"ANG JAMAIS "
ANG NAKARAAN,
Kasalukuyang nasa Jamais sina Aira, Liam at Joshua upang tingnan ang kalagayan ng kanilang mga nasirang kaharian. Habang sina Samuel at Xavier naman ay naiwan sa mundo...
ANG KARUGTUNG,
Sa Aera, kung saan naka tira si Aira at ang mga lahi nya.
"Tiya Selena! Pinatawag nyo daw ako??" Tanong ni Aira.
"Mabuti't nandito kana Aira. Kelangan nyo nang bumalik sa Mundo. Delikado ang buhay ninyo dito! Lalo na't hindi pa kayo kompleto!" Sabi ni Selena habang umiinom ng isang tasa ng tsaa.
"Ano ho ang ibig nyong sabihin?" Naguguluhang sabi ni Selena.
"Hindi pa kayo kompleto dahil, hindi lang ang Anak ni Anya at Haring Gerald ang makakabalik sa dating ganda at balanse ng Jamais. Maging kayong Apat! Bukas na bukas magbalik na kayo sa mundo ng mga Tao upang kolektahin pa ang natitirang diamante. " Sabi ni Selena.
Sa Andromeda,
"Liam hindi dapat kayo nandito! Napaka delikado pang bumalik ng Jamais." Sabi ng inang Reyna ni Liam.
"Pero, Ina!" Sambit ni Liam.
"Napaka delikado pa Liam. Lalo na't Wala pa ang Anak ni Reyna Anya dito sa Jamais. Hinahanap Kayo ng mga tauhan ni Hex. Alam na ni Hex na nandito kayong apat!" Sabi ng Reyna.
"Pero papano nya nalaman na nandito kami?" Tanong ni Liam.
"Napakalakas ng kapangyarihan ni Hex Anak. Maging ang mga karatig pook sa Andromeda ay nasakop na ni Hex." Sabi ng Reyna.
Sa Lakur
Sa kaharian ni Joshua.
Sinalubong si Joshua ng mga maliliit na nilalang na may pakpak.
"Prinsepe Husua (Joshua) bakit kayo nag tungo rito?" Sabi ng maliit na nilalang.
"Lambana, nasaan ang mga duwende?" Tanong nya.
"Nagtatago sila Mahal na prinsepe." Sabi ng lambana at mula sa malalaking puno ay nagsilabasan ang mga maliliit na nilalang Pati na rin ang mga nilalang na nasa lupa.
"Prinsepe Husua!" Sabi ng matandang Duwende.
"Nuno kamusta na kayo dito sa Harte? Ang mga tauhan pa din ba ni Hex ang nagbabantay sa Kastilyo? Nasaan si Ina?" Tanong ni Joshua..
"Husua! Hindi kayo ligtas ng mga prinsepe at Prinsesa Aira dito. Bakit kayo nag tungo dito? Ang Prinsepe Xavier kasama ba ninyo? Sanay hindi sya nagtungo sa Hestia. Tuluyan ng nasira ang kanilang kaharian. At nakakalungkot isipin na ang kanyang kapatid na si Zandro ang may pakana. Tuluyan na nga syang nasa panig ni Hex!" Sabi ng matandang Duwende.
"Nuno? Totoo ngang buhay si Zee? Pero papano? Kami mismo nina Aira at Xavier ang nakakita kung papano sya namatay!" Sabi ni Joshua.
"Walang impossible sa Kapangyarihang itim. Prinsepe Husua! Ngunit Alam mong mahigpit na ipinagbabawal sa Jamais ang bumuhay ng mga namayapa na. Pero bumalik na kayo sa Mundo ng mga Tao at tapusin ang misyon sa anak ng reyna ng Lakur." Salaysay ng matandang Duwende.
"Hindi matutuwa si Xavier sa ibabalita ko!" Sabi ni Joshua.
Sa Kastilyo ng Lakur.
"Via! Gusto kung sundan mo si Zandro sa Mundo ng mga tao. Upang pigilan ang mga prinsepe at Prinsesa sa pagkolekta sa mga diamante. May Isa na silang nakuha at ito ay ang simbolo ng Aera.
Via, ikaw ngayon ang reyna ng Aera! Gawin mo Ang lahat upang hindi magtagumpay ang ating mga kalaban!" Sabi ni Hex.
"Masusunod Mahal na Panginoon! Ngayon din ay mag tutungo ako sa lagusan upang sundan si Zandro. Ngunit panginoon papano ang mga Prinsepe at ang Prinsesa Aira.?" Tanong ng alagad ni Hex.
"Hayaan mo sila. Ginagawa na ng mga kawal upang dakpin sila. Sa ngayon! Habang nandito sila, may pagkakataon tayong patayin Ang Anak ni Anya." Sabi ni Hex.
Sa mundo ng mga tao.
"Anong? Nangyayari?" Sabi ni Samuel.
"Mag damit ka! May panganib sa paligid!" Sabi ni Xavier.
"Baka si Aira bumalik na sila!" Sabi ni Sam.
"Hindi kilala ko at nararamdaman ko kung Sina Aira yun. Ngayon parte ito ng pagsasanay natin! Gamitin mo ang iyong Talas ng pakiramdam!" Sabi ni Xavier.
Ilang sandali pa ay may nag door bell at tinawag ang pangalan ni Sam.
"Samuel? Tao po?" Sabi ng lalaking nakatayo sa labas ng gate.
"Kilala ko ang boses na yan." Sabi ni Sam.
"Sino?" Tanong ni Xavier.
"Sandali!" Sambit ni Samuel. At tiningnan nya sa labas. At nakita nya labas na nakatayo si Zandro.
At kumaway pa ito sakanya ng Makita sya na nakadungaw sa bintana.
"Buhay nga sya!" Sabi ni Xavier.
Dali-daling nagbihis silang dalawa at tinungo ang pintuan at binuksan.
Nang binuksan ni Sam ang gate akmang hahakbang na Sana si Zandro. May pwersa na pumigil sa kanya.
"Anong nangyayari?" Tanong ni Sam.
"Samuel Hindi ako makagalaw!" Sagot ni Zandro.
Sa likuran ni Sam ay ginamit ni Xavier ang kanyang kapangyarihan. Nag aapoy ang kanyang mga kamay.
"Kapatid ko? Kamusta?" Sabi ni Xavier.
"Xavier anong ginagawa mo dito.?" Tanong ni Zandro.
"Diba dapat ako ang magtatanong nyan sayo? Anong ginagawa mo dito? At papano ka nabuhay?" Tanong ni Xavier.
"Pakawalan moko! " Sabi ni Zandro habang namimilipit sa sakit.
"Xavier ano ba? Nasasaktan mo sya!" Sabi ni Sam.
"Makinig ka sa Prinsepe ng Harte!" Sabi ni Zandro.
"Zee matagal mo na ba itong Alam?" Tanong ni Sam.
"Oo, dahil~ ughhh! Ako ang inutusan ni Reyna Anya at Haring Gerald na magbantay sayo." Sagot ni Zandro Habang nahihirapan dahil sa ginawang pag kontrol ni Xavier.
"Tama na Xavier!" Sabi ni Sam.
"Samuel! Bat ka magtitiwala dyan! Sa Jamais, tanging ang mga may kapangyarihang Itim lang ang may kakayahang magbalik ng buhay. Tingnan mo Ang Aura nya. Dibat nababalutan sya ng Maitim na kapangyarihan!" Sabi ni Xavier.
"Pwde ba pakinggan muna natin sya!" Sabi ni Sam.
"Hindi ako papayag!" Sabi ni Xavier.
"Magpapaliwanag ako!" Sabi ni Zandro.
"Magpapaliwanag Yung kapatid mo. Ganyan kaba talaga ka walang puso?" Naiinis na sabi ni Xavier.
"Bahala ka dyan!" Sabi ni Xavier at agad syang naglaho.
Kasabay ng paglaho ni Xavier ay nakagalaw na din si Zandro.
"Ayus ka lang ba zee?" Sabi ni Sam.
"Salamat, Oo ayus lang ako!" Sabi ni Zandro.
" Ngayon magpaliwanag ka Zandro!" Sabi ni Sam.
"Ganito kasi Yan!" Panimula ni Zandro at ipinaliwanag nya ang lahat lahat pati na din ang kaugnayan nya sa plano. Pati na rin ang pagbawi nya sa kwentas ni Selena ng Aera.
Itutuloy....