Namumula pa rin ako habang nakaupo dito sa sofa at nag-iisip kung ano ang pwede kong gawin.
Dahil nakaramdam ako ng antok ay pumasok na lang ako sa kwarto ni Gabriel at humiga dito sa kama.
Amoy niya ang nandito at malamig kaya napayakap ako sa unan ni Gabriel at napangiti saka ko na pinikit ang mga mata ko.
Nagising ako dahil may tila nakayakap na sa akin mula sa likod kaya napahawak ako sa braso ni Gabriel na nakayakap pala sa akin.
Gumalaw ako saglit pero hindi ko maikilos ang katawan ko dahil masyadong mahigpit ang yakap ni Gabriel.
"You're awake now love?" Bulong ni Gabriel kaya napatango ako at napahawak sa braso niya.
"Uwi na tayo?" Tanong ko kaya nahinga siya ng malalim at napayakap lalo ng mahigpit sa akin.
"Mamaya na kakain muna tayo." Bulong niya pero napaharap ako sa kanya at napatitig sa kanya.
"Hahanapin tayo ng mga bata at saka nag-promise ako na sa bahay kakain." Sabi ko sa kanya na napatawa ng mahina at napatitig sa akin kaya ito na naman ang puso ko na malakas ang tibok.
"Mas gusto mo makasama ang kambal kaysa sa akin?" Tanong niya na tila nagtatampo kaya napatawa ako ng malakas.
At saka ako bumangon at napatingin sa kanya at napahawak sa baywang ko.
"Bumangon ka na diyan Gabriel at kakain tayo." Sabi ko sa kanya na ikinangiti niya hindi ko talaga ma-gets ang ugali ng lalakeng ito kaya napailing na lang ako.
Dinala ako ni Gabriel sa paborito namin na restaurant at nag-order ako ng paborito kong pagkain.
Habang naghihintay kami ng pagkain namin ay tinawagan ko ang kambal na malalate kami ng uwi.
Nakita ko na nakikinig si Gabriel kaya napangiti ako at naglambing lang ang kambal kaya napasimangot ito kaya napangiti ako.
Nagpaalam na ako sa kambal na kasama si Carla kaya nakita ko ang pagngiti nito.
Mamaya sa akin ang babaeng yon dahil masyadong tsismosa at panay ang ngiti na tila nangaasar pa.
Narinig ko na tumunog ang cellphone ni Gabriel kaya napatingin siya dito.
"Sagutin ko lang ang tawag babe." Paalam niya kaya tumango ako napatingin sa paligid, maganda ang lugar comfy at hindi gaanong matao.
Tumayo ako at nag-picture sa paligid wala naman na tao dito sa kinaroroonan namin kaya malaya akong makapag-picture.
Napangiti ako ng makakuha ako ng magandang shot at saka ako bumalik sa upuan ko.
Napatingin ako sa paparating na tila ang ingay kaya nagulat ako dahil isang babae at lalake ang nag-uusap.
Nagulat pa ang mga ito ng makita ako kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-scroll ng pwede kong i-post.
"I taught we are just the two of us here?" Narinig ko na tanong ng babae sa kasama niya kaya hinayaan ko na lang ito.
"Yeah, i told them but i don't why is someone here." Sagot naman ng lalake kaya mukhang ako ang pinaparinggan nito.
Kinabahan ako dahil hindi pa bumabalik si Gabriel mukhang importante ang tawag sa kanya kaya medyo natagalan iyon.
"Waiter why is someone here?" Tanong ng babae sa waiter kaya napatingin ako dito at napatingin rin ito sa akin.
"A they are vip madam." Magalang na sagot ng waiter kaya napailing na lang ang babae at bahagyang natawa.
Tila nang-iinsulto ang babaeng ito kaya napakuyom na lang ako ng kamao ko, mukhang hindi talaga ako bagay sa lugar na ito.
"I bet that woman is just one of sidechick." Narinig ko na turan ng babae na sabay pa na sila na natawa ng lalake.
Napahinga ako ng maluwag dahil sa inis o hindi ko maipaliwanag na damdamin.
Mukhang gawain na ng mayayaman na ito ang mang-insulto ng kapwa nila.
"Babe sorry natagalan ako." Sabi ni Gabriel na umupo na sa harap ko at napakunot ito ng noo.
"Mr. San Diego fancy meeting you here." Napatingin ako sa lalake na tumayo at lumapit sa akin at nakita ko ang buska ng mukha ni Gabriel.
"What are you doing here? You with your mistress?" Kaswal na tanong ni Gabriel sa lalake kaya nagulat ako at napatingin sa babae na tila nawalan ng kulay ang mukha.
Napahinga na lang ako ng maluwag habang kumakain kami ni Gabriel matapos ang napaka-awkward na nangyari kani-kanina lang.
"That woman is my past employee and that man is still working in my company, i didn't know that they are insulting you." Galit pa rin na turan ni Gabriel kaya pinatigil ko na siya at napailing na lang.
Sinabi pala ng waiter kay Gabriel na may dalawang tao na dumating at nagsumbong sa pang-iinsulto ng mga tao na iyon sa akin.
Hindi rin ako makapaniwala na pag-aari pala ni Gabriel ang restaurant na ito dahil ang kalahati ng investment dito ay sa kanya.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na ikaw ang may-ari nito?" Tanong ko sa kanya na ikinangiti niya lang at sinubuan ako kaya nginuya ko na lang ang karne na sinubo niya sa akin.
Infairness malambot at masarap ito kaya napangiti ako.
"I want to tell you but not now and here i am telling you." Sabi niya sabay mahinang tawa kaya napailing na lang ako sa kanya.
Pinahiya niya ang lalake at babae kanina sa pamamagitan ng pagpapaalis niya sa mga ito at pang-iinsulto na dahilan kung bakit mamula sa hiya ang babae.
Wala akong masabi dahil akala ko talaga asawa siya ng kasama niya yon pala ay kabit lang.
"Huwag mo nang isipin ang mga taong iyon Sonata just enjoy the food." Sabi ni Gabriel kaya natango ako sa kanya at nagpatuloy na sa pagkain.
Matapos kaming mag-hapunan ay namasyal pa kami dito sa katabing park ng resto at maganda rin dito at kaunti lang ang tao, magkahawak kamay kami na naglalakad-lakad ni Gabriel.
Kontento na ako sa ganito dahil hindi na ako maghahangad pa ng sobra, at dahil ito pa lang ay wala na akong mahihiling pa.
Ganito pala talaga kapag may boyfriend ka na at mahal na mahal mo laging masaya at kontento na kahit sa maliiit na bagay lang.
"Next time i want to walk with you in cherry blossom trees in Japan." Sabi ni Gabriel mayamaya kaya napatingin ako sa kanya at huminto ako sa paglalakad.
"Doon talaga?" Tanong ko na nakangiti.
"Yeah, sabi ng kaibigan ko ay romantic daw kapag kasama mo na maglakad doon ang pinakamamahal mo." Sagot niya kaya itong puso ko ay halos lumukso na sa dibdib ko sa lakas ng tibok.
Namula ako at napayuko na lang at nagsimula ulit na maglakad kaya nahila ko na siya.
"Why are you shy babe?" Tanong nito na tila nanunudyo pa.
"Huwag kang pa-fall diyan kinikilig ako lalo." Sabi ko sa kanya at narinig ko ang halakhak niya at hindi alintana ang mga tao na napatingin sa amin kaya lalo akong nahiya dahil sa lalakeng ito.
Kinabukasan ay ganon pa rin ang routine ko pumapasok ako sa school kasabay ang kambal, at syempre ang naghahatid sa amin ay si Gabriel.
Masarap sa pakiramdam ang ganitong bagay kaya wala akong masabi lalo na at magkasundo na talaga ang mag-aama.
Nandito ako ngayon sa library at naghahanap ng libro na mapagkukunan ko ng reference para sa project namin bukas.
"Hello miss." Napatingin ako sa lalake na lumapit sa akin kaya napakunot ako ng noo ang alam ko ay kaklase ko ito sa isa kong subject.
"Hello." Maikli ko lang na bati sa kanya at nagpatuloy ako sa paglalakad habang hinahanap ko ang libro na kailangan ko.
"My name is Ace." Sabi ulit ng lalake na nagpakilala na sa akin.
Napaharap na ako sa kanya at tumango at bahagyang ngumiti.
"Sonata, nice to meet you." Pakilala ko rin sa kanya kaya napangiti siya at tumango.
Gwapo ang isang ito pero hindi ko siya type may nakaukit na sa isip ko na pinakagwapo sa lahat at iyon ang boyfriend ko.
"Sonata nandito ka lang pala buti nakita kita dito." Biglang sumulpot ang kaklase ko na si Bianca at napatingin kay Ace.
"Hello Ace bakit ka nandito?" Diretsa nitong tanong sa lalake na napakamot ng batok na para bang kinagwapo niya ito kaya lihim akong napatawa.
"Gusto ko lang magpakilala kay Sonata." Sabi nito na mayamaya ay nagpaalam na kaya napatingin na lang kami dito.
"Huwag kang maglalalapit sa lalakeng iyon hindi siya magandang impluwensya." Sabi ni Bianca na napabuntong hininga.
"Bakit mo naman nasabi yon?" Tanong ko dito kaya hinila niya ako sa may side ng bookshelve at humarap siya sa akin.
"F*ckboy ang isang iyon at akala niya ay ikinagwapo niya iyon." Sabi ni Bianca kaya nanlaki ang mga mata ko at napatawa siya.
"May ganun pala dito non." Sabi ko sa kanya kaya napailing na lang siya at tinulungan na lang ako na hanapin ang libro at magkasabay na kaming nag-review.
Mabait si Bianca medyo may pagkabossy at istrikta siya pero alam ko na mabait siya kaya nga nakapalagayan ko na siya ng loob.
Mukhang siya ang magiging kaibigan ko at kakampi sa school na ito, kwento pa niya ay ex-boyfriend si Ace ng lahat ng babae dito sa school kaya napailing na lang ako.
Alas-tres ng hapon ay natapos ang huli namin na klase at agad na akong nagpaalam kay Bianca kaya tumango lang ito at kumaway sa akin.
Tamang-tama naman paglabas ko ng gate ay nakaabang na ang kotse ni Gabriel at napangiti ako ng kumaway ang kambal.
Napahinga ako ng maluwag bago pumasok at pinupog ko ng halik ang kambal na tuwang-tuwa at saka ako napatingin kay Gabriel na nakangiti lang.
Pagkauwi namin ay agad akong nagpalit ng damit at pumunta ng kusina para tumulong kay tiya.
"Ikaw na bata ka alam ko na pagod ka sa eskwelahan kaya umupo ka na lang diyan." Saway sa akin ni tiya kaya napatawa ako at napatingin kay Gabriel na kakapasok pa lang dito sa kusina.
"Timplahan mo na lang ako ng kape babe." Utos niya pero nakangiti kaya tinaboy na ako ni tiya kaya tumawa na lang ako.
Habang nagmemeryenda kami ng mga bata at ni Gabriel ay may tumawag sa kanya na tila ikinagulat niya saka napatitig sa akin.
Nagtataka ako pero agad itong tumayo.
"I am going babe, i will be back soon." Sabi ni Gabriel kaya napatango ako at napatingin na lang sa likod nito.
"Ano kaya ang ang problema ng batang iyon." Komento ni tiya kaya napailing na lang ako.
Minsan kailangan ko na rin na sanayin ang sarili ko kay Gabriel, dahil hindi sa lahat ng oras ay kasama namin siya dahim may kahati kami sa kanya.
Ito ang trabaho niya.