Hinila ko ang kamay ni Yuhan tapos naglakad kaya napapasabay siya sakin tapos binuksan ang pinto at binalibag siya sa loob emes...sympre hinayaan siyang sumakay pag katapos dahang dahang sinara ang pinto yung tipong para siyang prinsesa saka sumakay na at nag drive tinanong ko siya kung saan kami kakain sabi niya sabahay daw niya.
"Huh? Seryoso sa Condo mo?"- tanong ko.
"Oum sabahay na tayo para my privacy saka baka makita pa tayo ni Zaila susugurin pako"- saad niya. Ng makarating na kami agad kami pumasok at sumakay ng elevator ng makarating na kami sa condo niya nag taka si Yuhan.
"Huh? Bakit Ganito?"- takang saad niya.
"Bakit?"- tanong ko
"Parang may taong gustong pumasok sa loob"- saad niya.
"Meron nga ata at ako yun!!"- saad ng babaeng boses sa likuran namin.
"Zaila?!"- sabay naming saad ni Yuhan.
"Mga haliparot kayo!!!ikaw na bakla ka ayaw mo talagang tantanan ang asawa ko! Hayop!! Ka!!"- galit na galit na panduduro ni Zaila kay Yuhan.
"Stop! Zaila! Umalis kana dito! Tapos na tayo at isa pa wala namang naging tayo!"- saad ko.
"Kasal padin tayo Kevin!!kaya hanggat kasal tayo may karapatan ako sayo!!"- saad ni Zaila.
"Ito pa Kevin hinding hindi ako titigil! Sisiguradohin kong hinding hindi kayo magiging masaya dalawa!"- pahabol niyang saad at tuloyan ng umalis. Pumasok na kami ni Yuhan at nakita ko siyang wala sa sarili.
"Yuhan ok kalang?"- tanong ko sa kanya.
"Sumusubra na talaga si Zaila! Kinuha na nga niya lahat sa inyo tapos ito pa siya hindi kapa niya pakakawalan."- saad ni Yuhan.
"Alam ko naman na gagawin niya yun, kasi alam kona kung bakit siya nag kakaganyan. Dahil daw naging parte ng nakaraan ko siya or may past kami kaya siya gumaganti sakin."- saad ko.
"Siguro nga baka may iba siyang sekreto na di mo alam!"- saad niya na pinag tataka ko.
"Huh? Sekreto ano naman yun?"-tanong ko sa kanya.
"Saglit! "- saad niya at may kinuha sa drawer isang invelope at binigay sakin.
"Ano to?"
"Buksan mo kasi panu mo malalaman kung titigan mo lang "- saad niya at napatawa ako.
Pagbukas ko laking gulat ko sa nakita ko mga papeles tungkol sa pagpapalit ng pagkatao at mga illegal activities nila Zaila.
"Yuhan saan moto nakuha? Diba sabi ko sayo ako nabahala sa ganito?"- tanong ko sa kanya na may pag alala alam ko kasi pag nalaman nila Zaila ito siya ang popontiryahin ng mga yun.
"Matagal kona yan nakuha nung nakita ko ang isang link sa fb ko about dun sa vaginoplasty"
" pero bakit ngayon mo lang sinabi sakin to pano kung nalaman ni Zaila ang tungkol sa pag imbestiga mo sa kanya maari kang mapahamak Yu!"- saad ko sa kanya.
"Magaling ang investigator na nakuha ko kilala siya ni Mico kaya safe yun saka malapit na ang events ng awardings ng lahat na sikat na business man and women siguradong kasama dun si Zaila yun ang oras para ibonyag ang totoong siya para matapos na nag kasamaan niya."- mahabang saad ni Yuhan.
"Ngayon na may ibedensya natayo mababalik na satin ang kompanya."- saad ko at niyakap siya.
"Salamat Yuhan sa tulong mo!"- malambing na saad ko sa kanya.
"Alam kong kailangan mo yan kaya ko ginawa kahit sa anong bagay tutulong ako basta para sayo"- saad niya. Hinwakan ko ang magkabilang mukha niya sabay hinalikan ang ang mga labi niya. Hanggang sa gumanti siya sa mga halik ko at patuloy kaming nag iispadahan ng mga dila sa isat isa, amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga at matamis na labi hanggang ngayon wala padin kupas at pag babago sa mga labi niya. Kay sarap padin itong halikan napakalambot. tinigil namin ang paghalik ng tumunog ang tyan niya. Kaya natawa kami.
"Sige na nga magluluto nako!"- saad ko.
"Sige magbibihis lang ako"- saad niya ng tinanguan ko lang at pumunta na ng kusina. Gaya ng dati malinis at maganda padin ang kusina niya maalaga talaga siya sa gamit at bahay kaya ko siya nagustohan dahil sa katangian na meron siya. Hinanda kona ang mga lulutoin ko saka inompisahan na ang pagluluto. Makalipas ng ilang minuto handa na ang pagkain at saktong bumaba na siya.
"Wow! Ambango!"- saad niya.
"Adobo yan favorite mo tara na lets eat"- saad ko. Kay umupo na siya nilagyan kona siya ng kanin at ulam saka kami nagsimulang kumain.
Zaila's pov.
Akala ba talaga nila titigilan kona sila nag kakamali sila dahil gagawin kong impyerno ang buhay ng bakla nayun! Sisiguradohin kong babalik siya ng isla kung saan siya nararapat!
"Ito na ang oras para pahirapan si Yuhan policarpio take him dalhin niyo siya sakin!"- utos ko sa mga tauhan ni daddy.
"Zailo! Anu tong ginagawa mo anak! Malapit na ang awarding baka masisira ang lahat ng pinaghirapan natin!"- saad ni Daddy na nakakarating lang.
"Lilinisin ko muna ang mga balakid sa plano ko para tuluyan ng maging akin si Kevin!"- saad ko kay daddy.
"Anak hindi na tama to wala sa plano ang pumatay!"- saad ni daddy.
"Wala sa plano ang pumatay dad! You killed Kevins Grandfather Right?"- saad ko kay daddy.
"Pinag sisihan kona yun! anak plss stop this!"- saad ni daddy
"Big" NO" dad!! Hindi sila pweding maging masaya! "- saad ko kay daddy sabay nilisan ang kwarto upang makaiwas sa kanya. Alam kong hindi ako tatrydorin ng daddy ko kasi sa kanya ako nag mana.
Yuhan's pov.
Matapos namin kumain ni Kevin biglang tumawag ang. Secretary ko at sinasabi niya na kailangan daw ako sa office i donno pero need daw gustong sumama ni Kevin but i exist na wag na at sakto namn na my meeting siya sa new client nila. Pag dating ko ng office halos wala ng tao pero bakit ako pinapatawag dumiretso ako sa opisina ko at dun ko na laman ang totoo.
"sino kayo? Anung kailangan niyo?" saad ko I saw Mico na puro pasa ang mukha yung secretary ko ay nakahandusay.
"pinatay niyo siya?" - turo ko kay bea.
"Oo papatayin din namin tong lalaki nato pag hindi ka sumama samin!" - saad ng isang lalaki na naka bonet.
"wag kang sumama tumakbo kana!!" - sigaw ni Mico pero pinalo lang siya ng baril sa mukha upang manahimik siya.
"Wag! Niyo siyang saktan!! Sasama nako!" - saad ko.
"Wag!! Mapapahamak kalang umalis kana!" - saad ni Mico pero ayaw ko siyang mapahamak kahit anung mangyari ako lang wala ng dapat pang madamay. Ngunit sa pagkakataong ito wala ng laban si mico kasi bogbog sarado na siya. At dinala nako ng mga lalaki ito tinakpan ang mata ko at sinakay sa van.
Mga ilang minuto lamang ay huminto na ang van at binaba nila ako tinannggal ang piring ko sa mata at nakita ko ang isang mansion na halos lahat ay glass window.
"kamusta Yuhan?" - saad ng babaeng nakaitim na lumabas walang iba kundi si Zaila.
"anu ba kailangan mo bakit mopa sinaktan si Bea at si Mico?" - tanong ko.
"sinaktan niyo ba? Baka naman kasi matapang pa!" - saad ni Zaila.
"bakit moba to ginagawa. zaila?"
"dahil kay Kevin layuan mo si Kevin Yuhan kung Hindi pamilya mo ang ipapahuli ko sa mga tauhan ko!" - saad ni Zaila.
"wag mong idamay ang pamilya ko Zaila lalayuan ko si Kevin pero tigilan mo ang pamilya ko!" - saad ko sa kanya.
"Cge madali ka naman pala kausap ei kung di dahil kay daddy patay kana ngayon buti nalang may kabaitan pako ihatid niyo nayan!" - saad nito sabay utos sa mga taohan niya.
Binalik nila ako sa van nilagyan ng piring ang mga mata ko saka umalis sa kalaggitnaan ng byahe bigla nila hinito ang van sabay tulak sakin palabas at umalis pagkatapos dali dali kong tinanggal ang piring ko at buti nalang alam ko yung lugar at biglang my humintong kotse walang iba kundi si Kevin.
"yuhan are you ok?"
"bitiwan muko wag muko kausapin simula ngayon!" - saad ko sa kanya.
"what the hell Yuhan anu nanaman to?" - itanong niya.
"Itanong mo jan sa Zaila mo sa oras na idamay niya ang pamilya ko ako mismo ang papatay sa kanya!." - saad ko at umalis iniwan ko siya na tulala at walang naiintindihan. Tumawag ako ng kotse at agad akong nagpadala sa condo ko. Hanggang ngayon paulit ulit padin sa isip ko ang mga sinabi ni Zaila. Kaya napapaiyak ako hindi ko kakayanin pag nadamay ang kapatid at magulang ko sa gulong pinasok ko! Hindi to maari hindi ko hahayaang manyari yun.
ISLA
Written by:
LEMONPENSNOTE