Unduh Aplikasi
78.57% Her familiar scent / Chapter 21: Capitulo Dalawampu

Bab 21: Capitulo Dalawampu

Chapter 20: Pain & Guilt

SHAKIRA'S POV.

SA TALANG buhay ko, tuwing may problema ay sa iisang bagay lang ako magaling.

At iyon ay ang pagtakbo. 

Simula nung mawala ang kaisa-isang pamilya na nariyan sa'kin ay wala na 'kong ibang ginawa kung hindi ang takbuhan ang lahat ng problema ko.

Ang problema tungkol sa sarili ko at tungkol kay rozzen,

At ngayon naman ay tungkol sa aming dalawa ni Lucas.

Ang pagtakbo lang ang tanging paraan na naiisip ko para makaligtas sa kung ano mang pasakit ang mararamdaman ko sa problemang iyon一 running away is the only way to protect myself from hurting.

But..

I don't realize that running away will make everything complicated as it is.

"Hindi na dumadayo dito si Lucas ha? Nagsawa na ba siya sa drinks natin?" sabi ni Manager rotiro habang nakatulala sa bandang kumakanta sa stage.

Nagkibit-balikat na lamang ako.

Nagkukunwareng walang alam kahit alam ko naman ang totoo.

'Umiiwas na sakin si Lucas.'

Alam kong mangyayari ang ganito munit hindi sa ganong kadahilanan.

pero, kahit hindi ko inaasahang magkakaganito kami ay kahit papaano naiintindihan ko ang nararamdaman niya.

'nasaktan ko nga talaga siya.'

Ilang araw na ang nakalipas simula nun, maski isang araw ay hindi ako tumigil sa pagme-message sakaniya kung kamusta na ba siya at iba pa.

Sa dami non, maski isa roon ay hindi niya magawang sagutin man lang. Maski ang i-seen lang ang message ko ay parang mabigat na gawain na dahil hindi niya man lang ginagawa.

"Kaka-launch lang ng bago niyang brunch. Siguradong busy yun sa kompanya niya." iyon na lamang ang nasabi ko nung hindi man lang ako tinigilan ng titig ni Manager.

"Kung sabagay.." mabuti na lamang at naniwala siya.

Hindi na ako umimik pa upang hindi na mag-usisa pa si manager rotiro. Kung patuloy kasi itong magtanong ay siguradong wala na kong masasagot pa.

"Mama!" masayang bungad sa'kin ni Julia.

Sinalubong ko naman siya ng isang mahigpit na yakap at bahagyang ginulo ang buhok niya.

"Kamusta ang skwela?" nakangiting tanong ko.

Inilahad naman nito ang braso niya kung kaya't nagtatakang napatingin ako roon-- at nanlaki ang mata ko nung makita kung gaano karami ang nakatatak na star dun!

"Wow anak! Galing ah?" masaya kong compliment sakaniya.

Mas lalong napuno ng tuwa ang aking puso nung makita kung paano siya ngumiti na tila nasisiyahan talaga sa bituing nauwi niya sa bahay. 

"Ang galing galing ng anak ko." dagdag ko pa at bahagyang hinaplos ang kaniyang buhok.

Kahit pa hindi galing sa akin ang batang ito, masaya akong makitang humahakbang na siya patungo sa kaniyang tatahakin. Masaya akong makita ang kinang at kainosentehan sa kaniyang mga mata na sana..

Sana lang ay hindi mabura tulad ng nangyari sa akin..

"Ang ganda ganda naman ng anak ko." kita at ramdam ko ang saya niya habang nakatingin sa'kin at bahagyang hinahaplos ang buhok ko.

Napangiti ako dahil nakakahawa ang ngiti ng aking ina.

"Nagmana po sainyo e." banat ko pa. 

"Aba e kanino ka pa ba magmamana?"  biro pa sa'kin ni ina.

Masaya ang buhay namin. Marangay kami, Oo.

May mga bagay na kaya naming kuhain na hindi nakukuha ng mga normal na tao lamang-- Alahas, Dyamante, At kung ano ano pang bagay sa mundo.

Halos nasa akin na ang lahat ng mga bagay na halos karamihan ay hinihiling.

May mga magulang akong grabe magmahal sa'kin, Mga kapatid na laging nariyan para sa'kin at ang kasintahan na isa ko rin naging tahanan.

kung hindi lang dahil sa plano ni Adrasteia, hindi na sana ako makakaramdam pa nang ganitong hirap sa buhay na ito.

Nagagalak akong mabuhay muli munit hindi ko inaasahang sa isang tao na may anak pa. Batid kong wala akong choice kung hindi ang tanggapin lahat pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot at manlumo dahil huli ko nang nalaman ang lahat lahat.

Kung una pa lang ay alam ko na, dapat ay nakaiwas na agad ako.

Gustuhin ko mang ibalik ang nakaraan ay hindi ko magawa. Bumalik na ang ala-ala ko, nakalabas na 'ko sa madilim na mundo-- pero hindi ang nakaraan ko.

INILIBOT ko ang tingin sa kagubatan-- alam kong lahat ay gising ngayon dahil nararamdamam ko ang kanilang prisensya. 

Nakikita ko ang harang na hindi nakikita ng mga karaniwang tao-- maski ang mga bampira. munit hindi tulad ng bampira, ang tao ay nararamdaman ang harang na 'yon na tila ba isang force na nanggagaling sa kagubatan.

Pero hindi, isa iyong harang na ginawa ko para protektahan ang dati kong itinuring na pamilya.

Ang harang na ginawa ko ay hindi lang para sa aking pamilya munit maging para sa mga katulad kong bampira.

Hindi maaring pumasok ang tao sa mundo ng mga bampira munit kayang pumasok ng mga bampira sa mundo ng mga tao--- iyon ang harang na ginawa ko na sa tingin ko ay nagbago 50 years ago.

Hinawakan ako ang harang at bigla itong umilaw ng asul-- ibig sabihin lang nun ay payapa at tahimik ang kagubatan. Kulay pula naman ay senyales na may malaking problema.

Ang rules na yun ay ginawa ko para protektahan lahat ng mga kawangis ko.

Pero hindi ko aakalaing sa kabila ng ginawa ko ay tratraydurin nyo'ko.

Hindi ko pa rin mapigilang magalit sa mundo.

Ba't pa nila pinaalala sa'kin ang nakaraan kong buhay kung hindi naman nila kokompletuhin.

Hindi ko gusto na may mga parte pa ring nananatiling misteryo para sa akin kahit pa pinipilit kong isipin kung ano yon.

"Bakit ba balik ka pa rin ng balik dito?!!" halos umusok na ang ilong niya sa sobrang galit.

Napailing ako. "Tsk, tsk tsk." ngumisi ako nung makitang mas lalo siyang nagalit sa ginawa ko. "Wala pa nga 'kong ginagawa ay ganyan na agad ang galit mo, pano pa kaya kapag may ginawa ako? Baka maging toro kana niyan." pabirong ani ko bago pumasok sa loob kahit pa nakaharang siya sa daanan.

"Ano bang kayang gawin ng isang taong gaya mo?"hindi ko pinansin ang matanda at umupo nalang sa malaki niyang sofa.

Nagpandikwatrong upo ako at sumandal sa sofa bago walang emosyong tumingin sakaniya.

"Marami at isa na roon ang sirain ang kagubatang pinahahalagahan mo."

Nakita ko ang takot sa mga mata niya-- hindi rin nakaligtas sa'kin ang pagkuyom ng kamao niya maski ang paglunok niya.

"H-He?! Tao ka lang, tao ka nalang!"

Biglang sumeryoso ang mukha ko-- ngumisi ako ng matunog at pinanlisikan siya ng mata.

"Alam mo kung anong kaya kong gawin, Adrasteia. H'wag mo'kong susubukan." madiing ani ko.

Bahagya siyang napa-atras, lumunok na naman siya at umiwas ng tingin-- nakita ko kung paano niya pinakalma ang sarili niya at isa lang ang masasabi ko.. Mukha siyang ewan.

"A-Ano bang ginagawa mo dito?" naging mahinahon siya ng onti munit mababakas mo pa rin ang galit sa magkasalubong niyang kilay.

"Kukuha ng update." kibit balikat kong ani 'tsaka umiwas ng tingin.

Alam kong hindi na maipinta ang mukha niya dahil sa sobrang inis sa'kin, pero wala rin siyang magawa-- may kasunduan kami. 

"Anong klaseng update naman yan?!" sumigaw na naman uli siya.

Nag iinit na ang ulo ko sa matandang 'to sa totoo lang.

"Update tungkol sakaniya." pagdidiin munit mahinahong ani ko pa.

Ilang sandali ang namuntawi sa amin dahil talagang tinitigan niya ako-- hindi siya makapaniwalang nagtanong ako ng ganon.

"Anong klaseng tingin yan?" inis nang ani ko, mabilis na umiwas siya ng tingin.

"Galit ka sakaniya 'di ba? Kaya bakit siya pa ang tinatanong mo sa'kin." nagkibit balikat ako sa tanong niya.

Hindi ako galit sa taong iyon-- siya lang naman itong nag-iisip ng ganon.

"Pinatay niya ang pamilya mo--"

"Na kagagawan mo." pinutol ko na ang sinabi niya.

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya maski ang butas ng ilong niya sa sobrang gulat.

"Alam ko na yun kaya huwag mong ulit ulitin pa dahil nakakairita na!" bigla kong sigaw dahilan para may mga nagsibagsakang salamin sa buong bahay.

Narinig ko ang pagsinghap niya at ang dali-daling pagchecheck niya sa buong bahay.

"Tsk." sumiring ako at umiwas na naman ng tingin.

Pipikit na sana ako nung bigla akong makarinig ng tatlong katok at ang pamilyar na amoy na 'yun..

Wala sa sariling napatingin ako sa pinto kung saan alam kong nanggagaling ang tunog na 'yon.

"Adrasteia?" marinig lang ang malalim nitong boses at ang amoy nito-- nag iinit na agad ang ulo ko.

"Rozz..?" patanong at halatang kinakabahang ani ng matanda. 

Sumulyap pa ito sa'kin bago dali daling pumunta sa pinto upang buksan.

Napailing nalang tuloy ako bago pumikit at inayos ang mga nagkalat na bubog sa lapag-- ng hindi gumagalaw.

"H-Hindi ka pa ba aalis?" halos parang hangin na ani ng matanda sa'kin.

Umiling lang ako at itinuro ang pinto. "Buksan mo na."

may pagdadalawang isip siya kung kaya't ako na agad ang nagbukas nun para sakaniya.

Nakita ko ang gulat sa mga mata ng matatanda at bahagya pang sumulyap sa'kin bago kinakabahang pinuntahan si rozz na agad ang mata ay tama sa'kin.

"O-Oh rozzen?" Kinakabahan at utal na sabi ng matanda. "Bakit nandito ka? Anong oras na ha."

Kung hindi ko lang nalaman ang sikreto ng matandang ito ay siguradong iisipin kong ito ang mama ni rozzen sa sobrang galing umakto e.

"A-Ah, Pasensya na. Gusto ko lamang sabihin na may pagpupulong na mangyayari mamaya bago umangat ang araw." halata ang pagkabalisa ni rozzen.

Hindi ko sasabihing nangayayat siya o maski namutla siya dahil wala naman talaga kaming pulang dugo tulad ng mga tao at normal nalang iyon sa amin munit..

Parang sobrang kaawa awa ngayon si rozzen kesa sa rozzen na nakilala ko noon.

Magulo na ang dating maayos niyang buhok at may buhok na rin ang mukha nitong kailan ma'y hindi ko nakitaan ng kahit anong buhok o maski dumi man lang.

Mukha siyang miserable dahil sa itsura niya ngayon-- napailing nalang tuloy ako.

"Pasensya na, May kinakausap ka yata Adrasteia. Pasensya sa abala" Yumuko ito bago pumihit patalikod at nagsimula nang maglakad papalabas munit huminto ito at eksakto na naman ang tingin sa kinauupuan ko. "But, sino yung tao kinakausap mo?"

"A-Ah wala.. Sarili ko lang."

Matunog akong napangisi at napailing.

Kahit kailan kasi ay hindi marunong magrason ang matandang 'to.

Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata ni rozzen munit agad din itong nawala.

"Your house smells like her." sabi ko na nga ba't hindi niya tatantanan si Adrasteia.

"A-Ah.. Isa iyang pabango galing sa tao-- rosas kaya siguro naamoy mo siya." inilagay sa likod ni adrasteia ang kamay niya dahil kung pananatilihin niya itong nasa harapan ay mapapansin ni rozzen na nagsisinungaling siya.

Bumuntong hininga ako bago tumayo--- boring na ang palabas na 'to.

Naglakad ako patungo sakanilang dalawa dahilan para palihim na inilibot ni rozzen ang tingin niya.

Siguradong hindi siya naniniwala sa mga alibi ni Adrasteia-- maski ako ay hindi siya pinaniniwalaan e.

Nung makatapat ko na si Adrasteia ay bahagya ko siyang hinawakan sa balikat dahilan para bahagya siyang magitla.

"H'wag kang pahalata, Adrasteia. Mas lalo siyang magtataka kung ganyan ang reaksyon mo gayong hindi niya na 'ko nakikita." pang-aasar ko bago pumihit patalikod at nauna nang lumabas.

Isa iyon sa mga kakayahan ko bilang isang prinsesa-- hindi lang ang emosyon ang kaya kong itago munit maski ang sarili ko.

Iyon nga lang, alam kong hindi ko maitatago sakaniya ang amoy ko.  Baka kapag tumagal pa 'ko sa bahay na iyon ay mapansin niya na 'ko.

Naglakad na 'ko papalabas nung bigla akong matigilan nung makita ko siyang bagsak ang balikat na naglalakad.. Opposite ang direksyong tinatahak naming dalawa.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa para sakaniya-- munit alam kong wala akong magagawa.

Alam kong nagsisimula na siyang magtaka sa lahat ng nangyayari munit wala siyang maisip na paraan para umpisahang tuklasin ang bagay na hindi niya maipaliwanag.

Hindi ko na namalayang sinusundan ko na pala siya-- mabuti nalang din at naglalakad lang siya kaya madali lang para sa'kin ang sundan siya.

Inilagay ko ang kamay ko sa likuran habang nakatitig sakaniya.

Kung titignan mo ay kahit may balbas pa siya'y hindi nabawasan ang gwapo niyang mukha maski ang tindig niya.

Bumuntong hininga ako bago huminto sa paglalakad--maling mali na sinundan ko siya.

Nangako akong hindi na magpapakita o ang pumunta sa kagubatang ito para lang makita siya pero heto ako, binubuwag ang sarili kong pangako.

Huminga ako ng malalim bago tumalikod.

"Iiwan mo na naman ba 'ko?" para akong nabingi dahil sa narinig ko.

Natigilan ako, ang paghinga ko ay tumigil din at ang tanging naririnig ko lamang ang mga pagasgas ng puno.

"I'm asking you.. Are you going to leave me again?"

unti unti akong humarap sakaniya.

Ang mga mata niyang halo-halo ang emosyon, puno ito ng sakit, pagtataka at galit.

Bahagyang magkasalubong ang kilay niya at nakaawang ang mga labi niya. Nakita ko rin kung paano niya pigilan ang mga luha niya.

Hindi ko maintindihan.

"If you're going to leave.. Then why are you here?" Napalunok ako at hindi nakapagsalita. "Ang sabi mo ay para mabuhay ako kaya mo 'ko iiwan ulit pero halos mamatay matay na 'ko dahil wala ka sa tabi ko." 

Napaiwas ako ng tingin.

Nakaramdam ako na parang tinutusok tusok ang puso ko at parang may bumara rin sa lalamunan ko.

"Bakit mo ginagawa sa'kin 'to, shakira?"

Hindi na maiwasan ng mata ko ang magkaroon ng luha munit hindi ito tumutulo.

"You're confusing me.." 

Tila umakyat na lahat ng dugo ko sa mukha nung makitang kung paano nito pigilan ang luha niya, and seeing him like this-- mas lalong naging mabigat ang paghinga ko.

"You're the one who's confusing me, rozzen."  kuyom ang kamaong ani ko. "Bakit hindi mo man lang magawang umakto na hindi ako makikita para.. kahit saglit lang ay makita ko kung gaano ka ka miserable."  nanlilisik ang matang ani ko.

"Whenever you are.. Even tho you're hiding nor ignoring my presence... I keep seeing you."

Yumuko ako at ikinuyom ang mga kamay ko upang pigilan ang sariling lumapit sakaniya at pyakapin siya.

He's presence is too much to resist.

"I... I tried to fight you because i want to be with you as long as i can live.. But.. But you leave me.. You leave me as if you didn't love me at all.. Like as if I'm just nothing to you.." Akala ko wala nang mas may maidudurog ang puso ko nung mawala ang mga magulang ko-- akala ko yun na ang maximum na heartbreak pero ito..

Ang nararamdaman kong sakit ay nakakapanghina nang sobra pa sa inaakala ko.

Gusto kong sabihin sakaniya ang totoo-- gusto kong sabay naming ipaglaban  ang isa't isa pero alam kong masasaktan lang siya sa katotohanan at ayokong mas masaktan pa siya.

Ayos lang kung ako ang makaramdam ng tila pinapatay sa sakit araw araw dahil sa nalaman ko-- ayos lang kung ako ang maging miserable h'wag lang siya.

Handa akong akuin ang lahat-- maski ang sakit para lang mabuhay siya. 

"You leave me dumbfounded, Shakira.. You leave me again."

Napaiwas ako ng tingin upang pigilan ang namumuong luha sa mga mata ko.

'please, stop it rozzen.'

"Everyday.. I feel like I'm going crazy! Everything makes me remember of you! Even my house.. That empty room.. That messy sofa, kitchen.. All of it remembers me of your existness."

"Then look away." sinubukan kong tatagan ang boses ko at buti nalang ay nagawa ko. "Kung may bagay kang nakikita na nagpapaalala sa'kin, umiwas ka ng tingin dahil hindi ko obligadong bumalik sa'yo." 

"Then why you're here?" napatigil ako. "If you want me to forget you then why you keep coming back?" naluluha siyang tumingin sa'kin. "That's the reason why i can't forget you, shakira. Because you always come back."

Nakagat ko ang sarili kong dila. Pakiramdam ko ay hindi na ko makahinga dahil sa pinagsasabi niya.

"Stop it--"

"Am i not the reason why you're still coming back?" ang lungkot lungkot ng boses niya at aaminin kong mas nabibiyak nun ang puso ko into pieces.

"Yes." deretso kong sagot. "You're not the reason why I keep coming back here--"

"Then what do you mean by isipin ko nalang na naging duwag ka? Na para iyon sa kaligtasan nating dalawa?!" literal na nanlaki ang mga mata ko nung marinig iyon.

Ibig bang sabihin nun..

"Sagutin mo'ko pakiusap.." napatitig ako sakaniya bago huminga ng malalim.

"Tama ka. Ginagawa ko ang lahat ng 'to para mailigtas tayong dalawa."

"Iligtas saan?" mas lalo lang siyang nagustuhan."Kung sa kapahamakan alam mong kaya kong iligtas ka--"

"I did this to save us from each other." Madiing ani ko. "Ang dalawang pamilya ay may malalim na away na ayokong humantong na naman sa kamatayan. Rozzen, i need to do this to make a peace.." 

"Peace for whom? For them?!" gumagalaw na ang panga niya senyales na galit na siya. "You're  thinking about their f*cking sake again without thinking about mine? Why so selfish, shakira.. Why?!"

Napaatras ako nung maglakad siya papalapit--nakita ko kung paano siya natigilan doon, kita ko ring nasaktan siya dahil doon.

"I need to do this for your sake too, rozzen." pilit kong tinago ang lahat ng emosyon na gusto nang kumawala. "Hindi mo naiintindihan.. Ginawa ko 'to para maligtas ka sa mga kamay ko. Gusto kong mamuhay ka ng tahimik gaya noon, Gusto kong makita uli ang payapa mong mga mukha. Gusto kong kalimutan mo na ang nangyari noon.."tumigil ako saglit. "Gusto kong palayain mo ang sarili mo sa nangyari noon na alam kong hindi mo rin kasalanan-- at hindi kita masisisi roon, rozzen. Forgive yourself and let yourself free.."

Naging soft ang ekspresyon ng mukha niya. Unti unting pumatak ang mga luha sa mga mata niya at pumapatak iyon sa lupa.

"You should've asked me if that's what i want." napayuko siya. "You should've ask me if its okay for me if you leave me again.. You should've asked me if that's the thing that makes me feel free.. You should've consider my feelings, My answer.."

Napatitig na naman ako sakaniya-- hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya.

Nakaramdam ako ng guilt pakiramdam ko ay mali ang ginawa kong desisyon.

You're right. I should've asked you..

"Although you still do whatever you want, you should've asked me." Isang butil ng luha ang kumawala sa pisnge ko..

At hindi ko na napigilan ang sunod sunod na pagtulo nun habang nakatingin sa mga mata nyang bakas ang lungkot, sakit at pagkadismaya.

'Im sorry rozzen.. I hurt you again.'


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C21
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk