Unduh Aplikasi
33.33% PINKY GANGSTERS / Chapter 7: CHAPTER 7 : Power

Bab 7: CHAPTER 7 : Power

Maricris' POV

It's so yucky here naman! Ang daming insects.

Shiz.

Katatapos lang ng klase ko and I planned na today gawin yung mission.

Inayos ko ang nakatutok kong rifle mula rito sa taas at tumingin sa scope para mas makita ang target. May kausap pa siya sa cellphone at parang wala pa atang balak lumabas.

Tsss, ilang minutes na akong naghihintay sa paglabas niya para maiputok ko na itong hawak kong baril. Nandito ako sa 8th floor nang katapat na building ng restaurant na kinakainan niya.

Nagrent pa talaga ako ng kwarto para lang magawa ang mission. I don't want to kill sa malapitan, dahil nga sa sniper ako gusto kong mas naeenhance ang skill ko sa pagbaril sa malayuan.

Iginalaw ko ang baril nang makitang humakbang na siya palabas. Hindi tulad ng mga nakaraan kong mga napatay ay laging may kasamang guards, but this man is different, wala siyang kasama at nag-iisa lang talaga, pero atleast this is easier compared before.

So easy.

Pinanliit ko ang aking mata at itinapat na sa target ang baril. Inihanda ko na ang pagpindot sa trigger nang makitang binuksan niya na ang pinto ng kotse.

Sorry, I just need to kill you.

"Sh*t!" Sigaw ko nang makitang nakailag siya.

Kailan ka pa pumalya Maricris!? Muli kong itinututok ang baril nang bigla akong napatingin sa pinto dahil may kumatok, ano ba 'yan! May papatayin pa ko eh!

Nagpalipat-lipat ang aking tingin sa pintuan at sa lalaking target ko.

I let out a sighed saka ibinababa ang baril sa aking gilid.

Wala na, next time nalang.

Tumayo ako at sumulyap pa ulit sa lalaki pero bumilis ang tibok ng aking puso na may animong karera ng mga kabayo rito nang mariin siyang nakatitig sa kinaroroonan ko.

Alam kong sobrang layo ko sa kanya at hindi niya ako makikita mula rito, p-pero bakit pakiramdam ko sa akin nakapako ang mga titig niya?

Hindi ko alam pero napatago na lang ako sa likod ng pader, at naglakad palapit sa pinto. Don't tell me, nakita niya ako? C'mon that's impossible! Sobrang layo ko.

Napatampal ako sa aking noo because of that insane idea, that's impossible!

Ugh! Pumalya ako sa pagbaril, for the first time!

F*ck!

Diana's POV

"Ms. O'Brien."

Napalingon ako sa tumawag sa akin habang umiinom sa hawak kong wine glass bago nagsalita.

"Here, kunin ninyo. Just like before, okay?"

Lumapit sa akin si Harris na isa sa mga assassins ko upang kunin ang puting envelop na aking iniaabot sa kanya. Nabawi na ng company ang nawalang pera, pera unknown pa rin kung sino at ano ang tinutukoy na other expenses nito. I bet to disagree na walang nangyayaring kahina-hinala sa company ko.

Pati mismo ang finance manager ay hindi makasagot at tila hirap ipaliwanag ang nangyayari. Kaya hindi ko muna ngayon maaasikaso ang mga utos ng DQM. I chose not to do it on my own, not because I can't do two things at the same time, but to take more time for those more important.

Pinaglaruan ko lang ang yelo sa loob ng wineglass habang mariin itong pinagmamasdan.

"Kill, then leave without any clue," paalala ko sa kanya.

"Yes, miss." Yuko nitong sagot.

Napataas naman ang kilay ko nang sumunod naman si Scott kasama si Stewart na tumatawang pumasok sa kwarto na apparently ay kabilang din sa mga assassins ng pamilya namin.

"You are both late."

"S-sorry po Miss ang mabagal kasi nitong si Mice eh! Paano kasi chicks nang chicks!" Kakamot kamot na paliwanag ni Scott.

"Hoy! G*go! Anong ako? E ikaw 'tong nakipagkwentuhan pa roon sa hindi naman kagandahang babae," batok naman sa kanya ni Stewart.

"Lahat nang pumapatol sa akin maganda dahil gwapo ako."

"Baliw!"

"Ehem," ismid ko para maramdaman nilang nandito ako sa kanilang harapan.

"Psh, will you please shut up?" Inis na bulong ni Harris dun sa dalawa para sawayin ang mga ito.

Hay, ang kulit talaga ng dalawa na 'to parang mga bata.

-Data-

Dark Pinky

Name: Harris Young

Age: 23

Skill: Assassin

Name: Scott Phillips

Age: 22

Skill: Assassin

Name: Stewart Campbell

Age: 23

Skill: Assassin

"Oo na, oo na..." suko sa kanya ni Scott saka humarap sa akin para magtanong. "Yown! Miss, may papatayin ba ulit kami?"

Naupo muna yung dalawa sa sofa bago ko inikot ang aking upuan para harapin silang tatlo, na magkakatabi na ngayon. Saka ko ipinatong ang dalawang siko sa counter table nitong mini bar sa loob ng secret room namin.

"Yes, and I want you to accomplish this as soon as possible."

"No prob! Kami bahala, patingin nga Harris kung sino 'yan?" Kinuha ni Stewart yung envelope at binuksan.

"Gemini Mary Ramirez," he read out loud.

"Chicks? Ano naman ginawa niyan sa DQM at pinapapatay?" Takhang tanong ni Scott.

Sobrang dalang kasing magpapatay ng mga babae ang DQM, unless may nagawa silang mali at below the rules ng mga Queens.

"How we should kill her?" Pormal na tanong ni Harris.

Kung si Scott ay makulit at pasaway, si Stewart ay matino pero dahil nahahawa kay Scott ay naloloko na rin. Si Harris ang pinakaseryoso sa tatlo, siya rin ang tumatayong leader ng mga assassins ko.

"It's up to you. Do what you want, basta malinis." I said, shrugging.

"Okay miss, balato na lang kapag maganda 'to?"

"Scott, matanda na 'yan." Sagot ko.

Napahalakhak bigla si Stewart gawa nang pagkakapahiya ni Scott sa nalaman. "Pati matanda pinapatos? Kawawang nilalang."

"You two, will you stop acting like a child in front of miss?" Mabilis na natahimik ang dalawa sa pagsaway muli sa kanila ni Harris sabay tayo upang umalis na.

"Aalis na po kami," pagtutuloy ni Harris na sa akin na ngayon nakatuon.

"Bye! Miss O'Brien."

"Sige, Miss."

Kaway nilang dalawa habang naglalakad palabas at nakasunod sa likod ni Harris. Nang mawala na sila sa aking paningin ay napailing nalang ako.

Mukha mang hindi matitino pero kapag trabaho, focus sila at maaasahan.

Maria's POV

*****

Let's move on to Wencie Smith. Ang planner ng grupo, the matured one pagdating sa pagkilos at paghahanda. Kung anong kinaikli nang pasensya ni Talline ay siyang kinahaba nito.

Mayaman ang pamilya niya at galing siya sa isang broken family. Ang dad niya simula bata pa lang ay hindi na nito nakita pa, samantalang ang mom nito ay hindi pa rin namin nakikita. Ang sabi kasi niya, hindi ito payag sa gusto niya kaya siya lumayo mula rito.

Then, ayun wala na akong ibang alam, dahil pagpersonal na bagay ay madalang siyang mag-open up sa amin.

Eloisa Taylor, ang may-ari nang pinakamalaki at pinakamayamang hospital dito sa bansa. Lumaki si Eloi na Lola niya lamang ang kasama, dahil namatay sa isang bomb explosion ang mga magulang nito kasama ang kuya at ate niya habang baby pa lang siya. 'Yun ang kwento, pero may kapatid pa ito na nasa ibang bansa, si Mia.

No wonder, kung bakit hinasa niya ang sarili sa mga bomba, defuse o pag-activate man nito na kahit nakapikit ata ay kayang-kaya niya na. Sa condo lang din siya ngayon tumutuloy, simula kasi nang mamatay ang lola niya dahil sa sakit na heart attack ay umalis na siya sa kanilang mansyon.

*****

"Anong gusto mong pagkain?" Tanong ko kay Kelly habang nanunuod ito ng T.V.

"Anything will do." Walang paglingon nitong sagot.

Nakabalik na kasi ako sa condo habang kasama siya, berat nga eh! Tama ba namang tutukan ako ng baril sa tagiliran at sabihing, 'kamusta?'

Nakakatouch na pagbati.

"Nakatanggap na kayo ng invitation?" Tanong niya.

Lumabas ako sa kusina na may dalang cookies at coffee, saka ipinatong ang mga ito sa babasaging table.

"Nah, wala pa. Bakit kayo ba?"

"Yeah, last night lang."

"Ow, maybe the day after tomorrow." Pormal kong ani habang patuloy sa pag-aayos ng mga pagkain sa lamesa. Malapit na nga rin pala ang Dark Queen's Party, kaya for sure hassle nanaman ito.

Kumagat ito sa cookie na hawak saka lumingon sa akin bago nagsalita. "Natapos mo na ba ang mission mo?"

Umiling ako bilang sagot. Wala pa kasi akong oras para patayin si Hill. Gusto ko munang matapos yung binabasa kong Hunger games, siguro after nalang.

"Ikaw ba?"

"Tsk! Nakakainis nga eh, papatayin ko pa lang tapos nabalitaan ko patay na."

I frowned, "Talaga? What happened?"

Ngumiti lang ito na halos pasmirk na.

"Yeah, medyo nagtaka nga ako dahil pinatay rin. Hindi ko nga lang alam kung sino ang may gawa."

"Do you have any suspect?"

"Actually, wala pa pero kailangan kong malaman, mahirap na kasi mamaya malaman pa ng DQM na may nakauna sa akin."

Tumango lang ako kay Kelly. Isang member ng Seuss group.

-Data-

Dark Seuss

Name: Kelly Meyer

Age: 25

Skill: Planner

*****

Analyn Custer, isang simple at pinakatahimik na miyembro namin. Hindi tulad ko, may Dad si Ana pero walang kaalam-alam ang Dad niya sa mga ginagawa nito about Mafia..

Laging out of town ang Dad niya for some sort of businesses. Hindi rin nito alam na ang pumatay sa Mom ni Ana ay ang DQM, nang mabaril ito na ikinasanhi ng pagkamatay ay hindi na sumubok pa ang Dad ni Ana, na alamin ang nangyari, dahil sa takot na balikan ang anak niyang si Ana.

But... Ana was a tough one. Medyo makulit nag-investigate, nagresearch then nalaman niya ang motibo at plano ng DQM. Kabilang pala ang kanyang ina nung kabataan pa nito, pero umalis sa grupo dahil sa Dad niya.

So all this time, clueless ang dad niya sa lahat kaya todo protekta si Ana rito.

Ana was a fine arts designer. Graduated sa Paris for 4 years at marami na rin siyang nadesign na bahay nang mga sikat at dominanteng mga tao sa iba't ibang parte ng mundo.

Pero simula nang naging mga matatanda na kami, nagsimula na ang pagsakop nang DQM sa mga sarili naming buhay at medyo naiwan na ang mga profession namin.

*****

----------

NEXT CHAPTER: INVITATION


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C7
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk