Hindi agad pinatulog si Pyramus nung sila ay namamahinga na dahil sa kanyang kalungkutan, ngunit sa bandang huli inalog parin siya ng antok. Kinabukasan maagang na gising si Pyramus, napag-isipan niyang aliwin ang sarili para makalimutan ang kahapon. Ang tanging libangan lang naman niya e, ang puno na nasa likuran ng palasyo, mayabong ito at malaki. Tuwing malungkot si Pyramus ay umaakyat siya dito sa puno, ngunit Hindi siya natatakot kahit mataas ito.
Nagiisa nga lang ito doon, dahil hindi ito pinaputol ng asawa ni Xerxez na si Perlend dahil gusto niya itong maging pook-pasyalan, bukod sa nag-iisa ito ay may hatid siyang sariwang hangin. Malamig ang temperatura doon. Kapag umaakyat si Pyramus ay doon talaga siya sa tuktok nito, kung saan mataas na talaga. Ngunit sanay narin si Pyramus sa ganuong kataas. Tahimik lang siya doon, nakikinig sa huni ng mga ibon na padapo-dapo lang sa bawat sanga. At nasisilip din niya ang nakapaasul na mukha ng karagatan ng Tinus. Payapa talaga pagmasdan ang karagatan walang mabagsik na alon kundi ang maamong halik ng tubig sa buhangin.
"Hindi naman siguro masama kung sabihin Kong umakyat." Sabi ko habang may pagkasarkastiko. "Ikaw ang dapat Kong tanungin, bakit ka nandito?" Ngunit iba ang kanyang isinagot sa akin. "Siguro kalaban ka ng lahi namin, at pakay mo akong patayin? Wag kang sumubok na humawak sa akin kundi-" Bumunot muna siya ng isang maliit na balaraw. "Ito ang matitikman mo!"
Simula kasi ng inatake sila ng misteryosong lalaki ay natakot na siya na umalis ng walang pananggala kahit malapit lang naman itong puno na ito sa palasyo.
Sampung taon na ang nakalipas, Simula ng mamatay ang asawa ni Xerxez, kung kaya't sabihin na nanating sampung taon na din si Maximus ngayon. Kaya't ikagagalak Kong makita na siya at matulungan. Marahil, magtatanong kayo kung ano ang nangyari sa sampung taon na'yon? Wala naman masyadong napagusapan, ang naging takbo lang naman ng palasyo at ng mga hari ang naging sentro sa usapan doon. Simula kasi ng mabuhay muli ang pagkatao ni Xerxez ay hindi na siya nag-isip pa ng iba, lalo na ang pag-aasawa muli. Kahit marami paring naghahabol na mga magagandang dalaga sa kanya. Sabi pa nga ng ilang babae, handa daw sila mamatay basta't mapangasawa lang niya si Xerxez. Gwapo kasi at mabait na hari kaso nga lang, ang malas sa pag-ibig. Subalit, mismo na lang si Xerxez ang tumangge sa kanila. Napaunlad niya ang kanyang sandatahan, at napalawak ang teritoryo ng Thallerion, naagaw niya ang buong lupain ng Wendlock. Kaya't saludo sa kanya ang mga hari. Dahil doon, nagkaroon ng initan ang lahi ng Ossibuz sa taga-Thallerion.
Dise-sais narin si Pyramus, malaki na siya at mukha ng binata kung mag-isip, subalit malaki din ang pinagbago nito, naging pihikan at madaling magalit, lalo na sa mga katulong niya. Mahaba ang buhok niya at palage niya ito pinapasuklay sa mga katulong dahil ayaw niyang magkabuhol-buhol ito, at ayaw din niyang pakalatkalat lang ang mga gamit lalo na sa kanyang silid. Lage siyang naiinis sa kanyang kapatid, dahil palage siya nito ginugulo ang nais lang naman ni Maximus ay makipaglaro sa kanya.
"Ama, may ipamamalas ako sa inyo!" Sigaw niya habang nagmamadali. Nakuha naman agad ang pansin ng mga tao doon lalo na ang ama nito, nandoon din si Pyramus. "Saan naman kaya ito galing?" Sabi ni Pyramus sa kanyang isip habang masungit na sinusundan ng tingin niya si Maximus. "Ano naman ipapamalas niya, baka kahiya-hiya lang!"
"Tutugtog po ako para sa inyo." Masayang sagot ng bata. Nakangiti rin ang lahat maliban lang Kay Pyramus. Medyo nagkaroon ng katahimikan sa mga saglit na'yon, na nagpapahiwatig lamang ng paggalang sa munting prinsipe. "Katahimikan!" Sabi pa ng isa doon. Naghihintay din ang hari kung ano ang gagawin ng kanyang anak, mayamaya hinipan na niya ang Instrumentong hawak niya. Mula sa bibig niya patungo sa butas ng plauta ay lumabas ang matamis at malambing na tunog doon. Palakpakan ang lahat sa ipinamalas ng prinsipe. Mangha ang lahat, dahil alam nilang walang nagtuturo sa bata tapos ganuon kahusay ang natuklasan nila. Napakagaling sabi ng ilan doon.
"Napakahusay! Sino ang tumuro sayo niyan?" Mangha ng ama. "Kaibigan ko lang po, ama." Magalak na tugon niya. "Si Caspard!" Bakas sa mukha niya ang pagmamalaki sa kaibigan.
"Ano!" Nagulat si Pyramus at halos lubos halughugin niya ang kanyang utak para maniwala sa sinabi ni Maximus. "Pero, nuwebe-anyos palang iyon? Kami ba ang pinagluluko mo?" Inis na sumbat ni Pyramus. Nagtaka din ang lahat, at pumanig naman sila sa sinabi ni Pyramus.
"Anak iyon ni Vethor. Kung ganun ipatawag si Vethor at bibigyan ko siya ng gantimpala." Ngunit may umangal na isang delegadong kawal, si Phalleon.
Si Phalleon ang pangalawa sa naunang naging pinuno sa mga kawal ng Thallerion. Kung napapansin nyo masyado siyang masungit at parang may galit sa kapwa kung makapagmungkahe sa hari. Ayaw niya kasing malagay siya sa ilalim, kaya't gumagawa siya ng paraan para purihin siya.
"Walang dunong ang lalaking iyon, Hindi nga siya marunong magsulat. Bakit nyo pa pinapahalagahan ang mga taong ganun?" Pagrereklamo pa nito. "Nararapat lang na utasan ang walang kaalaman para matuto at maging kawal niyo."
"Ang tao na may mabuting gawa ay dapat lang makatanggap ng gantimpala." Sabi ni Xerxez, sa katunayan kasi nyan, maraming nakikitang kabutihan si Xerxez kay Vethor sa paglilingkod bilang isang kawal. "Sa Simula pa, nakikitaan ko na siya ng mabuting ehimplo sa kasamahan niyang kawal, kaya't dahil din mabuti din makitungo ang kanyang anak sa anak ko ay wala na talagang dahilan para hindi pa siya pasalamatan at bigyang gantimpala. Dapat lang pagkalooban ang mga tao na ganun umasal." Diin pa ng hari.
"Marami, marahil maghanap na lang ka ng iba." Galing iyon sa lalaking iniluwa ng malaking pintuan. Siya si Matheros. Anak ng kapatid ng kanyang ama.
Sa kabila ng panlulupaypay siya yong naging pansamatalang tagapamahala sa kaharian ni Xerxez. Malaki ang kanyang ginagampanan, bukod dito siya din kasi ang pinagkakatiwalaan ni Xerxez.
"May kilala ako." Agad siyang lumapit sa harapan ng hari. "Tiyak Kong ikalulugod mong makilala siya." Nagtaka tuloy ang hari dahil parang pinagkaisahan siya ng mga sugong pinuno niya.
"Ano ba yang pinagsasabi nyo, masyado kayong mapanghusga sa kapwa nyo." Medyo nagkaroon ng inip sa isipan ni Xerxez dahil sa mga mungkahe ng mga alagad niya. "Hindi mahalaga ang kung ano ka, ang mahalaga ay kung paano ka makitungo sa kapwa mo." Natahimik lamang sila. Ngunit bumaling muli si Xerxez Kay Matheros. "Maaari mo bang ipakilala kung sino yong sinasabi mong ikalulugod ko." Utos niya Kay Matheros.
"Hindi po kayo magkakamali sa kanya, mahal na hari. Sapagkat mabuti siyang tao at bihasa kung makipaglaban gamit ang pana."
"Tama ba ang narinig ko? Mahusay siya sa pana? Napailing ang hari.
Nang marinig niya ang tungkol sa pana, tila ba bumabalik naman ang kanyang malungkot na alaala sa yumaong asawa niya. Katunayan kasi niyan unti-unti na siyang nakakaginhawa sa masalimuot na kapanglawan. Subalit nang marinig naman niya ang pana na siyang ikinamatay ng kanyang asawa ay parang nagkaroon ulit siya ng marubdob na paghihinala. Iniisip niya kasing lahat ng may pamana ay may kinalaman sa pagkamatay ng asawa niya kaya ganun na lang kung makapaghinala siya.
"Papuntahin mo agad!" Sigaw ng hari na parang nagniningas na sa galit. Nagtaka ang lahat kung bakit biglang nagbago ang ugali ng hari na kanina lang ay walang bakas ng kahit na kasungitan sa mukha at ngayon ay tila daig pa ang mabagsik na liyon.
"Catana!" Tawag ni Matheros. Ang katunayan niyan ay kanina pa naghihintay si Catana sa likod ng malapad na pintuan kaya't ng narinig niyang siya na ang tinawag ay agad na pinagbuksan siya ng dalawang guwardya doon. Pagpasok niya doon, nakikita niya ang mga kawal na nakatayo sa bawat gilid ng dadaanan niya. Pakiramdam niya ng makaapak sa ginintuang sahig ay para na siyang nakaapak ng paraiso. Kumikintab lalo na't pagpasok niya ay sabay din sumilip ang sinag sa labas. Nahihiya pa nga siya sa simula ng pag-apak niya sa sahig dahil maalikabok ang kanyang sandalyas. Nung pagpasok niya, nasilaw ang mga mata ng tao doon dahil sa sinag, kaya't hindi agad nila napansin ang mukha ni Catana.
Nung hindi pa nakita ni Xerxez ang buong pagkatao nito ay para na siyang naghahalusinasyong makakaharap na niya ang lalaking pumatay sa asawa niya, ngunit pagdilat ng mga mata niya mula sa pagkakasilaw sa sinag ay nakita niya ang maganda at makini-kinitang alindog ng babae. Ang akala kasi niya ay lalaki ang makakarap niya ngayon, kaya't duda siyang ito ang kalaban, pero nawala ang lahat ng iyon ng makita niya ang hubog ng babae. Maganda at matangkad ang babaing ito kaya't kahali-halina, ang mga lalaki doon ay bakas ang bunganga nilang nakabukas. Napatili at napatunganga. Subalit winasak iyon ni Matheros.
"May dalawa na siyang anak, mahal na hari." Sabi ni Matheros, napansin kasi niya na parang unti-unting nilalamon ang atensiyon ng mga tao. Nagsipaglunok ang mga kalakihan doon dahil sa pagkarinig. Sayang, yan ang huling narinig ni Matheros sa mga Sandaling nagkaroon ng katahimikan. Nawala din ang galit at paghihinala niya ng makita na niya ang babae.
"Bakit hindi mo sinabi Matheros na babae pala ang iyong ipapakita sa amin?" Sabi ni Xerxez, ngunit sinagot lang siya nito ng maikling-salita. "Sopresa!"
"Ikinagagalak ko pong makita kayo, mahal na hari." Pambating tugon ni Catana. "Ako po'y humihingi ng iyong basbas, at handa po akong maglingkod para sa inyo." Nakaluhod si Catana sa mga Sandaling ito.
"Tamang-tama ang iyong pagpunta dito, sapagkat nangangailangan ako ng karagdagang alagad dahil marami natayong nasasakopan at sa tulong nyo mas mapapailki ang kabagalan at katigasan ng mga kawal natin." Diretsahang sagot ni Xerxez, hindi na siya nagsiyasat ng malilim dahil alam niyang tapos na itong nasiyasat ni Matheros.
"Hindi ko po kayo bibiguin, mahal na hari." Masayang sagot ni Catana. "Aba! Dapat lang!" Dugtong din ni Phalleon
"Ama. May mangyayari po bang masama sa ating kaharian, tila seryoso ang mga nagaganap, parang pinaghahandaan niyo talaga ito? May digmaan bang magaganap?" Sabi ni Pyramus, nasa stado ng pag-aalala ang emosyon ng kanyang mukha.
Napatiklop ng saglit ang bunganga ni Xerxez, ng marinig niya mismo sa bibig ng kanyang anak ang tungkol sa digmaan, pero ayaw niyang makitang mag-alala ang kanyang mga anak. Bago pa niya sagotin ang tanong ni Pyramus ay inutusan muna niya si Maximus na umalis muna. "Maximus, puntahan mo muna yong kaibigan baka naiinip ka na dito." Pag-alis ni Maximus saka pa niya binigyang pansin ang tanong ni Pyramus.
"Pyramus, masyado ka pang bata para makialam sa ganuong usapan, may nagsabi ba sayo?" Ngunit hindi sumagot si Pyramus. "Pyramus, naiintindihan mo ba ako?
"Ang alin ba ang dapat kong intindihin? E kahit kailan, naging maramot ka sa amin, lage mo lang inililihim sa amin kung ano ang totoo. Tuwing ganito, kahit alam ko naman, inisip mo paring bata pa ako! Ama, ang masakit kung paggising namin, wala ka na sa piling namin. Yong magiisip kaming maayos lang ang lahat, yon pala magulong magulo na."
"Anak naiinti-" naputol agad iyon ng umalis si Pyramus at ayaw makinig sa kanya. "Saan ka papunta?" Alalang tanong ni Xerxez.
"Pyramus!" sigaw ni Xerxes kaya napilitan si Pyramus na tumigil.
"Sasamahan ko si Maximus. Mag-uusap kami." Sagot ni Pyramus, naguguluhan tuloy ang kanyang ama. Kung baga, iniisip ni Xerxez na magsusumbong si Pyramus sa kanyang kapatid at para ano, parang malayo naman masyado. Hindi naman siya seseryosohin ng kanyang kapatid dahil puro laro ang nasa isip ni Maximus.
Samantala nandoon si Maximus naupo sa may malaking bato at tumugtug ulit ng plauta. Habang nagtutugtog siya na pansin niya ang isang patpating bata, nuwebe anyos at tagatainga lang ang taas nito sa kanya.
"Caspard? Bakit ka tumatago? Magkaibigan tayo. Kanina pa kitang hinihintay dito." Masayang sabi ni Maximus kay Caspard. "May sakit ka ba, bakit nanliliit ka?"
"Huwag mo akong hawakan o maski lapitan, marumi akong bata, hindi ako kagaya ng mga batang mayayaman! Baka marumihan po kayo." Pigil niya sa prinsipe. Kinakabahan siya.
"Caspard, matagal na tayong magkaibigan, ikaw pa itong nagturo sa akin magtugtog ng plauta, tapos ngayon, nakakapanibago ka talaga, at bakit mukha kanang nuwebe anyos? E dati nung mga nakaraang araw magkasingtankad lang tayo."
"N-ngayon lang tayo nagkita mula't sapol." Pagtataka ni Caspard. "Narinig ko kasing may tumutugtog sa dakong ito, akala ko kasi si ama. Kaya't paumanhin, mahal na prinsipe kung naging sagabal ako sa iyong pagtutugtog."
"Ayaw mo na ba makipagkaibigan sa akin?" Naging malungkot ang mukha ni Maximus ng iharap niya ito. Napakainosenting mukha, kaya't parang natatakot siyang tanggihan o sabihing ayaw nya makipagkaibigan, iniisip kasi ni Caspard na baka kadirian lang siya at kutya-kutyain. "Hindi ka ba nadidirian o narurumihan sa akin?" Tanong niya, sinusubukan lang niyang linawin baka nagbibiro lang ito at nagkukunwari.
"Hindi naman mahalaga, ang kaanyuan sabi ni ama, basta mabuti ka lang sa kapwa." Matalinong sagot ni Maximus. "Noong unang magkakilala tayo ay Hindi mo ako pinabayaang malungkot, noong mga Sandaling ayaw ng makisama ang aking kapatid, at ayaw na ding makipagpalaro. At ngayon, sinasabi mong hinuhusgahan kita?"
"Hindi sa ganun, pero- sige na nga kaibigan. Kaibigan na tayo." Naaawa kasi siya lalo na't nalaman niyang hindi na pala nakikisama si Pyramus. "Pero totoo bang nagkita na talaga tayo, at naging kaibigan?" Pagtataka ulit ni Caspard.
"Oo, nakalimutan mo na ba? Siyte anyos pa ako noon nang tayo ay naging magkaibigan." Nakangiti ang mukha nito. Pero halos hindi niya lubos maisip kung lahat ng iyon ay totoo, subalit kung totoo o hindi, ang mahalaga ay maging malapit siya sa prinsipe. Pakiramdam din ni Caspard ay hindi din siya bibiguin at mapagkakatiwalaan niya ito, at saka, ang prinsipe mismo ang nagsabing, Hindi batayan ang wangis ng tao kundi ang paano ka makipagkaibigan sa kapwa. Yong maging mabuti ka sa kapwa. Kaya't ano pa ang dahilan para tanggihan. At isa pa magaan ang loob niya sa prinsipe yung parang kilalangkilala na niya ito.
"Gusto mong tumugtug?" Sabi ni Maximus. Nababaguhan parin si Caspard, pero tinanggap parin niya ito at dahan-dahan niyang tinaas papunta sa bibig niya subalit, nataranta siya at natakot nang marinig niya ang boses na papalapit. Isa lang ang tinatawag kundi ang prinsipe na katabi niya. "Maximus!" Agad siyang napatayo at ibinalik ang plauta Kay Maximus. "Wag kang matakot." Sabi ni Maximus bilang gamot sa kanyang takot. "Kapatid ko lang yon."
"Hindi, baka hinahanap na ako ng mga magulang ko." Sabi ni Caspard, ngunit nagkunwari lang siya, dahil ang totoo takot siya sa kapatid ni Maximus. "Kung ganun, dalhin mo nalang ito." Agad na lumaki ang mga mata niya ng marinig iyon. "Talaga! S-salamat!" Iniabot agad niya ito ng galak na galak. "Sige na, baka hinahanap ka na doon?" Tumakbo agad si Caspard ng abot tainga ang ngiti. Siguradong ipamamalita niya ito sa mga kalaro niya sa bayan. At sa mga magulang niya. Nang makaalis na ito, saka din nakarating ang kanyang kapatid.
"Maximus, halika sumama ka sa akin." Seryoso ang mukha ni Pyramus, at halatang may malaki itong problema.
"Ayos ka lang ba kuya?" Nagtataka kasi si Maximus dahil panibagong makikisama si Pyramus sa kanya. Noong dati, lage silang magkasama ngunit nagbago ang lahat.
"Sa likod ng palasyo." Habang hinihila siya nito papalayo. "Bakit ba lage kang pumupunta dito? Delikado para sa atin ang masyadong mapag-isa lalo na't marami tayong kaaway." Papayong sabi ni Pyramus.
Ang alaala ni maximus.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Isang araw noon, habang may mga suliraning iniisip si Xerxez at walang magawa kundi napabuntong-hininga nalamang. Bahagya niyang napasoklob ang kanyang mukha sa mga kamay niya, na ibig sabihin ay nalulungkot siya sa kanyang mga iniisip na problema. Medyo matagal ang kanyang katahimikan sa silid ng mga Sandaling iyon, hanggang sa may narinig siyang hagikhikan. Napukaw ang kanyang sarili at nawili siyang makinig sa masisiglang tawanan ng dalawang bata. Pakiramdam niya, naglalaro ito ng habulan dahil naririnig niyang papalapit ng papalapit ang mga tinig nito sa kanyang kinaruruonan. Nagagalak siyang pinapakinggan ang mga ingay ng dalawa kaya't tuwang-tuwa siya ng makita na niya sila.
"Mga anak ko! Pumunta kayo sa akin, at ako'y yakapin nyo. Alam Kong may sa sabihin kayo sa akin." Nakangiting salubong ni Xerxez sa mga anak niya.
"Ama, masaya po kaming nandito ka dahil kanina pa naming hinahanap ka, mabuti na lang nakita namin ang mga hari, at tinanong namin kung nasaan ang hari ng Thallerion?" Sabi ni Maximus, mga nasa singko anyos na dito si Maximus ngunit masyadong matabil na ito kahit hirap pa siya magbigkas ng mga ilang salita. "Bakit nyo hinahanap ang hari ng Thallerion?" Ngumiti siya ng may paggigigil. Alam niyang may umiiral na kakulitan sa mga anak niya kaya't sinabayan na lang niya ito, at para mawala din ang kanyang pagod sa kaiisip sa mga suliranin sa kaharian. "Anong gagawin nyo sa hari?" Pakunwari niyang tanong sa dalawa. Agad naman sinundan ng sagot ni Pyramus ang tanong niya.
"Huhulihin po namin siya! Upang ikulong sa pagmamahal namin." Anyang sagot ni Pyramus. "Pagmamahal?" Sabi ni Xerxez. Dumugtong Agad si Maximus, subalit nagpapakunwaring boses matanda. "Ganun nga ho ang gagawin namin sa kanya, kaya't sabihin mo sa amin kung nasaan nagtatago ang hari ng Thallerion."
"Paano kung sabihin Kong, Ako ang hari ng Thallerion! Huhulihin nyo ba ang isang tulad ko?" Naglalakas kunwari ang kanyang loob. Nagdudula-dulaan lamang silang tatlo. "Ikinalulungkot po naming, Hindi na namin itutuloy ang pagdakip sa kanya." Sabi ni Pyramus. Isang katanungan agad ang inihagis ni Xerxez. "Bakit?"
"Hindi kasi namin akalaing isa pa lang matapang na hari ang kaharap namin. Subalit, kung isusuko mo ang iyong buhay. Ika'y aming ikukulong sa hawla ng pag-ibig at kaligayahan." Makabuluhang sagot ni Pyramus.
"Susuko na ako. Handa Kong tanggapin ang ano mang kaparusahan nyo, ang makulong sa hawla." Mabilis na sang-ayon ni Xerxez. Nagtaka din ang mga dalawa. "Tila kay bilis ng iyong pagsuko?" Sabi ni Maximus. "Ang alam ko'y matapang na matapang ang hari ng Thallerion?"
"Mas pipiliin Kong makulong pa sa hawlang may kaligayahan kay sa malayang walang ligaya." Madamdaming sagot ni Xerxez. Natutuwa siyang pagmasdan ang mga anak niya kaya't hindi niya matiis na hindi niya ito mayakap at mahalikan sa nuo. "Halinga kayo sa aking tabi." Tawag niya sa dalawa. Lumapit naman agad ito sa kanya, si Pyramus ay naupo lang sa tabi ng ama samantalang, pinaupo ni Xerxez si Maximus sa kanyang hita.
"Maswerte talaga ako dahil nandito kayo sa aking buhay, sa aking tabi." Masayang sabi ni Xerxez. "Alam nyo wala ng makakahigit sa kahit anong yaman meron ako, basta't kayo ay naririto talagang nagiging maligaya ang araw ko." Ngumiti ulit siya. "Aanhin ko ang pagiging hari, kung malayo kayo sa buhay ko. Kayo ang tangi Kong lakas, at buhay ko narin. Dahil kayo ang ligaya ko, ang pagmamahal ko'y nasa inyong dalawa. Kaya't kung sino man ang sumubok na saktan kayo at ilayo kayo sa akin ay paparusahan ko talaga."
"Talaga po ama?" Pahangang sabi ni Maximus. "Siyempre naman anak, gagawin ko ang lahat para sa inyo. Gagawin Kong katuwaan ng mga tao ang sino mang mangangahas na saktan kayo. Pahihirapan ng pahihirapan ko ang gagawa ng masama sa inyo. Kahit lumuha man sila ng dugo, Hindi ko talaga siya patatawarin."
"Naku! Nakakatakot po pala kayo ama!" Hanga niya.
"Alam mo Maximus, bulilit lang ang mga yon, para Kay ama." Dugtong ni Pyramus. Nagkatuwaan na lamang sila, naaliw sila sa kanilang pagbibiruan hanggang sa nadatnan na lang ng antok ang dalawang anak ni Xerxez. Masaya si Xerxez sa kanyang mga anak at wala siyang pagsisisihan kung naging anak niya sila.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Marahil kung napapansin nyo ang ugali ni Pyramus, iyon ay dahil sa kanyang paninibugho. Nagbago ang kanyang ugali dahil iniisip niyang magkaiba ang pakikitungo ni Xerxez sa kanya Kay sa sa kanyang kapatid. Kung natatandaan nyo, noong bata pa si Pyramus ay puro kalungkutan at kalbaryo ang inabot niya, samantalang si Maximus, lahat ay nagagalak sa kanyang kapatid. Sa tuwing nasisilayan niya ang kanyang ama at ang kanyang kapatid ay lage silang masaya samantalang siya, noong kaedad pa niya si Maximus ay malabong magkaroon sila ng aliwan o kahit makapiling niya ang ama noong mga panahong kinakailangan niya ng katabi at kalaro. Pero dahil sa mga kamalasan sa buhay ng ama niya ay nagkaroon siya ng paninibugho. Natuklasan niya na magkaiba ang buhay niya sa kapatid.
Alalahanin nyo ang sinumang umiimpok ng paninibugho sa kapwa ay bubuo ito ng malaking kapahamakan. Sa ngayon, medyo mabuti pa ang pakikitungo ni Pyramus sa kanyang kapatid, ngunit may mga pagkakataon lang talaga na sinusumpong siya.
Nandoon na nga sila sa likod ng palasyo, subalit walang ideya si Maximus kung ano ang gagawin nila doon, bukod sa sinabi nitong mag-uusap lang sila, pero bakit masyadong malayo pa ang linakad nila para mag-usap lang. Kuro-kuro ni Maximus habang naglalakad sila kanina. Ngayong nandito na sila, pinaupo siya sa isang kahoy na pinutol, pagkatapos, tumabi si Pyramus. Medyo naiilang si Maximus, wala siyang imik na nakaupo. Tumingin si Maximus sa kanyang kapatid, ngunit na pansin niyang malayo ang tingin nito. Sinundan niya ang tingin nito, kaya't natagpuan niya ang puno.
"Kuya, uwi na tayo." Pakiusap niya Kay Pyramus. "Ayokong umuwi doon, galit ako Kay ama!" Pagmamaktol niya. "Pinagalitan ka ba ni ama?" Tanong ni Maximus, ngunit sa tanong na'yon parang sinasabi niyang hindi niya ito planong iiwan. "Mabuti pa, maglaro na lang tayo, diba gusto mong maglaro? Pero bago iyon, magkwentuhan muna tayo."
"Sige kuya! Galak niyang sagot.
"Nakikita mo ba yong bituin na'yon, sabi nila. Kung may isa kang bagay na gustong-gusto mong hihilingin, sabi pa nila dapat daw ay ating ihiling at isumpa sa bituin na'yon, dahil matutupad daw." Sabi ni Pyramus. "Maghihintay tayo dito ng takip-silim." Payo niya. Ayaw ding tanggihan ni Maximus ang mga payo nito, dahil ngayon lamang sila nagkaroon ng pagkakataong magkasama. Kaya't ayaw niyang sayangin ito, yon naman talaga ang gusto niya, ang magkabati silang dalawa. Habang naghihintay sila, tinanong ni Pyramus si Maximus kung ano ang pangarap nito sa buhay.
"Ano ba ang gusto mong mangyari sa buhay mo kapag malaki kana? Dahil ako, gusto Kong maging hari." Sabi ni Pyramus. "Gusto Kong maging pinuno! Sasakupin ko lahat ng mga kalaban ni ama!" Taos-puso niyang sigaw.
"Kuya, gusto ko ding maging hari, paglaki ko! Gagayahin ko si ama." Masiglang sagot ni Maximus. Ngunit biglang nagalit si Pyramus.
"Ano!" Sigaw niya. "H-hindi pwede!" Protesta niya. "Bakit ba lahat ng gusto ko, gusto mo ring angkinin? Lahat na lang ba? Bakit hindi ka maghanap ng iba, na hindi ko gusto?" Maghanap ka nga ng iba! Masungit niyang utos.
"Y-yan naman talaga ang gusto ko, kuya." Mahinahon na bati ni Maximus. "Palibhasa kasi, pinupuri ka ni ama, kaya gusto mong gayahin siya, e samantalang ako parang anino lang, walang puwang!" Inis na sabi ni Pyramus. Ngunit denedepensahan parin ni Maximus na Mali ang pinag-iisip ni Pyramus. "Hindi naman Sa ganun, kuya. Ginagawa ko lang ang makakabuti! Malungkot ang ama natin, kaya't pinapasaya ko lang siya."
"Ang ibig mo lang sabihin, nagdedeskarte ka lang!" Inis na sagot nito. "Bahala ka sa buhay mo! Pero tandaan mo ito, ang ayaw ko sa lahat, yong may kahati!" Banta niya.
"Kuya naman e, bakit ba masyado kang pabugso-bugso sa iyong gusto? Hindi natin hawak kapalaran. Akala ko ba, maglalaro tayo?"
"Ayoko na, maghihintay na lang tayong lumubog ang araw." Sabi ni Pyramus pero unti-unti na ring naglalaho ang inis at pagkapoot nito. Napansin ni Maximus ang isang kakaibang kuwago na kanina pang nakatingin sa kanila, at ang kulay ng balahibo nito ay puti. May kakaiba sa kuwago.
"Kuya, tingnan mo o, may puting kuwago!" Sabi ni Maximus na mukhang may gitla. "Ibon lang yan." Pagpapagaan nito sa kapatid. Natahimik na lang siya, pero hindi niya inialas ang tingin sa kuwago.
"Hayan na! Handa ka naba?" Tanong niya. "Tamang-tama, lumalakas na ang sinag nito. Sige sabay tayong magsumpa." Pumikit sila at humiling ng taimtim.
Ilang minuto, iminulat nila ang mga mata nila. Subalit sa hindi inaasahan, dumating ang isang malaking kidlat, at dagundong ng kulog. Pagkatapos, yumanig ang lupa. Biglang humangin ng malakas at nagkaroon ng makapal na hamog ngunit wala silang alam kung saan nanggaling ang malamig na hamog na'yon. At uminit naman ng bigla ang kapaligiran na parang nangangapoy ang lupa, nakakapaso ang mga damo kahit walang apoy. At naging putik ang inaapakan nila. Palalim ng palalim ang inaapakan nila, ngunit nagkabitak-bitak ang mga ito ng biglang natuyo ang putik. Nagsilitaw sila sa hangin, ngunit pakiramdam nila nalulunod sila sa kailaliman ng katubigan.
Nakita nilang umaapoy ang puting-kuwago, mula sa mga mata nito'y kumalat sa buong katawan nito, at pagkatapos, lumipad papunta sa kanila. Nahati ito ngunit hindi na anyong kuwago kundi matulis na apoy at sumugat sa braso nilang dalawa. Ngunit ng masugatan sila ang kulay ng apoy ay nagbago. Kay Maximus ay naging asol, at Kay Pyramus ay naging dilaw ngunit sa sobrang lakas naging matinkad na pula hanggang lumalabas ang maitim na usok. Pumasok ito sa bunganga nila at nawalan sila ng malay na parang kinuryente ng malakas na halos makapatay-hininga. Nahimatay silang dalawa at hanggang doon na lang tumigil ang alaala nila.