Unduh Aplikasi
61.9% p.p.p.p.p.p / Chapter 13: Chapter 16

Bab 13: Chapter 16

***

Ilang araw ang nagdaan at lagi lang kaming magkasama ni kuya marvin.

Kahit na may gusto siya sakin ay sinabi ko nalang na hindi ko maibabalik ang pagmamahal niya.

Dahil mahirap turuan ang puso, kung pwede nga lang na siya nalang ginawa kona.

Sa bawat araw na magkasama kami, naging magaan ang loob ko sa kanya.

Si kuya ash, ayun tuluyan ko ng hindi pinansin.

Lagi din silang magkasama ni jane.

Pero tuwing nagtatagpo ang landas namin laging nag-iiba ang timpla ng muka niya.

Lagi siyang galit kung makatingin lalo na kay kuya marvin.

Kaya kami nalang ang umiiwas para hindi na lumala ang gulo.

Kahit na minsan napapansin ko na gusto akong lapitan ni kuya ash.

Kita ko sa muka niya na nalulungkot siya.

Gusto ko siyang lapitan tulad ng gusto niya.

Kaso ayuko ng masaktan. Sawa nakong masaktan.

Masaya nadin naman siya kay jane. Pansin ko yun dahil tuwing magkasama sila ang saya nila. Samantala ako lagi siyang nasa isip ko.

Miss na miss kona siya.

Dumaan ang bawat oras at nag-aya sila tito na mag-inuman, na lagi naman namin ginagawa.

Nang nag simula na ang inuman ay tawanan lang ang nangyayari.

Inom lang ako ng inom ng alak. Gusto kong magpakalasing. Wala naman bumabawal sakin.

Nagulat nalang ako ng biglang tumayo si kuya ash at pumunta sa videoke.

Panay lalaki lang naman kaming andito. Sila tita tas yung ibang babae ay nandun sa tabing dagat.

Nakay kuya lang ang paningin ko dapat tingin ko ay kakanta siya.

Ng natapos na siyang mag type ng number ay umupo nadin siya sabay baling sakin.

Ang pungay na ng mata niya, parang inaakit ako.

Hindi ako umiwas sa tingin niya, nakipagtitigan ako sakanya.

Siya na mismo ang umiwas ng tinginan namin.

Patuloy lang akong nakatingin sa kanya. Nakikiramdam kung pwede ko ba siyang kausapin.

Ng bigla nalang itong kumanta.

"Minamasdan kita, nang hindi mo alam, pinapangarap kung ikaw ay akin...mapupulang labi, at matingkad mong ngiti, umaabot hanggang sa langit.." halos maestatwa ako habang pinapanuod ko siyang kumanta. Maganda kasi ang boses nito, pero di kasi iyon. Nakangiti siya at nakatitig sa akin habang kumakanta.

Huwag kalang titingin sa akin

At baka matunaw ang puso kong sabik

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling

At sa tuwing ikaw ay gagalaw

Ang mundo ko'y tumitigil

Para lang sayo

Ang awit ng aking puso

Sana'y mapansin mo rin

Ang lihim kong pagtingin

"Ayieee." Biglang sambit sakin ni roter sabay sundot sa tagiliran ko habang may mapang-asar na tingin.

Sinamaan ko lamang siya ng tingin. Sandali akong napalunok ng pumikit si kuya ash habang kumakanta. Nagkaroon tuloy ako ng chance na pagmasdan siya ng mabuti.

Minamahal kita ng hindi mo alam

Huwag ka sanang magagalit

Tinamaan yata talaga ang aking puso

Na dati akala ko'y manhid

Hindi parin makalapit

Inuunahan ng kaba sa aking dibdib

Kagaya kanina nakaupo pa din siya sa may gawang kawayan na upuan. Nakahilig ito at tsaka nakasuporta ang isang kamay niya sa kanyang likuran.

"Kuya ash..." mahinang sambit ko.

Nakapikit parin siya pero ngayon nakangiti na, na abot hanggang sa kanyang mata. Ang gwapo talaga niya.

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling

At sa tuwing ikaw ay lalapit

Ang mundo ko'y tumitigil

Ang pangalan mo sinisigaw ng puso

Sana'y madama mo rin

Ang lihim kong pagtingin

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling

(Sa iyong ngiti)

Sa tuwing ikaw ay gagalaw

Ang mundo ko'y tumitigil

Para lang sayo...

(Para lang sayo ang awit ng aking puso)

Sana ay mapansin mo rin

Ang lihim kong pagtingin

Sa iyong ngiti..

"Woah! Ang galing mo talagang kumanta kuya ash! Ngayon nalang ulit kitang narinig ah, Lupet parin." Sambit ni roter kay kuya ash na nakangiti na ngayon.

Nagkibit balikat lamang si kuya ash. "Hindi naman para sayo yung kanta, kaya tumahimik ka jan."

Tumingin ako ngayon kay roter habang ngiting ngiti sakanya.

Akala mo ah, sipsip ka kasing gunggung ka, ayan ang napapala mo.

"Sakit." Bulong na tanong ko sakanya.

Inirapan lang ako sabay baling sa boteng nasa harapan niya sabay lagok dito.

Tatawa tawa ako sakanya habang nakikita ko na napipikon siya.

Ng bigla nalang akong natigil ng may mabasag na bote. Ng tumingin ako kung san, sa gawi ni kuya ash. Bali yung hawak niyang bote ang nabasag.

Nalilito akong napalingon sakanya habang masamang nakatingin kay roter.

Natatakot na napatingin din ako kay roter na pinagpapawisan na ngayon.

"Kuya...wala akong alam diko naman sinasadya si peter ang naunang kumausap sakin." Napapalunok na turan niya kay ash na wala naman pakialam sa sinasabi niya.

"Huh, anong sinasabi mo jan, nakaupo nga lang ako dito tapos idadamay mo ko sa away ninyo."

Naiinis ako kay roter, siraulo nato hindi pa nga kami nagkaka ayos ni kuya tapos ngayon idadamay pako sa galit sa kanya.

Tumayo nalang bigla si kuya ash hindi alintana ang dumudugo niyang kamay, iilan lang ang tao sa ngayon dito sa kinalalagyan namin dahil sila tito ay nag iihaw habang nag iinuman at ang iba naman ay nakatingin lang samin.

Nalilito ko kung susundan ko ba si kuya ash.

Tumingin ako sa mga tao dito dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin. Hanggang sa nagsalita si kuya renz. "Go, puntahan mona. Sure ako na galit yun dito." Sabay turo pa kay roter.

Tumango nalang ako.

Tumayo nako at sumunod sa pupuntahan ni kuya ash.

Pabalik na siya sa mansyon kaya tumakbo nako.

Tatawagin ko na sana siya kaso nakapasok na siya sa loob.

Dali dali akong tumakbo dahil baka sa loob ng kwarto niya siya papasok.

Tama nga ako dahil pumasok siya sa loob ng kwarto niya.

Dahan dahan akong sumunod sa kanya dahil hindi ko alam ang gagawin ko at kung ano ang sasabihin.

Ng makapasok ako sa kwarto niya ay bumungad sakin ang kaayusan ng mga gamit niya.

Inikot ko ang paningin ko pero hindi ko siya makita. Pero may narinig akong buhos ng tubig sa banyo niya. Kaya naghintay nalang ako dito sa loob ng kwarto.

Ilang minuto ang lumilipas ay wala parin ashton ang lumalabas.

Baka nagpakamatay na yun sa loob. Natatawa ako sa iniisip ko at the sametime inaantok.

Nakailang bote din kasi akong nainom.

Para nadin akong lasing at hindi naman ako sanay mag-inom.

Ang tagal tagal naman kasi ng ashton nato. Pasalamat siya mahal ko siya kaya, kaya ko siyang hintayin.

Wag nga lang niya akong hindi papansinin at baka palipitin ko ang leeg niya.

Maya maya lang ay wala nakong narinig na ingay na nagmumula sa banyo.

Tatayo na sana ako sa higaan ng biglang bumukas ang pintuan ng banyo.

Hindi ko maikilos ang katawan ko para tumayo dahil nahihilo nako. Pero maayos kong nakikita ang kabuuan ng katawan niya at taging brief lang ang suot niya.

Napatitig siya sa akin. Kinakabahan ako sa titig na yun. Kasi yun yung mga titig na nasisilayan ko sa mga mata niya dati. Yung titig na may pagnanasa. Yung titig na kinakabaliwan ko. Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya. Iniiwas niya din kaagad ang mga mata niya.

"I-ikaw pala yan!" Malamig na turan sakin ni kuya ash. Saka agad tumalikod sa akin at dumirecho sa cabinet.

Nasaktan ako sa pinakita niya sakin parang wala lang sakanya to, parang hindi niya man lang ako namiss.

"KUYA ASH." Malakas na tawag ko sakanya.

Lumingon siya sa akin at tinaasan lamang ako ng dalawang kilay na parang nagtatanong.

"Kuya." Ulit ko dito pero malumanay na ang tawag ko sa kanya, nalulungkot ako sa pinapakita sakin ni kuya. Parang hindi na ako importante sa kanya. Nasasaktan ako.

"ANO NGA!" Nabigla ako sa tinuran niya sa akin parang galit siya habang sinasabi yun. Gusto kong umiyak ngayon pero hindi ko hinayaan.

Nasasaktan man ay nagtanong parin ako sakanya. "Kuya, kelan mo ba ako papansinin tulad ng dati."

Tinignan ko lang siya pero parang balewala lang sa kanya ang sinabi ko.

"Anong pinagsasabi mo? Kinakausap naman kita ah." Muli ay nasaktan nanaman ako sa sinabi niya. Wala na talaga siyang pakialam sa akin parang hindi na niya ko kilala.

Nangingilid ang gilid ng mata ko. Gusto kong umiiyak, gusto ko siyang tanungin na hindi na ba niya ko mahal, pero naalala ko hindi nga pala kami nag aminan. Kaya hindi ko alam kung tulad ng nararamdaman ko ay ganun din siya sakin.

Hinihintay ko lang naman siyang lumapit sakin, nagmamatigas lang naman ako ah. Pero siya natitiis parin niya ko, siguro kung hindi ko siya kakausapin ngayon hindi na kami magkakausap.

Nangungulila ako sakanya.

Namimiss din kaya niya ako, gusto ko sanang malaman. Pero para saan pa.

"Kinakausap mo nga ako pero hindi na tulad ng dati." nakayukong turan ko dito.

Tumayo ako at lalapit sana sakanya ng lumayo siya sakin. "Miss na kasi kita kuya! Miss na miss na kita."

Umiiyak ako habang sinasabi ko sakanya ang nararamdaman ko. Gustong gusto ko siyang yakapin at halikan ngayon pero ramdam ko na ayaw niya sakin.

Tumingin lang siya sakin at nagsalita na siyang nagpatingil sa akin. "Lasing kalang."

Nanginginig akong napahiga sa kama niya pagkatapos kong marinig ang sinabi niya.

Hindi na nga niya ko mahal, dahil nagagawa na niya akong tiisin. Siguro nga nahihibang lang ako pag naiisip ko na parehas kami ng nararamdaman.

-----


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C13
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk