Unduh Aplikasi
60% Among Legends: The Vampire King's Bride / Chapter 54: Chapter 54

Bab 54: Chapter 54

Hindi na dinalaw pa ng antok si Elysia nang gabing iyon. Paulit-ulit niyang inalala ang mga kaganapan sa panaginip niya. Hanggang sa pagsikat ng araw ay mulat na mulat ang kaniyang mga mata. Nakahiga lang siya at nakatingin sa kisame habang malalim na nag-isip.

Nasa ganoong sitwasyon siya nang magising si Vladimir. Napapitlag pa siya nang maramdamaan ang malamig na balat ni Vladimir sa kaniyang pisngi. Paglingon niya ay nakita niyang nakatunghay na ito sa kaniya.

"Hindi ka ba nakatulog?" tanong nito habang ang mga daliri nito ay naglalaro sa ilalim ng kaniyang mga mata.

"Nanaginip ako ng masama. Hindi ko maintindihan. Kaya hindi na ako nakatulog dahil nalilito ako kung panaginip lang ba talaga iyon o isang pahiwatig," salaysay niya at nangunot naman ang noo ng binata.

"Ano ba ang napanaginipan mo?" tanong ni Vladimir.

"Hindi ko rin maintindihan, pero doon sa panaginip ko, narinig ko ang sigaw ni Mariella,tapos patungo ako sa ikaapat na palapag nitong palasyo." sagot naman ni Elysia. Pagbangon niya ay agad niyang naramdaman ang pagsidhi ng sakit sa kaniyang ulo. Npahawak siya rito, marahil ay dahil hindi na siya nakatulog kagabi.

"Ipagpaliban mo muna ang paglilibot, sasabihan ko si Kael. Kailangan mong magpahinga." utos ni Vladimir at napangiwi naman si Elysia. Ayaw niya sanang ipagpaliban ang gagawin niya dahil kailangan pa aniyang akyatin ang ikaapat na palapag. Ngunit ramdam niya ang pagtibok ng sakit sa kaniyang ulo dahil sa kulang sa tulog. Wala na siyang nagawa nang muli siyang pahigain ni Vladimir sa higaan. Lumabas ito at muli na niyang ipinikit ang kaniyang mga mata.

Sa paglapat ng mga talukap ng kaniyang mga mata ay tila nahulog ang kamalaytan niya sa isang malawak na kawalan. Ramdam niya ang kaniyang sarili na nakatayo sa isang luigar na puro kadiliman lamang ang kaniyang nasisilayan. Walang kahit na anong tunog, walang liwanag at ang tanging naririnig niya ay ang mahina niyang paghinga at marahang pagtibok ng kaniyang puso.

"Vlad?" tawag niya ngunit maging ang boses niya ay hindi niya marinig. Kahit anong gawing pagsigaw ay walang boses siyang naririnig na lumalabas sa kaniyang bibig. Pilit niyang inaaninag ang kaniyang harapan ngunit kahit anong gawin niya ay wala siyang makita.

Mayamaya pa ay sinubukan niyang pakalmahin ang sarili niya. Pinakiramdaman niya ang paligid niya at agad siyang nakaramdam ng kilabot.

Napakalamig ng hangin at nanununot hanggang buto ang lamig nito. Sa kaniyang pakikiramdam ay doon na niya muling naulinigan ang mahinang hikbi at paghingi ng tulong ni Mariella. Mahina lamang iyon at tila nanggagaling pa sa malayo.

Sa kaniyang muling paggising ay ramdam niya ang malagkit niyang pawis na pumapatak sa kaniyang noo. Naramdaman rin niya ang malamig na bimpong paulit-ulit na dumadampi roon. Sa bawat pagramdam niya sa malamig na sensasyon at siya namang pagramdam niya ng ginhawa.

Pagod na pagod ang kaniyang buong katawan at kahit pagmulat ay hindi niya magawa. Tila binibiyak rin sa sakit ang kaniyang namimigat na ulo.

"Bakit bigla-bigla naman yatang nagkasakit ang prinsesa? Ano ba ang nanhyari sa kaniya kahapon?" Tanong ni Loreen kay Lira.

"Marahil dahil sa pagod at matinding pag-aalala. Halos wala siyang naging pahinga kahapon at sa nakatulugan na rin niya ang pamomroblema kay Mariella." Sagot ni Lira.

Iyon ang kaniyang tanging naulinigan bago siya muling lamunin ng kadiliman. Sa pagkakataong iyon ay tila sinisilaban ng apoy ang kaniyang buong katawan. Paulit-ulit rin niyang naririnig ang sigaw at pagmamakaawa ni Mariella sa kaniyang ulo.

Hapon nang muli siyang magising. Papalubog na ang araw nang mga oras na iyon. Sa pagmulat ng kaniyang mga mata, bumungad sa kaniya ang pamilyar na kisame ng silid niya.

Bahagya siyang tumikhim at tulad ng inaasahan ay mabilis pa sa alas kuwatro ang paglitaw ni Vladimir sa kaniyang harapan. Sinalubong niya ang nag-aalalang tingin ni Vladimir ay bahagya itong nginitian.

"Ayos na ako." Mahinang bulong niya at napailing naman si Vladimir. Pinalis nito ang mga hibla ng buhok niyang kulalat sa pisngi at iniipit iyon sa likod ng kaniyang tainga.

"Sinabi ko na sa'yo, huwag mong papagurin ang sarili mo. Tandaan mo tao ka lang at may limitasyon ang iyong katawan. Sa susunod na mangyari ito hindi na talaga ako mangingiming ikulong ka sa silid mo." Nakasimangot na wika ni Vladimir ngunit ramdam pa rin ni Elysia ang pag-aalala sa tinig nito.

Ilang beses na ba niya itong narinig mula sa binata. Alam niyang kahit papaano ay siya pa rin ang masusunod sa puntong ito. Kailangan lang niyang maibalik ang kaniyang lakas at tuluyan ng gumaling. Marahil dahil din sa matinding pag-iisip at sa mga kakaibang panaginip na paulit-ulit na gumagambala sa kaniya.

"Hindi na maayos ang nagiging epekto ng matinding pag-aalala sa'yo Ely, hayaan mo na at ako na ang gagalaw." Wika ni Vladimir at agad namang tumutol si Elysia.

"Vlad, ako ang pakay nila. At hindi ako papayag na may mapahamak dahil sa akin. Hindi man kami magkasundo ni Mariella, hindi basehan iyon para balewalain ko ang pagkawala niya. Nagmahal lang siya at tulad niya, babae lang din ako. Hanggang masasakit na salita lamang ang napupukol niya sa akin at kung may mga pagkakataon man na nais niya akong saktan, alam kong dulot lamang iyon ng matinding inis dahil sa labis niyang pagmamahal sa'yo at naiintindihan ko 'yon." Paliwanag ni Elysia.

"Alam kong nag-aalala ka at nais mo akong umiwas sa kapahamakan. Pero, hindi ba't ikaw na rin ang may sabi, magiging reyna mo ako at tungkulin ng isang reyna ang tulungan ang hari sa lahat ng pagkakataon." Dugtong pa ni Elysia at natahimik naman amg binata. Nagtagisan pa sila ng tingin hanggang sa magbaba ng mata ang binata.

"Panalo ka na naman. Napakagaling mo talagang magpaikot ng mga salita. Oo na, ikaw pa rin naman ang masusunod. Ang ayaw ko lang, itong nagkakasakit ka dahil sa matinding pag-aalala at pagod." Wika ni Vladimir. Ngumiti naman si Elysia at ginagap ang kamay ni Vladimir na napatong sa kaniyang higaan.

"Tao ako, natural na magkasakit ako. Hindi ito malaking bagay ma dapat ikabahala. Mabilis lang namang makabawi ang katawan ko. Pahinga at sapat na pagkain lamang ang kailangan ko. " Sagot ng dalaga at tumango naman si Vladimir.

Kinagabihan, matapos kumain ng hapunan ay maagang nagpahinga si Elysia. Sa pagkakataong iyon ay nagpumilit si Vladimir na yakapin siya sa pagtuloh. Noong una'y tinutulan pa ito ni Elysia ngunit nang makaramdan siy ma ng kaginhawaan ay hindi na rin siya nagpumiglas dito.

Naging maayos at payapa ang tulog niya nang gabing iyon. Hindi siya dinalaw ng masamang panaginip at wala na rin siyang naririnig na mga hikbi at mga tawa.

Sa pagsikat ng araw kinabukasan ay nanumbalik na ang lakas ni Elysia. Pagkatapo ng almusal ay agad naman niyang ipinatawag si Kael upang samahan siya. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya isinama sina Ruka at Esme.

"Sigurado kang kaya mo na? Hindi ba dapat nagpapahinga ka pa?" Sunod-sunod na tanong ni Kael sa dalaga.

"Bakit na parang mas nag-aalala ka pa kay Vlad? Pati ba sa'yo kailangan ko pang magpaliwanag?" Nakasimangot na tanong ni Elysia at sinamaan ng tingin si Kael.

"Bakit galit ka? Parang nagtatanong lang, masama ba ang mag-alala?parang kahapon lang hindi ka makabangon dahil sa sakit ngayon para kang kunehong talon nang talon sa hardin ah. " Wika pa ni Kael at napaismid naman ang dalaga.

"Dahil nga hindi ako mapalali. Kaya nga kita pinatawag dahil kailangan ko na samaham mo ako. Hindi pa maayos ang pakiramdam ko, kinakaya ko lang dahil siguradong hindi ako papayagan ni Vlad kapag nalaman niyang masama pa rin ang lagay ko." Tugon ni Elysia at nanlalaki namnaa ng mga mata ni Kael nang mapatingin sa kaniya.

"At dinamay mo pa talaga ako? Alam mo bang pupugutan ako ng ulo ng hari kapag may nangyaring masama sa'yo? Hindi ka ba nag-iisip?" Inis na wika ni Kael at napahalukipkip naman ng braso si Elysia.

"Kaya dapat siguruhin mong walang mangyayari sa akin para manatili ang ulo mo diyab sa katawan mo." Wika pa ni Elysia at naitampal naman ni Kael ang palad sa kaniyang noo.

"Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba iyan o ikakatakot. Hay, o, saan na ba ang punta natin?" Tanong ni Kael at napatda naman nag tingin ni Elysia sa isang gusaling nasa tabi ng palasyo. Kadugtong ito ng palasyo ngunit ang papasok at labasan nito ay hindi karugtong ng mismong palasyo. Nasa labas ito kumbaga at napakaluma na rin nito.

"May ganyan palang gusali rito, bakit kaya hindi ko yan napansin doon sa mapa?" Tanong ni Elysia sa sarili bago ngkibit ng balikat. .

"Doon tayo sa ikaapaat na palapag." Sagot ng dalaga sa tanong ni Kael. Bago umalis ay muli niyang tinapunan ng tingin ang lugar na iyon.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C54
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk