Unduh Aplikasi
26.31% Pagdating Ng Panahon / Chapter 15: Chapter 15: Ano!?

Bab 15: Chapter 15: Ano!?

Nang nakasakay na kami. I asked him kung saang University sya. And he said. La Salle College Antipolo. Private school huh?. Hmm.. Kaya pala kahit tignan mo sya mula sa malayo. Makikita mo talagang may kaya sila. Sino kayang may gusto ng kurso nya?. Is it his choice or his family?. Dahil kung ako lang din. Tourism ang gusto ko. Kaso si Ate kasi. Iyon na ang kinuha nyang kurso at ayaw nyang magkapareho kami kaya I have no choice but to choose my second option. Mas Com. Pangarap ko ding maging News reporter o Anchor someday. Suporta ako nila Papa dahil bagay daw sa daldal ng bunganga ko ang aking kurso. Gayunman. Parang napapaisip na ako kung, pagkagraduate ko ba ay ipe-pursue ko ba ang pangarap o mag-aral muli for law. If you're asking if I'm doing this because of Poro?. No!. Hindi ko hahayaang ubusin ang oras ko para lang sundan ang isang tao. This is my choice too. Tsaka. Di pa naman pinal. If palang naman. And, if papayagan pa nila Papa. It takes time, effort and money pa kasi pag nag-aral akong muli. Hindi naman problema ang financial namin. Oras at effort ang kalaban. Minsan pa naman. Tamad na ako kapag sinimulan ko ang isang bagay. Parang ayoko ng tapusin ito. But, I'm thinking this hard. Hindi ito basta bastang desisyon. I need to see the pros and cons bago sumugal.

"Late ka na ba talaga?." tanong ko sabay sulyap sa kanya. Kanina pa kasi sya pasulyap sulyap sa wrist watch nyang, Rolex. Yaman!

"Ten minutes before that.."

Ah.. Ten minutes pa. So, hindi pa nga sya late. May oras pa para dumaldal. "Is your course, your own choice?." nacurious pa rin ako sa kanya. Kahit sigawan ko pa ang sarili na wag alamin ang personal nyang pagkakakilanlan. To know him more. Parang may kung ano sakin na kumikiliti to let me know more about him. Parang kapag hindi ko sya tinanong o hindi nalaman ang ibang detalye tungkol sa pagkatao nya. Hindi ako mapapakali sa kinauupuan ko. Baka pa nga. Bigla nalang akong nasa tapat ng school nila. Waiting for him to answer my questions.

That's a crazy move.

I know. Siguradong babatukan o pagtatawanan ako ni Ate kapag nalaman nilang ginawa ko iyon.

But hell!. Bakit ko naman kasi gagawin yun?. Di pa naman ako baliw o higit sa lahat ay hibang.

Sa ngayon. I can clearly see that, I am not crazy, yet, over him. But who knows. Who knows?. Duh?. I don't even guess kung darating ba ako sa puntong yun o hinde.

Tsk! Basta. Bahala na!.

"My choice.. ikaw ba?. Is Master of Communication is your choice or did Tito choose it for you?."

Umiling ako sa kanya. Isinandal ko ang kaliwang kamay sa bintana habang ang kanang kamay ay syang nagmamaniobra sa manibela. Mukhang pagod pero hinde.

"Teka.." nilingon ko sya bago bumusina sa bisikletang dumaan sa gitna ng kalsada. Lintek na yan! Mura ko sa sarili. Sinulyapan ko syang muli. Sa labas na sya nakatingin. Sa mahabang traffic. "Paano mo nalaman ang kurso ko?. Wala naman akong naikwento sa'yo ah.."

Saka lamang bumalik sakin ang atensyon nya. "Naikwento ni Tito.."

"Si Papa?. Tsk.." di ako makapaniwala na kahit sa isang estranghero e, ibibida ni Papa ang maganda nyang anak.

"Yes.. and he's so proud of you with your two sisters. Tsaka.." huminto sya bigla. Kaya naman mabilis ko lang syang tinignan. Masyadong matraffic kasi. Delikadong makabangga. Wala akong pera!

"Tsaka?." gaya ko sa huli nyang sabi. Gusto ko ring marinig ang karugtong ng tsaka na yan.

"Tsaka.. diba sa La Salle ka rin nag-aaral?. That's why.." eksaktong nag-stop ang signal light sa gitna. Kaya napahinto kami.

Napangisi tuloy ako. Paano nya kaya nalaman?.

"How did you know?. Sikat ba pangalan ko?." di naman sa pagmamayabang. Lahat yata o hindi halos lahat ay kilala kung sino si Kendra Manalo sa loob ng school. Di ko pa alam kung maging sa labas nang school ay kilala ako. Yabang!. The one and only, shy type girl na hindi nauubusan ng manliligaw. The beautiful NBSB, noon. Yup!. Noon lang. Hindi na ngayon dahil sa gagong Troy na yun. Ginamit nya lang ako.

"Ang Kendra Manalo, na hindi nauubusan ng mga lalaki.."

"Hoy!.. hindi ko sila mga lalaki noh.. manliligaw lang.."

"Pareho lang yun.."

"Sinabi mo yan kay Papa?."

"Nope.." maikli nyang tugon.

"Then how did he tell you my story?. Hindi palakwento si Papa e." hindi nga ba?. Kung sa amin kasi. Iba ang diskarte nya. Kwento na may halong sermon. Baka. Siguro. Maaari rin na magkwento sya sa iba. Lalo na sa kakilala nya't kapareho ng interes sa batas.

"Long story short.. he is a proud Daddy sa kanyang mga anak.."

"Tsk.. ang sarap mo namang kausap eh.."

Natawa sya.

"Sinong Troy yung tumawag sa'yo, kung ganun?. Engineering Department ba sya?." nagulat ako sa pagiging madaldal din nito.

"Bakit, curious ka?. Type mo ako noh?." biro ko na naging dahilan ng pagbara ng kung ano sa lalamunan ko dahil sa pagtawa nya.

Lakas ng apog mo Kendra noh?. Asa ka namang lahat ng lalaki sa Antipolo, gusto ka!. Ibahin mo sya!

"Wala lang.. ang alam ko kasi bawal ka pang magboyfriend.." he said. Hindi sinagot ang tanong ko kung type nya ba ako. ASA NGA AKO!.

Grabe!. Hindi ako umaasa no!. Sadyang. Di lang ako sanay na may taong tinatanggihan ang ganda ko.

"Kwento din ni Papa?.." tanong kong muli. Tumango sya. Finally. Umusad na rin ang traffic. Hanggang saan ba ang naikwento ni Papa sa kanya?. Sisingilin ko sya pagkauwi nya. Naman e. Baka pati sikreto ko e nasabi na nya rito?. Bwiset!. Nakakahiya!

"But don't worry.. wala nang naikwento pa si Tito na iba. Hanggang duon lang.." tumawa sya. At parang ang tawang iyon ang naging musika sa pandinig ko. Kagandang pakinggan.

Nabuhayan naman ako ng loob. Salamat naman kung ganun. Pero para saan ang tawa nya?.

"Bat ka tumatawa kung hanggang duon lang ang alam mo tungkol sakin?." nilingon nya ako. Nagkatinginan kami.

"It's because, Tito is so funny.. it's a long story Ken.. saka ko nalang sasabihin sa'yo.. hahaha.."

Saktong huminto na kami sa harap ng Entrance gate.

"Ano!?.."

Nagmadali na ngayon syang nag-ayos ng gamit saka tinanggal ang seatbelt. "Drive safely.." ginulo nya ang buhok ko habang tumatawa ng pailalim. Bumaba syang di ko nalalaman. I even heard his voice pero di ko na naintindihan kung ano pang sinabi nya. Basta ang tanging tumatak sakin ay ang ginawa nyang, paggulo sa buhok ko. Idagdag mo pa ang story na sinasabi nyang galing kay Papa.

Papa naman! Ano ba!?.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C15
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk