kong mamasyal."

"Saan naman?"

Mall.

Wala na siyang ibang nagawa kundi ang samahan ako. Pero sa pag-iikot namin dito, yung ibang tao nakatingin sa kanya. Bata, matanda. Babae man o lalaki.

"Bakit sila nakatingin sa 'yo?" tanong ko. Nagkibit-balikat lang siya.

"Saan tayo?"

Wala akong maisip na puntahan kundi naglibot na lang kami kahit saan. Hanggang sa napagod kami sa kakalakad at umupo sa bench sa likod ng mall. Tanaw namin ang dagat. Malakas ang hampas ng hangin kaya ako napapikit. Ang sarap sa pakiramdam na magka-alone time kaming dalawa. Kahit ngayon lang... yung hindi namin iniisip yung mga problema.

"Are you happy?" Biglang tanong niya.

Napatitig ako sa kaniya at tumango. Hinawakan niya ang kamay ko ang hinimas iyon.

Ang sarap lang sa pakiramdam na kasama ko siya. Na siya ang nasa tabi ko ngayon.

Napaiwas siya ng tingin at tumingin na lang din sa dagat pero hindi niya pa rin binitawan ang kamay ko.

"Minsan talaga iniisip ko kung bakit ko ginawa sa iyo 'yong mga panahong wala ako sa tabi mo. Na ako ang dahilan ng pag-iyak mo..."

Hindi ako sumagot dahil inopen up topic na naman niya 'yun. Masakit mang balikan pero hinayaan ko lang siyang magsalita.

"At first, I didn't have a choice. I have no guts na mapalapit sa 'yo. Alam mo naman, 'di ba? Hindi tayo maayos sa unang pagkikita natin. Napilitan ka lang makapasok ako sa bahay mo dahil hindi mo ako kilala. Kung paano ka umiyak dahil sa may naalala ka."

Napatungo ako habang nakangiti. Naalala ko na naman kung paano siya magkaawang makapasok sa bahay ko. Kung paano ako naawa dahil parang basang sisiw na siya dahil sa lakas ng ulan.

--

Jason's POV

Nakaupo lang kami sa terrace ng bahay habang nag-uusap ng kung ano. Iba pa rin talaga. Dapat kapag mahal mo ang tao gagawin mo ang lahat para malaman mo ang lahat sa kaniya... kahit personal na yung iba.

Nagtatawanan kami nang pumasok si Papa sa usapan namin.

"Jason," tawag niya. "I need to talk to you." Seryoso ang pagkasabi nun kaya sinundan ko siya sa labas ng bahay.

Huminga ako ng malalim. I cannot hide my nervousness when my father ask me to talk with him.

"Hijo, alam mo naman siguro kung bakit?"

Tumango ako. Diretsyo lang ang tingin ko kay Papa na siyang seryoso rin nakatingin sa akin.

"Alam ko po, Pa. Pero hindi naman mawawala sa akin ang katotohanang mahal ko siya, higit pa sa pagmamahal niyo sa 'kin." Sagot ko.

Umiling siya dahil sa sinagot ko.

"You don't know what you're saying. Anak, ginagawa mo lang 'to dahil -- " I cut him off.

"Pa, please, pabayaan niyo na ako. Siya lang ang nagparamdam sa akin ng ganito. Tanggap niya ako kahit ano pa man ang katauhan ko."

Tumalikod na ko sa kaniya. Hindi ko akalaing hindi pa rin nila tanggap si Marj para sa akin. I don't know what to do again without her.

Bumalik ako sa kwarto namin. Inabutan ko siyang nagsusuklay ng buhok niya kaya lumapit ako sa kanya at kusa siyang hinila papunta sa kama. Hiniga ko siya at sinimulang halikan ang labi niya.

"Jason? What you're doing?" Tanong niya nang humiwalay ang labi ko sa labi niya. Napangisi ako.

"Isn't it obvious?" Sagot ko at hinalikan na ulit siya.

Ito na rin siguro ang oras para gawin ko ang lahat huwag lang siyang lumayo sa akin ulit.

"Damn it!" Sigaw niya nang pinasok ko ang pagkatao niya

"I love you, Margarette. At wala nang atrasan 'to!" Habol hininga kong bulong sa kaniya at gumala sa ibabaw niya.

I promise... kapag nagkaroon ng panibagong anumang pagsubok para sa amin... haharapin ko ito huwag lang siyang masaktan pa muli.


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C19
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk