Unduh Aplikasi
70.17% Pagdating Ng Panahon / Chapter 40: Chapter 40: Gusto

Bab 40: Chapter 40: Gusto

Di ako umoo sa imbitasyon nya sa Batangas. Kahit naman di nya sabihin sakin. Malamang, malalaman ko ito kay Karen.

"Pa-batangas kami mamaya Ate. Sama ka?." anya nang kinatok ko sya sa kanyang silid para sa agahan. Alas dyes na ng umaga pero mag-aagahan pa lamang kami. Dalawang araw matapos ang kasal nila ni Kian. Dumito na muna sya para ayusin ang kanyang mga gamit.

"Kayo nalang. May lakad kasi kami ni Ate Jane mo. Wrong timing ka naman lagi.." actually pwede namang di matuloy ang pa-Batanes namin ni Jane. Kasi pati din sya. Nagdadalawang-isip pa. Ang kaso lang. Gusto kong umiwas muna. Ang sakit kasing pakinggan mula sa kanya na, magkaibigan lang kami.

Kita mo yun?. Ako din mismo ang nanakit sa sarili ko.

Abnoy ka Kendra!.

Tama nga si Ate Kiona. Nasa akin nalang din ang desisyon. At ang desisyon ko ngayon ay ang tuluyan na muna syang iwasan. Kung tanungin nya man ako ulit tungkol sa di ko pagreply sa text at tawag nya at di pagsipot sa Rooftop kapag may gig sya. I'll tell him everything na. Bahala na kung saan mapunta ang lahat ng to. Basta nasabi ko lang ang totoong nararamdaman ko.

"Nakausap ko si Ate Jane eh. Sama raw sya if you'll join us.."

Nangapa ako bigla. Sa totoo lang. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"Kuya Poro is coming too.. Sama ka na please.." dagdag pa nya. Mas lalong naging malabo pa sa maulap na kalangitan ang isipan ko.

Nalito na nga ako sa kung sasama ba ako dahil nakadepende sakin ang kaibigan ko o hindi na. Lalo pang nadagdagan ng malaman na kasama rin pala sya.

Bagay na iniiwasan ko sa ngayon. Ay ang wag kaming magtagpo na dalawa.

"Kayo nalang Kaka.. I'm too tired for a trip today.." binagsak ko nalang ang katawan sa kama nya. Kasama nya rito si Kim. Dalawa sila sa silid. Kami naman ni Ate sa kabila.

Abala ito sa pagtutupi ng dadalhing damit ng mapansin ang pagtutol ko sa kagustuhan nyang isama ako. Huminto sya't pagod na sumandal sa dingding ng kabinet. "May problema ka ba?." she asked after staring at me, curiously. Ginawa ko namang unan ang dalawa kong braso saka sa kisame na kulay asul ako tumingin.

"Wala.. bakit mo naman nasabi?."

"E kasi panay ang tanggi mo sa alok ko."

"Hindi lahat ng bagay ay may dahilan Kaka. Sadyang tamad lang akong gumala ngayon.." mabilis kong rason pa. Dahil kung may sampung minuto ng natapos bago ang pagsagot ko. Alam na nyang nagsisinungaling na ako. Gamay ko na sya. At lalong kilala ko rin ang sarili ko. Hindi pwedeng magpahuli. Makukulong tayo.

Teka nga Kendra! May kaso ka ba?.

Bakit masyado ka yatang takot mahuli ha!?.

"Tamad ka lang ba talaga o may iniiwasan ka lang?." she sounded like she is so sure about what she is talking about.

"Pagod lang kapatid. Wag mong bigyan lagi ng meaning ang lahat."

"Psh.. as if naman ako ang ganun dito. Bakit ayaw mong sumama ha, Ate?. Dahil ba sa partner mo?." she paused.

Tumikhim ako dahil biglang nangati ang lalamunan ko. Na huli ko lang naisip na, di ko sana ginawa yun. Too late na.

"Duh, nope.." maarte ko pang sambit kahit ang totoo ay, oo.

"Alam mo bang, maid of honor ka't ikaw dapat ang pinakapriority na kasama ko?."

"Of course. Not.." natawa ako sa sariling sagot. Isang word lang sana ito e. Naging dalawa ba?. Tama lang din sa naging tanong nya.

Ngayon na sya nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Tapos nakita ko sa peripheral vision ko sa right side na tumalikod na sya sa gawi ko upang ipagpatuloy ang ginagawa. Dito ko lang din sya tinignan ng buo. Ayaw kong tignan nya ako sa mata. Gaya nga ng sabi ko. Mahuhuli nya ako kahit wala akong ginawang kaso.

"Iniiwasan mo si Kuya Poro?. Bakit?." ang akala kong tapos nang pang-iintriga nya. Di pa pala.

"Bakit ko naman gagawin yun?."

"Yes.. bakit mo nga ginagawa yan ngayon?."

"What?." taka kong tanong.

"Stop denying Ate. You're ignoring him since nagdouble date tayo nila Kian noon. Di mo raw sya nirereplyan. Kahit ang sagutin ang tawag nya. Di mo na magawa. Explain me then that?." bigla sya ngayong humarap sa gawi ko. Huli ka balbon! Wala ka ng takas ngayon!.

Napairap nalang ako sa kawalan.

Tatanggi pa ba ako?. Nahuli na nga tayo diba?.

"What if I say yes?. Anong gagawin mo ha?." umupo na ako't tinarayan naman sya. "Look Kaka. Hindi porket iniiwasan ko na sya. Ayaw ko na sa kanya." namilog ang kanyang mga labi. Inirapan kong muli sya. "I'm doing this for our sake. I'm not risking our friendship nang dahil lang sa gusto ko sya.."

"Oh my God!." oa naman neto.

Sa ka-oa-yan nya. Basta nalang nyang binitawan ang hawak na mga damit. Nagkanda hulog ang mga ito sa sahig. Saka hinakbangan pa ang mga ito para lang malapitan ako.

"Is that true?."

"Sa ganda kong to, nagsisinungaling?." tinuro ko pa ang buong mukha sa kanya. Tinulak ko ng bahagya ang mukha nya dahil malapit na yata akong maduling sa lapit nya.

"Oh my God!. Oh my God!. Oh my gosh!!.." tumili na ito.

My brows lit. Ano tong violent reaction nya?.

"Matigil ka nga, Karen Manalo Lim.. Magising si Kim!.." suway ko sa pagtili nya. "Kahit kailan talaga. Ang oa mo!."

"E kasi, finally. Inamin mo ng gusto mo sya. Ayiiiee!." bumalik na nga sya sa tabi ko't, sa tainga ko naman tumili. Bwiset!.

"Ano ba?. Manahimik ka nga!. Sampal gusto mo?."

I'm a savage ah!.

Tumahimik naman sya pero ang ngiti juiceko!. Abot hanggang tainga!

"Karen,.isa pa!. Mukha ka ng timang!."

"E kasi naman. Ngayon ko lang nalaman na inlove ka.. Kaya pala blooming ka lately.."

Yan!. Ganyan ang gusto ko!. Bola pa more!.

Ngumiti naman itong si Gaga!. Gustong matawag na blooming?. Ugok!.

"Wala akong piso rito. Sorry nalang."

Tinampal nya ang binti ko. Napaaray tuloy ako. "Totoo nga kasi."

"Wala akong pake.."

"Anong walang pake?." tumigil sya't tumitig na naman. Baliw na yata sya!. Ikinasal lang eh, nag-iba na agad ang ugali!. "Obvious ka kaya. Gusto mo, ilakad kita sa kanya. Ako nang bahala. Umoo ka lang."

Tumayo na ako. Baka kung saan pa mapunta tong usapan namin. "Wag nalang. Salamat."

"Oh teka. Saan ka pupunta?. Di pa tayo tapos Ate?."

"Maliligo pa ako. Ayoko ng amoy imburnal.." lumabas ako ng silid nya. Ngunit hinabol nya naman ako. Hanggang sa pagbaba ng hagdan.

"Kaya ba iniiwasan mo sya?."

"Oo nga! Ang kulit.." naiinis ko ng sabi.

Tapos tumawa pa sya. Kainis talaga!. Kulang nalang mabasag ang mga ngipin ko sa gigil dito.

"Bakit di mo aminin sa kanya?."

"Babae ako Karen. Ayokong gumawa ng first move. Kung mapansin nya ang pag-iwas ko. Malalaman nya rin kalaunan ang dahilan ko."

"Ang lalim natin ha?. Ganyan ba epekto ng pagiging inlove?. Hahaha.."

"Sige tumawa ka pa.. guntungin ko kaya yang kulot ng dulo ng buhok mo. Tignan natin hanggang saan ang tawa mo.."

"Grabe ka talaga!. May dalaw ka ba ha?. O baka naman, namimiss mo lang sya?."

Tumakbo na sya ng akma kong hilahin ang dulo ng buhok nya. "Mama, si Ate Kendra!." sumbong nya pa sa magulang namin. Isip bata! Hayst!.

Binalewala ko nalang ang mga lintanya ni Mama saming magkapatid. Pumasok ako ng cr. Naligo. Nagpalit. At kumain. Pagkatapos. Sa sofa na ako umupo. Binuksan ang tv habang ang mga paa ay nakapatong sa malambot na upuan. Di pa ako nakakasuklay. Kahit ang polbo o cream na nilalagay sa mukha. Di ko pa ginawa. Tinatamad talaga ako!. Di ko alam bakit. Para akong battery na biglang nawalan ng kuryente kaya di gumagana.

"Ano palang ang ginagawa mo, Kendra?. Kasama ka ng kapatid mo papuntang Batangas diba?." pinalo nya ako sa likod gamit ang isang itim na hanger. Napakislot tuloy ako. Kumunot din ang noo ko sa gulat. Kusa na rin iyong nawala dahil baka isang buong aklat na ang basahin nyang kasalanan ko sa kanya. Nakakapagod makinig.

"Hindi ho Ma.." nagtaka pa ako kay Mama. Hindi ako umoo kay Karen. Paanong kasama ako?.

"Hindi pwedeng hindi ka sasama anak. Sinong aalalay sa kapatid mo?."

Mukha ba akong alalay?. Ma naman!.

"Malaki na sya Ma. Kaya na nya sarili nya." isang batok pa tuloy ang nakuha ko.

"Tumayo ka na riyan at magpalit na. Saka ka na magreklamo kapag nakauwi ka na.." hinila nya ako galing sofa saka pilit na pinatayo at pinaakyat ng hagdan. "Kawawa ang kapatid mo. Wala syang kasamang kaagapay sa mga kaibigan nyo."

"Bat di nalang ikaw ang sumama, Ma?."

"Aba sumagot pa!?. Malamang, matanda na ako't bata ka pa. Sa tingin mo, anong iisipin nila kapag kasama pa ako ng kapatid mo sa gala nya ha matapos ikasal?. Mag-isip ka nga, Kendra.."

Tumunganga ako. "Dali na!. Akyat na. Naempake ko na mga damit na kailangan mo. Magpalit ka nalang. O." huminto sya saka pinasadahan ako ng tingin mula paa hanggang ulo. "Kahit di ka na magpalit ng damit. Ayos na yan. Dyan lang naman kayo sa malapit."

"Kahit na sa malapit lang Ma. Ayoko ngang sumama.."

"Bibigyan kitang pera.."

"May allowance pa ako.."

"Extra allowance?. Ayaw mo?."

"May pera pa nga ako.."

"Gawin kong times there ang allowance mo ngayon. Sumama ka lang.. hmmm?.."

Ano ito, suhol?.

Tatanggi pa ba ako?. G na this!. Times three daw eh.

Bahala na si Batman!


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C40
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk