Unduh Aplikasi
15% ISLA (BL Series) / Chapter 3: CHAPTER 2: Sunrise and Sunset

Bab 3: CHAPTER 2: Sunrise and Sunset

Kevin's pov.

"Ito unan at kumot dun kana sa sahig may nilagay akong malambot na higaan dun"- saad sakin ni Yuhan.

"Alam mo? Maswerte ka?"- biglang tanong ko.

"Huh?,bakit naman ?"- sagot niya sakin.

"Kasi may mayaman at tunay kang pamilya"

"Anung mayaman ei mahirap lang kami no!"- sagot niya sakin.

"Mayaman kayo mayaman sa pag mamahal, di naman kailangan ng pera o mamahaling gamit o malaking bahay para matawag na mayaman. Oh tara matulog na tayo"- saad ko at iniwan siyang tulala.

Sa Mundo mahalaga ang pera para sa mga mayayaman na gaya namin. Kasi yun lang ang tanging bagay na nagbibigay samin ng saya. Pero dito sa isla at sa pamilyang nakikilala ko? Hindi mahalaga sa kanila ang pera dahil sa tunay na pagmamahal nila sa loob ng bahay at sa pamilya nato nagiging masaya na sila. Nagising ako ng may naramdaman akong ingay. Minulat ko mga mata ko nakita ko si Yuhan na naglalakad pa labas ng kwarto bumangon ako at sinundan siya. Nakita kong inaayos niya ang lambat.

"Ohh but ang aga mo nagising?Nagising ba kita?"- tanong niya sakin.

"Hindi sadyang ganun lang talaga ako magising"-nauutal kong sagot.

"Tumigil ka alam kong antok kapa bumalik kana dun at matulog inaayos ko lang tong lambat ni papa para mamaya ilalagay niya nalang sa dagat."- paliwanag niya sakin.

"Cge tulongan na kita di na rin naman ako makabalik sa pagtutulog"- saad ko sa kanya.

"Sigurado ka?"- tanong niya.

"Oum "-ngiti kong sagot sa kanya.

"Kevin tanong ko lang bakit gusto mo magbtravel lang? Wala kanabang magulang o kapatid?"- tanong niya sakin.

"Ok lang naman kong di mo sasagutin"- pagbabawi niya ng tanong.

"Ang totoo niyan...nag iisang anak lang ako at walang pakialam sila mom and dad sakin mahalaga sa kanila yung negosyo"- saad ko na siyang kinatahimik niya nararamdaman kong na aawa siya sakin.

"Wag mukong kaawaan..busy lang siguro sila mom and dad"- saad ko.

Matapos namin gawin ang lambat dinala ako ni Yuhan sa paborito niyang lugar tuwing umaga. Sa taas ng burol may ginawa siyang upuan dun at dun narin kami umupo.

"Ito yung lugar ko maya maya makikita mo ang tunay na ganda niyan."- saad niya habang nakatingin sa tanawin na binabalot ng dilim. At unting unti na nagliliwanag dahil sa dumarating na sinag ng araw ang Sunrise.

"Diba ang gandaaa!!!"- masayang sigaw niya.

"Oo nga ang gandaaa!!"- saad ko ito ang isa sa pinaka wish kong makita kasama ang taong gusto ko pero nakita ko ito kasama si Yuhan at naging masaya ako. Nagyon lang ako nakakita ng sunrise na ganito ka ganda.

"Sabi ni papa iikot kita sa buong isla kaya ngayong araw gagala lang tayo"- saad ni yuhan.

"Bakit?"- tanong ko.

"Para malibang ka daw at makatakas nadin ako sapagsama sa isdaan hahah"- masayang sambit niya.

"Baliw ka talaga sana sinamahan nalang natin si tito?"- saad ko naman sa kanya.

Inikot namin ang buong isla maliit man ito pero puno parin ito ng kasaysayan at magagandang tanawin, at magagalang na tao may paaralan at simbahan din dito. Lahat yun pinuntahan namin at ngayon nandito kami sa isang lugar na napakaganda maraming ibat bang bulaklak ibat ibang kulay, napakaganda tignan.

"Ito yung flowers farm lahat ng tinitindang bulalak sa palengke dito yun kinukuha diba ang ganda?"- saad ni yuhan, nakita ko sa mga mata niya ang saya totoo nga may nag eexist na ganitong mundo na masaya kahit walang pera at mamahaling materyal na bagay.

"Oum ang ganda Pwede bang pumitas dito?"- tanong ko

"Oo naman kanino moba ibibigay?"- tanong niya. Pinitas ko ang isang magandang sunflowers at inabot sa kanya.

"Sayo!..pasasalamat ko kahit na di tayo magkasundo pinakita mo padin ang ganda ng isla at sinamahan moko."- saad ko sa kanya na nakangiti.

"Ano kaba ok lang yun...masaya kaba?"- tanong niya sakin.

"Oo naman masaya ako sa dami ng pinakita mo sakin na magagandang bagay at katangian dito sa lugar no!"- saad ko.

"May isa pang di ako pinapakita sayo at tara malapit na dumating yun bilis!"- saad niya at hila hila ako patakbo. Hanggang sa makarating kami sa dalampasigan kung saan kami unang nagkita. Napahinto ako sa nakita ko ang isang malaking araw na unti unting papalobog at tinatawag na Sunset.

"Ang ganda "- saad ko umupo kami at inaantay ang paglubog ng araw.

"Yuhan ano ba pangarap mo?"- tanong ko sa kanya.

"Simple lang naman ang pangarap ko ang makapag college at mabigyan ng magandang buhay sila mama at papa."- saad niya habang nakatingin sa papalubog na araw.

"Bakit di ka mag college?"

"Wala kaming pang college"- saad niya.

"Ayaw kong iwan sila mama masaya nako sa kung anu meron kami."- saad niya ulit. Napangiti ako, isa siyang mabait na bata, mabuting anak sa mga magulang at kuya sa mga kapatid niya.

"Ikaw Kailan ka uuwi sa inyo?"- tanong niya.

"Pag nahanap kona ang gamit ko!"- saad ko sa kanya.

"Ahhh...gusto mo hanapin natin bukas?"- tanong niya.

"Kahit ako nalang saka ayaw kitang abalahin"- saad ko

"Hindi naman gusto ko lang tumulong,"- saad niya.

"Sige ba..kapag nauna kang makarating sa bahay"- saad ko sabay takbo.

"Apakadaya mo!!!anatayy!!"- sigaw niya at hinabol ako.

Na realize kona sa buhay mahalaga padin ang pera para sa kanila pero hindi para maging masaya kundi para maabot ang pangarap nila at mabigayan ng kinabukasan ang pamilya mga laging sinasabi nila mom at dad pero di gaya nila na mas sinasanto ang pera kisa sa pagmamahal sa pamilya. Bawat pagmamahal sa pamilya iba iba ang kahulogan mayaman o mahirap may sarili silang pinaglalaban at pinaniniwalaan. Pagdating sa pamilya ko ang pagmamahal sa kanila ang mabigay ang mga luho ko kaya nabuhay akong ganito maswerte pero sa mga kagaya ni Yuhan na pinagkaitan ng meron ako pati kinabukasan niya mawawala narin sa kanya. Gusto ko siyang tulongan at sana di yung maging masama sa kanya.

"Kevin!!!..nauna nako!!."- sigaw ni Yuhan napapangiti ako talagang kabisado niya ang lugar sa bilis ko pero na una padin siya.

"Grabii ambilis mo nag shortcut ka?"- tanong ko sa kanya.

"Sympre!!!ako pa kabisado ko tong lugar so ano? Sasama nako?"- saad niya.

"Hindi!"- saad ko ng ikinainis niya.

"Ang dayaa mo!!sabi mo sasama ako? Pag nauna ako?"- tanong niya sakin habang papasok kami ng bahay.

"Kamusta ang pag iikot sige na magpahinga na kayo at kakain na tayo"- saad ni tita.

"Ok naman po tita grabii ang ganda pala dito tita. salamat po"- saad ko.

"Walang anu man iho sige na magpahiga kana at maya maya kakain na tayo."- saad ni tita.

Habang nagpapahinga ako napag isip isip kong kailangan kona mahanap ang gamit ko para makatulong nako dito. Mga ilang sandali tinawag na kami para kumain. Gaya ng dati nakakatuwa padin sila pag kumakain maingay pero masaya.

"Uyy but dika pa natutulog iho?"- saad ni tito ang papa ni Yuhan.

"Nag iisip lang po ako kung saan na napunta ang gamit ko tito pwede bakong sumama sa inyo sa pangingisda bukas? Gusto kona din makita ang gamit ko para makatulong naman ako sa inyo dito"- saad ko

"Nakong bata ka sige na matulog kana para maaga tayo bukas"- saad ni tito

"Cge po tito mauna kana susunod po ako goodnight po"- saad ko at tinapik ako sa balikat para sabihin ok lang.

Nagugustohan kona dito parang ayaw kona umalis pero nakakahiya. Nakakahiya kasi wala ako naiitulong kaya ngayon kaylangan kong tumulong. Masaya ako dahil sa kanila ako napunta na may mabuting puso at may pagmamahal sa mga anak sila yung mga magulang na dapat biyayaan ng magandang buhay ngayon alam kuna kung bakit ganun ang pangarap ni Yuhan para sa magulang at kapatid niya dahil mabubuti silang tao na may pagmamahal sa kapwa. Dahil malalim na ang gabi napag isip isip kung matulog na kaya paman pumasok nako. Habang naglalakad ako papalapit sa pinto ng kwarto bigla akong napatid at sakto namang biglang bumukas ang pinto at lumabas si Yuhan at and ending? Na bagsak kami na nakapatong sa isat isa at Dumikit ang mga labi namin dalawa. Tumagal ng ilang sigundo bago kaming nataohan.

ISLA (BXB Story)

Written by: LEMONPENSNOTE


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C3
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk