Unduh Aplikasi
35% Last of His Kind: Bloodsucker (BL Vampire Tagalog) / Chapter 7: Weird Encounters

Bab 7: Weird Encounters

•••

Matapos ang nakakainis na ginawa ni Ryouhei sa hallway kanina ay mabilis na lumipas ang oras.

Wala akong iniisip kundi ang tingin na ibinibigay sa akin ni ng bagong estudyante na 'yon na si Hajime. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mawari kung bakit ganun na lang siya makatingin sa akin.

Na para bang may iba siyang ipinapahiwatig.

Siguro may galit siya sa akin? Ewan ko. Hindi ko alam. Nakakapagod lang mag-isip.

Matapos mag-dismissed ang instructor namin agad kong inayos ang mga gamit ko at lumabas na ng kwarto na 'yon. Pero napatigil ako ng makita ko si Ryouhei na nakasandal sa isang dingding at tila ba may hinihintay.

Hindi ko na siya inabala pang intindihin at mabilis na naglakad paalis. Magluluto pa ako ng ulam ko para mamayang hapunan, at gusto kong puntahan si May kaso hindi ko pa nahihingi ang number nito kay Ryouhei.

Ayoko na munang madikit sa kaniya ngayong pagod ako buong maghapon. Baka hanggang sa pag-uwi eh makikipagrambulan pa siya sa iba.

Habang naglalakad hindi ko nalamayan ang biglang pagdantay ng isang braso sa balikat ko. Napatigil na lang ako ng may nagsalita na sa gilid ko.

"Bakit hindi mo man lang ako nilapitan noong nakita mo ako?" Bumuga ako ng hangin at inalis ang kamay niya sa balikat ko.

"Wag ako, Ryouhei." Sagot ko dito pero ang walanghiya nilagay nanaman ang braso niya sa balikat ko.

Ito ba ang karma ko dahil sa pakikipaglapit ko sa kaniya? Kung ito... edi bwiset.

Naglakad na lang ako ng hindi siya iniintindi. Salita siya ng salita pero hindi naman ako nakikinig at mas lalong ayokong makinig sa kaniya.

Kanina ko pa gustong tanggalin ang braso niya sa balikat ko dahil naaamoy ko ang matamis na dugo na nanggagaling sa kaniya. Paano ko mapipigilan ang sarili kong wag siyang sakmalin kung siya naman 'tong lapit ng lapit sa akin?

Hindi niya ba alam na masyadong matamis ang dugo niya para sa akin? Kung ibang bampira ang kasama niya baka sa umpisa palang... patay na siya.

"Yuki... 'yung nabalitang namatay doon sa eskinita..." Bigla niyang sabi na ikinatingin ko sa kaniya. "Hindi ba doon ka dumadaan kapag bumibili ka ng makakain mo?" Tanong niya na ikinatango ko naman.

Wag mong sabihing interesado siyang malaman ang tungkol doon?

"Bakit mo natanong? May... alam ka ba sa nangyari?" Mahinang tanong ko.

Nakita kong napaisip siya at napatingin sa paligid namin.

"Hindi na nakakapagtaka ang nangyari sa eskinita na 'yon." Sagot niya.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa isinagot niya. Doon ko naisip na baka nakita niya akong pumasok sa lugar na 'yon at...

"Maraming namamatay sa lugar na 'yon." Napatigil ako.

"Paanong namamatay?"

"Hindi ko alam. Pero talamak ang patayan sa lugar na 'yon. Hindi lang rin 'yon halata sa labas dahil masyadong madilim doon at nakakatakot pumunta at pumasok doon." Sagot niya na taliwas sa iniisip ko.

"Pero... itong nangyari lang, mas kakaiba sa inaasahan ko at sa mga taong namuhay na dito ng matagal." Dagdag niya pa.

Hindi ko alam kung makakaya ko pang makinig sa sasabihin niya. Kinakabahan ako na hindi ko mawari. Sa isang kagaya ni Ryouhei, hindi ko alam kung may alam ba siya o wala.

"Sabi sa balita, hindi droga o bala ng baril o saksak ng kutsilyo ang ikinamatay ng biktima. Kundi pagkaubos ng dugo." Ani niya.

Alam ba niya kung anong dahilan ng pagkaubos ng dugo niya? Hanggang ngayon ay nasa isip ko pa rin ang nakita ko ng araw na 'yon. Kung paano manginig ang katawan ng lalaking 'yon habang walang awang iniinom ang dugo niya.

Hanggang sa mapansin ako ng lalaking 'yon. Ang pula ng kaniyang mga mata at ang nakakapanindig balahibo niyang mga pangil.

Pero may napansin ako ng araw na 'yon... masangsang na amoy.

Hindi ko alam kung bakit may ganoong klaseng amoy akong nalanghap mula sa kaniya. Masakit sa ilong ang amoy na 'yon... para bang naliligo siya sa dugo.

Nang maisip ko 'yon ay napatigil ako sa paglalakad at napahawak sa sikmura ko. Naisip ko lang bagay na 'yon... nasusuka na ako agad?

"Yuki? Ayos ka lang?" Tanong nito at hinawakan ang balikat ko.

Napapikit ako at napalunok.

"A-Ayos lang," sagot ko mula dito.

"Anong ayos? Pinagpapawisan ka na oh?" Bigla niyang sabi.

Mas lalo akong nilamig sa bagay na naisip ko lang kanina.

*Punong-puno ng dugo, masangsang...*

Hindi ko na ito nakayanan kaya mabilis akong naghanap ng basurahan at doon ko isinuka ang matagal ko na sanang ginawa. Narinig ko pang nagsasalita si Ryouhei sa tabi ko pero hindi ko 'yon binigyan ng pansin.

Hanggang sa may isang kamay na may hawak na bote ng tubig ang agad kong nakita sa harap ko. Kahit na hingal na hingal ay tiningala ko kung sino 'yon.

*Hajime.*

"Here, stop minding those people." Sabi niya.

Kinuha ko ang tubig na ibinigay niya at saka siya tinawag ng tatlong lalaki na naghihintay sa kaniya. Muli siyang tumingin sa akin at kay Ryouhei sa tabi ko.

"I'm going." Tipid niyang sagot at nagsimula na siyang maglakad palayo sa amin.

A-Anong nangyari?

Matapos kong sumuka kanina ay hindi na ako nag-abala pang kausapin muli si Ryouhei. Punong-puno ng katanungan ang isip ko na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung mahahanapan ko ba ng kasagutan o hindi.

Dahil na rin sa mga sinabi niya at doon na ako nagtataka, hindi ko alam kung tama ba ang naiisip kong dahilan... pero wala akong mapagsasabihan ng mga ito kaya itatago ko na lang muna sa sarili ko.

Hindi naman maiintindihan ni Ryouhei ang bagay na 'yon. Baka kapag sinabi ko matakot lang siya.

"Alam mo Yuki. May napapansin ako sa Hajime na 'yon." Bigla niyang sabi na ikinatingin ko sa kaniya.

Hanggang ngayon magkasabay pa rin kaming naglalakad pauwi. Ewan ko kung may bahay ba 'to o wala?

"Ano namang napapansin mo sa kaniya?" Tanong ko matapos kong uminom ng tubig.

"Kakaiba ang tingin na ibinibigay niya sayo." Sagot niya na ikinakunot ng noo ko.

Binigyan ko naman siya ng masamang tingin. Anong pinagsasabi ng isang 'to? Pinag-iisipan niya ng hindi maganda yung bagong estudyante na hindi naman niya dapat gawin.

"Alam mo kung wala kang sasabihing matino umuwi ka na lang." Inis kong sabi dito at nauna ng maglakad.

Nang maging matiwasay naman ang araw ko.

Pero hindi siya natinag. Naramdaman ko na lang na naglalakad na siya sa tabi ko at sumasabay sa bawat paglalakad ko.

Bahala siya sa buhay niya.

"Gusto ko lang masiguradong maayos kang makakarating sa apartment mo." Bigla niyang sabi.

Titigil na sana ako sa paglalakad para magtanong pero hindi ko na lang ginawa. Nagpatuloy kami sa paglalakad at pagliko namin ay nakita namin ang mga nagkukumpulang mga tao sa gilid ng daan.

Nakita ko ang tila taong nakahilata sa lapag. Pinagtitinginan lang mga tao ito at hindi man lang tumawag ng ambulansya para matulungan ang taong 'yon?

"Anong nangyayari?" Rinig kong tanong ni Ryouhei.

Magsasalita sana ako ng bigla siyang naunang maglakad papunta sa mga nagkukumpulang tao. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tila hinihipnotismo ako nitong lumapit at tignan rin kung anong pinagkakaguluhan ng mga tao doon.

Sa pag-apak ko palapit doon ay nakaramdam na ako ng kaba. Hindi na bago sa akin na makaramdam ng ganun, pero kakaibang kaba ang bumalot sa akin ng makarating ako doon.

At ng tuluyan ko ng makita ang pinagkakaguluhan nila ay doon ko na nalanghap ang pamilyar na masangsang na amoy na 'yon.

*T-Teka? Itong amoy...*

Nanlaki bigla ang mga mata ko ng makita ko ang dalawang bagay na nasa leeg niya. Tumutulo doon ang dugo niya kasabay ang paghalo ng masangsang na amoy na nagmumula rin sa kaniya.

Bigla akong napahawak sa katabi ko. Wala na akong pakialam kung sino 'yon dahil sa pagkakataon na 'yon... hindi lang iisang tao ang pinatay ng kagaya ko.

*Kundi dalawa na at parehas pang nakita ng mga mata ko.*

Hindi maaari... paano nila nagagawang pumatay ng tao ng ganun-ganun na lang? Paano nila nagagawang kunin ang mga buhay nila? Paano nila naaatim na gawin ang bagay na 'yon?

*Dahil pagkain natin sila.*

"Yuki! Ayos ka lang ba?!" Narinig kong sigaw ni Ryouhei at halatang-halata ang pag-aalala sa boses niya.

Mas tumitindi ang masangsang na amoy na 'yon. Mas sumasakit ang ulo ko, mas lalo kong ginugustong sumuka muli dahil sa naamoy ko.

"Yuki..."

Kailangan ko ng umalis dito.

Hindi ko na kayang pigilan ang sakit.

Humahalo na sa hangin ang magkahalong amoy na ngayon ko lang nalanghap sa tanang-buhay ko.

Hindi sila mga ordinaryong bampira, 'yon ang pagkaka-alam ko. Dahil nakakapagtakang ang masakit na masangsang na amoy na 'yon ang gumagawa ng dahilan para sumakit ang ulo ko.

"Yuki? Yuki?"

"Wag ka muna magsalita, Ryouhei. Masakit ang ulo ko." Balik ko dito.

Huminto ako sa paglalakad at ilang beses na huminga ng malalim. Wala na akong nalalanghap na masangsang na amoy. Sumasakit na rin ang ilong ko dahil doon.

Anong klaseng bampira sila? Bakit sila nandito? Ano ito? Naiwan akong mag-isa dito tapos makakasalamuha ko rin sila? Ano ba talagang nangyayari?

"Pero... bigla ka na lang namutla kanina pagtapos mong makita kung ano 'yung nangyayari doon." Panimula niya na ikinatigil ko.

"Tapos bigla kang napahawak sa braso ko, nanginginig ka habang nakatitig sa lalaking nakahandusay sa lapag." Nanginginig? Nanginginig ako? Sa takot?

"Tinanong kita kung ayos ka lang ba pero bigla ka na lang nagmamadali maglakad palayo habang nakahawak yang isa mong kamay sa ilong mo. May something ba? Dahil ba sa nakita mo--" mabilis kong siyang pinatigil sa pagsasalita niya gamit ang pagtakip ng kamay ko sa bibig niya.

Nanlalaki ang mga mata ko sa mga sinasabi niya. Hindi ko akalain na... ganoong klase ng reaksyon ang nakita niya sa akin kanina. Iniisip ko na sana wala siyang napansin, na wala siyang nakitang kakaiba sa mga reaksyon na nauna niyang nakita sa akin.

Dahil kung nakita niya 'yon... hindi ko na alam ang mga pwedeng mangyari.

"Yuyi? Ayos ka lang ba talaga?" Tanong niya sa pagitan ng pagtakip ko sa bibig niya.

Bigla akong natauhan kaya agad kong inalis ang kamay ko sa pagkakatakip sa bibig niya.

*Shit? Ano bang pinag-gagagawa ko?*

Pero agad akong natuod sa kinatatayuan ko ng malanghap kong muli ang pamilyar na amoy na 'yon. Napatitig ako kay Ryouhei na nasa harap ko at nakatayo. Kitang-kita ko ang sarili kong repleksyon sa mga mata niya.

*Natatakot ako.*

At bigla na lang akong napapikit dahil mas lalong tumindi ang masangsang na amoy na nalalanghap ko sa paligid. Nakakaramdam ako ng panghihina at ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko. Hindi ko rin maialis ang kabang nararamdaman ko.

Pero agad akong nagtaka dahil doon... wag mong sabihing...

Mabilis kong hinablot ang kamay niya at naglakad palayo sa kinatatayuan namin, kahit na sumasakit na ang ulo ko, nanginginig sa takot at panghihina dahil sa nalalanghap ko ay hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.

Naririnig kong nagtatanong siya sa akin habang hila-hila ko, pero wala akong panahon para sagutin ang mga tanong niya.

Kailangan naming makalayo sa lugar na 'yon... kailangan kong makarating agad sa apartment. 'Yon lang ang naiisip kong makakatulong sa akin na makatakas sa nangyayari ngayon.

Dahil kung hindi ako nagkakamali... si Ryouhei ang sunod na magiging kagaya ng lalaking 'yon.

Siya ang sunod na puntirya nila.

At hindi 'yon pwedeng mangyari.

Akala ko ay makakarating kami sa apartment ko ng maayos, ng ligtas, pero parang ayaw sumang-ayon sa akin ng tadhana. Dahil sa panghihinang nararamdaman ko, agad akong napaluhod sa lupa.

Nabitawan ko ang kamay ni Ryouhei... napahawak ako sa ulo ko, ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko na para bang anytime ay lalabas na ito sa dibdib ko, hindi ko ito mapakalma kagaya na lang ng hingal ko.

*Ano bang nangyayari sa akin?!*

All i can hear is the static sound. Paulit-ulit ko 'yong naririnig, parang sirang plaka, parang sinisira ang ulo ko, parang binabarena ang ulo ko na halos wala na akong maramdaman kundi sakit.

"Yuki! Yuki!"

*Ryouhei... umalis ka na.*

"Ano bang nangyayari sayo?!"

*Hindi ko alam kung tama ba ang hinala ko...*

"Halika! Isasampa kita sa likod ko! Malapit na dito ang apartment mo hindi ba?!"

*Kung ikaw na ba ang isusunod nila...*

"Yuki! Naririnig mo ba ako?!"

*... Ayokong madamay ka sa pagkauhaw nila.*

"Shit!"

Wala na akong naalala matapos kong ipikit ang mga mata ko.

---

*"Hep! Hep! May pick up line ako!"*

*"Ano? Ano?"*

*"Pagkain ka ba?"*

*"Pagkain? Hindi. Bakit?"*

*"Pwede ba kitang kainin? Boom!"*

Nagising na lang ako sa ingay na naririnig ko. Una kong naramdaman ay ang sakit sa ulo ko. Idinilat ko ang mga mata ko at ang pamilyar na kisame ang una kong nasilayan. Ngayon ko lang rin napagtantong nakahiga ako... sa sarili kong kama.

Dahan-dahan akong napaupo sa kinahihigaan ko habang hawak-hawak ang ulo ko.

*Paano ako nakarating dito?*

Bigla kong narinig muli ang ingay na nagpagising sa akin, at nakita ko sa gilid ko ang isang cellphone kung saan nagpeplay doon ang isang segment na hindi ko alam.

Pinakatitigan ko 'yon ng ilang segundo, saka ko inilibot ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto ko. Wala namang nagbago... nakita ko lang ay ang bag kong tahimik na nakalapag sa gilid ng kama ko. Agad kong ipi-nause ang nag-iingay na 'yon dahil mas dumadagdag lang ang ingay na 'yon sa sakit ng ulo ko.

Dahan-dahan akong tumayo at dumeretso palabas ng kwarto. Ang hindi ko alam ay may makakasalubong pala ako kaya bigla akong bumangga sa isang bagay.

Pagtingin ko doon, hindi 'yon bagay... kundi dibdib ng isang tao.

Umawang ang labi ko at dahan-dahang tumingala upang makita kung kaninong dibdib 'yon. At mas lalong nalaglag ang panga ko ng makita ko siyang nakatayo sa harap ko at nakatingin sa akin.

"Gising ka na pala."

*Ryouhei?!*

Bigla akong nahiya sa nangyayari ngayon... nagluluto pala siya ng hapunan ng magising ako. Papasok sana siya sa kwarto para gisingin ako at kumain bago siya umuwi, pero hindi naman niya inaasahan na magigising na ako agad at magkakabangga pa sa harap ng pinto.

*Kailan pa ba ako nahiya? Sa tagal kong namumuhay ngayon pa ako nahiya?*

"Kumain ka na muna. At ito na rin 'yung gamot na binili ko para inumin mo para mas mabilis kang gumaling." Dagdag niya at sabay lapag ng dalawang tableta sa tabi ko.

Napangiwi ako sa loob ko dahil hindi ako umiinom ng gamot. Ang mga gaya ko ay mas gugustuhin pang uminom ng dugo kaysa ng gamot na iniinom ng mga taong kagaya ni Ryouhei.

Magsisimula na sana akong kainin ang niluto niya ng maramdaman ko ang tila matinding titig ng pares na mata sa akin. Bumuntong-hininga ako at agad kong sinalubong ang titig niya.

"Kung may sasabihin ka, sabihin mo na." Sabi ko dito.

Nakita kong itinaas niya ang isa niyang kamay palapit sa akin. Doon ay muli kong nalanghap ang matamis na bagay na 'yon kaya agad akong napaatras at napalunok dahil sa ginagawa niya.

*Papatayin mo ba talaga ang sarili mo, Ryouhei?*

"A-Anong ginagawa mo?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.

Pero hindi niya ako sinagot. Inosente niyang tinignan ang kamay niya at tinignan ako sa mga mata ko.

"Grabe ang pagkakahawak mo sa akin kanina, pero ngayon... lumayo ka bigla dahil lang sa paglapit ko ng kamay ko sayo?" Laking pagtatakang tanong niya.

Nababaliw na ba siya? Halos marinig ko na 'yung pagdaloy ng dugo sa palapulsuhan niya at amoy na amoy ko yung tamis ng dugo niya tapos ang laki ng disappointed sa boses niya?

"Eh ano ba kasing trip mo?"

"Gusto ko lang hawakan mo ulit ang kamay ko kagaya ng paghawak mo dito kanina." Sagot niya habang nakatitig pa rin sa mga kamay niya.

Nanlaki bigla ang mga mata ko at may kung ano akong naramdaman sa loob ko.

*Nababaliw na ba talaga siya? Reflexes lang 'yon!*

"By the way, pagtapos ko kumain, uuwi na rin pala ako agad." Pag-iiba niya ng usapan.

Tumango na lang ako dahil busy akong kainin ang niluto niya.

*Pangalawang beses ko ng kumain ng pagkain na niluto niya.*

"Salamat sa paghatid sa akin dito. Kahit na ganun... ang nangyari." Sabi ko naman para hindi ko na ulit maramdaman ang awkwardness sa pagitan namin.

"Hmm? Wala 'yon, sabi ko nga sayo hindi ba? Pakiramdam ko, kakailanganin mo ako. Kaya simula ngayon, responsibilidad na kita." Sagot niya at sabay ngiti sa akin.

So hindi niya pa rin nakakalimutan 'yon? Napailing na lang ako at agad na tinapos ang pagkain ko ng makaalis na siya sa harap ko.

Nang matapos ako ay agad kong narinig mula kay Ryouhei ang mga katagang hindi ko maisip na sasabihin niya sa akin.

"Yuki, pwede mo ba akong samahang pumunta sa eskinitang 'yon?" Bigla niyang tanong na nagpatigil sa lahat ng mga iniisip ko.

Nakatingin lang ako sa kaniya. Hindi gumagalaw. Biglang bumalik sa isipan ko ang mga nakita ko ng araw na 'yon, humigpit ang hawak ko sa basong wala ng laman na nakapatong sa lamesa.

*Ano ba talagang iniisip mo, Ryouhei? Papatayin mo ba talaga ang sarili mo?*

Tapos bigla siyang ngumiti na para bang isang normal na mga salita lang ang mga lumabas sa mga labi niya.

"Bukas ko na lang sasabihin kung kailan tayo pupunta doon. Kailangan ko na ring umuwi," sagot niya sabay tayo sa kinauupuan niyang nasa harap ko.

Aalis na sana siya para pumunta doon sa sala ng tawagin ko siya.

"Ryouhei," tawag ko na ikinatingin niya sa akin.

"Bakit?"

Tumitig lang ako sa kaniya... pero walang lumabas na salita sa bibig ko. Kahit na gusto ko siyang balaan, gusto ko siyang wag ng isipin kung anong nangyayari, at wag pumunta sa lugar na 'yon.

Hindi rin pwede.

Maghihinala siya.

Pero mapapahamak naman siya.

Umiwas ako ng tingin dito.

"S-Salamat sa tulong mo sa akin. At magiingat ka sa pag-uwi." Sagot ko na lang at agad akong tumayo at inilagay sa lababo ang plato na ginamit ko.

"Nag-aalala ka ba sa akin?" Lumingon ako sa kaniya at pabagot ko lang siyang tinignan.

"Ang kapal naman ng mukha mo. Layas na." Sagot ko at sabay tulak sa kaniya papunta sa sala.

Habang tinutulak ko siya palayo ay patuloy siya sa pagrereklamo. Kinuha ko ang bag niyang nakapatong sa isang upuan at dere-deretso ko siyang tinulak palabas ng pinto ng apartment ko.

"Hoy! Ang sama mo! Pagtapos kitang paglutuan ng pagkain! Pagtapos kitang tulungan--"

"Magkano ba gusto mo?" Tanong ko sabay bigay sa kaniya ng bag niya.

Napatigil siya at napakurap-kurap.

"Huh?"

"Ang sabi ko, magkano ba kailangan mo? Para mabayaran kita sa mga ginastos mo ngayong araw." Balik ko naman dito.

Imbis na makakuha ako ng pagmamaktol sa kaniya ay tawa niya ang narinig ko. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Matapos niyang tumawa ay napapailing siya habang hawak ang noo niya.

Okay?

"Hindi ko 'yon kailangan," sagot niya. At huli na para umiwas sa sunod na ginawa niya.

Hinawakan niya ang ulo ko at ginulo-gulo ang buhok ko.

"Okay na sa akin na maayos ka. Hindi mo alam na halos mamatay ako sa kaba at takot ng bigla kang mawalan ng malay."

*Mamatay sa takot at kaba? Nababaliw na ba talaga siya? Bakit ka mag-aalala sa isang gaya ko?*

Ngumiti nanaman siya at nakita kong hinawakan niya ang huling hibla ng buhok ko.

"Bukas ko sasabihin sayo. Sa ngayon, magpahinga ka na muna. Mauna na ako. Magiingat ka." Sagot niya at huli ko na lang naramdaman ay ang maliit na pagdampi ng daliri niya sa labi ko at ang tuluyang pag-lakad niya palayo.

Natulala ako, ilang minuto akong nakatunganga sa harap ng pinto. Wala sa isip na hinawakan ang ibabang labi ko kung saan dumampi ang daliri niya kanina.

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa dibdib ko kaya mabilis kong isinara at ini-lock ang pinto.

*Fuck? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?!*

•••


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C7
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk