Unduh Aplikasi
1.75% Pagdating Ng Panahon / Chapter 1: Chapter 1: G
Pagdating Ng Panahon Pagdating Ng Panahon original

Pagdating Ng Panahon

Penulis: Chixemo

© WebNovel

Bab 1: Chapter 1: G

"Show me the meaning, of being lonely.." habang binabaybay ko ang kalsada patungong bahay. Naririnig ko na itong unang linya ng kanta. Agad dumaan ang sakit sa dibdib ko. Parang pinipiga ito.

Hindi ko alam kung bakit bigla kong nakagat ang labi dahil sa narinig. "So many words for the broken heart." sunod na sabi ng nasa stereo ng minamaneho kong sasakyan. Umiling ako. Broken hearted?. Ako?. Hindi naman ah. Pero bakit sa isip ko'y, broken hearted nga ako ngayon kahit hindi naman talaga. I have so many suitors. Duh! Nakalinya! Nakapila! Psh! Yabang!. At bawat sandali na kasama ko sila, isa-isa. Kissing, holding hands are so easy to me to get to know them. Tinanong pa nga ako ni Papa kung kailan daw ako magtitino. Ang giit ko naman. Matino naman ang anak nyo Pa. Ayaw nyo lang maniwala. He just burst out of laughter! Kita nyo? Pinagtawanan pa ako. Hindi talaga naniniwala. Grrrr!.

And he shook his head dahil nga, ayaw nyang maniwala. I get used to it. Actually sila ni Mama. I'm not mad. Kasi. Di ko din sila masisi. Once he prevented me from dating. As in, bawal!. Na kung malalaman nya raw. Bugbog sarado o kulong mismo ang lalaking aakyat ng ligaw sa bahay. Kita nyo?!. Wala pa nga, pinangungunahan na! Asar!. Gaya nya, laughing at me about my boys. Tinawanan ko lang din sya. At lalong hindi ako sumunod sa gusto nya. Imbes sundin at gawin ang sinabi nyang bawal akong magkaboyfriend while studying my degree of Master of Communication. Baliktad. Hindi lang naging isa ang kafling ko o manliligaw. Paiba-iba. Sa madaling salita. Pagkatapos ng isa, may agarang kapalit na isa.

Babalewalain ko na sana ang patuloy na pagtugtog ng kanta ng muli kong marinig ang lyrics nito. Na kadalasan hindi ko naman ito binibigyang pansin. "Show me the meaning of being lonely. Is this the feeling I need to walk with. Tell me why I can't be there where you are. There's something missing in my heart.."

"Tsk.." napapailing pa ako sa pagkadismaya. "Bakit nga ba apektado ako?. Hay Kendra.." mahabang buntong hininga ang ginawa ko.

Bakit nga ba?. Simpleng kanta lang naman ito dahil nagmamaneho ako pero bakit iba ang atake ng lyrics nito?. Tumatagos hanggang sa kailaliman ng puso ko.

"Asar.." halos sipain ko pa ang manibela dahil sa inis. Hindi ako broken hearted. Bakit naman ako masasaktan e never pa nga ako nagcommit sa mga manliligaw ko. Yes. I let them pursue me. I get to hang out with them. Know them. Hold them and kiss them but I never been say yes to any of them. I once ask myself about it. Bakit hindi ko masagot sagot ang isa sa kanila?. Bakit kahit halatang hulog na hulog na ako kay Troy, hindi ko pa rin magawang umoo sa tanong nya?.

Is it because I'm afraid to get to know what that broken hearts mean?.

I know what that means. Teka. Alam ko nga ba o nagmamarunong lang ako sa bagay na wala akong kaalam-alam?.

I can't figure it out yet. Di ko nga ba matukoy o ayaw lang tukuyin?. Because you know, that it's in you. Ikaw ang nakakaalam ng sarili at desisyon mo. Wala ng iba.

"Life goes on. Like it never ends. Eyes of stone observe the trends. They never say forever gaze if only. Guilty roads to an endless love." napakanta pa ako ng "Endless love" Tangina! Kailan pa ako sumabay sa isang kanta?. "There's no control are you with me now. Your every wish will be done. They tell me."

"Ano?. Yikes.." kulang nalang isumpa ko sa buwan na madilim ang lyrics na dumaan. Sino ang naiisip ko at ganito nalang ang galit ko rito?.. Si Troy?. Napasinghap ako. Napailing din kalaunan. No! Kung sasagutin ko si Troy tas iiwan rin kalaunan. Masasaktan ko sya. At naiisip ko palang kung paano sya masaktan. Hindi ko na kaya. Umaatras na ako para lang wag iparamdam sa kanya ang sakit. But how will you know if you don't try?. Paano nga ba?. At bakit ko ba naiisip na hindi dapat sya masaktan?. Am I crazy now?. Martir!.

"Damn it! I don't know even.." parang baliw na ako rito. Kausap na ang sarili kahit mag-isa.

Sa pagliko ng manibela. Click!.

Now. I understand it. Hindi nga pala sa ayaw ko syang sagutin o saktan. Talagang natanto ko lang ngayon na ayaw kong magcommit sa isang relasyon na walang kasiguraduhan. It's like. I'm into just dating, hanging, flirting and clinging. Geezz!. Bigla yata akong naging cheesy rito.

"Ew... Kendra. Pagtatawanan ka ni Kiona kapag kiniwento mo ito sa kanya.." iling ko pa. Sure. Hundred and one percent. Tatawa ng malakas si Ate sabay pa ng palo at hila sa buhok ko. Just like me. Marami din syang suitors. Ang pinagkaiba lang namin. Sya, sagot agad. Wala ng ligaw ligaw. Ako, kailangan pa ng sandamakmak na ligaw bago sagot. Sa totoo nga. Wala pa akong sinagot sa kanila. Maliban lang kay Troy na consistent masyado at handang gawin ang lahat mapasagot lang ako.

Nakarating ako ng bahay. Pabagsak kong sinarado ang pintuan ng sasakyan. Pinatay ko na rin ang stereo ko kahit hindi pa ata tapos yung kanta. I don't care. Duh?. Di naman ako lonely at lalong hindi broken hearted. Wala akong pake. Bahala dyan!.

"Ate, nasaan ka na?. Bili ka raw ng gatas ni Kim.. kakauwi ko lang. Wala pa si Kaka.." tinipa ko ito at pinadala sa panganay namin. Di ko alam bakit kailangan pang hintayin ako ni Mama para sabihin ito. Dapat kanina nya pa tinawag sakin para dumaan na ako sa 7'11. Pero ang sabi nya. Di nya magawa dahil sa marami syang ginagawa. Rason ba iyon?. Umirap nalang ako at hinayaan sya.

Umakyat ako sa silid at agad na nahiga sa kama pagkalapag ng bag sa sahig. Pagod ako kahit sa totoo lang. Wala akong ibang ginawa kundi maupo, makinig sa Prof tapos magdrive pauwi. Dinaig ko pa nga tumakbo ng ilang rounds sa malaking oval ground.

"Bruha, san ka?." nag beep ang phone ko sa isang mensahe ni Jane. Kinuha ko ito at nagtipa din ng reply.

"Bahay na. Bakit?."

Ilang sandali lang ay, may tugon na muli sya. "Rooftop daw tayo mamaya. G?."

Napabuntong hininga ako dahil sa pagod. Party?.

"Sure!. Sinong taya?." Yan ang tanong ko dahil malamang, may gustong magparty.

"Cristoff.. and obviously, andito mamaya si Troy.. punta ka na.."

"Magpapaalam pa ako." rason ko kahit sa totoo lang. Hindi na kailangan. Kaya kong mag-isip ng paraan para makatakas. Pero sa ngayon bigla akong nakaramdam ng pagod at gusto nalang magpahinga.

"Please?. Malulungkot si Troy kapag wala ka. Ako rin." kung di ko lang sya best friend in crime. Naku!. Talagang di ako pupunta.

"Fine. G.."

"Yes.. thanks bruha.. I'll call you again by eight.." gabi na nun at gagala pa kami. Sabagay. Sanay na akong lumabas kapag gabi. At ngayon. Ramdam kong kailangan ko ngang gumala para mawala ang lyrics nung kanta na, being lonely daw. Tsk!.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C1
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk