Unduh Aplikasi
75% Bloody Vacation / Chapter 12: Chap 12: Alexandra?

Bab 12: Chap 12: Alexandra?

ANDREA'S POV:

Naghiwalay hiwalay kami sa gitna ng kagubatan na hindi magandang desisyon dahil baka may maligaw samin, kasama ko ngayon sila Ezekiel, Kathleen at Aaron.

Kanina pa namin sinisigaw ang pangalang Alexandra, pero walang nasagot. Nasaan na kaya sya.

*

*

ALEXANDRA'S POV:

Nakaupo ako sa upuan, nakatali ang mga paa at kamay ko at nakapiring din ako.

"Hi Alexandra." Isang boses ang narinig ko, boses babae.

"Sino ka?" Pagtatanong ko sa kanya habang may kaba sa aking mga dibdib.

"Gusto mo tanggalin ko ang piring mo?" Pagtatanong nya sakin, hindi ako kumibo at naramdaman ko na tinatanggal nya ang panyo na nakatakip sa aking mga mata.

Nakita ko ang itsura nya.

"Ikaw!!!" Malakas na sigaw ko sa kanya.

"Bakit Alexandra? Natatakot ka ba?" Nang aasar na tanong sakin nito.

"Ano bang ginagawa mo? Ano bang ginawa ko sayo?" Natatakot akong nag tanong sa kanya.

"Madami ka ng nagawa sakin Alexandra ,sana maalala mo pa lahat, gusto ko lang maghiganti, este kami pala."

Ibig sabihin may kasama pa sya.

"Siguro ngayon ay hinahanap ka na nila, at sigurado akong naghiwa-hiwalay sila sa gubat para hanapin ka. Mas madali namin kayong mapapatay lahat."

"TUUUULLLOOOOONNNGGGGG!!" Malakas kong sigaw ng bigla akong sinampal nito.

"Itikom mo yang bibig mo kung ayaw mong putulin ko ang dila mo." Sabay kuha nya ng gunting na nakapatong sa lamesa at itinapat nya ang gunting sa bibig ko.

Tulungan nyo ako.

Papatayin ako ni Marie.

*

*

AARON'S POV:

Pagod na pagod na kami sa kakalakad at ubos narin ang mga dala naming tubig.

Nararamdaman kong parang may sumusunod samin.

"Parang may sumusunod satin." Biglang nag salita si Ezekiel.

"Napansin mo rin pala." Sabi ko kaya napatingin sila.

Napatingin kaming apat sa likod at tama nga ang hinala ko may sumusunod samin si Jerick.

"Kamusta na kayo masaya ba ang camping." Nakangiting sabi ni Jerick at may hawak syang kutsilyo.

"Anong ginagawa mo Jerick?" Pagtatanong ni Andrea.

"Sumunod lang ako sa na pagplanuhan namin nila Kim-j, gusto nilang maghiganti sainyo, may dalawa kayong kaklaseng peke at kahit anong oras pwede nila kayong patayin." Ngumiti ito at dinilaan ang hawak nyang kutsilyo.

"Nasa bahay si Alexandra at kung gusto nyo syang iligtas puntahan nyo lang hahahaha." Dagdag pa nya habang tumatawa.

Sino kaya sa mga kaklase namin yun.

"Bago ako makabilang ng sampu dapat nakatakbo na kayo isa....dalawa.." Tinuloy nya lang ang pagbibilang at agad kong hinawakan ang kamay ni Kathleen para tumakbo pero sa ibang direksyon tumakbo sila Ezekiel at Andrea.

"Paano sila Andrea?" Natatakot na tanong ni Kathleen.

"Hahanapin natin sila mamaya." Sabi ko kay Kathleen.

"Mag iingat kayo sa family ko hahahaha!!!" Malakas na sigaw pa ni Jerick.

Sila Jay, Derick, Jerick, Brandon, Amanda, ang mga pwedeng pumatay samin at sino yung dalawa? Kaklase namin sino kaya?

Hindi kami yung hinabol ni Jerick kundi sila Ezekiel at Andrea ang hinabol nya.

Ang direksyon namin ay papunta sa bahay, pwede kaming mapahamak pag dumiretso kami dun.

Pero madilim na dito sa labas kaya hindi kami mapapansin kung papasok kami sa bahay. Kailangan naming iligtas si Alexandra.

*

*

ALEXANDRA'S POV:

"Ang ganda naman ng buhok mo, tuwid at mahaba." Natatawang pagkasabi sakin ni Marie.

"Gusto mo ba gupitin natin yan?" Pagtatanong nya habang naglalakad sya papunta sa likod ko at itinapat nya ang gunting sa katapat ng leeg ko.

"Hanggang dito okay lang ba?" Pagtatanong nya ulit sakin.

"Hindi ayoko!" Malakas kong sigaw ng naramdaman ko ng sinisimulan na nya itong gawin, gusto ko syang pigilan pero di ako magkagalaw dahil nakatali ang mga kamay ko sinubukan kong mag pumiglas pero wala talaga, wala ng pag asa, tuluyan na nyang nagupit ang buhok ko at bumalik na ulit sya sa harapan ko.

"You look so pretty." Pagpupuri nya sakin habang plastic syang nakangiti.

"Next, gusto naman kitang sugatan" Naglabas sya ng isang blade at lalo akong kinabahan.

"Unahin natin ang maputi mong hita." Nanlaki ang mga mata ko ng simulan nyang guhitan ang hita ko gamit ang blade at halos maiyak ako sa sobrang sakit. Ang hapdi, kitang kita ko ang mapulang dugo na lumalabas dito.

Wala na kong nagawa kundi umiyak na lang.

Iligtas nyo ako.

*

*

ANDREA'S POV:

Habang tumatakbo kami ni Ezekiel, nagkahiwalay kami ng direksyon pero sya pa rin yung hinahabol ni Jerick. Nagtago muna ako sa likod ng isang puno para magpahinga at hinabol ang aking hininga.

Anong nang gagawin ko?

*

*

AUBREY'S POV:

Kasama ko ngayon si Vincent, Julian at Cyrus, habang naglalakad kami bigla namin nakita si Derick at may dala syang palakol.

"Anong gagawin mo Derick?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Papatayin ko kayong lahat!!" Malakas nyang sigaw at bigla syang tumakbo papunta sa direksyon namin kaya nagsitakbuhan kami.

"AHH!" Daing ni Julian, nadapa sya.

*

*

JULIAN'S POV:

"AHH!" Pagdaing ko ng madapa ako.

"Julian sa likod mo!" Malakas na sigaw ni Cyrus na may takot sa mukha.

Bago pa man ako makatingin sa likod may naramdaman na akong bumaon sa likod ko, ang sakit at naramdaman kong inalis nya ang palakol na kanina ay nakabaon sa likod.

Bigla na lang akong sumuka ng dugo ng bumaon ulit sa likod ko ang palakol.

"Julian!!" Huli kong narinig na sigaw ni Aubrey bago pumikit and mga mata ko.

*

*

AUBREY'S POV:

Puro dugo, naistatwa ako sa kinatatayuan ko sa nakita namin pinagpapalakol ni Derick ang likod ni Julian, sirang sira na ang likod nito.

"Tara na Aubreyyy!" Malakas na sigaw ni Vincent pero may takot sa pagsasalita nito, agad nyang hinawakan ang kamay ko at tumakbo kami.

Ano bang nangyayari? Totoo ba yung nakita ko? Blangko pa rin ang isip ko.

Anong nangyayari?


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C12
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk