Unduh Aplikasi
66.66% Log In To Fantasy World Of Grimland (TAGALOG) / Chapter 4: Chapter 4 - Swamp: deepest area

Bab 4: Chapter 4 - Swamp: deepest area

Maraming uri ng halimaw ang naroon sa swamp, at iba ibang uri ng weapon ang makukuha mula sa mga halimaw. Walang impormasyon si Banri tungkol sa mga halimaw at kung anong weapon at equipment ang mada drop ng mga halimaw na iyon.

Hindi niya akalaing mahirap palang mag laro ng MMORPG games kapag totoong nasa laro na ang physical mong katawan.

Wala ring tutorial pag dating niya sa Fantasy World of Grimland, hindi gaya sa mga nalalaro niya sa Computer at playstation na mga MMORPG games na sa tuwing bago magsimula sa laro ay mayroong tutorials.

At meron din mahahanap na information sa settings at menu sa mga playstation at computer games. Pero ngayon ay wala.

Ang lahat ay para ng totoo nasa loob na siya ng laro, walang computer screen, phone screen ang namamagitan na may options ng settings at menu ng laro. At para sa kanya ay mahirap ito dahil wala siyang idea sa mechanics sa laro.

Walang kahit na anong weapon o armas si Banri, kaya naman nag iisip siya ngayon kung paano siyang papatay ng halimaw para maka kuha ng weapon. Pinagmasdan niya na muna ang ilang mga manlalarong nakikipaglaban sa mga halimaw para makakuha ng weapon.

Ang iba ay kumuha ng mga sanga ng punong kahoy at siyang pinanghahampas sa mga halimaw, kaya naman ginaya na lamang din ito ni Banri, kumuha siya ng sanga ng kahoy at tingin niya ay pupwede na iyon para makipaglabanan sa halimaw. Tingin naman ni Banri mukhang level 1 lang ang mga mobs o halimaw na naroon sa swamp.

Mabuti na lang din at hindi naman umaatake ang mga Halimaw na nasa swamp kapag hindi mo sila inunahang atakihin o masanggi, kaya naman maingat na maingat si Banri sa kanyang mga kilos at paglalakad dahil, nag iisip pa siya ngayon ng kung anong halimaw sa swamp ang aatakihin niya. Gusto niyang makakuha ng maayos na weapon, na sa tingin niya ay magagamit niya ng pang matagalan.

Kaya naman saglit pang nag lakad lakad si Banri sa paligid ng swamp, hanggang makarating siya sa deepest area ng swamp kakalakad niya, at sa parteng ito ay wala na siyang nakikitang manlalaro na umaatake sa mga halimaw, at mga mobs.

Madilim na din sa parteng ito, mahamog at malamig ang paligid, sadyang makapal din ang putik at tubig sa paligid. At ang mga halimaw o mobs ay may kakaibang hitsura na mas nakakatakot kesa sa mababaw na parte ng swamp at yung nasa bungad lang ng swamp.

Hanggang sa may nakita si Banri, doon sa labas ng isang maliit na kuweba. Isang Halimaw, at sa taas ng ulo ng halimaw naka sulat ang "Swamp Beast" level 2 marahil iyon ang tawag sa uri ng halimaw na matatagpuan sa deepest area ng swamp.

Kakaiba ang hitsura nito, mayroong itong matatalas na ngipin, mahabang dila, itim na itim ang dalawang malalaking mata nito. At may taas na tingin niya ay 6 feet.

Pilit na pinagkakasya ng halimaw ang sarili niya doon sa bukana ng kuweba ngunit sa taas nitong 5 feet ay hindi siya makapasok sa loob ng kweba.

Pinaghahampas at pinagsusuntok rin ng swamp beat ang gilid ng kuweba, dahilan para maglaglagan ang tipak ng bato mula sa kuweba.

Naririnig niya rin ang nakabibinging alingawngaw na nagmumula sa Swamp beast. At tila ba mayroong kinukuha at inaabot ang swamp beast sa loob ng maliit na kuwebang iyon.

Tingin ni Banri ay nagda drop ang swamp beast ng makalidad na weapon. Ngayon, ay nag iisip siya kung paano makakakuha ng impormasyon sa swamp beast, gayong wala namang settings ang laro.

"Paano nga kaya?" Bulong ni Banri sa kanyang sarili.

"Settings!" Sigaw ni Banri na parang tanga.

Sinusubukan niya ang kahit na anong paraan baka sakaling may lumitaw na mga letra at mga salita sa ere na naglalaman ng impormasyon pa tungkol sa swamp beast.

"Tutorial!" Sigaw niya pa ulit.

Pero walang nangyari, napakamot na lang siya sa ulo niya at halos matawa sa mga pinag gagawa niyang katangahan.

"May tao ba diyan? Tulong tulungan mo ako!" Rinig ni Banri, boses ng isang babae na humihingi ng saklolo.

Kaagad siyang nagpalingon lingon sa paligid, at inaalam kung saan ba nanggaling ang boses na iyon.

"Nandito ako sa loob ng kuweba! Tulungan mo naman ako!" Sigaw pa nitong muli.

At napagtanto ni Banri na ang pilit palang kinukuha ng swamp beast na nasa labas ng kuwebang iyon ay isang manlalarong nasa loob ng kuweba.

Gusto niyang tulungan ang manlalaro, dahil malapit ng mawasak ng swamp beast ang paligid ng bukana ng kuwebang iyon, at kapag di niya napigilan ang swamp beast baka mapatay nito ang babaeng nasa loob ng maliit na kuwebang iyon.

"Yung putik sa ilalim ng tubig, batuhin mo siya ng mga putik!!" Desperadong sigaw ng babae mula sa loob ng kuweba.

"Ano? Epektibo ba iyon?" Di makapaniwalang tanong ni Banri.

"Oo, nakita kong kahinaan niya sa swamp beast information. Pwede bang gawin mo muna! At maniwala ka naman sakin" Sigaw pa ng babae.

Hindi man halos makapaniwala si Banri ay ginawa niya na lang ang sinabi nito. Mula sa kanyang paanan ay yumuko si Banri at bumilog siya ng maraming putik sa kanyang mga kamay.

"Hoy halimaw! Akong harapin mo!" Sigaw ni Banri.

Atsaka pinagbabato niya ang Swamp beast at tinamaan ito sa likod. Galit na galit na humarap ang halimaw sa kanya at unti unting lumapit sa kanya ang halimaw. At pinagbabato niya pa ulit ito ng mga putik.

"Hoy sigurado ka bang epektibo 'to? Bakit di parin siya mamamatay?" Natatarantang sabi ni Banri.

"Oo sigurado ako!"

Kaya naman hindi tinigilan ni Banri na batuhin ng putik ang Swamp beast hanggang sa unti unti itong nanghina, bumagsak sa putikan at parang usok na naglaho, at kasunod nang paglalaho nito ang paglitaw ng isang espada sa putikan, kung saan bumagsak at naglaho ang swamp beast.

Namangha si Banri, kaaga siyang lumapit sa weapon drop ng halimaw. Kaagad naman na kinuha ni Banri ang espadang iyon at tuwang tuwa siya.

*[ You have obtained a swamp blade sword from swamp beast ]*

Lumitaw ang mga salitang iyon sa ere.

"Swamp blade sword," sambit pa ni Banri.

"Ayos ka lang?" Rinig ni banri mula sa kanyang pagkaka upo sa putikan.

Kaya agad siyang nag angat ng tingin, at nakita niya ang babae, naglahad ito ng kamay sa kanya. Pero di naman inabot ni Banri ang kamay nito, at kaagad din siyang tumayo.

Pinagmasdan niya ang babae, pamilyar ito sa kanya, hanggang sa napagtanto niyang ito ang babae sa pila, noong release ng game sa market game, yung bulag na babaeng, takot na takot nang magkaroon ng stampede at kaguluhan doon sa building.

Hindi niya akalaing matatagpuan niya ulit ang babae sa laro at sa ganitong tagpo. Hindi makapaniwala si Banri, kaya naman hindi siya nakapagsalita at nakatitig lamang siya sa maamong mukha nito.

"Ang sabi ko ayos ka lang ba?" Pag uulit ng babae sa tanong niya kay Banri.

"Ah, Oo a-ayos lang ako..." Nauutal na sagot ni Banri nang mapagtanto niyang nakatulala na pala siyang matagal sa mukha ng babae.

"Salamat sa pagligtas sa akin, kamuntikan na ako kanina."

"Ah, wala yun, dapat ako ang magpasalamat sa'yo. Kasi naka kuha na ako ng weapon dahil sa'yo."

Namamangha si Banri sa hiwaga ng Fantasy World of Grimland. Dito sa loob ng laro ay katulad niya nawala rin ang kapansanan ng babaeng bulag, at nakakakita na ito ngayon.

Para sa kanya tunay ngang binigyan sila ng pag asa ng larong ito. Na para bang nagkaroon ng mundo para sa mga tulad nilang PWD sa totoong mundo.

Hindi na sinabi pa ni Banri, na nakita na niya ang babae sa tunay na mundo, noong araw ng game release, hindi niya sinabi na siya yung lalakeng nakausap nito. Ang nagpakalma sa kanya dahil takot na takot ang babae noong araw na iyon sa stampede sa building.

Nahihiya si Banri na malaman ng kahit na sino na isang siyang lumpo sa totoong buhay, kaya naman hindi niya sasabihin sa kahit na kaninong makikilala niya sa laro ang kanyang kapansanan sa totoong buhay.

Ayon sa babae ay hinabol siya ng swamp beast, tapos na siyang makakuha ng swamp blade sword. At paalis na sana sa swamp ng matisod siya at masagi sa paligid ang isang swamp beast.

Sa taranta niya ay hindi na siya nakadampot pa ng putik at tumakbo na lang, kaagad siyang nagtago sa maliit na kuwebang iyon, pero natunton siya ng swamp beast at tuluyan na siyang na trap doon sa loob, dahil hindi na siya makadaan gawa ng nakaharang ang swamp beast sa entrance ng kuweba at pilit siyang kinukuha mula sa loob.

At Ipinaliwanag naman ng babae kung paano niyang nalaman ang tungkol sa kahinaan ng swamp beast ang putik sa swamp.

"Kailangan mo lang sabihin ang tawag sa halimaw na iyon, sasabihin mo lang sa ere "swamp beast" at lalabas ang mga impormasyon patungkol sa halimaw na iyon, may mga letra at salitang lalabas na parang hologram ang lulutang sa ere. Subukan mo," Saad ng babae sa swamp.

"Swamp beast!" Malakas na sabi ni Banri.

*[ Swamp beast ]*

*[Level 2]*

*[Location: Swamp deepest area]*

*[Weakness: Mud]*

*[Drop: Swamp blade sword]*

At lumitaw ang mga salitang ito sa ere, ang impormasyon tungkol sa swamp beast. Bagay na kinamangha ni Banri.

"Papaano mong nalaman na ganoon palang dapat na gawin para makita ang impormasyon patungkol sa mga halimaw?" Tanong ni Banri.

"Sinubukan ko lang, nag mukhang tanga rin ako, maniwala ka sa'kin, andami kong sinubukan para malaman kung paano makikita ng impormasyon ng mga halimaw na iyan, hanggang sa sinubukan kong isigaw ang katawagan sa halimaw na iyang ang swamp beast." Natatawa tawang sabi pa ng babae.

Tapos nagtawanan na lang silang dalawa.

"Ako nga pala si Banri Tatsuya," Pagpapakilala ni Banri sa kanyang sarili.

"Sunade Scarlet" tugon nito.

At sabay silang bumalik papunta sa kapatagan para tapusin ang kanilang first quest sa Monster limes. Mabilis nilang nagatapos ang unang quest dahil na rin sa weapon nilang nakuha sa swamp beast.

*[ First quest Monster limes 10/10 ✓]*

"Balak ko ngayon, kumuha ng boots kaso di ko lang din alam kung saan makaka kuha ng boots." Saad ni Banri.

"Kailangan ko rin ng boots, dahil nakita mo naman naka tsinelas lang ako, at makakadagdag din kasi sa stat, kapag may stat yung boots na makuha natin, pero yun din.. hindi ko alam kung saan makakakuha ng boots." Sagot naman ni Sunade.

"Hmmm, mabuti pa sumabay na kayo samin, pupunta kaming capital city ng grimland. May bentahan raw doon ng ibat ibang kagamitan ng mga manlalaro sa murang halaga." Bigla ay may sumingit na lalakeng manlalaro sa kanilang pag uusap.

Dahil curious din at excited na makarating si Banri at Sunade sa kapitolyo ay sumama sila sa grupo ng lalakeng nag aya sa kanila na pupunta ng kapitolyo para bumili ng mga equipments. Habang pare pareho pa silang naghihintay sa second quest.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C4
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk