Unduh Aplikasi
90% (︶^︶) / Chapter 9: Chapter 9

Bab 9: Chapter 9

Serene

"Ced, diba sabi ko naman hindi mo kailangan gawin to. Kaya ko naman ang sarili ko eh." mahinahong sabi ko sa kanya. Nasa tapat na kami ng bahay at pinauna kona si Bestfy sa loob.

"Nah, it's ok for me Princess, isa pa inihabilin ka sakin ng dad mo kaya mananagot ako pag may nangyari sayong masama. Isa pa I don't also know what to do if something bad happens on you, Princess." malambing na sabi ni Cedrick sakin, hays alam ko naman he's trying to change himself pero hanggat maaari ayaw ko padin maattach sa kanya. Napabuntong hininga nalang ako.Kababata ko kasi si Cedrick and mula noon Princess na talaga ang tawag niya sakin tss. Hindi naman sa gusto ko pero hinayaan ko nalang siya dahil maganda naman yung pakikisama niya sakin minsan eh.

"Fine Cedrick, but please, wag mo ako masyadong bantayan dahil kaya ko naman ang sarili ko. Isa pa alam mo namang ayaw ko ng pinapakelaman ako sa mga ginagawa ko diba." sabi ko sa kanya na ikinabuntong hininga niya.

"Ok, Princess, but please just take good care huh. I'm sorry for what I've done na ayaw mo, gusto ko lang naman na palagi kang nasa mabuting kalagayan eh." sabi niya habang sincere na nakatingin sa mga mata ko.

"Oo na, sige na umuwi ka na, say hi to tita for me." sabi ko sakanya habang papasok na sa loob.

"Ok, a-ahm Princess" tawag niya sakin kaya napalingon ako.

"I'm still waiting, I will wait for you" sabi niya sakin habang naka close lip na ngiti. Tinignan ko lang siya hanggang sa makaalis na siya.

Matagal na kasi siyang nanliligaw sakin, halos 1 yr na din. Nung nag 18 ako kasi sabi ni dad dun lang daw ako pwede magpaligaw kaya eto ngayon. Gwapo naman si Cedrick, he's super popular in our school, bukod sa syempre panganay na anak siya ni Mr. Villamonte eh Captain din siya ng Baseball. Kaya hindi makakailang madaming nagkakandarapa sa kanya, isa na din yun sa dahilan kung bakit hindi ko pa siya sinasagot dahil kahit sa tingin ko ay nagbabago na siya eh hindi padin ako kumbinsido.

Ayoko kasing masira lang yung First love ko, gusto ko kasi siya na yung Una at huli para sa akin. I want to reassured things first bago ako pumasok sa isang relasyon at gumawa ng desisyon.

Pumanhik na ako papunta sa kwarto ko at nadatnan ko si Andy na nakadapa sa kama ko. Aba't ang bruha kala niya ang linis linis ng paa niya tskk!

"Hoy! Andy! bumaba ka nga jan, mamaya magka virus yang kama ko dahil sayo tssk!" inis na sabi ko naman sa kanya habang pabagsak akong umupo sa gilid ng kama ko at nilapag ang bag ko sa side table.

"Ano ba yan bestfy! wag ka ngang maarte naliligo naman ako noh!"

"Oo naliligo ka nga, mga tatlong wisik lang naman!" sigaw ko sa kanya tsk.

"Hay nako bestfy beastmode ka na naman, nga pala anong nangyare dun sa office ni Maam Cuenco? saka bakit ba galit na galit ka kanina pag uwi natin ha" tsss, pinaalala na naman niya bwiset.

Umayos naman siya ng upo paharap sakin. Bwiset may bahay naman siya, kulang nalang dito ko na siya patirahin eh tss.

"Hays, wala sinabi lang ni maam na next month na yung Sportsfest natin pero wala pang memo kaya baka next week ko na idiscuss sa klase." matamlay na sabi ko lang sa kanya habang nakacross arms.

"Oh my god! excited na ako waa! madami na naman tayong makikitang Hot guys sa ibang school my god! hmm pero syempre hindi padin papatalo si Jacey myluvsss hmmp" kilig na sabi niya tsss bwiset na pangalan yan sinira ang araw ko grrrr.

"Tsk! bwiset isa pa yun hays, diba may Sportsfest King and Queen, eh ayun kaming dalawa yung nilista ni maam para sa candidates sa 2nd yr. Business Ad. Dept." matamlay na sabi ko sa kanya. TSSKK KAIMBYERNA TALAGA! gusto ko na ngang iwasan yung kumag na yun eh tssk!

Ayan na naman siya...

....1 2 3...

"KYAAAAHH-" yownn Headshot! binato ko kasi sakanya yung malaking unan ko. "ARAY BESTFY NAMAN EHH!" tinaasan ko lang siya ng kilay kaya napaayos nalang siya ng buhok at upo.

"OHMYGOD BESTFY!! hindi na ako makapaghintay! hu hu I can't breathe Omay-" "Sige mas lalong hindi ka makakahinga pag sinubsob ko tong unan sayo Andy!" pigil ko naman sa sasabihin niya.

"Hay naku bestfy! Sana ako nalang ehh! kung ayaw mo din pala, kaso wala Ikaw na bestfy! Maganda ka eh! for sure ikaw na naman ang Queen niyan, tsk walang wala sila sayo eh, pero syempre hindi natin masasabi baka mawala na yung trono sayo diz time. Saka wag ka nga, may bunutan pa naman eh malay mo hindi siya yung makapartner mo." sabi naman niya, hmmp sabagay, may pag asa pako HAHA!

Nung nakaraan kasi si Cedrick ang nabunot ko at kami din yung naging king and queen and dun nagsimula yung rumors about samin kaya masyadong maingay yung name namin sa school tsk.

"Tsk oo na, pero sana lang talaga hindi siya yung mabunot ko hayst! malas pa naman kung sakali dahil for sure matatalo lang kami dahil alam ko magkakagalit lang kami sa isa't isa at wala kaming maayos na pag uusap hays. Kanina pa nga lang eh bwiset siya, nagsorry na nga ako pero sinabi lang niya It doesn't change the fact that you're clumsy and annoying TSK! kainis dibaaa! bwiset. Lalo niyang pinapakulo dugo ko hayss." sabi ko habang nakakunot ang noo.

"Ok, ok bestfy hinay hinay na. Hmmp kaya naman pala hays, pero grabe talaga yung kanina sa Cafeteria eh, God! serene hindi mo lang alam kung gaano kayo kalapit sa isa't isa! tapos unti nalang talaga maghahalikan na kayo Kyaaahh!" kilig na sabi naman niya tssk lakompake! bwiset!... Naalala ko na naman ARGHHH!

"Tas para kaming nanonood ng isang movie kasi grabe talaga yung moment niyo kanina bestfy! ang lakas ng chemistry niyong dalawa tsk! sana ako nalang yung nasa pwesto mo kanina huhu!" dagdag niya pa, tssk! nakakainis talaga hays.

"Ewan ko sayo Andy, oo siguro kung ikaw yung nandun baka himatayin ka pa tsk mapapabuhat kami sayo ng di oras eh ang taba taba mo!" inis na sabi ko sa kanya saka tumayo ako para magbihis.

"Oo na! wag ka mag alala mag gygym talaga ako bestfy! at sasamahan mo naman ako diba, gorgeous Bestfy" pagpapacute niya, tssk! nakakatamad nga eh pero sige hays wala din namang gagawin sa weekend.

"Hay oo na oo na! pasalamat ka wala namang magawa kaya go lang tsk! halika na nga bumaba na tayo nagugutom na ko." sabi ko sakanya na kinatuwa naman niya at sumunod sakin sa baba.

"Nanang, pakihanda nalang po kami ng lunch" nakangiting sabi ko kay nanang, siya yung mayordoma dito at pinakaclose ko sa lahat ng maids.

"O siya sige maupo na kayo jan dalawa, gusto niyo ba ng juice?" tanong naman ni nanang.

"Ah hindi na po nanang, dahil nagdiDIET po kami ni Andy, tumataba na po kasi siya eh kaya tubig nalang po" natatawang sabi ko kay nanang na ikinailing nalang niya.

"Haha! wag ka mag alala bestfy dahil pag naging sexy na ako, mapapainlove ko na si Jacey myluvs ko saken hmmp!" sabi naman niya sabay irap sakin. TSK! asa pa siya.

"Mangarap ka ng dilat ang mata bestfy! dahil malabong malabo tss." sabi ko naman sabay iling.

"Mga anak, eto na pagkain niyo" sabi naman ni nanang kaya agad akong tumayo para tulungan siya.

"Ako na po bahala dito nanang salamat po." ngiting sabi ko naman sakanya.

"Kumain kayo ng mabuti riyan ha" nginitian lang namin si nanang at umalis na siya.

"Hoy ikaw namumuro ka na ha, ang yaman yaman niyo tas makikikain ka pa dito tsk" taas kilay ko naman sa kanya habang sumasandok ng kanin.

"Eh mas mayaman kayo bestfy kaya wag kana kumontra jan dahil nagugutom na ako!" sabi naman niya habang nagmamadali.

"Ayan, kaya ka tumataba eh oras oras kumakain ka tsk" hindi naman talaga mataba si Andy sakto lang naman yung katawan niya eh ang sarap lang talaga netong asarin tss.

"Ewan ko sayo bestfy, basta ako kakainin ko lahat... kahit si Jacey myluvs pa!" sabi niya habang kinikilig. TSK!! kadiriiiiiiiii.

"HOY! itikom mo nga yang bunganga mong madumi kundi ipupukpok ko sa bunbunan mo tong sandok makikita mo! nasa hapag kainan tayo oh kahit kelan talaga pakabastos mo tsk!" inis na sabi ko habang inaambahan siya ng sandok na ikinangiwi naman niya.

"Peace na bestfy, peace hehe" sabi niya kaya inirapan ko lang siya.

Maya maya ay naalala ko yung sabi ni Maam Cuenco kanina, nabanggit niya kasi si Mr. Villamonte at ipinagtataka ko bakit kilala niya si Bonnet freak.

"Nga pala bestfy kanina kasi may nabanggit si maam cuenco samin, sabi niya dun kay bonnet freak tama daw yung sinabi sabi ni Mr. Villamonte sa kanya na mailap nga daw talaga yung kumag na yun. Kanina kasi nakapoker face lang siya ni bahid ng ngiti wala si kumag eh tas pag sumasagot napaka tipid. Tingin mo paano kaya nakilala ni tito roman yung kumag na yun." sabi ko sa kanya, agad naman niyang nilunok yung pagkain niya, hmmp Good girl.

"Eh bestfy baka naman kamag anak niya ganun, close na pamangkin ganun" sabi naman niya saka nagpatuloy sa pagkain.

"Kamag anak eh matagal ko nang kilala ang pamilyang Villamonte saka yung mga relatives nila pero kahit kelan hindi ko pa nakilala yung kumag na yun." sabi ko naman sa kanya kaya napalunok uli siya.

"Baka naman scholar siya kaya ganun diba nga sobrang talino niya" sagot naman niya saka sumubo uli. Tsk, naalala ko na naman yung pagpaparangal sa kanya kanina ni maam cuenco tss hindi nalang nagthank you at talagang dinaan nalang sa pagiging suplada tss.

"Scholar eh wala namang close si tito roman sa mga scholars saka wala siyang time para makipag usap sa mga yun. Isa pa hindi naman siya mukhang may kaya lang eh, mukha nga siyang may lahi, mukha siyang mayaman kasi sa itsura niya, gwapo siya magan-, basta hindi siya mukhang scholar bestfy" sabi ko naman saka sumubo, siya naman ay lumunok habang may mapanlokong ngiti sa labi. tsssk ano na namang nasa maduming isip neto tss.

"Uy si bestfy, talagang hindi pinalampas yung gwapo saka-" "Sige ituloy mo, ituloy mo!" putol ko habang nakataas ang hawak kong tinidor sa kanya.

"hehe di na bestfy, hays hayaan nalang natin kasi tsk napaka mysterious talaga ng taong yun. Parang ang swerte nung taong makakakilala kung sino talaga siya hays, and I hope that's me" sabi niya kaya sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Asa ka bestfy, tss baka nga bago mo pa siya makilala pinaglalamayan na ng mga ipis at daga yung bangkay mo eh tss" sabi ko naman sa kanya saka lumunok uli.

"Bestfy, kumain ka nalang kaya, hindi ko naeenjoy yung pagkain ko oh puro nalang ako lunok tsk. Paano na mapupunta yung nutrients niyan kung patu- hindi na nga eh hehe sarap bestfy dabest si nanang" tss dami pang sinasabi tsk kaya inirapan ko nalang siya.

Jacey

"Ugh! Ugh! yeah! right there baby! Yes! yes!" nanlaki ang mata ko ng makita kung ano ang nasa TV ko. Agad akong naglakad nang makita ko si Marcus na- JESUS!! napaiwas ako ng tingin.

"WHAT THE FUCK!" bigla namang tumayo si Marcus habang tinataas ang pants niya.

"Hmm baby! Fuck me harder! yes! deep-" agad kong kinuha ang remote at pinatay ang TV saka matalim na tumingin sa kanya.

"WHAT THE FUCK ARE YOU DOING HERE MARCUS!" agad naman siyang napangiwi.

"Relax prima, I'm sorry wala kasi akong magawa kaya hmm you know" sabi naman niya habang kamot kamot ang ulo niya. TSKK!! DISGUSTING!

"TALAGANG DITO KA PA TALAGA NAG ANO SA BAHAY KO! HOW DARE YOU!" agad kong binato sa kanya yung sapatos ko tsk! HE'S FUCKING MASTURBATING IN MY COUCH!

"Shit! stop it prima, sorry ok! I'm sorry" sabi niya habang umiilag tssssh!

"GET OUT! GET OUT HERE! OR ELSE! I'M GONNA KILL YOU FUCKING JERK ASS" sabi ko naman sa kanya habang hindi padin inaalis ang matalim na tingin sa kanya.

"PLEASE PRIMA, I'M REALLY SORRY OK TSK. PLEASE I'M JUST HERE TO-" binato ko naman sa kanya yung unan sa sofa kaya napatakbo nalang siya sa pinto.

"GET OUT! I DON'T WANT TO SEE YOUR FACE TODAY YOU FUCKING DUMB ASS AND I DON'T WANT TO TALK TO ANYBODY ELSE TODAY SO JUST LEAVE MARCUS!" sabi ko naman na agad naman niyang kinatango at dahan dahan na lumapit sa sofa habang nakataas ang dalawang kamay.

"I-I'll just get my keys prima, just chill ok" nung nakuha niya ay agad agad naman siyang tumakbo palabas. "Itetext nalang kita prima! Ipagpatuloy mo nalang yung nasimulan ko jan HAHA!" pahabol naman niya. TSSKK! SHITTTTTLERRR!!

Pabagsak na umupo nalang ako sa sofa at sumandal. Tinanggal ko na din yung jacket ko.

Jeez! I can smell his sweat all around here! Fuck!

Tumayo ako para kumuha ng bote ng Grape Juice saka nagsalok at naupo uli sa Sofa.

Tssh naalala ko na naman yung sa Sportsfest. May kanya kanya kasing awarding and coronation bawat division. Bale sa bawat Division na yun may sariling mga MVP sa bawat sports, may mga sariling Sportsfest King and Queen. Pero magkakalaban lang sa Sports, bale pipili lang ng Representative bawat Sports sa bawat Schools. Magkakaroon muna ng Elimination sa bawat School pero liban lang sa Basketball, Baseball and Volleyball dahil fix members na talaga yung mga yun.

Basketball, Baseball, Volleyball, Swimming, Billard and Archery yung lahat ng Competitions.

Kung tatanungin niyo kung anong sasalihan ko sa mga eh... WALA! tssh mas ok pang tumambay nalang dito sa bahay at matulog tssk.

Pero nung nasa East VU ako, ako ang naging representative ng 1st yr Business Ad. Dept. sa Archery, tssh pinilit lang ako nun kaya sumali na din ako. Favorite sport ko din kasi ang Archery kaya hindi na ako nahirapan. At ayun, nung elimination napili ako bilang isa sa tatlong representative ng East VU sa Archery, tatlo kasi yung pipiliin and so far... nagchampion naman hehe.

Kaya mas lalong naging maingay ang pangalan ko sa East VU tsk.

Pinilit din akong inominate nun sa Sportsfest King and Queen pero tinanggihan ko and nagpapasalamat pa ako dahil nagkasakit ako nun kaya nagka valid reason ako.

Pero ngayon is ARGHH! tskk! tapos yung kasama ko pa yung Clumsy rugged woman na yun tsssh! pero tssk sana hindi siya yung mabunot ko kung sakali.

Ewan ko ba bakit ang init ng ulo nun sakin tssh kung hindi niya sana ako pinapakelaman edi sana tsssh ewan.

Isa pa... I need to avoid her coz... she's with Cedrick and... I don't want any trouble so that...

Tsk! Whatever!

Kinuha ko nalang ang Cellphone at Airpods ko saka nagpatugtog.

Now playing: Chris Brown -No Guidance ft. Drake

Isa sa anti-stress ko ang music...

especially Dancing.

Yes. That is absolutely true.

Five months ago yung last kong sayaw sa Bar nila Marcus. It's just a Dare and tssh ayun yung time na nagmomove on ako kay Kaycee kaya dinala ako ng peste kong pinsan doon para lang pasayawin tsk. I became a fucking Channing tatum that time tsk, pero buti nalang puro babae yung nandun dahil kung lalaki baka mabasag ko yung mukha ni Marcus, wala pa naman akong pamalit.

And one time din may naka show off ako taga EAST VU din sa bar tsk nagmukha tuloy STEP UP tssh. Tapos nilive nila kaya ayun tsk, kalat sa buong EAST VU tssh, and I don't really fucking care of them all!

Buti nga hindi nila binalak na isali ako sa Cheerleading squad tsk! alam naman nilang tigasin ako and I don't even know how to dance like a Bitch Flirt and swear it's bad when they see me wearing those stupid skirts!

And I hope... I HOPE THEY DON'T SEE ME AGAIN THIS TIME...


Bab 10: Chapter 10

Jacey

It's Saturday today and the previous days was good... as usual tssh. After nung incident namin ni clumsy rugged woman nung Tuesday ay hindi na kami nagpansinan pa sa mga sumunod na araw, naging neutral naman ang lahat. Pero hindi pa din maiiwasan na may makasagupa akong masasama at malalanding espiritu tssh. Syempre hindi mawawala si Cedrick tssh, hatid sundo kasi siya kay clumsy rugged woman tsk.

At si Primo? ayun tssh, mukhang unggoy padin tsk. Siya lang naman nakakausap ko sa school kaya pinatulan ko na tsk, inaya pa nga ko mambabae eh bwiset.

Andito ako ngayon sa Orphanage, namimiss ko na kasi sila Sister Lily at yung mga bata. Sobrang stress nalang kasi ako nung mga nakaraang araw tssh.

"Jacey anak, buti naman at napadalaw ka, sobrang namiss ka ng mga bata, lalo na ako" masayang sabi ni Sister Lily sa kin. Nginitian ko siya saka niyakap.

"Namiss ko din po kayo sister lily pasensya na po kung natagalan ako sa pagbisita" sabi ko sa kanya.

"Naku ayan ka na naman, isang buwan ka lang hindi nakabisita Sister na naman uli ang tawag mo sakin saka ok lang alam ko naman na busy ka na sa pag aaral mo eh nabalitaan ko na nalipat ka na daw sa Main ng school na hawak ng daddy mo." sabi niya saka naglakad na kami.

"Haha sorry po nay, opo nilipat na po ako ni dad. Mas nakakastress nga po eh kasi syempre nandun po yung mga anak ni dad. Hindi po natatapos yung araw ko ng hindi sila nakakasagupa." iling na sabi ko sa kanya.

"Hay nako, hayaan mo nalang sila anak, ang mahalaga naman wala kang ginagawa sa kanila eh. Saka nanjan naman ang dad mo para ipagtanggol ka sa kanila hindi ba?" tanong naman niya.

Napabuntong hininga nalang ako, bukod kasi kay Marcus, si Nanay Lily ang nasasabihan ko ng mga problema ko.

"Hindi naman po lagi nanjan si Dad para ipagtanggol ako. Pero iniiwasan ko nalang po sila hanggat maaari." sabi ko saka bumuntong hininga.

Naupo kami sa isang mahabang upuan na gawa sa bato at tanaw namin ang mga bata na naglalaro. Nakita naman ako ng mga bata kay agad silang lumapit sakin.

"Kuya Jacey! namiss ka po namin!" masiglang bati sakin ng mga bata, agad ko naman silang nginitian at isa isa silang hinaplos sa ulo.

"Namiss ko din kayong lahat" masayang sabi ko. Hayss ngayon nalang uli ako ngumiti ng totoo. Sila lang kasi yung dahilan ko para sumaya eh. Nakikita ko kasi yung sarili ko sa kanila, and I hope someday magkaroon din sila ng pamilyang maayos at mamahalin sila.

"Ate Jacey ang ganda ganda at ang gwapo gwapo mo po padin po" nakangiting sabi sakin ni Paulo, siya yung pinaka paborito ko sa lahat kasi napaka cute at ang taba taba niya haha.

"Oo nga po Kuya Jacey, sana po ganyan din ako sainyo. Siguro po madami nagkakagusto sainyo po noh" sabi naman ni Kayla bestfriend siya ni Paulo.

"Hay nako kayo talagang mga bata, lahat kayo magaganda at gwapo ok walang pinanganak na pangit ang diyos kaya lahat tayo pantay pantay" nakangiting sabi ko sa kanila saka tumabi sila sa akin agad naman umalis si Nanay Lily.

"O siya jan muna kayo sa Ate kuya jacey niyo, wag niyo siya kulitin ha alam ko excited kayo pero wag kayo masyadong malikot." paalala naman ni nanay lily na sinangayunan naman ng mga bata. Mga lima lang sila dito siguro yung iba nasa loob lang.

Ate kuya ang tawag nila sakin kasi gwapo at maganda daw kasi ako basta yun tssh.

"Ok lang po nay lily saka namiss ko din po sila, ang tagal na po naming hindi nakakapaglaro eh, diba?" sagot ko naman habang tumitingin sa mga bata agad naman silang tumango na ikinangiti nalang ni nanay lily.

"kayo talaga o sige na, jacey puntahan mo nalang ako sa garden kung may kailangan ka ha." sabi niya

"Sige po nanay" ngiting sagot ko naman kaya umalis na siya.

"Kuya namiss ko po yung ngiti ninyo, napakaganda niyo po kasi eh tapos yung dimples niyo po sobrang cute hehe" sabi sakin ni Kayla siya yung may crush sakin haha, sinabi niya sakin dati nung 9 years old siya. Lahat sila dito ay 10 yrs old na.

"Gusto mo bigyan kita dimples kayla?" ngiting tanong ko sa kanya.

"Edi mawawalan po kayo saka mababawasan na po yung kapogian niyo" sabi naman niya sakin na kinailing ko nalang.

"Aya jacey, naguusap pa po ba kayo ni ate kaycee?" tanong naman sakin ni Orly yung bunso sa kanila, Aya means Ate kuya bale pinagsama lang.

Sinama ko na din kasi si kaycee dito medyo pinilit ko lang siya nun kasi hindi naman daw siya gaanong mahilig sa bata kaya isang beses lang siya napunta nun dito.

"Oo naman, magkaibigan naman kami Orly" nakangiting sabi ko sa kanya.

Yeah, at least sa tingin ko naman magkaibigan parin kami

"Buti po nag uusap kayo kahit po hindi niyo na siya Girlfriend" sabi naman ni Hannah, same sila ni Kayla may crush sakin... actually halos lahat sila haha mga bata nga naman tsk.

"Oo naman hannah syempre kahit ganun yung pinagdaanan namin dapat maging mabait padin kayo sa isat isa" nakangiting sabi ko naman sa kanila.

"Aya namimiss na po namin maglaro ng Archery, pwede po turuan niyo kami ulit" masayang sabi naman ni Lory.

"Saka po pwede kwentuhan niyo kami ulit ng nakakatawa, nakakamiss na po kasi yung bonding natin eh." sabi naman ni Tory na kakambal ni Lory.

"Sige ba tutal namiss ko kayo at matagal nadin tayong hindi nakapag laro, ano tara!" nakangiting sabi ko sa kanila at agad naman silang napasigaw sa tuwa kaya nagsimula na kaming maglaro.

»»»»»Nandito na ako ngayon sa may Garden ng Orphanage, kasama si nanay lily. Tapos na kaming maglaro ng mga bata at ayun nakatulog sila isa isa kakakwento ko at sa sobrang pagod. Ngayon nalang uli kasi ako naglaro ng archery at nakakamiss din sobra hays.

"Namiss ka talaga ng mga bata, nakatulog agad sila sa sobrang pagod. Ngayon nalang uli sila naging masaya ng ganyan." nakangiting sabi ni nanay lily.

"Oo nga po eh, hayss namiss ko po talaga kayo nay pati na po ang orphanage." sincere na sabi ko sa kanya.

"Kamusta naman ang pagaaral mo anak, masaya ka naman ba?" tanong sakin ni nanay.

"Ok naman po nay, pero hindi ko po masasabing masaya ako. Ewan po, hindi ko po mahanap yung saya ko eh. Feel ko po kasi napakadaming kulang sakin." malungkot na sabi ko kaya lumapit siya sakin.

"Wag ka mag alala anak, darating din yung panahon na lahat ng kalungkutan mo ay mapapalitan din ng saya. Basta buksan mo lang yung puso mo, at tanggapin lahat ng biyaya at saya na dadating sa buhay mo. Alam ko galing ka sa madilim na simula at hanggang ngayon ay nakakulong ka padin sa dilim ng buhay mo pero alam ko, kaya mo pading makawala sa dilim na yan at mahahanap mo din ang liwanag mo." nakangiting sabi sakin ni Nanay lily kaya niyakap ko siya.

Napaluha nalang ako ng di inaasahan dahil sobrang namiss ko talaga ang pagkalinga ng isang ina. Nanjan nga si daddy pero hindi naman niya ako nakakausap sa mga gantong bagay eh.

"Salamat po nay, salamat sa lahat lahat. Kahit po lumaki ako ng walang magulang, kayo ang nagsilbing ina ko at tinuring niyo po ako na parang tunay na anak. Utang ko po sayo ang lahat nanay" sabi ko sa kanya habang nakangiti, pinunasan naman niya yung luha ko.

"Mahal kita anak, at kahit sino sa mundong ito, mamahalin at tatanggapin ka. Tandaan mo nandito lang ako lagi para sa iyo ha." nakangiting sabi niya kaya niyakap ko uli siya.

"Haha nako nay natuluan ko na po yung damit niyo, pinaiyak niyo po kasi ako eh haha" nakangiting sabi ko naman habang pinupunasan yung luha ko.

"Ikaw talagang bata ka, ang cute cute mo padin pag umiiyak. Hmm, hula ko, ngayon ka lang uli ngumiti ano? tignan mo yang ngiti mo oh halatang isang buwang hindi lumabas" turo niya sakin.

"Haha kayo lang naman po ang dahilan nito nay eh, kayo pong mga nagmamahal sakin ng tunay." sabi ko naman habang nakatingin sa paligid.

"Hay nako, napaka ilap mo talaga sa iba. Sana anak sa susunod, sumaya kana uli sa iba, o sa piling man ng iba at gusto ko pagbalik mo dito eh magniningning na ang mga mata mo sa tuwa at pagmamahal." nakangiting sabi sakin, alam ko malabo hay pero malay ko nga naman diba tssh.

"Sana po nay, pero hindi ko pa po kasi alam kung kailan ako magiging handa eh. Lalo po na, masakit padin po para sakin yung lahat." sabi ko saka hinawakan naman niya ang palad ko.

"Anak, may mga bagay na hindi nalang natin namamalayan na mangyayari, lahat ng tao may tamang oras para sumaya at umunlad. Kaya naniniwala ako sayo anak, buksan mo lang ang isip at puso mo." ngiting sabi niya sakin kaya nginitian ko na din siya.

"Ang ganda ganda gwapo gwapo mo talaga anak, hindi ko akalain na mapapadpad ang isang tulad mo dito sa ampunan. Pero ang alam ko, ang lahat ay may dahilan, masama o mabuti man ngunit alam kong ginawa iyon para lamang sa ikakabuti ng taong pinaglalaanan niyon." sabi ni nanay habang nakahawak sa pisngi ko. Kaya nginitian ko lang siya, hindi ko alam kung ano ang iisipin pagdating sa mga magulang ko, basta ang alam ko lang, galit ako at kinamunuhian ko sila dahil naging ganito ang buhay na kinagisnan ko.

"Nga pala anak, may mga kaibigan ka ba o ibang kakilala na mayayaman o taga ibang bansa?" tanong sakin ni nanay kaya napatingin ako sa kanya habang nakakunot.

"Hmm wala naman po nay, alam niyo naman po diba hindi ako marunong makipag kaibigan." sagot ko kaya napaisip naman siya.

"Sigurado ka ba, kasi nung nakaraan lang ay may naghahanap sayo. Sinabi pa nga niya na Jacey yung hinahanap nila eh, akala ko naman mga kaibigan o kamag anak niyo iyon ng Villamonte." sabi naman niya.

"Hmm baka ho kapangalan ko lang nay, ano po sinabi niyo sa kanila?" tanong ko.

"Wala anak, isa din kasi sa habilin ng dad mo na wag ipaalam kung may maghanap sa iyo. Hindi ko naman alam kung bakit lalo't paano kung tunay na mga magulang mo ang maghanap sa iyo diba?" sagot naman niya. Wait pero bakit? hindi ko alam na ayaw ipaalam ni dad ang tungkol sakin. tssssh ewan!

"Ganun po ba, ahm a-ano po bang itsura nila? matanda na po ba?" tanong ko, baka sakali kasi... baka lang.

"Hindi anak eh, mukhang bata pa sila mukhang magkasintahan na mga nasa edad 20 lang hindi ko nga alam kung anong pakay nila dun mukhang mayayaman naman sila at mukhang hindi nila magagawang magpaampon ng bata." sabi niya na ikinalungkot ko... hayss wag ka na umasa jacey hayaan mo nalang...

"Ah ok po nay, siguro nga po ibang Jacey lang yung hinahanap nila." sabi ko nalang habang nakangiti.

※※※※※

Serene

Nandito kami ngayon sa mall at mag goGROCERY lang kami. Ayaw kong gumala ngayon dahil wala lang tinatamad ako tss. Ako na kasi nagpresenta kay nanang dahil wala din naman akong gagawin ngayon at kakatapos lang din namin ni Bestfy kaninang umaga mag gym.

Hapon na kaya medyo madami dami na din ang tao dito. Kasama ko sila Bestfy at syempre si Cedrick hays sabi ko nga wag na sumama eh tsk. Andun lang siya sa labas nag aantay samin sabi ko kasi kaya naman namin tss.

"Bestfy dun muna ako sa drink section, kukuha lang ako ng alak—este juice tubig ganun hehe basta!" sabi naman niya sabay alis tsk may balak pang magwalwal yung bruhang yun tsk.

Naglibot ako para kunin yung last na item sa listahan ko and at last kumpleto na.

"Chili sauce, Check!" hmmp mahilig kasi ako sa maanghang saka dati napagtripan ko na si bestfy, nilagyan ko lang naman ng chili sauce yung chocolate cake niya, tsk akala nga niya honey syrup eh HAHA!

Pagkatapos ay naglakad na ako dahil naalala kong kukuha nga pala ako ng paborito kong fibisco cookies, Yum!

Nilagay ko muna sa gilid ko yung cart saka mabilis na hinablot yung cookies pero bago ko makuha ay may mala the grudge na kamay ang dumapo sa hawak ko at nilingon ko naman ang salarin at agad na uminit ang ulo ko.

SHIT BAT BA NANDITO TO!!

"I went first" walang emosyon na sabi niya. Aba't ang kapal talaga ng kumag na to tssk!

"Nauna ako kaya akin to!" agad ko namang kinuha pero hindi padin niya binibitawan.

"No, get your own!" medyo inis na sabi niya. tsssk! 

"Hindi mo bibitawan?! akin na!" sabi ko habang hinahablot yung cookies, poor cookies sorry kung lamog lamog kana mamaya.

"NO! I said get yours!" nakakunot na sabi niya, kaya napalakas ang hablot ko pero napigilan niya ako at napasubsob ako sa kanya habang hawak padin namin yung cookies.

SHIT! BAKIT BA LAGING GANITO NALANG YUNG ENCOUNTER NAMIN! ARRGHHH!

Napalunok ako nung mapatitig na naman ako sa mga mata niya, I don't know kung reflection ba ng mata ko yung nakikita ko sa kanya coz... 

Her eyes were sparkling and lustrous habang salitan ang pagtitig nito sakin, I don't know kung natural lang ba dahil may kung anong Gold fleeks ang nakapaligid sa mga mata niya which makes it more... stunning

Maya maya ay nakita ko sa peripheral ko na hinulog niya sa cart niya yung cookies na naagaw niya sakin pero nanatili pa din akong nakatingin sa kanya. Lumaki ang mata ko nung mapangisi siya sakin ng tipid.

Oh my god! She has deep dimples

Hindi masyadong malalim yung kanina pero siguro kung ngumiti ay mas lalabas yun ng maayos... ARGHH! ano ba iniisip mo SERENE!! inagaw niya yung cookies moo!!!

With that thought, tinignan ko siya ng matalim saka huminga ng malalim at bagsak balikat akong humarap sa mga cookies saka padabog na kumuha ng dalawang balot nun at inis na nilagay sa cart habang matalim padin ang tinging umalis sa harap niya at kinuha ko ang cart sa gilid niya at naglakad na sa likod niya. TSKKK!! BWISET TALAGA!!! 

Tinawag ko na si Andy para makapagbayad na kami at makauwi na kami agad, tsk!!

"ANDY! BILISAN MO JAN! KUNG AYAW MONG MAPUKPOK KO SAYO YUNG MGA BOTE JAN!" bwiset isa din to, ayun nakikipaglandian pa siya dun sa lalaking nakaassign dun sa drink section tssk!

Nakarating na kami sa Counter at si Andy na yung pinag alis ko ng mga binili ko sa cart habang ako nakatalikod lang at naka cross arms.

"Bestfy anyare na naman at ganyan ang mukha mo, mukha kang naagawan ng jowa eh—ay wala ka nga pala nun hehe" sinamaan ko naman siya ng tingin tssk! isa pa to eh bwiset!

"Andito kasi yung Bonnet freak na yun eh, ayun naka agawan ko jan sa Cookies na binili ko hayst! nakakairita talaga siya kainis!" natapos na siya sa pagaalis ng mga binili namin saka humarap sakin.

"WHAT!—" agad ko namang tinakpan ang bunganga niya tskk!

"Hinaan mo nga yang boses mo kung makareak ka naman parang hindi mo siya nakita kahapon tsk nakakasawa na nga pagmumukha nun eh tsss."

Weh? talaga ba serene?

SHUT UP!!

"Eh bestfy nasan na siya? di mo ko tinawag—" "Gaga ka talaga! pano kita tatawagin kung nandun ka sa drink section at inaakit yung mala espasol na lalaki dun ha!" inis na sabi ko sa kanya. Kaya napakamot naman siya tsssk.

"Eih bestfy wele leng ehe kes—" "Sige ituloy mo yan at ipapasok ko tong bote ng suka sa bunganga mo!" sabi ko na ikinatikom naman niya tss.

"Oo nga pala bestfy, may sasalihan ka na ba dun sa Sportsfest bukod DOON sa you know" napaisip naman ako tsk nung nakaraan kasi kasali ako sa Billard and Archery, sa Billard lang ako nakapasa sa Elimination at hindi sa Archery, kaya isa ako sa naging representative sa Billard.

"Ewan ko, pagiisipan ko pa tsk. Pero baka sa Billard nalang dahil wala akong pag asa jan sa Archery." bored na sabi ko naman sakanya habang nakatalikod padin sa counter.

"Sus wag mo na pag isipan, alam mo namang TAYO ang Best weapon ng Main VU sa Billard eh" sabi naman niya.

Dalawa kasi kaming nirepresentative sa Billard nun dahil unti lang yung naging nominees and so far kami ang napili, dalawa lang kasi ang maglalaro sa finals.

"Tsk sabagay, for sure sa Swimming sila Karen and Fiona." sila din kasi dalawa yung tandem sa Swimming. Kaya medyo may pagka fame na din kami sa school eh dahil dun.

"Yunn! Yess! bestfy bayaran mo na" sabi naman niya, nakabalot na kasi yung mga binili namin.

"2,465 po lahat maam" sabi nung cashier sakin... ohh ang baba naman? anyare?? tssk bahala na nga, atlis naka discount HAHA o baka mali lang ng bilang tssk napangisi nalang ako.

Binigay ko nalang at agad naman binalik ang sukli sakin.

Nagsimula na kaming magbuhat at maglakad pero maya maya ay may narinig akong bote.... Wait.. BOTE??! wala naman akong.. hmmm —_—!

"Bestfy sandali nga, lapag mo muna yan. Magtapat ka nga, bumili ka ng alak noh!" nakapameywang na tanong ko sakanya agad naman syang nagtaka.

"Huh? eh diba nga wala akong kinuha dun kasi nga nagpacute lang ako! tsk" sabi naman niya. napaisip naman ako at kinuha yung Plastic na may bote...

wait...

Non-alcoholic Red Grape Juice

What?? grape juice?? San galing tooo!!

Nanlaki naman ang mata ko nung maalala ko SHIT!! kay bonnet FREAKK!!

"Is this yours?" malamig na sabi naman ng taong nasa likod ko. Napapikit nalang ako dahil sa inis.

SHIT YOUR'E REALLY A DUMB CLUMSY GIRL SERENE!!!

Pagkaharap ko sakanya ay agad naman niyang inangat ang mga plastic na hawak niya.

SHIT KAYA NAMAN PALA ANG KUNTI NG HAWAK NAMIN!!

Napangiwi naman ako habang siya ay nakataas lang ang isang kilay. Agad ko namang binaba ang mga hawak ko saka dahan dahang kinuha sa kamay niya yung mga plastic habang nahihiya akong tumingin sa kanya.

Tssk!! YOU'RE SO EMBARASSING SERENE!

Agad naman siyang yumuko para kunin yung mga dala namin kanina at bago pa siya makaalis ay may binulong muna siya.

"Tssh, kung saan saan kasi nakatingin" sabi niya saka naglakad na palayo. Bago pa ako makareak ay nagsalita na si Bestfy.

"Oh my god bestfy! Ang Gwapo niya talaga sa malapitan!!" kinikilig na sabi niya tsskkk! BWISET ANG BIGAT NAMAN NETO.

"HOY TULUNGAN MO NGA DITO TSKK! BAKA GUSTO MONG ISUBO KO TONG BOTE NG TOYO SAYO HA!" agad naman niyang kinuha yung tatlong plastic.

Wait lima to ahh! ANDAMI NAMANN!! NAKAYA NIYANG BUHATIN TO!! UNBELIEVABLE!

Agad ko namang tinignan yung resibo at nanlaki ang mata ko nung makita yung total

5,380 php!!!! WUTDAAAA!! BINAYARAN NIYA LAHAT TOOO!!

"Pambihira din talaga yung bonnet freak na yun eh, ang laking halaga neto tas hindi man niya ako sinabihan para dito tsk bahala siya! tara na ngaa!" aya ko kay bestfy.

Nakita kami ni Cedrick kaya agad niyang kinuha yung mga dala namin.

"Ang dami naman neto, dapat pala sumama nalang ako para ako nalang nagbuhat" sabi ni cedrick habang nilalagay yung mga binili namin.

"Ok lang Ced, may nagbuhat naman kanina eh diba Bestfy" sabi niya sakin habang winiwiggle yung kilay niya tssk Inirapan ko nalang siya.

"Manahimik ka Andy ha!" sabi ko naman kaya napahawak siya sa bibig niya saka sumakay na kami sa loob.

"Sino naman yun?" nakakunot noong tanong ni Ced.

"Wala, nagmagandang loob lang kaya ganun" TSK!! Hindi ako maka get over Depotaaaa. Buti nalang hindi na siya nagtanong pa at nagdrive nalang.

"HAHAHAHAHA HINDI KO TALAGA MAKALIMUTAN BESTFY, BIRUIN MO SA PANGALAWANG PAGKAKATAON NAPAHIYA KA NA NAMAN TSK! HAHAHA" natatawang sabi naman ni Bestfy sa likod tsk!

"ANDY, IREADY MO NA SARILI MO HA. MAY MAGAGANAP NA WRESTLING MATCH MAMAYA KAYA BETTER BE READY" sabi ko sakanya sabay kindat. Hmmp! Ayaw mong tumigil ha... evil grin*

"A-ahm bestfy, pede namang pagusapan natin diba. Bestfy? Be—oo be ready din bestfy" nagaalangan namang sabi niya nung tinaasan ko siya ng kilay. Hmmp!


Load failed, please RETRY

Bab baru akan segera rilis Tulis ulasan

Status Power Mingguan

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C9
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank 200+ Peringkat Power
Stone 0 Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk

tip Komentar Paragraf

Fitur komentar paragraf sekarang ada di Web! Arahkan kursor ke atas paragraf apa pun dan klik ikon untuk menambahkan komentar Anda.

Selain itu, Anda selalu dapat menonaktifkannya atau mengaktifkannya di Pengaturan.

MENGERTI