Unduh Aplikasi
15.78% Pagdating Ng Panahon / Chapter 9: Chapter 9: Matuto

Bab 9: Chapter 9: Matuto

Stay single until you find someone who never fills your heart with doubt, someone who reminds you everyday how special you're to them.

Stay single as much as possible nalang. Kasi. Noong nalaman ni Troy ang nangyari tungkol kay Papa. He broke up with me. See?. It is not love?. Ano kung ganun?. Ano ang pinakarason nya kung bakit nya ako niligawan? Or is it, just a bet if I will say yes to him, not to his friends?. Para maipagmalaki nya ang sarili nya sa iba. Na iba sya sa kanila?. Ganun ba?. Hayst!... Ewan. Basta. Kung ayaw na nya. Then, we are over.

Naging usap-usapan ang pagkasangkot ni Papa sa pinagbabawal na gamot. Natakot ako sa totoo lang. Pakiramdam ko. Biglang naglaho ang lahat sa mismong mga mata ko ng isang kisapmata lang. Hinusgahan nila without even asking questions. Tinitignan nila ako na para bang nabuhay ako ng dahil sa katas ng gamot na yun.

Nakakatampo. Gusto kong magwala at magalit sa kanila. Gusto kong isampal sa mga mukha nila na hindi totoo ang narinig at nabasa nila. Gusto kong, sumbatan sila at patulan nalang. Pero anong magagawa ng pagpatol diba?. Sasakit lang ang lalamunan ko. Masasaktan pa ako lalo. Wala namang saysay dahil nahusgahan na nila ako.

I'm torn between being a kind girl and a bitch one.

Kahit siguro sinong mabait na tao rito. Magiging masama kapag umabot sila sa puntong napuno na.

"That girl?. Eh, ginamit lang naman sya ni Troy.. kaya nga sya iniwan diba?."

"Bitch, kaya pala pakawala kasi pariwara din ang Tatay.."

"Sinabi mo pa?. Look at her now?. Bagay talaga sa kanya ang pagiging bruha.."

Sunod sunod ko yang narinig ng dumaan ako sa may Engineering Department. Gustuhin ko mang di na dumaan rito. Wala akong choice. This is the only way para makalabas ng school at malapit sa sakayan. Ang isa namang gate ay sa dulong bahagi pa ng school. Duon din ako dumadaan kapag may dalang sasakyan. And when I realize things. Dapat sa kabilang gate na dapat ako dumaan kahit walang dalang sasakyan. Pwede naman yata.

Nakita kong, parating si Troy. Kasama sina Dave at Julian. Nagtatawanan sila. Mga masaya. Tataliwas sana ako ng daan ngunit late na. Dahil nakasalubong ko na ang mata nya. Lumunok ako ng di namamalayan. Yumuko ako ng bahagya. Sa mga paa tumingin habang yakap ng mahigpit ang librong hawak. Nang dumaan ako. Natahimik sila. Di ko alam bakit. Basta nawala ang tawanan nila. At ang inaasahan kong, lalagpasan nila ako. Hindi nangyari yun dahil huminto pala sila at gumilid. Duon nila ako pinanood hanggang sa malampasan ko na sila.

Fuck!. Di ko alam na ito ang mangyayari after kong isugal ang mahalaga kong oo sa kanya. He said that. "I'm sorry Kendra.. I have to do this.. let's call this off." Hindi nya raw talaga ako gusto. Pustahan lang daw iyon sa kanilang magkakaibigan. Masakit sa part. Ang bigat bigat ng loob ko sapagkat, naniwala akong di sya manloloko. Na di sya tulad ng marami. Pero tama nga ang pagdadalawang-isip ko. Nakipag-hiwalay sya sakin hindi dahil kay Papa. Hindi rin dahil sa hindi nya ako gusto. Ginawa nya iyon dahil ayaw nyang iwan ko sya bigla. Gusto nyang, sya ang mang-iiwan at hindi ang iniiwan. He has his pride. At kahit anong anggulo. Kung susumain ko ito. Iyon at iyon pa rin ang konklusyon ko dito.

"May natutunan naman ako." bulong ko nalang sa sarili pagkaupo ko sa tricycle. Hindi ko dinala ang sasakyan para may magamit sina Aron papunta kay Papa. May sasakyan namang dala itong pinsan namin. Ang hindi ko lang gusto ay yung pagsusumbat sa amin pagdating ng panahon ng kanyang Daddy. Ang dinig ko din kasi. Nalaman na ni Tito Azrael ang tungkol kay Papa. Tumawag sya samin kaninang umaga at si Mama ang kinausap nya.

"Hello. Umuwi ka na ba?." this is Jane. Isa sya sa mga taong kahit marami ng narinig na balita tungkol sa aming pamilya. Heto pa rin sya't di umiiwas.

"Ah.. oo eh.. nasa tricy na ako. Bakit?."

"Sa bahay sana muna tayo kung gusto mo.."

"Next time nalang.. may gagawin pa kasi ako.."

"Sige.." tumahimik ang linya nya. "Okay ka lang ba?. Call me if you need me." nanlabo ang mata ko't kinagat ang ibabang labi dahil nanlalabo na naman ang mga mata ko. Di ko inexpect na ganyan sya kaconcern sakin.

"Hmm.. thanks Jane.. I'll call you soon." halos ibulong ko nalang ito para hindi nya malaman na, tahimik na akong umiiyak. Nakakahiya man. Sinabi ko sa driver na ihatid na ako sa amin. Ayokong may makakita pa sa akin na ganito ang itsura. Baka lalo lang nila akong pag-usapan.

Umuwi ako ng bahay. Wala pa sina Karen. Si Ate Keonna. Pumasok din. "Aron, kamusta?. Saan kayo part?. Pupunta ako.." sagot ko dito sa text. Nagpadala kasi sya ng mensahe na, dumating raw si Kian sa presinto at nasampal ni Karen.

Nasapo ko nalang ang noo. "Bakit dinagdagan mo pa Kaka?. Nag-iisip ka ba ha?." tinulak ko ang kokote dahil sa inis. "Bakit kailangan mo syang sampalin?. Paano nalang kapag nalaman ito ng Mommy nya ha?. Tingin mo, makakalaya pa si Papa?." nagdabpg ako sa galit. Nakayuko lang sya't hawak ang mga kamay. "Hindi na.."

"Kendra, calm down. Hindi naman siguro aabot pa ito kay Tita." pigil samin ni Ron sa gitna. Humarang sya sa pagitan namin ng kapatid ko. "Di iyon magagawa ni Kian." dagdag nya pa.

Matindi akong umiling sa kanya. "Paano mo masasabi yan?. Si Papa nga, nasa loob ng kulungan ng dahil sa Mommy nya. Biglaan pa?. Paanong di ako magdududa sa kanya?."

Kalmado pa rin sya. Di nagpatinag sa taas ng boses ko. "Hindi naman kasi si Kian ang Mommy nya. Si Kian ay si Kian. Ang kasalanan ng Mommy nya ay hindi nya kasalanan. Bakit natin sya pag-iisipan ng masama kung isa rin syang biktima?."

Natahimik ako. Nanahimik ako di dahil sa wala akong masabi. I keep my mouth shut because he has a point. Na muntik ko na ring makalimutan. "Let's not judge people despite the circumstances we have Ken.. matuto tayong kumalma para makapag-isip ng akma.."

I guess. Tama din sya. Matuto tayong isipin ang lahat bago magbigay ng pinal na husga. At matutunan rin sana nating maging kalmado sa lahat ng oras para matuto sa mga pangyayari.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C9
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk