Unduh Aplikasi
85.71% Her familiar scent / Chapter 23: Capitulo Dalawampu't dalawa

Bab 23: Capitulo Dalawampu't dalawa

Capitulo 22: Forgetting her.

TAHIMIK at tulalang naglalakad si shakira patungo sa bahay ni adrasteia upang gawin ang pangalawang hakbang nung bigla siyang napahinto nung makita ang isang tao sa harapan niya.

"Q-Queen.." gulat at utal nitong bulong na sakto lamang upang marinig niya.

Mapait siyang ngumiti. "Khironny." hindi na siya nagulat nung bahagya itong yumuko upang magbigay galang.

Si khironny ang isa sa mga bampirang hindi niya nakitaan ng anumang pagkadisgusto sa mata nung mga panahong pinagbintangan ang pamilya nila.

Kaya nga't hindi niya nagawang alalahanin pa masiyado si rozzen dahil alam niya namang nariyan ang kaibigan nito.

"Bienvenida de nuevo, reina" magalang nitong ani.

Translation: welcome back queen.

"Gracias por cuidarlo"

Translate: Thank you for taking care of him

"Lo hice.." tumigil ito saglit. "Lo hice porque lo sabía, eso es lo que quieres que haga."

Translate: I did it.. I did it because i knew that that's what you want me to do.

She can't help but to smile-- her heart feels so warm knowing that khironny knew what's inside of her mind even though the situation is very.. scary.

"quiero que lo hagas de nuevo" nakita niya ang pagtataka sa mga mata nito kung kaya't nagsalita siyang muli. "Él te necesita en este momento, así que por favor cuídalo de nuevo.. I left him alone.. for the second time, so do me a favor.. Take care of him for me.."

Translate: I want you to do it again... He needs you right now so please take care of him again.

Hindi na ito sumagot pa bagkos ay bahagya na lamang itong tumango.

"Gracias, khironny." ngumiti ito pabalik at bago pa man niya makalimutan ay agad niyang sinabi ang salita upang makalimutan din nito na nag eexist siya. "I command everyone in this forest to forget about my existence.. "nilibot niya ang tingin bago ibinalik ang tingin kay khironny na tila estatwa na. "To take care of my lover 'till i return.. but don't forget the words that i have said because it would be the last favor that i will asked you to do.." dahan dahan itong tumango dahilan para malaman niyang nagawa niya na ang pagbubura ng existence niya sa mga memorya nito--hindi lang kay khironny munit pati na rin sa mga bampira sa kagubatan maliban na lamang sa isa..

Pagkatapos nun ay bigla na lamang siyang nawala.. Tsaka niya nalang napagtantong nasa harapan na pala siya ng isang estatwa..

At iyon ang huling destinasyon niya.

"Bakit nandito ka na naman??" hindi niya na kinakailangan pang lingunin kung sino ang nasa likod niya dahil sa boses palang ay kilalang kilala niya na ito. "Tinatanong kita!"

Hindi siya gumalaw bagkos ay nanatili lamang ang tingin niya sa estatwa ng isang bampira at tao na nasa harapan niya ngayon.

Bigla na lamang sumulpot si Adrasteia sa harap niya munit hindi niya man lang magawang alisin ang tingin sa harapan kahit pa ang mukha na ni Adrasteia ang nasa harapan niya. Parang kasing nakatatak na sa isip niya ang estatwa at ang mukha ni rozzen to the point na kahit nasa harapan na si Adrasteia ay si rozzen at ang estatwa rin ang nakikita niya.

"Sagutin mo'ko!!" dun na siya nakabalik sa reyalidad, walang emosyong tumingin siya kay Adrasteia at wala ang isang segundo nung lumipad ito palayo sakaniya dahilan para makita niya kung paano masira ang estatwang gawa niya dahil sa force na pagsalpok dito ni Adrasteia-- na kagagawan niya rin naman.

"I warned you.. Didn't i?" wala pa ring ekspresyon ang mukha niya dahilan para mas maging mukha siyang nakakatakot. 

Bakas na bakas ang nginig nito sa takot nung mapadako ang nanlilisik niyang mga mata sa kamay na may hawak hawak na bote ng lason na sinisigurado niyang gagamitin nito iyon kay rozzen.

Mas lalo siyang nakaramdam ng galit nung maisip ang bagay na yun-- gusto niya na itong sugurin at patayin munit kinakailangan niyang sundin ang plano niya.

Kailangan niyang kainin ang galit niya para mabigyan ng kapayapaan ang mga bampira at tao sa mundong ito.

"I warned you pero hindi ka man lang natakot o mabahala man lang?" patanong na mahihimigan mo ang pagkainis sa boses niya.

"H-Hindi naman to para sakanya!"

"Kung gayon ay inumin mo mismo ang bagay na yan sa harapan ko."

natigilan si Adrasteia at napapalunok pa habang nakatitig sakaniya na halata sa itsura na hindi ito makapaniwala sa sinabi niya!

"Drink it.. then maniniwala na 'kong hindi yan sakaniya." tumaas ang gilid ng labi niya nung makita ang nanginginig nitong kamay na unti unting umangat upang inumin ang bote na yun.

Munit bago pa man nito mainom iyon ay agad niyang binasag yun sa pamamagitan ng isang mahika dahilan para mapahiyaw si Adrasteia dahil sa hapdi nun sa katawan!

"Aray!" daing nito. Pinunasan nito ang braso sabay ang masamang tingin na nakapukol sakaniya.

Matunog siyang napangiti. "My plan isn't done yet.." unti unting nawala ang ngiti niya at napalitan iyon ng nakakatakot na tingin. "I want to see how miserable your life will be.. after i take all of your power."

Nanlaki ang mga mata nito at napaatras kahit pa wala na itong maatrasan! Umiiling at nanginginig ang mga kamay-- bigla itong tumayo at lumuhod sa harapan niya.

"Huwag pakiusap.." nanginginig pa nitong sabi munit tinapunan niya lamang ito ng natatawang tingin bago umabante dahilan para mahulog ang mga kamay ni Adrasteia sa lupa.

"You don't deserve my forgiveness, Adrasteia." seryoso niyang ani. "I gave you enough time to prepare--to follow me, yet you disobey me every time." unti unti itong yumuko hanggang sa magkasing level na ang mukha nilang dalawa. "And i had enough, it's time for you to feel how harsh and unfair the world is."

"N-No.." napaatras ito dahilan para umabante naman siya papalapit.

"I command you.. " pinutol niya ang sariling sasabihin at ngumisi. "To give up your power, and to change yourself into a human being.. Your memories would be clear as the sea and every time you remember the wrong doings that you've done一your heart would shutter like what you did to mine. Not because I want to take a revenge for myself but to give you a lesson that.. not everything would go based on your plan, sometimes, someone will ruin it for you." Maawtoridad at nakataas noo niyang ani.

Pinagmasdan nya lamang si Adrasteia na napahawak sa ulo nito at sumisigaw sigaw na tila may nararamdamang sakit.

Matunog siyang ngumiti at tumayo mula sa pagkakaupo bago umalis.

Ngayon tapos na ang hakbang niya sa kagubatan.. sa mundo naman ng mga tao.

Napalunok siya bago ilang beses nang bumuntong hininga.

ILANG beses napabuntong hininga si shakira habang nakatitig sa pintong nasa harapan niya.

Hindi niya magawang pumasok o kumatok man lang. Nagtatalo ang isip at puso niya dahilan para tila naging estatwa ang buo niyang katawan.

'Huwag mong gawin.. masasaktan mo lang sila.' ani ng puso niya.

'Kaya nga natin gagawin to para wala nang masaktan.' debate naman ng utak niya.

Kanina pa siya narito at nakatitig lang sa pinto. Napapansin niya pa ang mga tinginan ng mga magulang habang pumapasok sa loob na tila ba nagtataka kung bakit hindi siya gumagalaw dun.

Nanatili lamang siyang nandun hanggang sa magdilim at kusa nalang bumukas ang pintong iyon.

Tumambad sakaniya ang mukha ni Julia na animo'y nagtataka rin kung bakit ganun ang pustura niya at kung bakit hindi siya gumagalaw.

"Mama ayos kalang po ba?" mahina nitong tanong at naririnig mo ang kainosentahan sa boses nito.

Umiling siya ag ngumiti ng pilit. "Hindi anak. Hindi makagalaw si mama"pakiramdam niya ay may pumiga sa puso niya nung sabihin niya ang salitang mama.

Ngumiti ito ng malaki bago unti unting lumapit sakaniya hanggang sa nasa harapan niya na ito at hawak hawak ang nanlalambot niyang mga kamay.

"Mama gusto nyo po bang imassage kita?" nakangiting tanong nito.

Nag-init ang mga mata niya at doon namuo ang mga luha.

"Mama alam kong pagod po kayo pero pwede po bang maglakad tayo pauwi? Kaarawan po kasi ni Ina." Napaawang ang bibig nya.

Paano nya nakalimutang kaarawan ng kapatid nya?

Lalo siyang nakaramdam ng lungkot. 

Yumuko siya para maging pantay silang dalawa. Iniangat nya ang kaniyang kamay upang ilagay sa gilid ng mga tenga nito ang buhok na humaharang sa maganda nitong mukha.

"Hindi kita masasamahang umuwi, anak." mapait niyang ani.

"Bakit naman po?" puno nang inosente ang mga mata nitong nakatingin sakaniya.

"May pupuntahan si mama e." ngumiti siya ng pilit at tumitig sa bata. "Alam mo naman kung paano umuwi hindi ba? Tinuruan ka na ni manager rotiro.." tumango tango naman si Julia kaya naman ginulo nya na naman ang buhok nito. "Ang bait at cute talaga ng pamangkin slush anak ko.." puri nya rito.

Unting unti nawala ang ngiti sa mga labi nito at napalitan iyon ng pag-aalala.

"Mama.." naiiyak nitong tawag habang nakatingin sakaniya.

Hinaplos ni shakira ang buhok ng trinatrato niya nang anak at buhay niya tsaka mariin itong tinignan.

"Anak alam mo namang mahal na mahal ka ni mama 'diba?" kahit nakasimangot ay tumango ito. "Kaylangan mong mabuhay para sa'kin.. Gusto kong mamuhay ka ng masaya at kumpleto pero mukhang 'di ko kayang manatili sa tabi mo ng sobrang tagal, anak.." wala pa man ay tila naluluha na siya.

Umiwas siya ng tingin at palihim na pinunasan ang mga namumuong luha sa mga mata niya.

"Mama.." malungkot ang boses nitong tinawag siya. Nabalik ang tingin niya kay Julia at hindi siya makapaniwala nung makitang umiiyak na ito. "Uwi na tayo, mama."

napatitig siya kay Julia nung sabihin nito ang huling salita.

Tila pinapalakas lang nito ang loob nito sa pamamagitan ng pag aakto ng normal--at nasasaktan siyang makita kung paano iniiwasan ni Julia ang naiintindihan niya nang sitwasyon.

"Hindi na ko pwedeng sumama anak." hindi niya na napigilang mapaluha. "Aalis na si mama e."

"Iiwan nyo rin po ba ako gaya ni Ina, mama?" sumisinghot singhot na ito. "Mama wag nyo pong puntahan si mama kasi po baka hindi na rin kayo makabalik.." napahawak siya sa bibig nya nung marinig ang sinabi nito.  Pinulupot nito ang maliit na braso sa balikat niya habang patuloy sa paghikbi. "Mama 'wag nyo rin po akong iwan."

napapikit siya at muntik nang mapamura.

Gustong gusto nang bumigay ng puso niya一ayaw niyang iwanan si Julia. Ayaw niyang igive up ang bata pero alam niyang wala siyang magagawa kun'di ang gawin yun.

Alam niyang mas lalala pa ang sitwasyon kung hindi siya kikilos. At ang pinakamalala pa run ay maaring madamay ang lahat ng taong mahal niya.

Marahan niyang tinanggal ang mga braso nito sa balikat niya at iniharap niya ito sakaniya.

Tinitigan niya ito bago sinimulan sabihin ang salitang ayaw na yatang lumabas sa bibig niya.

"I.. Command you to..." nakagat niya ang labi nung tila gustong kumawala ng isang hikbi sa kaniyang labi. "To Forget my existence.. To live as long as you want.. To live happily and to live how you want to." pinunasan niya ang mga luha sa mga mata nito. "I command the world to hear my commands.. I want everyone who I love forget my existence.. I want everyone I truly love on this life to live a happy life with their love ones.." tumigil siya saglit bago ngumiti ng mapait. "Yan ang huling bagay na hihilingin ko sa buhay na to.." 

Pagkatapos nun ay pumikit siya at nagteleport papunta sa isang lugar kung saan alam niyang walang makakatunton sakaniya.

Walang iba kun'di ang dagat kung saan siya madalas pumunta.

Napatitig siya sa araw na papalubog habang ang luha'y patuloy na tumutulo sa buhanging sumasalo sa kaniyang pumipighating luha.

"D*mn this life.. Why can't I live the way that i love to?" tanong niya pa habang mapakla pang natawa. "Please let me live happily in my next life.." pagkatapos nun ay napapikit at bumagsak ang katawan niya sa buhangin dahil sa naramdaman bigat at pagod..


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C23
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk