Unduh Aplikasi
71.42% Kiss Of The Rain / Chapter 5: VACATION

Bab 5: VACATION

MAKALIPAS ang isang linggo ay nag-impake na ng mga gamit si Celestine. Kakatapos pa lang niyang gawin lahat ang mga papeles sa opisina niya nung nakaraang linggo bago siya dumiretso sa Condo niya. Kaunting gamit lang naman ang dadalhin niya kasi isang buwan lang naman siya magbabakasyon.

"Hindi ka ba talaga sasama sakin? Para naman may kasama ako dun. Saka para mapasyalan mo rin ang mga lugar dun." Tanong niya sa pinsan na nakahiga na sa kama niya nang lingunin niya ito.

Gusto daw kasi nitong makita siyang umalis sa Condo niya para daw masiguro na totoo ngang aalis siya para magbakasyon na tinawanan niya lang. Kalaunan ay naniwala rin naman ito.

"Hindi na. Gustuhin ko man Sis pero hindi pwede kung hindi rin naman kasama yung boyfie ko. Busy kasi yun sa work niya, eh ayaw ko naman siyang iwanan kasi baka mamiss ko lang siya. And of course, naisip ko rin na you need to be alone. Besides, you should go anywhere you want, think about something that really makes you happy until you decide which path you wanted to choose to step forward for a new beginning. Para pagbalik mo dito, everything is fine." Napag-isipan rin niya iyon dati. Buti na lang ipinaalala sa kaniya ni Carlie na kamuntikan pa niyang makalimutan.

"Parang nabasa ko na ang katagang iyon ah?" Lumabi naman ito sa sinabi niya at ikinumpas ang kamay sa ere saka umiling-iling.

"Ikaw naman , apaka-judgmental. Huyyy, sariling qoutes ko kaya yon noh. Wag ka ngang epal dyan. Palibhasa kasi hindi ka marunong gumawa ng sarili mong qoutes." Paglalabi nito na nginitian niya naman ng may panunukso.

"Wow, ako pa talaga? Eh nung nag first year high school ka nga, sakin mo pa pinagawa yung love letter mo para sa crush mong haliparot. Sabi mo pa nga sakin nun, ''Sis, gawan mo naman ako ng matamis at malaromansang love letter," Ginaya pa niya ang pananalita nito at humagikhik. "Buti nga hindi napansin ng crush mo na ako yung nagsulat nun. Kung hindi—"

"Kung hindi siguradong sa iyo maiinlababo ang haliparot. Naku, wag mo ngang banggitin pa ang manlolokong haliparot na yun. Naiinis lang ako pag binabalikan iyon eh." Hindi naman mapigilan ang tawa niya dahil sa panunukso rito na halos mamula na sa inis.

"Umalis ka na nga! Dapat may lovelife ka na pagbalik mo ah? Much better pa nga kung pagbalik mo kasal ka na!" Panunukso nito na agad namang nawala ang tawa niya saka lumabi sa pinsan. Ito naman ang ngumisi na may panunukso ang tingin.

"Tumahimik ka na nga dyan. Aalis na ako. Yung Condo ko ayusin mo. Bantayan mo palagi." Saka na niya pinagulong ang maleta niya at umalis sa silid niya.

Ilang oras ang binyahe niya papuntang Batangas. Nagtaxi lang siya dahil ayaw niyang magmaneho. Umidlip muna siya saglit ngunit agad namang siyang nagising. At dahil malayo pa ang binabyahe niya at wala siyang ibang magawa ay nagtipa na lang muna siya sa cellphone niya. Malapit nang maubusan ang baterya ng phone niya ngunit sapat pa iyon upang magamit niya.

Ginawa niya ang pagsaliksik sa internet patungkol sa Resort na pupuntahan niya sa Batangas. Maganda nga talaga ito mula sa nakikita niyang mga litrato. Sa palagay naman niya ay walang gugulo doon sa kaniya lalo na si Harold. Iyon din naman ang isa pa niyang rason kung bakit gusto niyang lumayo saglit, upang hindi makita ang ex-boyfriend niya na palagi na lang siyang ginugulo.

Nang makarating na siya sa Resort ay tumungo kaagad siya sa admin at may tinatanong rito. Agad naman siyang inasistahan patungo sa cottage na tutuluyan niya. Nang makarating nga sila sa cottage niya ay pumasok na siya roon. Naupo siya sa kama at binuksan ang phone na sa mga oras na iyon ay ubos na ang baterya. Buti na lang ay nahanap niya agad ang saksakan kaya chinarge niya na ang phone.

Gabi na rin siya nakarating sa resort at wala pang kain simula kaninang umaga kaya nakaramdam na siya ng gutom. Kaya lumabas siya sa cottage niya upang tumungo sa isang malapit na kainan. Matapos niyang kumain ay bumalik na rin kaagad siya sa cottage na tinutuluyan niya. Bago matulog ay naghilamos muna siya pagkatapos ay tinanggal sa saksakan ang phone niya.

Pagkagising niya kinabukasan ay kinusot niya ang mata dahil sa nakakasilaw na liwanag na tumatama sa mukha niya mula sa repleksyon ng araw sa bintana. Humikab siya at nag-inat ng katawan bago bumangon. Pagtingin niya pa lang ng oras sa cellphone niya ay saktong alas Otso na ng umaga.

Napangiti siya nang mapansin ang oras ng gising niya ngayon. Ngayon pa lamang siya nagising ng maaga sa ganung oras. Nakaramdam siya ng kaginhawaan sa mga oras na iyon. Nangingiting lumapit siya sa beranda at pinakiramdam ang sariwang hangin na dumadampi sa kaniyang balat.

"Good morning, Sunshine!" Ngayon pa lang niya ulit nasambit ang katagang iyon matapos ang ilang taon. Sinasabi niya lang kasi ang katagang iyon sa tuwing maganda ang gising niya kapag lilipas ang umaga.

Hindi niya alam kung bakit niya iyon muling nasambit gayung matagal na niyang pinaalala sa sarili na hindi na niya muling sasambitin ang katagang iyon gayung wala na ang taong dahilan na naging maganda ang gising niya sa tuwing umaga at magsasabi ng katagang iyon sa pagmulat niya ng mga mata. Ang kaniyang ina na matagal nang namayapa sampung taon na ang nakakalipas.

Ngunit sa mga sandaling iyon ay wala siyang kaalam-alam kung bakit niya iyon nasambit. Masyado siyang masaya at kontento sa mga sandaling iyon. Ang mahalaga lang sa kaniya ay maginhawa na muli ang kaniyang pakiramdam at payapa na ang kaniyang isip. Hindi niya maitatanggi na ngayon pa lang niya ulit naramdaman iyon matapos ang ilang taon. Ganun pala ang pakiramdam pag walang inaalalang mabigat sa kalooban at pag walang gumugulo na hindi maganda sa isipan. Tila naging maayos na ang lahat sa kaniya, walang mabigat at higit sa lahat ay payapa siya.

Dahil malapit lang sa cottage niya ang dalampasigan ay madali lang niya itong mapupuntahan. Kaya hindi siya nag-aksaya ng oras, lumabas na siya sa cottage niya upang magtungo sa dagat. Hindi pa siya nakapagpalit ng damit ngunit hindi na niya iyon pinansin pa sa halip ay nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Buti na lang ay wala pang mga tao ang nakikita niya.

Dumampi na kaagad sa kaniyang katawan ang malakas na hangin. Kitang-kita at rinig na rinig niya ang malakas na alon ng dagat sa umagang iyon. Sapat na iyon upang mapangiti siya dahil sa magandang tanawin na nakikita niya.

Ramdam niya ang mabigat at malakas na pagsampal ng hangin sa katawan niya dahilan upang dumikit sa balat niya ang suot na manipis na roba. Wala pa naman siyang suot na bra kaya malamang ay nahahalata na ang pag-arko ng dibdib niya sa suot na roba.

Nabaling ang kaniyang tingin sa isang lalaki na umahon sa nag-uunahang alon ng dagat mula sa di kalayuan. Sa mga sandaling iyon ay hindi niya natanggal ang tingin sa taong palapit na ng palapit habang umaahon sa dagat at habang papalapit ng papalapit ito ay mas naaaninag na niya ang mukha nito. Bagaman wala itong suot na pang-itaas ay malaya niyang natitigan ang matitipuno nitong katawan lalo na ang anim na pandesal sa tiyan nito, sabayan pa ang kagwapuhan nitong mukha.

Kung titignan ng maigi ang hitsura nito ay hindi mapagkakailang marami ang maaring mabighani sa lalaki dahil sa gwapo na ay pa makisig pa. Pang modelo na sa magasin ang datingan nito.

Nailunok niya ang sariling laway at biglang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na init sa katawan nang lumingon ito sa gawi niya. Agad siyang tumalikod at walang lingon-likod na nagtungo pabalik sa kaniyang Cottage. Napapikit siya habang hawak-hawak ang dibdib kung saan nakapwesto ang puso niya na sa mga oras na iyon ay ramdam at naririnig niya ang malalakas na pagtibok niyon.

"Oh my gosh! Ano itong nararamdaman ko ngayon! Bakit ko ito nararamdaman?!"


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C5
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk