Yuhan's pov.
Andito ako ngayon sa isang mamahaling resto. Nag aantay sa aking kleyente. Dahil sa subrang init nag order ako ng kanilamg best seller daw na Lemon Juice at sakto naman sa panahon na subrang init. Uminom ako gamit ang straw ma agad ko namang nakita si Kevin kasama si Ziala. At ang kinagulat ko papunta sila sa pwesto ko.
"Ng aasar ba siya?"- tanong ko sa sarili ko ng makalapit na sila agad akong tumingin sa malayo.
"Excuse me are you Mr. Policarpio?"- napatingin ako sa nagsalitang babae sa harap ko. Dahil awkward sa feelings nagpakaplastik nalang ako baka sakaling gumana.
"Yes i am how may i help you?"- tanong ko na may plastik na ngiti.
"Ahh ok i am Mrs. Guerrero and this is my husband Mr. Kevin Guerrero we are company owners of Zailerra Flowershop who wants to invest to your company Isla del Valley flowers garden."- mahabang litanya niya. Samantalang ako ay tamang tango lang ng tango at ang pinaka ka naiinisan ko ay si Kevin na nakangiti. Sa tabi nito habang nakatitig sakin.
"Grabi di naman ako na inform na kayo pala ang client ko!"
"Yes im sorry dahil secretary ko lang yung kumausap at nakipag negotiate sayo"- saad ulit niya.
"Hindi its ok lang but next time make sure na kayo na mismo ang kakausap sa amin. By the way thank you i'll inform you kapag pumapayag na kami. Sa dami kasing gusto kumuha sa asawa niyo! Este sa amin ei baka pipili nalang siguro kami."- saad ko sa kanya.
"I hope na mapili kami gusto ko kasi yung mga bulaklak niyo!"- nakangiting saad niya. At nginitian kodin siya, Natapos ang meeting namin na awkward padin kaya ako na ang naunang umalis sa kanila.
Dumiretso nako sa mga branch dito syudad. Nagulat ako sa bumungad sakin isang special na pagbati mula sa empleyedo at kapwa ko entrepreneur.
"Congratulations!! Yuhan Policarpio for being a new CEO of Isla del Valley Company"- basa ko sa nakalagay sa tarpaulin at kasunod nun yakap at halik mula sa matataas na officials.
"Thank you po sa Tiwala pangako po na palalaguin at pauunlarin natin ang Isla del Valley"- saad ko at nagpalakpakan silang lahat. Matapos nun pinakita sakin ang sarili kong opisina. Napakaganda, diko akalain dahil sakin naging maunlad ang isla. Ngayon my sarili nang kompanya dito sa syudad. At marami ng tourista ang pumupunta dito. Maya maya may kumatok sa pinto ko.
"Pasok!"- saad ko ng makapasok na siya ay tinignan ko ito at laking gulat ko ng.makita ko si Kevin sa harap ko.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Bakit kaba laging kinakabahan pag na saharap muko?"
"Ei kasi baka may makakita satin?!"- saad ko sabay tayo at sinara ang pinto.
"Bakit anu naman kung makita nila pareho naman tayong lalaki? Anless kung may gagawin tayo."- saad niya sabay lagay ng dalawang kamay nya sa mesa at napasandal ako sa mesa na ngayon ay napagitnaan na ng kanyang mga bisig na maskulado, nilalapit niya ang kanyang mukha sakin dahilan upang maamoy ko ang pabango niya at mabango niyang hininga.
"Tumigil ka nga!"- saad ko sabay tulak sa kanya.
"Tama nga ako may nararamdaman ka nga sakin!"- saad niya.
"Wala matagal nayun nung hindi kapa kasal!"
"Sana pwede pang ibalik yung dati"- saad niya sabay yuko ng mga ulo niya.
"Alam ko na mahirap sayo to pero alam mong magtatagpo at magtatagpo padin tayo dahil magkatrabaho na tayo ngayon!"saad niya sabay alis at binuksan ang pinto.Napaisip ako sa mga sinabi niya.
" magkatrabaho? "
Kevin's Pov.
Matapos ng meeting di ako mapakali dahil sa mga banat niya sa asawa ko. Ang sagwa man sa pakiramdam pero wala ako magawa,
Asawa ko siya sa mata ng lahat ,sa papel maging sa batas. Ang hirap pero kailangan gawin. Kaya pa man pumunta ako sa Isla del valley company, para ei congratulate siya pero hindi nako nakaabot kaya umakyat nalang ako ng opisina niya, at kumatok ng makapasok ako nagulat siya natataranta yun naman ang lagi niyang reaction para bang kabet ko siya. At napapangiti ako kapag ganun siya. Nararamdaman ko kasi na mahal niya ako. Tinanong niya ako ng mga tanong at sinagot ko naman siya bukod don tinest kopa siya ngunit tinulak niya alang ako pero mas napaiisip siya sa mga sinabi ko bago ko nilisan ang opisina niya.
Andito kami ngayon sa conference room kung saan nakaupo ang mga shares holders ng isla de valley at GG Company.
"Lets welcome our president Mr. Kevin Guerrero of GUERRERO GROUPS OF COMPANY. At ang nag iisang Hidden Investors of ISLA DE VALLEY GROUPS OF COMPANY."
Tinignan ko ang reaction niya at nagulat siya, sa mga narinig niya. At nakatitig lamang siya sakin na para bang papatayin niya ako ng mga ilang sandali.
"Gusto ko lang ei Congratulate ang New CEO ng ISLA De Valley Mr. Policarpio Congratulations!"
"Thank you Mr. President"- peke niyang saad at mas lalo akong ginaganahan kaya tinanong ko siya.
"Kamusta ang Isla?"- saad ko
"Ok naman po ang isla bali nag iimproved naman po lahat mas lalong naging maganda at sigurado po kami na lahat ng kailangan niyo ay ma poprovide po namin."- saad niya.
Natapos ang meeting ng mag ilang oras. At habang naka upo ako sa opisina ko bigla siyang pumasok.
"What is all about? Kevin?"- tanong niya.
"Bakit tumutulong lang ako?!"
"Sorry pero ayaw ko maging CEO!"
"Tatanggihan mo ang Isla?"
"Wow so ginagamit mo ang isla para lumago ang kompanya mo?"
"Kaya pala naging maunlad ang isla dahil sayo!"
"Pero idea mo yun! Ginawa ko lang ang dapat at tumulong sa taga isla. Masama bayun?"
"Oo masama yun kasi ayaw mo kami tigilan! Kevin ano ba! Pag nalaman ng pamilya mo ang nararamdaman mo sakin masisira lahat ng pinaghirapan mo at maging ang isla."- saad niya sakin.
"Gusto lang naman kita makasama pero tinutulak moko palayo! Na para bang may sakit ako!, ganun moba talaga ako kinamumuhian para kalimotan mo lahat ng pinagsamahan natin sa isla?"- mga tanong na nalumbas sa bibig ko na ngayon ay nagpatulo ng mga luha ko.
"Gusto ko lang naman ulit maranasan yung magkaroon ng pamilya na masasandalan at maiintindihan ang nararamdaman ko,"- saad ko ulit sa kanya.
"May pamilya ka Kevin may asawa ka na mas ok na sa kanila mo efucos ang sarili mo, cge di nankita pipigilan sa pagpunta samin pero sana kalimotan mona ang nararamdaman mo sakin."- saad niya sakin
"Hindi ko kaya! Mahal na mahal kita yuhan?"- saad ng mga labi ko dikta mula sa puso ko.
"Pero sorry Kevin ayaw kong masira at makasakit ng tao lalo na sa relasyong meron tayo na mahirap tanggapin ng lahat, mas mahalaga na kalimotan mo nalang ako!"- saad niya na nagdurog ng puso ko akala ko yun na ang pinaka masakit pero hindi papala. Dahil may pinaka masakit pa pala dun.
"Mahal mo ba ako?"- saad ko na kahit mismo ako di makapaniwalang itatanong ko iyun sa kanya.
"Hindi! kahit kailan hindi ako magmamahal ng kapwa ko lalaki!"- saad niya at naglakad na paalis. Mas naguho ang mundo ko di mapakapaniwala at di inaasahang sagot na siyang papatay ulit sa puso ko. Ang huling narinig ko nalang ay ang pagsara ng pinto ng opisina ko.
Napasamo ako sa mesa at sunod sunod na pagpatak ng luha ko, hanggang sa umikbi nako dahil diko na mapigilan. Sana pala diko na siya tinanung mas masakit pala pag mismong siya na ang nagsabi sana tinanggap ko nalang noon edi sana di ako lalong nasaktan ngayon.
Someone's pov.
Matapos mag usap ng dalawa lumbas si Yuhan at sumandal sa pinto at sunod sunod na pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Di niya akalain na masasabi niya iyon. Mahal na mahal niya si Kevin pero maraming masasaktan pag hinayaan niyang kainin sila ng maling pagmamahal mas mahihirapan sila dahil may asawa na ito. Kaya subrang sakit para sa kanya ang bitawan muli ang taong mahal na mahal niya parang bumalik muli sila sa nakaraan kung saan muli nanamn nilang pakawalan ang isat isa. Naglalakad si Yuhan sa hallway ng kompanya ng masalubong niya si Zaila.
"Yuhan! are you ok?!"- saad ni Zaila.
"Oum na puying lang ako"- sagot ni Yuhan.
"Babe!"- sigaw ni Zaila sa likuran niya.
"Zaila!" - but ka nandito?
"Gusto lang kita bisitahin dito sa Isla d valley unfairness ang ganda dito unique ng mga design." Saad ni Zaila habang naglalakad sila papunta sa opisina ni Kevin. Tinitignan sila ni Yuhan. pabaling baling si Kevin ngunit tuloyan ng nilisan ni Yuhan ang area. Naiingit siya dahil maswerte si Zaila kaya niyang ipagsigawan sa lahat na mahal niya si Kevin. Inisip niya pano kaya kung naging babae siya? Si Kevin parin kaya ang Nagugustohan niya?.
ISLA
Written by:
LEMONPENSNOTE