Unduh Aplikasi
94.44% Adik Sa’yo / Chapter 17: One more chance

Bab 17: One more chance

NAG-UNAT ng dalawang braso si Nadia. Malaki ang buka ng bibig niya habang humihikab pa. Gulo-gulo ang buhok at pikit matang tumayo siya mula sa kama, sinuot ang slippers niya at inaantok pang naglakad patungong locker. Kumuha siya ng bimpo at toothbrush.

"Good morning, ate Nadia." Pupunas-punas sa mata na bati sa kanya ni Riko habang kumukuha rin ito ng gamit sa locker.

"Good morning," aniya humihikab pa.

Dumiretso siya ng females common bathroom. Pumasok muna siya sa isang cubicle at umupo sa toilet bowl. Matapos i-flush ang toilet, lumabas na siya ng cubicle at nagtungo sa tapat ng lababo. Pikit matang nilagyan niya ng toothpaste ang toothbrush at tila tulog pa rin na nagsipilyo. Matapos ang ilang segundong pagkiskis sa ngipin ay biglang may pumasok na mga images sa kanyang isipan.

"Jace, please, touch me."

"Putangina Nadia, wag kang ganyan marupok ako."

"Don't you find me attractive?"

"Damn, baby, you're the most attractive woman I ever met. You have no idea how many nights I had dream to be inside you and fuck you with all my heart and soul. But, baby, wala ka sa sarili mo and I don't want to take advantage of you. I respect you."

Nagmulat ng sobra ang dalawa niyang mata at nahinto sa pagsisipilyo. Mainam niyang tinitigan ang sarili habang mabilis na bumabalik sa alaala niya ang mga nangyari kagabi. Holly molly! What have she done???

"AHHHHHHHHH!!!"

Halos mabulabog ang buong Love and Hope sa malakas niyang tili. Maging 'yung ibang mga babae sa loob ng comfort room ay nagulat sa kanya. Pero wala ng pakielam si Nadia sa paligid dahil pakiramdam niya sasabog na ang utak niya.

EMERGERD!!! Talaga bang ginawa niya 'yun kay Jace??? Sa lalaking 'yun pa talaga of all people!!! #BigtiNaBesh

Sa inis niya ay nasabunutan niya ang sarili at nagpapadyak sa inis. Ano na ngayon ang mukhang ihaharap niya sa gunggong na 'yun? Hindi siya mapakali at nagpabalik-balik ng lakad.

"Oh no? What to do? Anung pumasok sa kokote ko?" parang baliw na kinakausap niya ang sarili. "Nadia, anung kagagahan na naman ang pinaggagawa mo? Nakuuuu! Anu ngayon ang sasabihin ni Jace niyan?" Panay ang tuktok niya sa sariling ulo na para bang may magagawa pa siya para ibalik ang mga nangyari.

Muli siyang humarap sa salamin at hindi makapaniwala. Panay ang pag-iling niya. "I'm so freaking doomed!"

Nang umagang 'yun ay nagpangap siyang masama ang pakiramdam at nagpunta ng clinic para may excuse siyang hindi sumama sa morning exercise. Hindi niya kayang harapin si Jace matapos ang lahat ng nangyari kagabi. Tiniis niya rin na hindi mag-almusal kahit kumakalam na ang sikmura niya dahil ayaw niyang mag-krus ang landas nila ng binata sa dining area. Hindi rin siya sumama sa morning activity nila at nanatili sa loob ng clinic.

Pero pagdating ng lunch time ay pinabalik na siya ng nurse dahil hindi naman daw mataas ang temperatura niya. Pinainom lang siya nito ng biogesic dahil dinadahilan niya na masakit ang ulo niya. Kaya wala siyang choice. Habang naglalakad sa labas ay nagtatakip siya ng mukha gamit ang white shawl, nag-suot din siya ng itim na shades at panay ang panaka-naka niya sa paligid na tila ba isang kriminal na nagtatago sa mga pulis.

Biglang kumalam ng malakas ang sikmura niya. Hindi na talaga niya kaya ang gutom kaya napilitan siyang magtungo sa dining area. Bahala na! Magtatago na lang siya sa isang sulok kung saan hindi siya makikita. Pumila siya habang pinagtitinginan siya ng ibang residents dahil mukha siyang si Abu Sayaf.

Matapos makakuha ng pagkain ay dinala na niya ang tray at naghanap ng pwesto. Daig niya pa si Sisa na panay ang tingin sa kung saan-saan at hinahanap si Crispin at Basilio. Pero hindi malayong matuluyang lumuwag ang turnilyo sa utak niya sa tuwing naiisip niya ang malaking katangahan na ginawa.

"Hi, Nadia."

Mabilis na nanigas si Nadia sa kinatatayuan na para bang nakuryete ang buong katawan niya matapos marinig ang boses. Napatuwid siya ng tayo at halos hindi na humihinga. Alam niyang nakatayo na sa kanyang likuran ang taong pinakahuli niyang nais makita sa mga panahon na ito. Hindi niya alam kung anu ang gagawin. Hindi niya ito kayang harapin.

"Masama daw ang pakiramdam mo sabi ni Riko? Okay ka na ba?"

"Ah, oo, pero ayos na naman ako. Kailangan ko lang magpahinga."

Naglakad palapit sa kanya si Jace at tumayo sa isang pulgada sa kanyang likuran. Ramdam ni Nadia ang init ng katawan nito. Binaba nito ang ulo sa balikat niya. "Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" Nagsitayuan ang lahat ng balahibo niya sa katawan dahil sa bulong nito sa kanyang tenga.

Napapikit siya at napakagat labi lalo na nang maalala na naman niya kung anu ang namagitan sa kanila. She badly wished na mawala na siya sa mundo. Mas nanaisin na niyang matulad sa half ng population ng mundo nung pumitik si Thanos sa movie na Avengers kesa harapin si Jace. Bakit ba kasi hindi siya pinanganak na may super powers like invisible ability?

"O-oo n-naman. Bakit naman a-ako hindi m-makakatulog ng m-maayos? Ha! Ha! Ha!" halatang peke ang tawa niya para lang pagtakpan ang kabang nararamdaman.

Napangisi si Jace at lumipat papunta sa harapan niya. Panay ang angat niya sa shawl upang takpan ang mukha. Napakunot ang noo ni Jace nang mapagmasdan ang itsura niya.

"Bakit ganyan ang suot mo? May pinagtataguan ka ba?" Nasa mga labi na nito ang mapanudyong ngiti.

"W-wala 'no! Sino naman ang pagtataguan ko? Ano, kase, m-masakit yung mata ko nasisilaw ako sa liwanag. Lalong sumasakit 'yung ulo ko kaya nag-shades muna ako."

Tumungo-tungo si Jace habang kumikinang ang amusement sa mga mata. "Ah, akala ko kasi nagtatago ka sa lalaking minolestiya mo kagabi."

Halos lumuwa ang mata niya sa panlalaki. Napasinghap siya ng malakas. "A-anung m-minolestiya?! W-wala a-akong m-minolestiya 'no!" Ramdam niya ang pamumula at pag-iinit ng magkabilang pisngi.

Naningkit ang mata ni Jace at bahagyang yumuko upang pumantay sa mukha niya. "Sigurado ka?"

Napaatras naman siya habang umaabante ito. "O-oo naman."

"Talaga? Wala kang pinagsamantalahan?"

"W-wala. B-bakit ko naman g-gagawin 'yun?"

"You didn't sexually harrased somebody last night?"

Napasinghap siya ng malakas at tila naputol ang dila niya. Sexual harrasment?! That's a big word! Pero dahil guilty siya kaya wala siyang masabi.

"Wala kang naaalala?" tanong ulit nito.

Patuloy lang siya sa pag-atras habang patuloy ito sa pag-abante. "W-wala. Wala. Wala talaga." Hindi niya ito matignan ng diretso sa mata.

"Sure ka?"

"Sure na sure."

Tumuwid ito ng tayo saka ngumisi. "Okay. So hindi ko na pala dapat sabihin sa'yo na alam ko kung sinung naglagay ng liquid ecstacy sa inumin mo."

Doon siya napatingin ng diretso kay Jace. Naalala niya ang ininom niyang bottled juice kagabi. Bigla na lang siyang nahilo kagabi and felt really weird. First time niyang na-experience ang bagay na 'yun and it was the worst day of her life she doesn't want to remember. So iyon ang dahilan kung bakit nagkaganoon siya?

"Anung sabi mo?"

"Wala, wala ka naman naalala diba?"

Kinuha niya ang braso nito at mabilis itong hinatak palabas ng dining area. Nilapag na niya ang tray sa lamesa at nakalimutan nang kumain. Hinatak niya si Jace palayo sa mga tao. Hinubad niya ang salamin at tinitigan itong mabuti.

"Anung sinasabi mong may naglagay ng liquid ecstacy sa inumin ko? Ibig sabihin may nagplano ng lahat ng nangyari sa'kin kagabi?"

Sumeryoso na ang mukha ni Jace. "Oo, narinig ko si Micka na may kausap sa telepono nung nag-CR ako. May nag-utos sa kanyang lagyan ng drug ang inumin mo."

"Micka?" hindi makapaniwala si Nadia. Akala pa naman niya ay mabait ang nurse na dalaga dahil palagi siya nitong nginingitian at paminsan-minsan ay nakakuwkentuhan pa. Pero bakit nito ginawa iyon?

"Narinig mo ba kung sino ang nag-utos sa kanya?"

Umiling ito. "No, she didn't mention the name. But I'm sure she's a woman dahil tinawag niya itong ma'am."

"Ma'am?" Iisang tao lang ang pumasok sa isip ni Nadia. Walang ibang may magtatangka ng masama sa kanya kundi ang babaeng dahilan kung bakit siya nasa Love and Hope. "That bitch." She gritted her teeth.

"May ideya ka kung sino?"

Nagdidilim ang mga mata na tinignan niya si Jace. "Oo, siya lang naman ang kilala kong may masamang balak sa'kin. Siya din ang dahilan kung bakit ako nandito."

Napakunot ang noo nito. "What do you mean?"

Saglit na inaral ni Nadia ang mukha ng binata. Pwede niya bang sabihin kay Jace ang totoo? Mapagkakatiwalaan ba ito? Kungsabagay ay hindi niya malalaman na sinadya siyang i-droga ni Micka kung hindi dahil dito. Isa pa, ay sa kabila ng pagiging under influence of drug niya ay hindi siya pinagsamantalaha ng binata. Isang bagay na ipinagpapasalamat niya ng lubos. Paano kung ibang tao ang nakakita sa kanya kagabi sa ganung sitwasyon? Baka may masama nang nangyari sa kanya. Hindi man sila magkasundo ay nararamdaman niyang kung mayroon man siyang tao na pwedeng mahingan ng tulong sa loob ng center. Si Jace iyon.

"Can you keep a secret?"

***

"SO IBIG SABIHIN hanggang dito sa loob ay hindi ka ligtas, Nadia. Maaring hindi lang si Micka ang nagtatrabaho under your stepmother. Pwedeng may iba pa." seryosong sabi ni Jace.

Kasalukuyan silang nakaupo sa stone bench sa garden sa tapat ng fountain. Kinuwento niya ang lahat tungkol kay Rosanna, sa inheritance na nakuha niya na siyang dahilan ng galit nito, at ang ginawa nitong pag-frame up sa kanya.

Napabuntong hininga siya at nagkuyom ang dalawang kamao sa ibabaw ng hita niya. Ngayon nalaman niya na may inuutusan si Rosanna upang maging mas malala ang kalagayan niya sa loob ng center ay lalo siyang hindi mapapalagay. Mukhang gagawin talaga ng stepmother niya ang lahat para hindi na siya makalabas pa dito. Gusto nitong malulong siya ng totoo sa droga at masiraan ng ulo. Lalong sumiklab ang galit sa dibdib niya. She was more evil than she thought she was.

"Walanghiya talaga 'yang si Rosanna. Ayaw niya talaga akong tantanan. Hindi pa siya nakuntento na pinasok na niya ako dito gusto niya pa talaga akong sirain ng tuluyan. I will never let her get away with this. Sa oras na makalabas talaga ako dito sisiguraduhin kong pagbabayarin niya ang lahat ng ginawa niya sa'kin. And I'll do everything para mapaalis siya sa loob ng Monte Corp. I won't let that evil witch enjoy my family's power and legacy." Nagkiskis ang ngipin niya sa labis na galit. Pakiramdam niya isa siyang bulkan na nagbabadya nang pumutok anumang sandali.

"You have to be more careful with your surroundings, Nadia. What happened last night might be not the last."

Hinarap niya ang binata at dahan-dahang tumungo. "I will. And by the way, thank you pala kasi hindi mo ako pinabayaan kagabi."

Tila nabigla pa ito sa pagpapasalamat niya at nahihiyang napayuko habang napahawak sa batok.

"Pero pwede bang kalimutan na natin kung anu man 'yung mga ginawa ko kagabi? It was the first time I tasted an ecstasy, as I told you never talaga akong gumamit ng kahit anung drugs. Na-frame up lang ako ni Rosanna."

Lumingon sa kanya si Jace gamit ang gilid ng mata at maliit na napangisi. "I'll try."

Napasinghap siya at hindi napigilan ang sarili na hampasin ito sa braso. "Anung I'll try?"

Mas lalong lumaki ang ngisi nito. "How can I forget the happiest night of my life?"

Mabilis na uminit na naman ang ulo niya. Hindi ba talaga makukumpleto ang araw nito na hindi siya binubwisit? Hinampas niya ulit ito sa braso. "Nakakainis ka talaga, Jace!"

Tatawa-tawa lang ang gunggong habang sinasanga ang mga hampas niya. "Susubukan ko nga!"

"Grrr! Wag mong subukan! Gawin mo!"

"Anu? Uuntog ko na ba ang ulo ko sa pader para magka-amnesia na ako?"

Hahampasin niya sana ulit ito pero naiwan sa ere ang kamay niya. May punto nga naman ito. Paano mo nga naman kakalimutan ang isang bagay? Hindi mo naman mauutusan ang utak at mas lalong walang erase or delete sa memory ng tao.

Napabuntong hininga na lang siya at naiinis na nginudngod ang mukha sa dalawang palad. "It was the worst night of my life!" Sa sobrang inis na nararamdaman niya ay hindi na niya napigilang umiyak. Sa pamamagitan ng mga luha ay gusto na lang niyang ilabas ang sama ng loob. She was disappointed in herself because she's been careless again. Palagi na lang siyang naiisahan ng mga tao sa paligid niya because she always let her guard down. Plus the fact, na pinahihirapan ng evil stepmother niya ang buhay niya, just added to her frustrations. Habang nagpapakasasa sa yaman ng daddy niya si Rosanna sa labas heto siya at nakakulong sa loob ng Love and Hope. She felt so lonely.

Nataranta naman si Jace nang mapansin na gumagalaw na ang balikat niya habang naririnig ang sunud-sunud na pagsinghot at maliliit na hikbi.

"Hey, why are crying? O-okay, kakalimutan ko na 'yun. Promise!" Hindi nito alam kung hahawakan ba siya sa balikat o hihimasin ang ulo niya.

Tila bata na ngumawa si Nadia. "I hate myself! I hate Rosanna! I hate my life! What wrong did I do to deserve this? Naging mabuti naman akong anak, kaibigan at mabait naman ako sa kapwa ko. But why am I experiencing this kind of hell?"

Natigilan si Jace at lumambot ang mukha. Something sharp suddenly pricked his chest by seeing Nadia hurting like this. "Nadia. . ."

"I miss my dad. I wish daddy and mommy were here with me. I feel so alone. Wala na akong kakampi. I am so doomed!"

Tuluyang nalusaw ang puso ni Jace sa mga narinig mula sa dalaga. He remembers himself in her when his mother died. Dahil busy naman sa negosyo ang daddy niya and his two older brothers are also too occupied since his second kuya is a lawyer while the eldest is into their family business. He also felt desolate. Pakiramdam niya walang nagmamahal sa kanya kundi ang mommy niya lang. Siya ang pinakamalapit sa ina sa kanilang tatlong magkakapatid. In fact, he was a mama's boy. He loved her mother so much, and his entire world quickly crashed down after her death.

Marahan niyang hinimas ang buhok ni Nadia. He understands very well what she feels. And it hurts like hell.

"My mother died when I was twelve. She was the only person in the world who understood me. Kaya nung nawala siya. Pakiramdam ko nawala na rin ang buong mundo ko."

Napatigil si Nadia sa pag-iyak. Inangat nito ang ulo mula sa pagkakasubsob sa dalawang palad at tumingin kay Jace. Hindi alintana na basang-basa na ng luha ang buong mukha nito.

Nagpatuloy si Jace sa pagsasalita habang nakatingin sa lumalabas na tubig mula sa jar na hawak kerubin. "I became rebellious because I wanted attention. But instead of giving me time and love, my father only provided me material things. Everytime na sinusubukan ko namang makipaglapit sa mga kuya ko ay palagi rin silang busy. Si kuya Justine, nag-aabogado. Si kuya Josef naman, kasama ni Dad sa negosyo.

"So I've found companionship through other people. I used my father's wealth to do everything I want. Sikat ako sa school dahil gwapo at mayaman ako pero alam ko naman na pera ko lang ang gusto nila. They wanted to be with me for fame and for their own benefits. People always use and take advantage of me, but I don't give a damn because at least I was not lonely. Then I met, Dustin in college. We became best friends. Mas kapatid pa nga ang tingin ko sa kanya kaysa sa dalawa kong kuya

"Growing up with money and entitlement gave me the power to feel like I can have everything. Until I was introduced to drugs. And drugs were the easiest way to get out of this shitty reality. I can forget my problems, the loneliness, the grief for my mother. Drugs, parties, and girls had comforted me to get engaged in some ways. But at the end of the day, I will still end up in my bed, sad, alone, and broken."

Hinarap ni Jace si Nadia. Nakatulala lang ito sa kanya at walang masabi. Tumaas ang sulok ng bibig niya at pinunasan ang mga luha na kumalat sa pisngi nito. He stared at her with soft eyes. "I completely understand the feeling of being abandoned. Like you can't do anything, but just let yourself wrapped with the misery. But you are not alone, Nadia. I promise that I will never let anyone hurt you as long as I'm here. You have me."

Something inside Nadia's heart unexpectedly felt warm and serene like there's soft hand caressed her soul. He can feel and see the sincerity in Jace's eyes and voice. At the same time ay nakaramdam siya ng saya dahil finally at nagbukas ito ng sarili sa kanya. His words made her feel at ease, na hindi siya nag-iisa at may isang taong nakakaintindi sa mga pinagdadaanan niya.

"I'm also sorry about last time, Nadia. I know that I'm a stupid jerk for telling you those words. Pwede mo naman akong sampalin ulet para makabawi ka."

Natawa siya sa huling sinabi nito. "Loko, tapos na 'yun. Okay na ako na nasampal kita ng isang beses."

Tumawa rin ito. The sound of his boyish laughed was like ringing bells in her ears, and it felt nice.

"Thank you, Jace. Salamat talaga. I appreciate everything you did for me. Kung wala ka siguro dito baka talagang natuluyan na akong masiraan ng bait. Ang totoo niyan, kahit na araw na araw mo akong binubwisit at some point, it also helped me to forget my unpleasant situation." She said it with all her heart as her eyes sparkled brightly like the warm sun.

Jace smiled back at her wholeheartedly. And Nadia did the same. Matagal silang nagpalitan ng tingin at mga ngiti at sa mga sandaling 'yun naisip ni Nadia, that perhaps she was wrong for thinking that Jace was nothing but an asshole rich kid who knows nothing but to party and play with girls. Pero tao lang din ito na nasasaktan at nakakaramdam ng kalungkutan na katulad niya. Na-misjudged niya lang ang binata.

It's never too late for them to change their judgments towards each other. Pakiramdam ni Nadia ito na ang simula ng kanilang pagkakaibigan. Sa katauhan ni Jace, nakahanap siya ng bagong kakampi at mula ngayon ay hindi na siya nag-iisa. After all, there's always a #OneMoreChance para sa dalawang tao, parang si Popoy at si Basha.


PERTIMBANGAN PENCIPTA
AnjGee AnjGee

Uy, may improvement na hehehe. Sweet moments na ba para kay Jace at Nadia? :)

Pa-vote po ng powerstones and penge na rin ng REVIEW para may ratings na itong ASSOA. Hindi pa talaga keribells mag-UD ng madami kaya hinahabaan ko na lang bawat chapters. Busy pa kasi talaga aketch and I always write the chapters on the day.

Salamuch for all your warm support! Join our FB group: Cupcake Family PH

next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C17
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk