Unduh Aplikasi
53.84% THE SECRETS OF ADONIS BROTHERS (BOOK 2-TAGALOG M2M) / Chapter 56: CHAPTER 57

Bab 56: CHAPTER 57

"Pagtakas at Pagkawala ng Kapangyarihan P2 "

Previously...

Ligtas na naka alis ng Palasyo ni Sitan sina Theo at Tyler sa Tulong ni Faith. Habang sina Katalina, Jenna At Jake naman ay nasaksihan nya ang lahat ng kaganapan sa Loob ng kuta ni sitan. At Dahil na din sa Galit ni Jake ay Gumawa sya ng malakas na Lindol, at ito ang dahilan kung bakit unti-unting nasisibagsakan ang pader sa palasyo ni Sitan. Samantala si Ofelia naman ay nasa panga-ngalaga ng mga sirena.

Right now.....

Sa Oceana.

Naghahanda na si Ofelia na magtungo sa Aydendril upang kitain si Alpia.

" Nana Ofelia.. sure na po ba kayong Okay na kayo ?" Sabi ni Lina.

" Oo, Linyang.. Ayus na ako! Wag mo na akong aalahanin pa. " Sagot ni Ofelia.

" Kung gayun Ofelia naway tanggapin mo ang basbas naming Tatlo. " Sabi ni Rica kasunod naman nya si Sierra.

" Ipinagdadasal ko sa ating Bathala naway mag tagumpay ka saiyong nais. " Sabi ni Rica.

" Ako naman... Naway Bigyan ka ng Kalinawan saiyong mga desisyon. At kung sa sandaling kami ay iyong kailangan. Bukas ang kaharian ng oceana saiyo." Sabi ni Sierra sabay yakap kay Ofelia.

" Mag iingat ka mabuti " Sabi ni Ofelia habang yakap nya si Sierra.

" Nana Ofelia, kelangan nyo na pong mag tungo sa dating Silid ng Lupa. " Sabi ni Lina.

" silid ng Lupa ? " Kunot noo na Sabi ni Ofelia.

" Opo.." Sabi ni Lina.

" Naalala ko na, Ito yung sadyang pinagawa ng inyong ina dati noong. Bago pa lamang silang nagsasama ng inyong ama na taga Lupa. Sa pagka alala ko, pinagawa ni Mabuti ang Silid na yun Di Dahil sa kanyang manugang na Tao kundi para din sa iba pang sirena na nagkakaroon ng kasintahan na tao. Kung saan ang mga taga Lupa o mga tao ay magtutungo sa Oceana ay makakahinga sa silid ng Lupa. " Sabi ni Ofelia

" Teka Binibining Ofelia bakit andami nyo pong Alam sa Kasaysayan ng Oceana?" Tanong ni Rica.

" Rica ? Ano kaba.. syempre Kaibigan sya ng ating Lola at Ina. " Sagot ni Lina at Sierra.

" Hindi lang yun. Dahil kasama ako sa Gumawa ng Silid na iyon. " Sagot ni Ofelia habang patungo sila sa nasabing Silid.

" Upang magkabisa ang Magandang Sumpa, Kelangan nina Mabuti at ng ina nyo ang isang nilalang na may karanasan sa Pagtira sa Lupa. Hindi Mortal o Tao ang kanilang kailangan. Kelangan ay may Kapangyarihan din. At to make the story short. Ako ang nagboluntaryo upang magkaroon ng bisa ang sumpa. " Sabi ni Ofelia.

" Nandito na tayo Nana Ofelia.." Sabi ni Lina.

" Maraming Salamat mga Iha. Kung nabubuhay lang ang Lola nyo, Siguradong ipinagmamalaki nila kayo. Tatlong Reyna sa Iisang kaharian. " Sabi ni Ofelia at isa isa nyang niyakap at hinalikan sa Noo ang tatlong Reyna. At tuluyan na itong Pumasok sa Loob ng Nasabing Silid.

Samantala sa Aydendril...

Ligtas na nakabalik sina Jenna, Jake, Katalina, Theo at Tyler. Agad naman silang sinalubong nina Olivia, Mia At Alpia.

" Oh my god, Mia gising ka na nga... " Sabi ni Tyler sabay yakap kay Mia.

" Tyler na miss kita. Super !" Sabi ni Mia.

" Mabuti naman at Ligtas kayo.. salamat kay bathala." Sabi ni Olivia.

" Salamat Mahal na reyna.. " sagot ni Jenna.

" Ngunit nasaan sina Ian, Jessel at Raven? Balita ko.. kasama din nila si Susmihta nag tungo ng Mundo namin.. " Sabi ni Theo.

" Oo nga Mahal na reyna.. nasaan sila ?" Sabi ni Tyler.

" Kasalukuyang nasa Mundo parin sila ng mga tao." Sabi ni Alpia.

" Napaka delekado ng Mundo namin Alpia.. Dahil minsan ng nagtungo ang mga bagong kalaban Doon. " Sabi ni Theo.

" Alam namin yan Theo.. batid na ng lahat ng mga Uri ng Engkanto ang naganap sa Inyong mundo." Sabi ni Olivia.

" Teka anong kaganapan ang inyong tinutukoy?" Sabi ni Ofelia. Nagulat sila sa pagdating ni Ofelia.

" Guro? Ikaw na ba iyan.. salamat kay bathala." Sabi ni Alpia at niyakap nya ito ng mahigpit at sumali din si Mia.

" Teka Ofelia tila napaaga ang iyong pagtungo sa Aydendril. Nakabawi kanaba ng Lakas ? " Sabi ni Olivia.

" Salamat sa pag aalala Olivia, maayus na ako. Ngunit nais kung malaman kung anong masamang kaganapan ang nangyari? Sumugod nanaman ba ang mga utusan ni Sitan roon?" Tanong ni Ofelia.

" Hindi.. ang nais kung Sabihin ay ang mga dating naganap sa mundo ng mga mortal. Ang malawakang pagbaha sa Silangang bahagi ng inyong mundo. " Sabi ni Olivia.

" Parang may kakaiba..." Sabi ni Katalina.

" Bakit Katalina ano yun?" Sabi ni Jenna.

" Parang plano talaga ni Sitan na Pinaghiwalayin tayo. " Sabi ni Katalina.

" Yun nga ang sa tingin ko Katalina.. " Sabi ni Jenna habang tinatali nya ang kanyang mahabang buhok.

" Kung ganun nasa panganib sila.. " Sabi ni Theo.

" Kelangan na nating magbalik sa mundo natin kuya. " Sabi Tyler.

" Kung ganun.. Ay Hindi ko na kayo pipigilan. Asahan nyong laging bukas ang Aydendril para sainyo. " Sabi ni Olivia sabay Upo sa kanyang Trono.

" Maraming Salamat Mahal na reyna." Sabi ni Theo.

" Teka sandali.. Binibining Ofelia papano po kayo nakaligtas sa ambush ni Agnes?" Tanong ni Katalina.

" Mahabang salaysayin Katalina.. Mamaya ko na sasabihin sainyo kelangan na nating mag madali. Dahil balita sakin ng isa sa mga kataw na nakatira sa mundo ng mga tao. Malaki ang napinsala ng mga Bagong Kalaban sa ating mundong pinapangalagaan." Sabi ni Ofelia.

" Kung ganun Guro. Masaya ako at Ligtas ka.. at maraming Salamat Mahal na reyna Olivia sa iyong Tulong kay Mia. " Sabi ni Alpia sabay Yuko kay Olivia.

" Walang anuman yun Reyna Alpia. " Sagot ni Olivia sabay Kindat.

" Bago kayo mag tungo sa mundo ng mga tao.. nais kung basbasan kayo. " Sabi ni Olivia.

" Naway mag tagumpay kayo sainyong mithiin. Sa ngalan ng aking inang Reyna. Naway Gabayan kayo ng kalikasan. " Sabi ni Olivia at kasabay naman nyan ay May mga Dahon na bumabagsak sakanilang Ulo.

Isa isa silang gumamit ng Kapangyarihang maglaho. Nauna si Theo, Tyler, Katalina, Jake at Ofelia. Ngunit ng Si Mia na ang kasunod.

" Anong nangyayari Mia ?" Sabi ni Olivia.

" Oo nga Mia.. concentrate ka lang " Sabi ni Alpia.

At sinubukan ulit ni mia. Ipinikit nya ang kanyang mga Mata ngunit Wala pading nangyayari.

" Bakit ganun.. Di na ako makapaglaho!" Sabi ni Mia. Tumayo si Olivia at Hinawakan nya ang Ulo ni Mia.

" Marahil nanghihina kapa. Kelangan mong isanguni ang Problemang yan kay Ofelia." Sabi ni Olivia.

" Humawak kanalang saakin Mia. " Sabi ni Alpia at humawak naman si Mia sa balikat nya.

" Maraming Salamat sa Tulong Mahal na reyna. Hayaan nyo makakabawi din ako sainyong kabaitan." Sabi ni Alpia sabay ngumiti sya ng matamis. Gumanti naman ng Ngiti si Olivia kasabay nyan ay naglaho na silang Dalawa.

" Mag iingat kayo, dahil ramdam kung mas lumalakas pa si Sitan. " Sabi ni Olivia sabay umupo sya ulit sa kanyang Trono.

TO BE CONTINUE...


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C56
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk