•••
Monster. Halimaw.
Iyon lang naman mga salitang kaya nilang itawag sa mga gaya ko, pero wala naman silang pinagkaiba sa akin. At bakit kailangan kong makasalamuha ang mga gaya nilang mas nakakatakot pa kaysa sa akin?
Rinig na rinig ko ang pag-uusap na dalawang babae dito sa harap ko.
"Hoy! Girl! Nabasa mo na ba itong binabasa kong story?"
"Saan? Saan?"
"Ito oh? Jusko nakakatakot 'yung bampira dito!"
At nakita ko na lang na ipinakita nang isa ang cellphone niya sa isa pang kasama niya.
Bampira huh?
"Ito lang po ba, Sir?" magalang kong tanong sa costumer na nasa harap ko at saka naman siya nakangiting tumango.
I-pi-nunch-in ko naman ito at mabilis na inilagay sa plastic, pagtapos ay inilagay ko doon ang resibo ng mga binili niya, at mabilis ko itong iniabot sa costumer na nasa harap ko.
"Thank you, Sir. Come again." nakangiting sambit ko.
Nang makaalis ang costumer na iyon ay napatingin ako dalawang babaeng naguusap sa gilid ng counter. Hindi ko maipaliwang ang inis na nararamdaman ko dahil 'di ko alam kung bibili ba sila o hindi o tatambay lang dito?
"'Di ba! Alam mo kung magiging karakter lang ako sa story na 'to? Ako ang papatay sa kaniya!"
"Grabe ka, girl? Siguro may rason lang kung bakit niya ginawa 'yon."
"Kahit anong rason pa yan, wala akong pakialam!"
Inalis ko na lang tingin ko sa kanila at agad na nag-focus dahil may panibagong costumer muli ang pumasok.
"Good morning, sir— Ryouhei?" gulat kong tanong nang makita ko siyang nakatayo ngayon sa harap ko.
Nice. Gandang bungad naman sa umaga ko ito.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at napansin ko na napatigil sa pagkukwentuhan ang dalawang babaeng nasa tabi ng counter.
"Good morning pala, Yuki." tumango naman ako dito. "Bibili sana ako," dagdag niya.
"Edi bumili ka na," sagot ko dito at saka naman siya tumango at umalis sa harap ng counter.
Anong problema ng isang 'yon? Sa pagkakaalam ko hindi naman siya nagpupunta sa ganitong klase ng lugar? Nakita ko na lang na sinundan nang tingin ng dalawang babae si Ryouhei na lumiko para kumuha ata ng inumin.
What an eye candy huh?
"Nakita mo 'yon? Ang gwapo 'no?"
"Kaya nga eh! Hingin natin number niya?"
"Umm... baka nakakahiya. Baka may girlfriend na siya?"
"Okay lang yan. Friend lang naman eh."
Narinig ko na lang ang sunod na hagikhikan nilang dalawa. Napapailing na lang ako sa mga naririnig ko. Sabagay, kung ako man ang tatanungin ay talaga nga namang may itsura itong si Ryouhei. At mukhang kanina pa kilig na kilig ang dalawang babaeng kanina pa nandito.
Kanina pa nila pinaguusapan si Ryouhei hanggang sa bumalik na ito sa counter. Nakangiti niyang ibinaba sa harap ko ang binili niya at ang bayad nito, mabilis ko namang i-pi-nunch-in 'yon at inilagay sa plastic kasama ang resibo.
Pagkabigay ko 'nun sa kaniya ay agad siyang nagtanong.
"Anong oras ang klase mo mamaya?"
Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang dalawang babaeng tila nakikinig sa pinaguusapan namin.
"Mamaya pang hapon, pagtapos ng shift ko dito." sagot ko.
Please umalis ka na lang agad Ryouhei kasi mukhang kakainin ka na nang buhay ng dalawang babaeng nandyan sa tabi mo.
Agad naman na itong nagpaalam na ipinagpapasalamat ko. Nang makalabas na siya ng convenience store ay napatingin ako sa dalawang babaeng nasa harap ko na ngayon. Kitang-kita ko ang pagningning ng mga mata nila pero tinignan ko lang sila at hindi na pinansin.
Please 'wag ngayon dahil ang dami ko pang gagawin.
Kailangan ko na rin yatang mag-mop mamaya dahil marumi na naman ang sahig.
Bago ko gawin 'yon ay inayos ko lang ilang kailangang ayusin pero ramdam ko ang tingin ng dalawang tao sa likod ko. Hindi ko na lang 'yon pinansin at nagpatuloy sa ginagawa ko.
Kasi alam ko na kung anong kailangan nila. At kapag pinansin ko sila, hindi sila titigil na magtanong nang magtanong. Nakakairita.
"Kung pangalan ng lalaking 'yon ang kailangan niyo, sa kaniya na lang kayo magtanong at 'wag sa akin." seryosong sambit ko dahil alam kong pangalan ng lalaking iyon kanina ang kailangan nila.
Pero parang wala sa bukabularyo nila ang pagsuko. Hindi ko na talaga sila papansinin nang may biglang humablot sa braso ko. Nagulat ako dahilan para mapansin ko ang isa sa kanila na pumunta pa talaga sa pwesto ko at nagtataka ako nang makita kong desperada siyang sa gagawin o sasabihin niya.
Nakita kong ibubuka na sana niya ang bibig niya nang marinig naming parehas ang pagingay ng bell sa itaas ng pinto ng convenience store. Pumasok ang isang costumer pero sa halip na bitawan niya ang kamay ko, ay mas humigpit pa 'yon na para bang pinipilit ipahiwatig sa akin kung anong kailangan niya.
Pwes wala akong dapat sabihin sa kaniya.
"Excuse... wait? I know you." Dahil sa narinig ko ay tuluyan na akong napalingon dahil nakatalikod ako sa counter.
At doon ko nakita ang isang lalaking nakasalamin at base sa suot niya alam kong nagtatrabaho siya sa University. Nakatingin siya babaeng nasa counter pa rin, ang kasama ng babaeng nakahawak sa akin ngayon.
"S-Sir?"
"Kaya pala wala kayo sa klase ko dahil nandito kayong dalawa?" Mabilis na sabi nito dahilan para bitawan na ako ng babae at tignan pa ako nito nang masama
Teka bakit parang ako ang may kasalanan dito?
"You two? You want me to call your parents and suspend you for the entire week?" mag pagbabanta nitong sabi sa dalawang estudyante niya na parehas nakayuko at hindi alam ang sasabihin.
Napayuko ako at tinignan ang parte na hinawakan ng babaeng 'yon kanina. Namumula ito kaya nang magtagpo ang mata naming dalawa ay binigyan ko ito ng malamig na tingin.
Bigla naman siyang nagulat doon at agad na napayuko. Agad rin naman silang umalis matapos makapagbayad ang lalaking iyon sa binili niya. Napahawak akong muli sa kamay ko.
Unang-una, hindi ako namumuhay para manakit ng tao. Namumuhay ako, kasi kailangan ko. Hindi ko kailangang gawin kung anong gusto nila, lalo na't ayoko, at ayoko ring nagkakaroon nangg sama ng loob sa mga gaya nila.
Kahit na matagal na akong namumuhay kasama sila, hindi pa rin 'yon magiging sapat para masanay ako.
"Mauna na po ako." paalam ko sa Manager namin.
"Okay! Good job for today!" balik naman nito at saka ako ngumiti.
Paglabas ko ay agad akong huminga nang malalim. Tapos na ang shift ko ng araw na 'to at sa University naman ang sunod kong pupuntahan. Habang naglalakad papunta sa klase ko ay bigla kong naisip ang dalawang babaeng 'yon. Parehas lang kami ng pinapasukan, kung makikita nila ako at hindi tatantanan... ako na lang ang iiwas. Magaling naman ako doon.
"Hey," napaigtad na lang ako nang may biglang humawak sa braso ko.
Paglingon ko ay mukha ni Ryouhei ang nakita ko. Hindi na ako nagulat. As usual, ganun pa rin ang mukha niya kagaya nang nakita ko kanina.
"Bakit?" walang gana kong tanong rito.
Ayokong magtagal na kasama siya, dahil habang tumatagal, mas lalo kong nararamdaman ang tingin ng mga tao sa akin. At ayoko ko 'nun.
Para bang sobrang kakaiba na makita akong kasama ang isang gaya ni Ryouhei. Pero wala naman akong magagawa doon, hintayin ko na lang na magsawa ito sa akin kagaya ng iba.
"Wala lang. Sasabay sana ako sayo kung papasok ka na sa klase mo." nakangiting sagot niya habang nakatingin pa rin sa akin.
Bakit ba palaging ganito na lang kapag nagkakasalubong kami dito? Mas gusto niyang sumabay sa akin kaysa ang sumabay sa mga kaibigan niyang naghihintay sa kaniya sa likod niya?
"Hindi na, kaya ko namang maglakad papunta sa klase ko nang ako lang mag-isa." balik ko. Alam kong masyadong matabang ang bawat salitang binibitawan ko pero ayokong mapalapit sa kaniya. Tinanggal ko ang pagkakapit niya sa braso ko at maglalakad na sana nang maramdaman ko ang pagdantay nang braso niya sa balikat ko.
Nagulat ako. Napatigil at nanlaki ang mga mata ko nang maamoy ko ang matamis na bagay na 'yon.
Pabango niya ba 'yon?
"Bakit?" nagtatakang tanong niya at nakakunot na nakatingin sa akin.
Ipinilig ko na lang ang ulo ko at pwersahang tinanggal ang braso niya sa balikat ko at saka ako naunang naglakad.
"Teka, Yuki! Hintay!"
Bahala ka sa buhay mo!
---
"Umm... Yuki?" Napatigil ako sa paglalagay ng mga libro sa loob ng locker ko ng may nagsalita sa tabi ko.
Paglingon ko ay ang isa sa babaeng alam kong kaklase ko sa isang klase namin ang nandoon at mukhang may kailangan sa akin.
"Bakit? May problema ba?" tanong ko naman dito at isinarado ang locker ko.
At ganun na lang ang pagtaas ng kilay ko nang makita ko naman sa isang tabi si Ryouhei. Nakasandal siya sa locker at mukhang kanina pa ako hinihintay. Hindi ba siya marunong mapagod kakabuntot? Pwes ako, pagod na ako.
"Oo nga? May kailangan ka ba kay Yuki?" sunod naman nitong tanong sa babaeng nasa harap namin.
Hindi ito agad nakasagot at bigla na lang itong namula at napayuko. Tinignan ko naman nang masama itong lalaking ito.
"Alam mo kung wala kang magandang sasabihin, umalis ka na sa harap ko." sabay irap ko rito na ikinaayos naman niya nang tayo.
Ano ba kasing kailangan nito? Sa pagkaka-alam ko ay sa isang klase lang naman kami magkaklase at pagtapos 'nun ay wala na. Sa lahat ng mga nakasalamuha ko nang malaman kong nag-iisa ako ay siya lang 'yung nagiisang taong nagtagal at sumisira lalo ng araw ko sa loob ng tatlong taon. Ang tatag niya naman.
"Pinapasabi kasi ni Mr. Chavez, pumunta ka daw sa kaniya pagtapos ng k-klase mo." At pagtapos niyang sabihin 'yon ay kumaripas siya nang takbo palayo.
Napabuga na lang ako nang hangin at napahawak sa batok ko. For sure may ipapagawa na naman siya sa akin kagaya noong isang araw. Bakit ba ako ang ipinapagawa niya ng mga trabaho niya na imbis na siya ang gumawa 'nun? Tingin niya sa akin? Utusan?
Nagsimula na akong maglakad at hindi inintindi ang taong sumasabay sa akin sa paglalakad.
"Hindi ba tayo sabay na uuwi ngayon?" Umiling ako bilang sagot sa kaniya. "Seryoso?" tanong niyang muli kaya agad akong huminto kaya napahinto rin siya sa paglalakad.
"Kung iniisip mong wala kang kasabay, isabay mo mga kaibigan mo sayo." sagot ko. "Marami ka namang kaibigan, kaya bakit sa akin mo pa gustong sumabay." bulong ko sa mga huling sinabi ko.
Muli akong naglakad pero hinawakan niya ang braso ko kaya napahinto akong muli. Tumingin ako ulit sa mga mata niya at napapikit nang marinig ko ang sinabi niya.
"I'll wait for you."
Pwede bang alisin niyo na si Ryouhei sa landas ko?
---
"Yuki?" Huminto ako sa pagtipa nang marinig ko ang pagtawag nang isang boses babae sa akin.
"Oh, Kyla? Ikaw pala, may kailangan ka?" nakangiti kong tanong matapos kong dumukwang dahil hindi ko siya makita.
Nakita kong napalinga-linga siya loob ng faculty room bago siya naglakad papunta sa pwesto ko
"Wala kang kasama dito?" tanong nito habang inililibot pa rin ang paningin sa kabuuan ng faculty room.
"Oo, mukha naman 'di ba?" sarcastic na sagot ko habang nakatingin sa screen ng computer na nasa harap ko.
"Nakakainis talaga si Mr. Chavez. Kung kailan uuwi ka na tapos bigla kang tatawagin para ipagawa sayo itong mga bagay na ito?" naiinis na sagot niya sabat tingin sa paligid.
Wala naman akong magagawa, kapag hindi ako sumunod sa pinaguutos niya, ibabagsak niya ako. Ang angas din ng isang iyon eh, parang hindi professional.
"Ayos lang, atsaka wala naman akong gagawin paguwi." pagsisinungaling ko.
Actually may gagawin talaga ako, pero ayon nga wala naman akong choice kundi gawin ito. Nagtaka na lang ako nang iabot niya sa akin ang isang plastic na naglalaman ng isang kape. Hindi ako mahilig sa kape... hindi rin ako umiinom 'nun.
"Para sayo, pinapabigay ni Ryouhei." sagot niya nang hindi nakatingin sa akin dahil kasalukuyan siyang nakasilip sa computer screen na nasa harapan ko.
Ayoko sanang kunin sa kaniya iyon pero nang marinig ko kung kanino 'yon galing ay naalala ko ang sinabi nito kanina.
" I'll wait for you. "
Napailing na lang ako at tinanggap ko na lang 'yon, pampalubag loob. Kahit wala naman akong balak inumin iyon.
"Uh, Yuki? Gusto mo bang ako na ang tumapos nito?" bigla nitong tanong kaya napatitig naman ako sa kaniya at saka nagsalita.
"Sigurado ka? Ayos lang naman sa akin kung ako na lang ang tatapos?"
Pero napahawak siya bigla sa noo niya na ipinagtaka ko, "Kasi... nagi-guilty ako sa tuwing nakikita kitang ginagawa 'to eh,"
"Ayos lang talaga sa akin, Kyla..."
"No. I insist. Tsaka naghihintay rin sayo si Ryouhei sa labas, kanina pa ako 'nun kinukulit tungkol sayo eh, kailangan niyo na ring umuwi." nakangiting sabi nito, "Kaya sige na, ako na dyan," sabay hila nito sa akin patayo sa kinauupuan ko.
Wala naman na akong nagawa kaya agad na rin akong nagpaalam sa kaniya. Ngumiti lang siya sa akin at saka ako tahimik na lumabas ng faculty room. Paglabas ko ay tahimik na hallway ang bumungad sa akin sa labas, ngunit bukas pa rin ang mga ilaw. Siguro may iba pang nagkaklase ngayong araw.
Nang makalabas ako na ako ng building at gate ng school ay laking pagtataka ko nang makita ko sa hindi kalayuan ang kumpol ng mga lalaki. Dahil sa kuryusidad ay naglakad ako papunta doon, pero hindi ko naman aakalain na kasama pala siya doon.
Hindi sila nagkukumpulan, nagbubugbugan sila!
Dahil sa gulat nang makita ko siya doon ay dali-dali akong pumunta sa pwesto niya at nakita kong susuntukin na siya ng lalaking kasapakan niya kaya agad akong sumigaw.
"Yuko!" Dahil doon ay mabilis siyang yumuko at agad kong nasipa sa mukha ang lalaking 'yon.
Bwiset ka Ryouhei! Iyon ang unang beses na may sinipa ako sa mukha!
Matapos niyang matumba ay agad ko siyang hinila patayo at walang lingong-likod na tumakbo palayo doon. At nang makita kong malayo na kami ay agad akong huminto dahil halos mawalan ako nang hininga dahil sa pagod at hingal sa pagtakbo. Parehas kaming sumalampak sa sahig at pilit na hinahabol ang hininga. Hindi ko pa nagagawang tumakbo nang ganun kalayo sa tanang buhay ko!
Kasalanan mo ito Ryouhei! Gusto ko lang umuwi nang matiwasay;
"B-Buti nakalayo agad tayo," hinihingal na bulong ko at luminga-linga dahil baka may nakahabol sa amin.
Tinignan ko naman ng masama itong lalaking nasa harap ko. Bakit kasi lagi itong naghahamon nang away? Hindi naman lahat ng tao kailangan niyang hamunin, akala niya ba may superpowers siya? Nasisiraan na ata siya. Tumayo na rin ako at pinagpagan ang pantalon ko para umalis na.
"S-Salamat..." Biglang nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko mula sa kaniya.
Agad na dumagundong ang puso ko kaba at sa hindi malamang dahilan ay agad akong naglakad palayo dito. Ni hindi ako lumingon sa kaniya dahil isa lang ang nasa isip ko...
"H-Hoy! Salamat, Yuki!! Bukas ililibre kita!" sigaw nito pero hindi na ako lumingon pang muli sa pwesto niya.
Dahil ang mga salitang iyon lang ang umiikot sa isip ko...
" S-salamat Yuki... "
•••
Writers Note: kapag may part kayong nakita na ganito po ( " *word " ) it means it's italic kagaya sa w a ttp ad. And it means it's from the past or they're are talking through their brain or their thinking about something. Thank you.