Unduh Aplikasi
14.28% Her familiar scent / Chapter 3: Capitulo dós

Bab 3: Capitulo dós

Chapter 2 : As a stranger.

Kanina pa nakaalis si Sir zen daw, munit todo pa rin sa papuri ang manager nya.

"Haynako, Alam mo bang isa sya sa mga gwapong costumer natin dito? Hindi sya araw araw pumupunta dito, Pero talagang isa sya sa vip costumer dito!" hiyaw ng bakla nyang manager.

napailing nalang sya bago ilapag ang basahang ginagamit nya. "Gwapo nga, mayaman nga. Vip pa nga diba? Pero what if masamang tao? Edi waley" bumalik ulit sya sa ginagawa nya matapos iritang sabihin iyon.

Napa daing sya nang hampasin sya ng dalang pamaypay ng manager nya sa braso. "Ouch ha!" nakangusong sambit nya.

"Ano ka ba naman kasing babaita ka! Hindi ka talaga marunong tumingin sa mga lalake" ilingiling na sabi nito sakanya. "Si sir rozzen napaka bait nun, Alam mo ba nung mga oras na pabagsak na tong bar na 'to e nandyan sya para tumulong? Tapos halos lahat ng mga batang kalye kilala rin sya kasi lagi nyang binibigyan ng pagkain yung mga 'yon pagkadaang pagkadaan nya dito" mahabang kwento ni manager.

Lumambot ang puso nya dahil sa sinabi nito. Tuwing kasi tungkol sa mga bata lalo na sa mga batang kalye e ibang usapan ba para sakanya. Malambot ang puso nya sa mga batang kalye lalo na't naging isa rin sya sa kanila noon.

Napaisip sya sa sinabi ng manager hanggang sa matapos na ang oras nya para magtrabaho.

Mabilis syang nagbihis at lumabas sa pinto na nasa likod dahil bawal rin akong lumabas sa harapan. Lalo na't maraming lasing tapos babae pa man din ako.

Napahiyaw ako at napahawak sa dibdib ko nang pagkalabas na pagkalabas ko ay bumungad ang mukha ni sir zen!

"Letsugas naman!" inis na sambit ko bago inayos ang suot kong jacket. I heard him chuckles and it feels like i've heard it.

Huh? Bakit parang pamilyar naman ang isang to?

"Bakit ka tumatawa dyan? Masaya kang nakagulat ka ng tao?" masama ang tingin na ipinukol ko sakanya dahilan para mapalabi sya.

Napatingin ako sa labi nya, hindi ko alam kung gaano katagal kong tinignan iyon pero bumalik lang ako sa reyalidad nang marinig na naman ang tawa nya.

Alam kong namumula na ko ngayon, kaya imbis na titigan sya ay umiwas ako ng tingin.

Shet! napaka bobita mo talaga Shakira!

"Hey hey! Saan ka pupunta?" hindi ko sya pinansin at nagmadali nalang maglakad.

pero hindi ko aakalaing mas mabilis pa sya sa'kin dahil ilang segundo lang ay nasa harapan ko na sya!

Napalingon ako sa likod ko bago tumingin na naman sakanya.

P-Pano?

"Wag kang magulat, mabilis lang talaga ako" napansin nya sigurong nagulat ako kaya agad syang nagpaliwanag.

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi nya bago tumango tango.

"Okay, Tabi kana dyan" pilit ang ngiting sambit ko.

hindi sya umalis, nanatili lang syang nakatayo kung saan sya nakatayo.

Inis kong iniangat ang paningin ko, at gulat ako nung makitang nakatingin- mali. nakatitig pala.

"Bakit nakatitig ka sakin? May problema ba sa mukha ko?" agad kong kinuha ang maliit na salamin sa bag ko at tinignan ang mukha ko pero niisang dumi ay wala naman.

Agad kong binalik ang maliit na salamin sa bag ko at nagtatakang tumingin sakanya.

"hindi ka pa rin nagbabago" naitabingi ko ang ulo ko nang marinig ko ang bulong nya or bulong pa ba yon dahil parang sinadya nyang iparinig sa'kin iyon.

Nagkamali pa ko nang rinig? tanong ko sa sarili ko.

Magsasalita na sana ako nung tumalikod sya at dahan-dahan munit malalaking hakbang na naglakad papalayo sa'kin.

Hanggang sa mawala sya sa paningin ko ay hindi pa rin mawala-wala ang huling binulong nya.

"mali ba ko nang pagkarinig? or nagiimagine na naman ako?" mahinang tanong ko sa sarili ko.

Bumaba ang tingin ko sa kaninang kinatatayuan nya at may nakita akong papel doon. Kumunot ang noo ko bago pinulot yon.

'Nuestro amor sin fin'

basa ko sa nakasulat sa papel. Mas lalo akong nagtaka nung parang pamilyar ito sa'kin.

Itinago ko agad ito sa bulsa ko at lumingon lingon sa paligid, pero wala nang tao.

Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago nagsimulang maglakad. Paglabas ko sa eskinita ay may biglang humila ng braso ko! At don ay niyakap ako ng mahigpit.

Gulat pa rin ako sa biglaang nangyari, hindi ako makagalaw. At nung sinubukan kong umalis sa pagkakayakap nito ay ni-parang hindi man lang sya naapektuhan!

Napalunok ako dahil sa kaba. Tumitibok ng mabilis ang puso ko nung maisip na baka marape ako! Hindi man ako ganon ka hina pero hindi rin ako ganon kalakas para labanan ang isang to!

Seriously, Hanggang dibdib nya lang ako! And sa laki ng braso nya, sa tangkad nya sino ba namang letse ang magiisip na labanan to?

napapikit ako ng mariin. pero nawala bigla ang lahat ng kaba ko nung masinghot ang pamilyar na perfume na yon.

Teka.. Parang si ano to..

"Fuck, I don't want to let you go again." rinig kong bulong nya.

Napalunok ako dahil sa sobrang ganda non sa pandinig.

The hell of that husky voice.

"Can you please let me go? Hindi na 'ko makahinga" mahina ring sabi ko pero imbis na bitawan ako ay mas lalo nya 'kong niyakap!

"No, not again."

gulat ako nung isiniksik nya ang mukha nya sa leeg ko. hindi ko alam kung bakit hindi ako makasigaw at humingi ng tulong dahil first of all hindi ko naman kilala 'tong lalaking 'to!

But instead of doing that, Nanatili pa ko sa pwesto ko't hindi gumalaw hanggang sa sya na mismo ang nagpakawala sa'kin.

Tinignan ko ang mukha nya. He looks tired.

Ngumiti sya ng pilit, and i literally dropped my jaw!

ang gwapo nya!

Napaatras ako nung lumapit sya sa'kin. Munit sa liit ng espasyo ng daanang ito ay wala na agad akong maatrasan!

Walang emosyon ang mukha nyang pinatitigan ang mukha ko. Hindi na naman ako makakilos dahil sa pailalim na titig na 'yon.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nung haplusin nya ng dahan-dahan ang buhok ko. Tinignan nya iyon pero agad ring tumingin sa mukha ko.

"A-Anong ginagawa mo?" utal utal na tanong ko sakanya.

"I'm just appreciate your beauty"

Tumingin ako sa left and right ko at buti nalang walang tao niisa.

"Lasing kaba?"

"No" agad nyang sagot.

"Nakakatol ka?"

kumunof ang noo nya. "Of course not."

"Edi inaantok ka?"

Lumaki pa medyo ang singkit nyang mata bago tumango. "That's a big yes."

tumitig muna ako sakanya. "May bahay kaba dito?" tanong ko."Mukha ka kasing probinsyano" dagdag ko nung pagkunutan nya ko ng noo.

Napa- ahh sya at tumango tango pa na para bang naintindihan nya ang ibig kong sabihin..

"Wala akong matirahan, Saan ba ang bahay ninyo? Doon nalang muna ako" dere-deretsong sabi nya.

hindi pa man ako nakakasalita nung hawakan nya ang braso ko at hilahin ako.  

"A-Ano ba! Bitiwan mo nga 'ko" inis na sabi ko, hindi ko na kailangang bawiin ang kamay ko dahil kusa nyang binitawan yon.

Napa iwas ako ng tingin dahil sa naramdaman ko kaninang kuryente nung magkadikit ang aming mga balat.

"No touching okay?Di tayo close!"

"Ganyan ba kamahal ang lotions mo?"

"Excuse me! Hindi. Ako. Nag. lotion! Period!" diin kong sambit bago napairap.

Tumawa nalang sya at hindi nalang nagsalita.

dumating din kami sa parking area matapos tumawid sa highway na yon!

pesteng to! ang layo layo ng bar tapos dun pa sa mismong gas station nagpark!

"here we are" anunsyo nya.

Tinignan ko ang tinuro nya at halos literal na napanganga ako!

isang bugatti luxury car ang tinuro nya!

Napalunok ako bago lumingon sakanya. "Sure ka bang sayo yan?"

Hindi nya ako sinagot at ngumisi sya一nagmamayabang. bago may pinindot na parang remote at tumunog yung kotse!

"Edi ikaw na" bulong ko.

akala ko papasok nalang sya bigla bigla pero gulat ako nung buksan nya ang pinto ng passenger seat!

"Pasok" tinuro nya pa ang loob ng kotse.

Napalabi ako bago tumango. Kinabahan ako nung maramdaman ang kamay nya sa ulo ko, para bang hinaharangan nya kung sakaling mauntog man ako sa mahal nyang kotse!

Napairap ako nung makapasok na 'ko.

siguro kaya sya nalang yung nagbukas tapos inalalayan pa 'ko dahil akala nya magagasgasan ko 'tong kotse nya!

napaayos ako ng upo nung marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto sa gilid ko.

Tsaka ko lang nalamang sya na yon nung may naamoy akong pabango.

napaka hilig ko sa pabango, pero bakit hindi ako makabili?

napanguso ako at lumingon sa bintana..

Hindi ko afford ang pabango o kahit ang mga pampaganda para sa mga babae.

masyado yung mahal, sa totoo lang mas mahal pa 'yon kesa sa sweldo ko sa isang bwan!

"Are you okay?" doon ako napalingon sakanya.

At sana pala hindi ko nalang ginawa.

gulat ako nung pagkalingon ko, di ko namalayang napaka lapit nya pala sa'kin! at halata rin sa mukha nyang nagulat rin sya sa paglingon ko!

Unti-unting lumapit ang mukha nya. Mas lalong kumabog ang dibdib ko nun.

Anong gagawin nya?! Inis na sigaw ko sa isip ko.

"A-Anong.." hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung bigla akong nakarinig ng tunog.

Yung para bang sa.. seatbelt?!

Napalingon ako sa gilid ko at totoo nga! Nandon ang kamay nya at parang kinabit lang ang seatbelt!

Napakurap ako at umiwas ng tingin dahil sa hiya.

Punyeta! Ano bang pinagiisip ko?!

I heard him chuckles dahilan para mas lalo akong makaramdam ng hiya.

"Pwede bang ituro mo yung daan?" mukhang nakalayo na sya sa'kin.

pero kahit ganon hindi ako lumingon sakanya kundi umayos ako ng upo, at tumingin ng deretso sa daanan.

"sige"tipid kong sagot bago itinuro saknya ang daan.

NAGING TAHIMIK ang byahe namin, ayoko rin namang magsalita dahil first of all hindi ko naman kilala ang isang to!

"nandito na tayo"anunsyo ko bago agad tinanggal ang seatbelt.

Hinintay ko muna syang buksan ang pinto bago ako lumabas! Kasi alangan diba? hindi ko kayang lumabas ng sarado ang pinto.

napangiti ako nung makita ang aso kong agad na lumabas ng pinto.

"Aeshaaaa!" sigaw ko at agad ring tumakbo papalapit sakanya!

nagkasalubong kami kaya agad akong umupo at yumuko.

hinawakan ko ang katawan nya at agad sya doong hinimas himas habang kumukulit naman sya!

"Binantayan mo ba ang bahay? Ang galing naman ng baby ko!" dahil don ay mas lalo syang kumilit dahilan para matawa ako!

sya si aesha, isa syang pomeranian! matagal tagal na din sya sa'kin siguro simula nung naging tuta sya binigay na sya sa'kin.

"So this is where you live?" 

muntik ko nang di maalalang may kasama nga pala ako.

"Yup, Sakto to para sa'kin at kay julia" nakangiting sambit ko kahit hindi nya pa nakikita.

"and who's julia?"

bago pa man ako makasagot ay biglang bumukas ang pinto at niluwa doon si julia na may dalang walis.

Nabitawan nya ang mga yon nang makita ako.

"Mommy!" sigaw nya at agad tumakbo papalapit sa'kin. 

agad ko syang niyakap nung makalapit na sya sa'kin.

"Nagpakabait kaba huh?" tanong ko.

"Syempre naman po!" masigla nyang sabi.

bumitiw ako sa yakap at nilayo sya sakin, hinawakan ko ang pisnge nya.

"Napaka-good girl naman nitong baby ko!" sabi ko at muli syang niyakap!

Nakisalo ang aso namin na sige talon sa tabi namin.

"Mommy?"

"Yes baby?"

"Sino po sya?"

and for the second time hindi ko na namang naalalang may kasama pala ako.

"Ay" napakamot ako ng batok bago tumayo at iniharap sya.

Hindi katulad ng nauna seryoso syang nakatingin sa'kin, hindi mukhang galit pero merong kakaiba sa mga mata nya.

"Anong problema?" takang tanong ko.

tumalas ang tingin nya sa bahay, munit nung tumingin sya sa'kin ay walang mababakas na kahit anong emosyon.

Kinabahan ako. Teka, bakit nagkakaganito to?

" Ano sabing problema mo??" inis na tanong ko, napakapit ng mahigpit sa'kin ang anak ko dahil sa lalaking to.

"Iniiwan mo dito ang anak mo? Kasama 'yang asong yan?" nanliit pa nyang sabi.

"Oo, anong pake mo?" mataray na sabi ko.

"Woman, Alam mo bang pwedeng kidnapin yang anak mo dito?! And think of it! Walang magagawa yang aso mo!"

" Wala kang pake! Tsaka hindi mo ba nakita ang anak ko kanina? Handang handa sya!"

"pero kahit ganon, she can't fight for herself!"

"She can! Tinuruan ko sya ng mabuti!"

" Pano kapag hindi? Edi tutunganga ka sa gilid at magsisisi?! Mukha pa namang hindi napagkatitiwalaan ang mga kapitbahay nyo tapos magkakalayo-layo pa ang bahay ninyo!"

napatahimik ako sandali bago tignan ang anak kong nag aalalang tumingin sa'kin.

"Anak, pasok ka muna sa loob ha?" nakangiting sabi ko.

Nag aalngan man ay tumango sya at pumasok sa loob kasama si aesha.

tinignan ko muna silang pumasok bago bumuntong hininga at hinarap ang lalaking to.

"Ano bang pinaglalaban mo?" mahinahong tanong ko. "Una sa lahat ang sabi mo wala kang matutuluyan kaya eto ngayon, nasa bahay kita. Pangalawa dahil nga nandito ka sa teretoryo ko wala kang karapatang pagsabihan ako o sermunan man lang at ang pinaka pangatlo at mahalaga sa lahat, babae pa rin ako tinawag mo nga 'kong woman kanina hindi ba? You should respect me! At hindi yung pinagtataasan mo pa ko ng boses, tapos kung ano ano pang sinasabi mo dyan!"be palakas ng palakas ang boses ko dahil sa inis ko.

Wala akong pakelam kung sinong makarinig basta lang mailabas ko ang galit ko.

"Can you make yourself calm?" bigla ay para syang naging maamong tuta. "I know i'm wrong, this isn't my problem but please take care of her 'cause if she leave you or gone..  I don't want to see you crying.."nabakas ko ang pag-aalala sa mukha nya.

Hindi ko alam kung bakit kaylangan nyang mag aalala?.

"Sino kaba talaga?" usisa ko. "Hindi kita kilala pero bakit parang kilalang kilala mo'ko?" nanliit ang mata ko.  "Bakit parang kilala mo kung sino ako?"

ngayon parang napipi ang labi nya dahil agad syang umiwas ng tingin at hindi nagsalita.

"Mommy!" napalingon ako sa anak ko na nakadungaw pala sa bintana namin.

Ngumiti agad ako sakanya at kumaway.

Bago muling lumingon sa lalaki. "If i were you, don't mind other business." pagkasabing pagkasabi ko nun ay agad ko syang iniwang nakatulala doon.

Bago pa man ako pumasok ay buntong hininga muna ako bago ngumiti. Nakangiti kong binuksan ang pinto.

"Mama sino po yun?" tanong nya pagkapasok na pagkapasok ko.

Nakatitig lang sa'kin si julia habang hinihintay ang sagot kaya wala akong ibang nagawa kundi ang umupo para magkapantay kami.

"Hindi ko rin sya kilala anak"

"Bakit ka po nya hinatid kung di ka po nya kilala?" inosenteng tanong nya.

ngumiti ako bago ginulo ang buhok nya.

sa edad na lima hindi ko aakalaing mumulat sya sa sarili nya at matututong protektahan ang sarili nya sa sariling paraan. 

"I don't know him, pero pamilyar sya sa'kin.." 

totoo yon, hindi ko sya kilala pero parang nakita ko na sya noon.

"Baka deja Vu po yan"

" Anong deja vu?" takang tanong ko.

"nabasa ko po kasi sa libro yung salitang deja vu, yung pangyayari raw pong parang nangyari na"

ngumiti nalang ako bago ginulo ang buhok nya.

"Nakapagluto ba si manang bago umalis?" tanong ko.

Binuhat ko sya para mas mabilis kaming makarating sa kusina..

"Opo tsaka mama si auntie kei po pumunta dito at hinahanap ka po"

inilapag ko muna ang anak ko sa upuan bago umupo sa harapan nya.

Napasandal ako sa likod ng upuan dahil sa pagod. Ngumiti ako.

"Bakit nya kamo ako hinahanap?" tanong ko.

"Sabi nya daw po kasi kapag hindi daw po kayo nagbayad ng renta at tubig tapos po kuryente papalayasin nya daw po tayo dito" mahabang sabi nya.

napalunok ako.

Alam kong pumupunta lang dito si kei tuwing manininggil na sya, Mabait sya kahit papano pero twing talo sya sa sugal talagang nagwawala sya at sasabihin nyang kapag di pa daw nakabayad ay papalayasin raw.

Ilang beses na tong nangyari, at ilang beses na rin akong humingi ng palugid. Buti nalang talaga malakas ako sa anak nya dahil pinagbibigyan naman ako minsan.

napakamot ako sa noo ko. "Ako nang bahala don anak" hinawakan ko pa sya sa pisnge bago binuksan ang takip ng kaldero.

Nakapag handa na pala si manang ng kakainin namin ngayong gabihan.

Alam nya kasing gabi ako umuuwi, kaya sya nalang rin ang nagluluto para saamin. At tila hulog ng langit si manang dahil talagang lagi nya akong tinutulungan..

Masaya kaming nagsalo ng anak ko sa hapagkainan, Kahit kasi hindi katulad ng letson o mamantika ang ulam namin lagi ay masaya na agad sya.

lagi nyang sinasabi na hindi sya mamimili dahil alam nyang nahihirapan rin ako.

Sa edad nyang yan hindi ko alam na maintindihan nya rin pala ako.

"MAMA?"

"hmm?" yan nalang ang tanging naisagot ko habang nakahiga kami sa kama.

matutulog na kaming dalawa at dahil iisa lang ang kwarto at bata pa ang anak ko, tatabi nalang kami.

"Birthday ko na po next week"

napamulat ako dahil sa sinabi nya.

Oo nga pala, birthday next week ni julia tapos babayaran ko rin pala next week yung utang na ipinangako ko sa mga kapitbahay namin..

"Anong gusto mo sa birthday mo? Bawal wala ha" nakangiting sambit ko.

Tuwing sasapit ang birthday nya, lagi nyang sinasagot sa'kin noon na wala raw syang gusto kundi ang wag muna akong pumasok sa trabaho. Kaya kong gawin yon pero minsan na ring nakita ko syang nakatingin sa kapitbahay naming kaparehas ng birthday nya.

Lagi nyang sinasabing wala pero alam kong deep inside gusto nya ring maranasang i-celebrate ang kaarawan nya.

"Gusto ko pong pumunta sa mga malls mama, kahit po magdala po tayo ng pagkain okay lang. Basta po maglakad lakad po tayo palibot sa mall"

tumango nalang ako.

Hindi ko alam kung tulog na sya munit bumangon ako sa higaan namin, kinumutan ko muna sya bago tumayo.

Maliit lang ang kwarto namin, kasya lang ang isang single bed. Isang upuan at isang cabinet.

Pero may natitirang espasyo, medyo malaki rin.

Binuksan ko ang kabinet at kinuha ang notebook doon, agad umupo sa upuang nandoon. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang flashlight non.

hindi kami mahilig sa ilaw kapag natutulog kasi kami ay ayaw naming nakabukas ang ilaw kaya hindi na ko nag abalang lagyan ng ilaw dito.

binuklat ko ang notebook at ang bumungad agad sa'kin ay ang mga utang ko..

Medyo marami rin yun dahil dumating talaga ako sa point na kaylangan kong mangutang para may pagkain kami ng anak ko.

Bumaba ang tingin ko, Cinompute ko na pala to..

total: 100 thousand.

napalunok ako at napa hawak nalang sa noo ko.

Bigla akong nalula sa total ng babayaran ko.

saan naman ako kukuha ng one hundred thousand?!

authors note: sa mga nalilito, pov lang po ito ni miss shakira- mrs. shakira! Yung susunod na chapter po ang third point of view na hehe!


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C3
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk