"nakakaawa talaga ang nangyari kay Jewel" mahinang ani ng aming kaklase.
"oo nga, hindi ko nga masikmura ang itsura niya nong nakita ko sya"
"huwag na ninyo siyang pag-usapan, patahimikin na natin sya"
Bulong pa ng iba.
Halos tatlong araw na ang lumipas ngunit sariwa pa rin sa aking isipan ang nangyari, halos hindi ako makatulog dahil gumugulo iyon sa aking isipan.
Tila tumatak sa aking utak ang kanyang itsura. Hindi ito mawaglit sa aking isipan.
"hey, stop thinking about what happened. Move on Hyactih, there's so many reason to continue fighting. We promise to her that we'll give justice to those students who died, be strong because it's not the end this is the beginning" seryosong saad ni Ichiro. "you need to trust yourself, trust me and the process"
this past few days he brings me peace and eases my anxiety. he make me feel calm, satisfy and safe with him. bahagya akong napangiti.
"I still can't believe-"
"everything happens for a reason Hyacith but the hard part is finding that reason." putol niya sa akin. "We can't do anything about it, she's already dead so we just need to accept the fact that we can't get her back. For now, focus on our plan and we'll continue finding the truth" mariing ani nito.
"we'll give them the justice that they deserve"
Tumango ako saka pilit na ngumiti sa kaniya.
"Go back to your proper seats now" boses iyon ng aming Professor na kapapasok lamang sa aming silid.
Kanya kanya silang balik sa kanilang upuan saka umayos nang upo. Katulad dati ay narito nanaman kaming tatlo sa likuran.
Inilibot ni Prof ang kanyang paningin at nahinto ito sa upuan ni Rovainne.
"nasaan nanaman si Ms. Rovainne?" kunot noong tanong niya. "absent ba sya o-"
"good morning Prof sorry I'm late" malumanay na saad niya saka pumasok sa silid. napangiwi ang ilan sa aming kaklase nang makita ang itsura nito.
Hanggang sa siya ay makaupo pinagtitinginan siya ng iba pa naming kaklase maging si Prof.
"anong pakulo nanaman yan Rovainne?" natatawang tanong ni Hailey saka siya tiningnan mula ulo hanggang paa.
"It looks like she's copying Hyacith" si Xiana na nakangisi.
"Ms. Rovainne bakit naman ganyan ang itsura at ayos mo?" si Prof ang nagtanong. "totoo bang ginagaya si Ms. Hyacith?" kunot noong tanong pa nito.
"no Prof, I'm not copying her" pagtanggi niua kahit na halatang halata naman na ginagaya nya ako at isa pa inamin nya sa akin iyon. "ganito po talaga ako Prof, hindi nyo lang napapansin dahil nakafocus kayo sa kanya" malumanay na tugon niya saka ngumiti habang nilalaro ang kanyang buhok.
She looks insane, the fuck.
"maybe it's her way para mapansin ni President" nakangiwing saad ni Pierre saka napatawa gayon din si Saji na nasa tabi nya.
"accurate" pag sang-ayon ni Khlouie.
"okay enough" seryosong saad ni Prof. "Let's proceed to our discussion for today" saad ni Prof saka binuklat ang kanyang libro.
"okay anyone na gustong magbigay ng description tungkol sa Personal Development" saad niya saka tumingin sa amin. "Personal Development ang ating topic ngayon"
Agad na tumayo si Ichiro kahit na hindi naman siya nagtaas ng kamay ni hindi rin siya tinawag ni Prof.
"raise your hand if you want to answer Mr. Ichi-"
"Personal Development for me is Evaluating one's own thoughts, feelings, and behaviors. Appraising one's present relationships. Making plans for building responsible future relationships and Showing the connections between thoughts, feelings, and behaviors in real life" walang emosyong saad niya saka umupo.
Hindi niya pinansin ang sinabi ni Prof, tuloy tuloy lamang siya sa pagsasalita. Ako na lamang ang nahihiya sa ginagawa niya jusko.
"your answer is great Ichiro but next time please raise your hand and wait me to call your name before you answer" diretsong saad ni Prof saka siya diretsong tiningnan.
"Pardon Prof but i'm too lazy to raise my hand, it's better to stand up immediately than to wait you to call my name" walang buhay na tugon ni Ichiro.
Napabuntong hininga na lamang si Prof at hindi na sumagot pa dahil alam niyang hindi naman siya mananalo kay Ichiro.
"any other answer?"
Nagpatuloy lamang siya sa pagtuturo ng lesson niya. Nakikinig naman ako sa kanya ngunit hati ang atensyon ko. Mayroon naman akong naintindihan kahit papaano.
Kahit hindi ko isipin ay pumapasok pa rin talaga ang pangyayaring iyon sa aking isipan. Gusto kong iuntog na lang ang ulo ko sa pader para makalimutan lahat ng nangyari. ayaw ko na itong maalala pa.
"that's all for today class, tomorrow we'll having a graded recitation goodbye" paalam niya saka nilisan ang aming silid.
"nag take down notes ba kayo? wala akong masyadong naisulat eh" lukot ang mukhang saad ni Hailey. "masyadong mabilis ang dictation ni ma'am hindi ko tuloy nasundan" nakangusong ani pa niya.
"ako rin walang kopya, may recitation pa naman bukas kailangan nanaman natin magreview" si Xyreign. "iyang subject nya pa naman ang sumisira sa card ko"
"ito, kopyahin nyo ang naisulat ko kumpleto at tama ang mga iyan, ibalik nyo na lang sa akin mamaya kapag natapos na ninyo" nakangiting saad ni Rovainne saka iniabot ang kanyang notebook.
Ayaw pa ata itong tanggapin ng dalawa.
"hindi ko alam kung may sapi ba iyang si Rovainne" kunot noong saad ni Xyreign nang makalabas si Rovainne. "pero as long as hindi na nya tayo pagsasalitaan ng masama ayos lang na maging ganyan sya"
Mula rito sa likod ay naririnig ko ang usapan nila, masyado kasing malakas ang kanilang mga boses.
"Nandyan sa si Prof Gemini!" saad ni Saji saka naupo sa kanyang upuan.
Itinago na ng lahat ang kani-kanilang ginagawa at muling inayos ang kanilang pagkakaupo. Agad na dumiretso si Prof sa harapan.
"I have an Announcement listen carefully Section 13, so, tomorrow we'll having a recognition or awarding ceremony for our first semester ranking. Junior high school in the morning and Seniors in the afternoon that will held in our Hall " saad nito saka kami tiningnan. "Everyone should wear school uniforms, wala akong makikitang naka croptop diyan ha malinaw na school uniform lang ang susuotin dahil hindi mabibigyan ng award ang susuway dito. Dadalo sa ating ceremony ang ating mga Professors, mga heads at syempre ang ating Founder na si Mr. Haruki Taichi na siyang magsasabit sa inyo ng medalya. Everything is well-prepared all you need to do is make yourself ready for tomorrow"
Natutuwa ang aming mga kaklase sa anunsyong iyon lalo na at lahat kami ay kasali sa Ranking, kitang kita ang excitement sa kanilang mga mukha.
"another announcement and good news, there's no classes for today. We'll give you time to relax, rest and get ready for our awarding that's all goodbye" saad pa niya saka lumabas sa aming silid.
Agad na nagsitayuan ang aming mga kaklase, ang iba ay tumalon talon pa ang iba naman ay mayroon nang mga pinaplano. Nag-uusap usap na sila tungkol sa usaping iyon.
Sa pagkakataong ito ay hindi ko na kailangang pilitin pa ang sarili kong mapangiti dahil kusang gumuhit iyon sa aking mga labi.
"Ichiro anong oras kayo pupunta bukas sa ceremony?" tanong ni Yvette.
Nakatingin din ang iba pa naming kaklase pare-pareho silang naghihintay ng sagot.
"maybe 1 o'clock. The ceremony will start at exact 1:30 pm tomorrow, all of us should go early to avoid any punishments" walang buhay na tugon niya.
Tumango tango si Yvette saka bumalik sa pag-aayos ng kanyang mga gamit.
"Listen everyone, today is rest day again. Do whatever you want, eat whatever you want, go wherever you want but don't forget to rest and relax because tomorrow is a big day to all of us. Like what Prof Gemini said earlier, get yourself ready for tomorrow" malakas na ani nito. "You can get your new uniform that you can use tomorrow, a new shoes too anything that you'll need tomorrow. You can get it today but don't make any trouble understand?"
"makakaasa ka Ichiro!" tugon ni Saji saka sumaludo pa sa kanya. Kitang kita ang kasiyahan sa mukha nito.
"great, we'll go ahead" saad niya saka nagpamaunang lumabas sa aming silid.
"Congratulations na agad!"
"congrats din sa'yo, galing galing natin!"
Natutuwa ako sa mga naririnig ko ngayon. Kahit paano ay mayroon pa rin palang lugar ang kasiyahan at saglit na katahimikan sa mala impyernong paaralan na ito.
"hindi ba kayo kukuha ng bago nyong gamit?" tanong ni Acxius.
kakapasok lang namin sa dorm. agad akong humiga sa aking kama tila pagod na pagod ang aking katawan.
"why? you'll get a new one? we got our uniforms last week and we never wear it" walang emosyong tugon ni Ichiro.
"baka lang naman gusto nyo lalo ka na maarte ka pa naman sa gamit" tatawa tawang saad ni Acxius. "baka may mga bagong dating na stocks lalo na at yon pa naman ang required na suotin"
"no, I won't.my legs are tired walking all I want is to rest" tugon niya saka nagsalin ng tubig.
"wait, I remember something" saad niya kaya naman napatingin ako.
Tila malalim ang iniisip nito.
"huh? anong naalala mo?" nagtatakang tanong ni Acxius.
Umupo silang dalawa sa aking kama saka tahimik na nagtinginan. napailing na lamang ako. umupo ako upang makisali sa ano mang pag-uusapan nila.
"As of today we bespoken three persons about the murder and base on my observations..." huminto ito at tumingin sa amin. "I have that feeling that they killed those students who didn't enclosed in the ranking and has a very low grades" malumanay na saad niya.
"what do you think?"
naguguluhan ako sa sinabi niya. dalawa pa nga lang ang nakakausap namin pero naisip na agad niya yon.
inalala ko ang rason na binigay nila at doon ko napagtantong iisa lang ang sinabi nila tungkol sa performance ng dalawang taong nakitang patay sa loob ng banyo.
hindi makapaniwalang tumingin ako kay Ichiro, ngayon pa lang nag sink-in sa aking utak ang sinabi niya.
naiintindihan ko na ang punto niya at pakiramdam ko ay tama siya.
"alam mo, tama ka eh. kung pagbabasehan ang sinabi nina Kim, Bryx at Jewel ay tama nga ang iniisip mo" namamanghang saad ni Acxius.
"remember when Bryx said that Jasmin told him to get a high grades to be safe? that's one of the clue, maybe Jasmin knew the reason why students found dead and she warns Bryx" seryosong saad ni Ichiro habang nakahawak sa kanyang baba na tila nag-iisip. "she didn't tell it directly but she gave him a hint"
Naalala ko. Nabobobohan ako sa sarili ko dahil hindi ko naintindihan agad iyon, naroon na nga sa harap namin ang sagot.
Kung ganon ang lahat ng hindi nakasama sa ranking at mayroong mabababang grades ay ang sunod nilang papatayin?
"Ichiro natatakot ako na baka patayin nila ang mga estudyanteng hindi kasali sa ranking" kinakabahan ako.
hindi ko alam ang gagawin. 13 ang section dito at tiyak na marami doon ang hindi napasama sa ranking, paano na sila? paano namin sika maililigtas?
Ang daming tanong na gumugulo sa aking isipan, bakit gano'n bakit nila pinapatay imbis na turuan pa para maging mas maalam.
"If i am right they're on danger. Tomorrow is the awarding ceremony and I'm pretty sure that one of these day we'll receive a news about another murder" diretsong saad ni Ichiro. "I don't know what to do, I don't have any plan because I am not sure. We will know the truth after the awrding"
kumunot ang noo ko. hihintayin pa niyang mamatay ang iba?
"are you out of your mind? nasisiraan ka na ba Ichiro? hindi natin sila pwedeng hayaan na lang na patayin ang mga estudyant-"
"what do you want me to do then Hyacith? we are not sure about my suspicions , we will know if we're right after the awarding. I am not a super hero Hyacith I don't even have a power to save all of the students that's in danger!" mariing tugon nito. "I know that you just want to help them, you don't know how much i want to save and help them too but what can I do? I'm just a human too just like you, it's funny how you care for them but you didn't care for me" dismayadong saad pa niya saka kami tinalikuran.
naiwan akong nakatulala roon kasama si Acxius na nasa aking harapan.
"Hyacith, pasensya ka na ah pero tama naman ang sinabi ni Ichiro. Wala rin syang magagawa tungkol doon kahit na President pa siya rito mas makapangyarihan pa rin ang mga nasa itaas, tao lang din sya at walang kapangyarihan na iligtas ang mga estudyanteng alam nyang nasa panganib at kailangan ng tulong, wala rin syang laban dahil hindi pa natin alam kung sino ang gumagawa ng lahat kung mapapahamak din si Ichiro ay sino pa ang tutulong sa iba?" mahinahong saad ni Acxius. "magtiwala lang tayo kay Ichiro dahil sigurado akong gagawa at gagawa sya ng paraan para makatulong" pilit siyang ngumiti.
Nag-guilty ako sa mga sinabi ko kay Ichiro. Siya na nga itong gumagawa ng lahat ako pa ang may ganang magsalita sa kanya ng ganon, sa lahat ng ginawa nya ay hindi siya nagreklamo at wala akong narinig na kahit anong sumbat mula sa kanya.
Nandyan agad sya kapag mayroong nangangailangan ng tulong, ginagawa nya ang lahat ng kanyang makakaya kahit ikapahamak pa niya basta hindi mapahamak ang iba.
Anong karapatan kong pagsalitaan sya ng ganon? Ako nga ay walang magawa kundi umiyak lamang sa tabi at matakot sa lahat. Ako nga ang pabigat dito ngunit ako pa ang may ganang magsalita ng masakit.
"Alam mo sigurado akong hindi galit sa'yo si Ichiro dahil alam kong naiintindihan ka niya" malumanay na ani nito. "hindi naman makitid ang utak niya, sa totoo lang dahil sa lawak non lahat inintindi nya kahit pa ikakasakit nya. Wala akong narinig na kahit anong reklamo mula sa kanya, madalas lang syang nagsusungit pero sobrang bait naman talaga nya"
"nasaktan ko sya, alam kong mali ako. dapat hindi ko sinabi ang mga yon, hindi ako nag-isip bago bitawan ang salitang iyon" walang buhay na saad ko. "natatakot ako kay Ichiro, natatakot ako na baka magbago sya bigla"
"kung nagkamali ka ay maraming paraan para itama yon, kung nasaktan mo sya ay maaari kang humingi ng tawad Hyacith tiyak na tatanggapin iyon ni Ichiro" nakangiting ani niya. "wag ka nang mag-isip ng kung ano-ano, kilala mo naman si Ichiro hindi sya ganyan kaya mabuti pa ay magpahinga ka na muna baka bukas okay na, baka bukas magkaroon ka na ng lakas ng loob para kausapin sya" ani pa nito saka lumipat sa kanyang kama upang magpahinga.
Tumango na lamang ako saka nahiga. Hindi ko alam kung makakaya ko pang harapin siya, hindi ko alam kung paano na muling makikipag-usap sa kaniya, baka mamaya ay may magbago bigla. Kailangan kong humingi ng tawad sa kanya bago pa man maging huli ang lahat.
Diretso lamang akong nakatingin sa kisame.
Natatakot akong baka mawalan na siya ng gana na gawin ang mga ginagawa niya dahil sa akin, dahil sa mga sinabi kong hindi dapat.
Baka lalong mag-iba ang pakikitungo niya maging ang kanyang ugali, hindi ko gustong mangyari na maging mas malamig pa sa yelo ang maging pakikitungo niya.
---------------------
---------------------